5TH STRAIGHT WIN, IKOKONEKTA NG TNT

MGA LARO NGAYON: (CUNETA ASTRODOME) 4:30 P.M. — NORTHPORT VS TNT 7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS PHOENIX (NI JJ TORRES) DEPENSA ang magiging pangunahing focus ng TNT KaTropa sa kanilang tangka na makuha ang ikalimang sunod na panalo ngayong hapon kontra NorthPort Batang Pier sa PBA Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome. Itataya ng KaTropa ang kanilang unbeaten record sa laro na magsisimula ng alas-4:30 ng hapon, ngunit aminado sila na hindi lang puro opensa ang kailangan nilang atupagin. Kahit tinalo nila ang Phoenix Pulse Fuel Masters at Columbian…

Read More

OPERASYON NG BLACK SAND MINING HAHARANGIN

black sand55

(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG ni opposition Senator Leila de Lima ang panukalang nagbabawal sa black sand mining operations sa bansa dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan at kalusugan ng mga residenteng naninirahan malaria dito. Sinabi ni De Lima, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, at may-akda ng  Senate Bill (SB) No. 1075 na humihiling na patawan ng mabigat na parusa at multa ang  sinumang sangkot sa black sand mining sa mga coastal areas ng bansa. “Sad to say, notwithstanding the alarming adverse effect of exploration…

Read More

KAPALIT NI ALBAYALDE SINASALA NA NG PANGULO

bong go55

(NI NOEL ABUEL) MALAKING hamon sa susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) bilang kapalit ni PNP chief Police Director Oscar Albayalde na magreretiro sa susunod na buwan na maibangon ang imahe ng Pambansang Pulisya. Dahil dito, sinasala na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng kapalit ni Albayalde para punan ang iniwan nitong gusot sa hanay ng PNP. Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence Go kung saan tinitimbang nang mabuti aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sinu-sino sa mga umuugong na kapalit ni Albayalde ang magpapatuloy sa…

Read More

SUPER BAGYONG HABAGAT ‘DI DADAAN SA PINAS

(NI KIKO CUETO) PATATAWARIN ng super bagyo na Habagat ang Pilipinas at hindi ito ang hahagupitin ng lakas nito, ayon sa PAGASA. Sinabi ng PAGASA na mahina ang posibilidad nang pumasok sa Philippine area of Responsibility (PAR), ang naturang super bagyo. Ang naturang weather disturbance, na ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), ay super typhoon, ay papunta sa direksyon ng Japan, kayat hindi ito babayo sa Pilipinas. Kasalukuyan nitong tinatahak ang northwestern Pacific Ocean at huling namataan 2,020 kilometers east ng northern Luzon, ayon kay weather specialist Meno Mendoza.…

Read More

MAJA, BEST ACTRESS SA BUSAN, SOUTH KOREA

PANALO ang Kapamilya actress na si Maja Salvador bilang best actress sa katatapos lang na Asian Contents Awards 2019 na ginawa sa Busan, South Korea. Nanalo siya sa kanyang pagganap bilang Lily Cruz at Ivy Aguas sa teleseryeng “Wildflower.” “It was an honor to be trusted with this role by our network, ABS-CBN, and the whole team of Wildflower. I share this recognition to all of my brilliant colleagues in the show, most especially to the veteran genius, Mr. Tirso Cruz III,” sabi ng aktres sa kanyang acceptance speech. Nakalaban…

Read More

BOC-NAIA HUMATAW VS ILLEGAL DRUGS

BOC-NAIA VS ILLEGAL DRUGS

Mahigit P100-M halaga ng iba’t ibang illegal drugs nasabat (Ni JOEL O. AMONGO) Aabot  sa mahigit P100 milyong halaga  ng iba’t ibang klaseng ilegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula Setyembre hanggang ngayong buwan ng Oktubre. Sa report, lumitaw na noong nakaraang buwan, nakasabat ang   Customs NAIA  ng P35.1 milyong ha­laga ng shabu mula sa isang pasahero sa tulong na rin ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang physical examination gamit ang dog sniffing. Nakuha…

Read More

TRAINING VS TERRORISM AT ILLEGAL DRUGS IKINASA NG BOC-PORT OF CEBU

PORT OF CEBU TRAINING

Sa layuning labanan ang problema ng terorismo at ilegal na droga, pina­ngunahan ng Bureau of Customs Port of Cebu ang Strategic Trade and Export Control Training ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC)-World Customs Organization (WCO) Container Control Programme (CCP) nitong nagdaang Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. Bahagi ito ng panimulang implementasyon sa pangakong labanan ang malaking problema ng mundo laban sa ilegal na droga gayundin ang terorismo. Ang UNODC-WCO Container Control Programme ay patuloy na nagbibigay ng technical assistance at  training sa frontliners upang aksyunan at  labanan…

Read More

BOC REVENUE COLLECTION TATAAS PA DAHIL SA ITINATAG NA PCAG   

BOC-REVENUE

Inaasahang lalo pang tataas ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) makaraang maitatag ang Post Clearance Audit Group (PCAG). Sa isinagawang institutional transformation effort ng BOC alinsunod  na rin sa Customs Administrative Order (CAO) No. 01-2019, ang Post Clearance Audit (PCA) functions ng Customs ay opisyal nang itinatag sa ilalim ng PCAG. Nasa ilalim ng pamumuno ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla ang PCAG. Sinabi ni Maronilla, layunin ng PCA na pataasin ang ‘trade facilitation, encouraging voluntary disclosures and protecting government revenue through compliance audits of imported goods.’ Bukod…

Read More

INDONESIAN HULI SA P54-M SHABU

INDONESIAN DRUG MULE-2

Naaresto ng pinagsa­nib na puwersa ng Bureau of Customs-Anti-Ile­gal Drugs Task Force, X-ray Unit, Office of the Collector at CIIS ang isang Indonesian nang tangkain nitong ipuslit ang  mahigit kumulang sa walong kilong shabu na may street value na P54 milyon ka­makalawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Kinilala ni NAIA-Customs district collector Carmelita Talusan ang  dayuhan na si  Agnes  Alexandra, mula sa Seam Reap, Cambodia sakay ng Cebu Pacific Flight 5K 528, dakong alas 2:00 ng madaling araw. Nalaman na ang luggage ni Alexandra ay minarkahan na…

Read More