63K POSISYON SA DEPED, BAKANTE

deped

(NI BERNARD TAGUINOD)

TAMBAK na ang posisyon sa Department of Education (DepEd) na ayaw lagyan ng tao ng ahensya kaya lalong nahihirapan ang public school teachers dahil gumagawa ang mga ito ng ibang trabaho bukod sa pagtuturo.

Ito ang reklamo ni ACT party-list Rep. France Castro matapos matuklasan na umaabot na sa 63,035 ang plantilla position sa DepEd ang hindi nilalagyan ng mga tao.

Sa nasabing bilang, 12,206 dito ay para sa  non-teaching positions, 41,510 para sa teaching positions at 9,319 ay para naman sa teaching related positions, subalit hindi kumukuha ang ahensya ng mga tao para dito.

“The number of unfilled positions in the Department of Education means that teachers have double the work to be able to meet the targets set by the education agency and provide quality education to our youth,” ani Castro.

Sinabi ng mambabatas na dahil ayaw maglagay ng mga tao ang DepEd sa 12,206  non-teaching position ay napipilitan ang mga guro ang gawin ang clerical work at iba pang trabaho.

“Education support personnel have vital roles on the quality of education for our youth. ESPs comprises a wide range of professional, administrative, technical, and general staff working within the education sector such as teaching assistants, school nurses and guidance counselors, janitors, and security guards, among others,” ani Castro.

“Without them, teachers are forced to become teacher-nurses, teacher-janitors, teacher-clerks, teacher-librarians, teacher-property custodian, teacher-guards, among other tasks,” dagdag pa nito.

Dahil dito, huwag na aniyang magtaka kung bakit apektado ang kalidad ng edukasyon sa bansa dahil ang mga tinatambakan ng trabaho ang mga public school teachers na hindi naman sila ang dapat gumawa.

Hindi sinabi ng mambabatas kung magkno ang savings ng DepEd sa hindi pagkuha ng mga tao para sa mga nabanggit na posisyon subalit ipinaalala nito sa ahensya na mas mahalaga ang kalidad ng edukasyon kesa sa matitipid na pondo.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGPAPASARA SA 55 SCHOOL SA DAVAO, PINAGTIBAY NG DEPED

deped44

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–Pinagtibay ngayon ng Department of Education (DepEd)-11 na may sapat na basehan ang pagpapasara sa 55 mga paaralan sa Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (STTICLCI), na nag-operate sa mga malalayong lugar sa lungsod at sa ibang rehiyon ng Mindanao.

Unang sinabi ni Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11, na kasali sa mga naging rason ang imbestigasyon kung saan napag-alaman na nagsumbong ang ilan sa mga mag-aaral na naging guro nila ang isang full time member ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Atillo, ilan sa mga naging paglabag ng mga paaralan sa Salugpungan ay ang hindi pagsunod sa hinihingi ng DepEd na rekisitos, ginamit umano ang mga bata sa mga rally na walang permiso sa mga magulang, dir in pumasa ang mga guro sa Licensure Examination for Teachers (LET), at pumasok sa mga ancestral domain na walang pahintulot ang mga Lumad at marami pang iba.

Dagdag ni Atillo na nagtuturo rin ang Salugpungan ng mga idolohiya na labag sa gobyerno.

Samantala, ipinangako naman ni Atillo na hindi makaka-apekto sa mga mag-aaral ang pagpapasara sa mga naturang paaralan dahil handa nilang sagipin ang mga paaralan ng DepEd na malapit sa lugar.

Sinabi nito na sa Davao Region ay mayroong 33 na paaralan ang DepEd na malapit sa Salugpungan.
“We continue to remind and encourage the parents to enroll their child to DepEd schools. We assure you that we will accept them with or without credentials,” aniya.

 

Please follow and like us:
Read More

REGINE, NAKARANAS NG DISCRIMINATION SA SHOE STORES SA NEW YORK

SA kanyang recent vlog, ikinuwento ni Regine Velasquez ang discrimination na naranasan niya sa habang namimili sa isang Louis Vuitton store sa New York City.

“When I got there, nakita ko na (yung shoes), nandun sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin wala akong size… Sinabi talaga. Sabi ko, ‘Can I at least try them on?’ Sabi ng guy, ‘Uh, no.’ Na-discriminate agad ang lola niyo, so na-depress ako ng very, very light.” Lumipat siya sa Neiman Marcus store, at ganun din ang trato sa kanya. Kaya bumili siya ng maraming shoes.

“Nung marami na ‘kong bitbit, pinapasok ako sa loob ng Louis Vuitton at nabili ko siya. ‘Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito,” kuwento niya.

Please follow and like us:
Read More

7 PMA CADET KINASUHAN NG MURDER SA DORMITORIO HAZING

PITONG kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang kinasuhan ng murder, hazing sa pagkamatay ni cadet Darwin Dormitorio.

Isinampa ng pamilya Dormitorio ang kaso kay Baguio City Prosecutor Erwin Sagsago, nitong Martes.

Kabilang sa kinasuhan sina PMA Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena and Rey David John Volante, Cadet 2nd Class Christian Zacarias, at Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao.

Kasama ring kinasuhan sina tactical officers Maj. Rex Bolo and Capt. Jeffrey Batistiana, at mga doctor na sina Col. Cesar Candelaria, Capt. Apple Apostol at Maj. Ofelia Beloy.

Pinagpaplanuhan din ng pamilya Dormitorio kung isasama sina dating commandant of cadets Brig. Gen. Bartolome Bacarro sa kakasuhan pa.

Si Dormitorio, 20, ay namatay noong Setyembre 18 matapos ang pagpapahirap ng kanyang upperclassmen.

Dalawang beses itong naospital bago namatay dahil sa hazing.

Please follow and like us:
Read More

TAAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG OKTUBRE 

meralco12

(NI MAC CABREROS)

NAPUTOL ang limang buwan na bawas singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) dahil makararanas ng bahagyang pagtataas ngayong Oktubre.

Ayon Meralco, madaragdagan ng P0.0448 kada kilowatthour ang bill ng kanilang kostumer o P9 sa kumukonsumo ng 200kWh kada buwan.

Bagama’t ganito, binanggit ng Meralco na tinatamasa pa rin ng kanilang customer ang P1.47 kada kWh na bawas sa bill na ipinatupad sa nagdaang limang buwan.

Tinukoy ng Meralco na umakyat sa P9.0862 kada kWh ang rate ngayong buwan kumpara sa P9.0414 noong Setyembre.

Bunsod ito ng pagsirit sa P P4.5406 kada kWh o dagdag na P0.0215 kada kWh ang generatin charge na naiposte sa P4.5406 kada kWh noong nakaraang buwan.

“The increase is due to a smaller Net Settlement Surplus (NSS) refund for October from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM).  WESM charges decreased by P0.5290 per kWh driven by an improved power supply situation in the Luzon grid as there were fewer power plants on outage during the supply month,” pahayag Meralco.

Nabatid na nasa 17 porsyento ng supply ng Meralco ay kinukuha sa WESM.

Binanggit pa Meralco na nakadagdag sa pagtaas sa bill ang P0.0249 kada kWh na transmission charge.

Idinagdag ng Meralco na nakatulong para mabawasan ng P0.1412 kada kWh ang presyo ng mga Independent Power Producers ang paglakas ng piso sa palitan sa dolyar.

 

Please follow and like us:
Read More

4 GINTO TARGET NG BILLIARDS TEAM

(NI JEAN MALANUM)

KAYANG manalo ng apat na gintong medalya ang national billiards team sa 30th SEA Games na gagawin sa Manila Hotel Tent City mula Disyembre 3-10.

Ayon kay Billiards and Snookers Congress of the Philippines secretary general Robert Mananquil, mataas ang morale ng mga atleta at handa silang lampasan ang dalawang ginto, isang silver at dalawang bronze medals na napanalunan nila sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017.

Sinabi ni Mananquil na malalim ang kanilang bench na pinangungunahan nina world no. 3 Rubilen Amit, world No. 4 Carlo Biado, Dennis Orcollo, Johann Chua, Jeffrey Ignacio, Warren Kiamco, Chezka Centeno, Iris Rañola at Floriza Andal.

Kung pagbabatayan ang kanilang line-up, kayang-kaya na manalo ng apat na ginto mula sa 9-ball at 10-ball events sa men’s at women’s categories.

“That’s four gold medals already,” ani Mananquil na miyembro ng Philippine Olympic Committee board.

“We still have 9-ball and 10-ball doubles where we also have fighting chances. Of course, I can’t promise that we would also win the gold there, but if luck rolls our way, we might sweep all pool events and win six out of the 10 gold medals at stake,” dagdag niya.

Lalahok sa snookers sina Alvin Barbero, Michael Angelo Mengorio, Jeffrey Roda at Basil Al-Shajjar samantalang sina Benjie Guevarra at Luis Saberdo ang isasabak sa English Billiards.

Maglalaro rin si Efren “Bata” Reyes kasama si Francisco Dela Cruz sa carom event.

“What we have is a very stacked and solid lineup,” sabi ni Mananquil na nagsabi rin na mahihirapan ang mga Pinoy sa English Billiards at carom events.

“The Malaysians and the Singaporeans, being former British colonies, are expected to dominate English Billiards while carom is the pet event of the Vietnamese. Despite that, we will still go all out and take advantage of our homecourt edge,” paliwanag ni Mananquil.

Ikinatuwa naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang naging pahayag ni Mananquil.

“It’s difficult to predict outcomes, but with proper scouting, sports associations could somehow see their targets well. The PSC is also supportive of billiards as it is with all sports,” sabi ni Ramirez.

Binanggit ni Mananquil na malaki ang tulong na binibigay ng PSC sa paghahanda ng national team.

Si Amit at ang ibang mga players ay kasalukuyang nagsasanay sa ibang bansa samantalang ang snooker team ay nakatakdang lumipad patungong Turkey sa katapusan ng buwang kasalukuyan para sumali sa World Snookers Championship.

“We want to thank PSC chairman Ramirez for his all-out support,” sabi ni Mananquil. ” The PSC approved all our requests for foreign training and exposure that serve as good preparation for our athletes. In return, we would give everything that we can and win as many medals as possible.”

Please follow and like us:
Read More

MET MAGBUBUKAS SA 2020

(NI DAHLIA S. ANIN)

INIANUNSIYO ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na muli nang mabubuksan sa publiko ang Manila Metropolitan Theater sa Maynila.

Ininspeksyon ng ahensya ang MET theater, kasama sina Manila Mayor Isko Moreno at National Commission for Culture and Arts (NCCA) Chair at National Artist for Literature Virgilio Almario.

Sa susunod na taon ay plano nang buksan ang magkabilang wing ng teatro at sa 2021 ay bubuksan sa publiko ang buong makabagong Metropolitan Theater Complex.

Sa Pebrero ang target ng NHCP dahil ito ang Arts Month at Heritage Month naman sa Mayo kung saan magkakaroon ng malalaking kaganapan sa okasyong ito, ayon kay NHCP Chairman Rene Escalante.

Natagalan umano ang restorasyon ng teatro dahil sa sinusunod na conservation plan ng naturang gusali.

Ayon pa kay Escalante, mayroong artwork sa loob na kailangang pag-aralan mula sa naging restorasyon nito noong 1978 matapos na masira noong ikawalang digmaang pandaigdig.

Susundin din ang orihinal na disenyo ng teatro nang buksan ito taong 1931.

Planong ibalik ng NCCA ang Sarswela na siyang unang ipalalabas sa pagbukas nito upang makita ng mga kabataan ngayon ang kultura at sining noong unang panahon.

Isinara ang MET theater noong 2015 matapos itong mabili ng P270 milyon ng NCCA sa GSIS upang isailalim sa rehabilitasyon.

Please follow and like us:
Read More

PALAY NG MAGSASAKA SINIMULAN NANG BILHIN NG NFA         

(NI PAOLO SANTOS)

PARA maabot ang target na suplay na bigas sa bansa sinimulan ng National Food Authority ( NFA) na bilhin ang mga inaning palay ng mga local farmers sa buong bansa upang matugunan ang target na 14.6 million bag na bigas ngayong 2019.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, noon pang isang buwan sinimulang bilhin ng ahensiya ang mga inaning palay ng mga local farmers.

Sinabi pa nito na noong Setyembre lamang ay nakabili na ang  NFA ng 621,430 bags ng  palay na karamihan ay mula sa mga magsasaka ng Western Visayas at ilang lugar sa Luzon.

Naniniwala si Dansal na naabot na ang 46 percent na target ngayon taon subalit umaasa pa rin ito na maabot ang target na 100 percent.

Ang NFA’s buying price ng palay ay umaabot  na ngayon sa P19 per kilo mula sa dating P17.00 per kilo  para sa malinis at tuyong palay. Bumibili rin ang NFA ng hanggang may 30 percent na basa na palay gayundin ang mga palay na  may lower classification.

Sa ngayon, ang NFA ay nagsasagawa ng training para sa grains classifiers at special disbursing officers para sa pagbili ng  palay.

Kumpiyansa ang NFA na maaabot nito ang target na suplay na bigas ngayong taon.

 

Please follow and like us:
Read More

5TH STRAIGHT WIN, IKOKONEKTA NG TNT

MGA LARO NGAYON:

(CUNETA ASTRODOME)

4:30 P.M. — NORTHPORT VS TNT

7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS PHOENIX

(NI JJ TORRES)

DEPENSA ang magiging pangunahing focus ng TNT KaTropa sa kanilang tangka na makuha ang ikalimang sunod na panalo ngayong hapon kontra NorthPort Batang Pier sa PBA Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome.

Itataya ng KaTropa ang kanilang unbeaten record sa laro na magsisimula ng alas-4:30 ng hapon, ngunit aminado sila na hindi lang puro opensa ang kailangan nilang atupagin.

Kahit tinalo nila ang Phoenix Pulse Fuel Masters at Columbian Dyip sa huling dalawang laro ay hindi pa rin kontento sina coach Bong Ravena at consultant Mark Dickel sa kanilang nilalaro.

Nanaig ang TNT laban sa Phoenix, 123-118, noong Oktubre 2 sa Smart Araneta Coliseum bago makalusot sa Columbian, 125-120 nitong Sabado sa Ynares Center, Antipolo City.

Ang import na si KJ McDaniels at ang locals na sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario at Don Trollano ay target na ma-improve ang performance ng KaTropa laban ang nahihingalong Batang Pier na may record na 1-3.

Gusto ring baguhin ng Phoenix at Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang mga record sa second game sa alas-7:00 ng gabi.

Halos nasa ibaba na ng standings ang Fuel Masters sa kartadang 1-4 habang ang Elasto Painters ay may record namang 1-3.

Dalawang sunod na talo ang pinatikim sa Phoenix ng TNT at Meralco Bolts (111-94) noong Linggo, at aminado si coach Louie Alas na kailangan na ng sense of urgency para mapanatili ang kanilang playoff chances.

Ang Rain or Shine naman ay tinalo ng defending champion Magnolia Hotshots Pambansang Manok noong Biyernes 69-68 sa Mall of Asia Arena.

Please follow and like us:
Read More