SENATE REPORT GAGAMITIN VS NINJA COPS

doj44

(NI HARVEY PEREZ) GAGAMITIN umano ng Department of Justice(DOJ) ang Senate Blue Ribbon Committee report kaugnay sa isinasagawang reinvestigation sa kaso ng 13 Ninja cops. Ayon  kay Justice Secretary Menardo Guevarra, anumang ebidensiya na iprinisinta sa pagdinig na isinagawa ng komite ni Senator Richard Gordon ay maaring magamit sa reinvestigation ng kaso ng ninja cops. “I’m sure senator Gordon’s committee will furnish the DOJ a copy of its report. This report will surely be useful in the reinvestigation of the alleged drug recycling/ninja cops case currently being conducted by the…

Read More

ALBAYALDE GUILTY SA GRAFT, DRUGS NG NINJA COPS – GORDON

gordon12

(NI NOEL ABUEL) PINAKAKASUHAN ni Senador Richard Gordon ng kasong kriminal at administratibo si Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde hinggil sa kontrobersyal na ninja cops issue o mga pulis na nagre-recycle ng ilegal na droga mula sa mga operasyon. Sa inilabas na draft committee ni Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon, inirekomenda ng komite na makasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Albayalde. Ito’y dahil umano sa nangyaring iregularidad sa police anti-drug operation noong Nobyembre 2013…

Read More

DISASTER DEPARTMENT KAILANGAN NA — SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG-kailangan na umano ang Disaster Department sa gitna ng nararanasang kalamidad sa bansa tulad ng 6.3 magnitude lindol sa Mindanao na ikinamatay ng lima katao, kasama na ang tatlong bata at pagkasira ng mga ari-arian. Ito ang pahayag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas kung saan umaasa ito na bago matapos ang taon ay maisasabatas na sa Mababang Kapulungan ang Department of Disaster Resilience (DDR). “We will work double time to pass into law the DReAM Act (DDR),” ani Vargas na isa sa mga may akda sa…

Read More

IMPORTED NA BIGAS BUMABAHA SA BODEGA

rice

(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN si Senador Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang itigil ang rice importation sa bansa bunsod ng dinaranas na matinding dagok sa mga mahihirap na magsasaka. Ang apela nito ay matapos madiskubre sa budget hearing ng Department of Agriculture (DA) na nakaimbak ngayon sa mga warehouse ng rice traders ang sangkatutak na imported rice na binili sa ilang rice-producing countries sa Asya. Base sa datos ng DA, ang top 5 na bansang suppliers at nag-i-import ng bigas sa Pilipinas ay sa Thailand, Vietnam, India, China…

Read More

KASO SA BUTUAN VICE MAYOR KILLING HILING MAILIPAT SA DOJ

(NI RENE CRISOSTOMO) MISMONG abogado ng pamilya ng pinatay na  Batuan Vice Mayor Charlie Yuson III ang humiling na mailipat sa Department of Justice (DoJ) , ang preliminary investigation  laban sa  mga kinasuhan  suspek , sa Sampaloc,Manila. Ayon kay Atty. Edward Marcaida, sa ginanap na press conference, hiniling ng kampo ni Yuson na ang DOJ  ang humawak ng kaso sa halip na kay Manila City Asst. Prosecutor Jovencio Senados. Pinag-aaralan din umano ng kampo ni Yuson na kasuhan si  Senados matapos nitong ‘i-refer for further investigation ‘, ang kaso. Samantala, nanawagan naman si Lalaine…

Read More

40 ISKUL APEKTADO SA 6.5 MAGNITUDE QUAKE SA N. COTABATO

deped25

(NI KEVIN COLLANTES) NASA 40 paaralan ang naapektuhan at napinsala ng 6.3-magnitude na lindol na tumama sa North Cotabato nitong Oktubre 16, batay sa ulat ng Department of Education (DepEd). Sa situation report na inilabas ng DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), nabatid na ang lalawigan ng Sarangani ang may pinakamaraming bilang ng naapektuhang paaralan na umabot sa 17, kasunod ang Cotabato City na mayroon namang 11 paaralan na nasira. Nasa apat naman ang paaralan na napinsala sa Koronadal City, tatlo sa Kidapawan City, dalawa sa Digos City, at…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA MULI

angatdam12

(NI DAHLIA S. ANIN) PATULOY sa pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam, kaya namimintong magpatupad na naman ng water service interruptions sa Metro Manila, ayon sa Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS). Mula 191 meters noong Setyembre ay bumaba na naman ito sa 187.28 meters, ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr. Sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig ay ibinaba sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila na dati ay nasa 46 cubic meters per…

Read More

OFWs NA MAY HIV PATULOY SA PAGDAMI

ofw

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  panay ang paalala ng gobyerno at iba pang organisasyon sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na mag-ingat, hindi pa rin napipigilan ang pagdami ng mga nagkakaroon ng human immunodeficiency virus (HIV) sa kanilang hanay. Ito ang nabatid sa ACTS-OFW matapos tumaas ng 12% ang nagkaroon ng HIV sa unang anim na buwan ng 2019 o mula Enero hanggang Hunyo matapos umabot ito sa 505 mula sa 451 na naitala sa kaparehong panahon noong 2018. “The cumulative number of OFWs found living with HIV as of June has reached 6,760…

Read More

DASMARINAS, CAVITE APEKTADO NA RIN NG ASF

(NI ROSS CORTEZ) ISANG araw matapos kumalat ang balitang may 31 baboy na hinihinalang namatay sa african swine fever, naglatag ng hindi bababa sa walong quarantine checkpoint ang lokal na pamahalaan ng Dasmariñas, Cavite sa mga partikular na entry at exit point sa lungsod, mula alas-6 ng umaga hanggang alas- 6:00 ng gabi. Ayon kay PSSG Efren Recare, ng Dasmariñas Component Police Station, may instruction na sitahin ang mga closed van na may kargang mga karne ng baboy. Katuwang nila sa nasabing quarantine checkpoint ang mga kawani ng Regional Agriculture…

Read More