DAHIL SA PATULOY NA KILOS-PROTESTA SA LEBANON PINOY PINAG-IINGAT

LEBANON PROTEST

(Ni ROSE G.PULGAR)

Dahil sa mga nagaganap na kilos-protesta, inalarma ng embahada ng Filipinas sa Lebanon ang mga Pinoy roon na pag-ibayuhin ang pag-iingat at huwag lumabas ng kanilang tinitirhan.

“Sa mga kababayang Filipino sa Lebanon, mag-ingat po tayo sa ating mga lakarin at gawain,” ayon ito  Philippine  sa Philippine Embassy sa Lebano, nang i-post nila ito kahapon (Sabado) ng umaga sa kanilang official facebook page.

“Para sa ating kaligtasan at mabuting kapakanan, umiwas sa mga lugar na maraming tao, may kilos-protesta, pagsusunog ng gulong at katulad na gawa. Kung walang importanteng dahilan, mas mabuting manatili sa bahay,” ayon pa sa embahada.

Sa mga nangangailangan ng emergency assistance sa Lebanon, maaari aniyang tumawag sa numerong ito 03859430.

Tinatayang nasa 10,000 bilang ng mga protesters ang nag-martsa nitong Biyernes para hilingin na tanggalin ang mga leader na naging sanhi nang pagbagsak ng kanilang ekonomiya.

Kung saan nagpakawala ng teargas ang mga police sa Beirut  kontra sa mga protesters.

Nanawagan ang Saudi Arabia sa kanilang mga mamamayan na huwag bumiyahe ng Lebanon.

Simula noong 2015, nasa 27,812 bilang ng mga Pinoy ang nakabase sa Labanon, ayon ito sa record ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Please follow and like us:
Read More

MAGNOLIA, GINEBRA DIDIKIT SA MERALCO

MAGNOLIA-GINEBRA

(Ni JJ TORRES)

MGA LARO BUKAS:

(SMART ARANETA COLISEUM)

4:30 P.M. — SAN MIGUEL VS COLUMBIAN

6:45 P.M. — GINEBRA VS MAGNOLIA

HINDI pa rin sigurado kung makalalaro na ang import na si Romeo Travis sa paghaharap bukas ng gabi ng Manila Clasico rivals Magnolia at Barangay Ginebra San Miguel sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Malalaman pa lang kung maaari nang sumalang si Travis sa alas-6:45 ng gabing laro ng Hotshots, matapos madale ng right ankle injury. Sa huling laro laban sa Blackwater Elite kung saan natalo ang Hotshots ay hindi nakalaro si Travis.

Importante para sa parehong koponan ang laban para makalapit sila sa Meralco Bolts sa karera para sa No. 4 spot sa team standings.

May record na 3-3 ang Magnolia habang ang Ginebra ay may kartadang 2-2. May hawak na 4-2 slate ang Meralco.

Samantala, sisimulan ni Mo Tautuaa ang kanyang stint sa San Miguel sa alas-4:30 ng hapon laban sa Columbian Dyip.

Si Tautuaa ay kinuha ng Beermen kapalit ni Fil-German Christian Standhardinger.

Target ng San Miguel na tablahan ang NLEX Road Warriors sa second spot at makabawi rin sa 129-124 talo nila last week sa Ginebra.

Samantala, nakuha ng TNT KaTropa si Mike DiGregorio mula Blackwater sa isang trade na inaprubahan agad ng liga.

Kapalit ni DiGregorio ay ang guard na si Brian Heruela, na babalik sa team na una niyang nilaruan sa liga.

Please follow and like us:
Read More

P200-M PINSALA NG MAGNITUDE 6.3 NA LINDOL

lindol

(Ni DONDON DINOY)

DAVAO DEL SUR—-MATAPOS magdeklara ng state of calamity ang mga lokal na gobyerno sa bayan ng Magsaysay at Matanao, Davao del Sur, napag-alaman na maraming paaralan at kabahayan ang napinsala sa magnitude 6.3 na lindol na tumama noong Miyerkules ng gabi.

Sa bayan ng Magsaysay, aabot na sa P200-milyon ang pinsala ng lindol habang nasa 2,021 pamilya na ang apektado at patuloy na binibigyan ng pagkain ng lokal na gobyerno.

Ayon kay Anthony Allada, tagapagsalita ng lokal na gobyerno, nasa 395 kabahayan na ang totally damaged, 1,144 ang partially damaged, 482 ang lightly damaged at nasa 255 pamilya ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers.

Isa sa mga paaralan na nasira ang San Isidro National High School matapos mabitak ang mga pader at kisame kahit isang buwan pa lang na naturn-over ngunit ngayon ay sasailalim na sa repair.

Sa karatig bayan ng Bansalan, Davao del Sur, 18 bahay ang nasira sa lindol pati na rin ang Marber National High School.

Isa sa mga biktimang si Rose Inas, ang swerteng nakaligtas sa kalamidad ngunit nanatili ang takot matapos ma-trap sila ng kanyang anak sa loob ng bahay.

Nasugatan din ito sa ulo pati ang kanyang tatlong buwang sanggol ng mabagsakan ng gamit sa bahay na apat na buwan pa lang na naitayo.

Isa lamang si Inas sa 10 pamilya mula sa Sitio Sta. Cruz, Brgy. New Clarin sa Bansalan, nakatira ngayon sa gitna ng palayan dahil takot na silang bumalik sa tahanan dahil sa patuloy na mga aftershocks.

Nagiba din ang kanilang kapilya ng San Antonio de Padua, matapos mahulog ang kisama at nagkabitak ang mga pader.

Sa bayan ng Matanao, Davao del Sur, tatlong silid aralan na lang ng dalawang palapag na national high school ang magagamit dahil sa maraming bitak na nakita sa second floor.

Sa lungsod ng Digos, nanatiling, naka-kordon ang Cor Jesu College (CJC) na dating paaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil delikado na ang mga istruktura na may maraming bitak sa mga pader sa loob nito.

Nababahala na rin na mawalan ng trabaho ang ilang mga kawani ng iba’t ibang mall sa lungsod matapos ipasara muna ng lokal na gobyerno dahil sa pinsala ng lindol.

Please follow and like us:
Read More

DSWD-11 AAYUDA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

dswd1

(Ni DONDON DINOY)

DAVAO CITY – NAGHAHANDA na ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)-11 upang tumulong sa mga lokal na gobyerno lalo na ang mga grabeng naapektuhan ng lindol na tumama sa iba’t ibang parte sa Mindanao kung saan pinakaapektado ang probinsya ng Davao del Sur.

Sinabi ni Erna Sampiano, chief ng Disaster Division sa DSWD-11 na naka-stand by na ang  higit 10,000 na mga relief goods, family kits at ang P3-milyong pondo na maaring ipamigay sa mga apektadong pamilya.

Ngunit nilinaw din ng nasabing kagawaran na kailangang malaman muna nila ang tamang bilang ng mga bibigyan ng tulong at sila mismo ang mamimigay nito dahil hindi maaring ipagkatiwala sa iba.

Samantala, muling nabahala ang mga bakwit sa Davao del Sur, matapos maramdaman ang magnitude 5.0 na tumama sa Timog Silangan sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, alas 6:52 ng umaga kahapon, Sabado, Oktubre 19.

Naramdaman ang Intensity III sa lungsod ng General Santos, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng state seismic bureau na naramdaman din ang katulad na intensity sa mga bayan ng Alabel, Sarangani Province at Tupi, South Cotabato na may lalim na 27 kilometro at tectonic ang dahilan.

Ayon sa PhiVocs, naitala ang Intensity IV sa Kidapawan City, instrumental Intensity IV sa Malungon, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato at Intensity I sa Kiamba, Sarangani.

Pinaalalahanan din ang publiko sa mga aftershocks.

Inaalam pa ng mga otoridad kung nadagdagan ang damyos sa mga propedad at kung may nasugatan sa nasabing aftershock.

Isinailalim na rin sa stress de briefing ang may higit 30 kabataan sa Purok 6, Brgy. Malawanit sa Magsaysay, Davao del Sur, upang makalimutan ang trauma sa nangyaring magnitude 6.3 na lindol na tumama noong gabi ng Miyerkules.

Please follow and like us:
Read More

2 TAONG PROBATIONARY SA MANGAGAGAWA, ‘DI PAPASA SA SENADO 

titosotto

(Ni DANG SAMSON-GARCIA)

MALABONG makakuha ng suporta sa Senado ang ipinapanukala sa Kamara na gawing dalawang taon ang probationary period sa mga manggagawa bago sila maging regular sa trabaho.

Mismong si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang naggiit na hindi tama ang naturang panukala kasabay ng pagsasabing kahit isang buwan lang ay kaya nang matukoy ng kumpanya kung nararapat ang isang empleyado na maging regular worker.

“Hindi tama yun. Kung tutuusin isang  buwan ka lang nagtatrabaho o dalawang buwan alam mo kung kwalipikado o hindi,” diin ni Sotto.

Iginiit ni Sotto na mismong siya ay hindi pabor sa panukala kaya posible itong maharang kung aakyat sa Senado.

Una nang inihain ni Probinsyano Ako party-list Representative Jose “Bonito” Singson Jr. ang House Bill 4802 na nagsasabing hindi sapat ang anim na buwang probationary employment period sa ilalim ng Labor Code upang ma-assess ang isang empleyado kung kwalipikado para sa regularization lalo na sa trabahong nangangailangan ng specialized skills at talents.

Kinontra na ito ni Labor Secretary Silvestre Bello kasabay ng pagbibigay-diin na maaari namang magkaroon ng apprenticeship agreement ang employer at empleyado matapos ang anim na buwang probationary period.

“Under the Labor Code, puwede naman ‘yung longer period provided there is an agreement that after six months there is an apprenticeship agreement between employer and employee. Magtatrabaho ka pa rin pero hindi ka pa rin regular, pero may special agreement,” diin ni Bello.

Please follow and like us:
Read More

LAKAS NI ‘PERLA’ WALANG EPEKTO SA BANSA

(Ni KEVIN COLLANTES)

Lumakas na at tuluyang naging isang severe tropical storm si Bagyong Perla, na may international name na Neoguri, at kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour (kph).

Sa kabila naman nito, sinabi ng PAGASA na kahit lumakas pa si ‘Perla’ ay wala pa rin naman itong direktahang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Ayon sa weather bureau, makakaranas lamang ng minsang pagsungit ng panahon sa extreme Northern Luzon hanggang sa mga unang araw ng susunod na linggo dahil sa epekto ng pagpasok ng amihan.

Nabatid na dakong 11:00 ng umaga, namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 600 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 95 kilometer per hour (kph), malapit sa gitna, at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kph.

Sa Linggo inaasahang nasa layong 630 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes ang bagyo at sa Lunes naman ay nasa layong 970 kilometro ng Northeast ng Basco, Batanes.

Sa pagtaya ng PAGASA, hanggang sa Lunes ng gabi ay maaaring lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang naturang severe tropical storm.

Please follow and like us:
Read More

STAGS HUMABOL SA HULING BYAHE

INISKOR ni Allyn Bulanadi ang 15 ng kanyang season-high 44 points upang akayin ang San Sebastian Stags sa 99-94 win kontra University of Perpetual Help Altas at hablutin ang huling byahe sa Final Four ng 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Naiiwan ng 11 puntos papasok sa payoff period, ang Altas ay umatake ng 14-1 run tungo sa 79-77 lead, nang sumandal ang Stags sa mainit na shooting hands ni Bulanadi na nagbagsak ng 15 puntos sa huling anim na minuto ng aksyon.

Ang 3-point basket ni Bulanadi sa 1:42 mark ang nagbigay sa San Sebastian ng kinakailangang kalamangan, 93-88 at buhat dito’y hindi na na binitiwan ang abante.

Tinapos ng Stags ang elimination round na nasa ikaapat na pwesto, 11-7 at nakabalik sa semifinals matapos malaglag sa nakaraang season.

“Alam naman nila ng hirap ng ginagawa namin,” komento ni San Sebastian coach Egay Macaraya.

Si Bulanadi ay 14-of 26 sa field, nagbaon ng pitong tres at may perpektong 9-of-9 sa foul line.

“For me, Allyn is ready for the big league. He’s proven it already many times,” dagdag ni Macaraya.

Makakaharap ng San Sebastian ang No. 3 Letran sa first step-ladder sa Nobyembre 5, kung saan ang winner ay sasabak sa second-ranked Lyceum of the Philippines University para sa ‘do-or-die’ match sa Nobyembre 8.

Ang winner sa step-ladder phase ang haharap sa defending champion San Beda sa best-of-three championship na magsisimula sa Nobyembre 12.

Naka-relax na ang Red Lions, matapos dumeretso sa Finals nang walisin ang 18 laro sa double-round eliminations.

Sa kanyang final game para sa Perpetual Help, nag-ambag si Edgar Charcos ng 22 points, seven assists at six rebounds.

Tinapos din ng Altas ang Season 95 na may 5-13 card. (PHOTO BY MJ ROMERO)

Ang iskor:

SSC-R (99) – Bulanadi 44, Ilagan 22, Capobres 10, Calma 6, Villapando 6, Calahat 6, Tero 3, Sumoda 2, Isidro 0, Cosari 0, Desoyo 0, Altamirano 0.

Perpetual (94) – Charcos 22, Aurin 20, Razon 18, Peralto 10, Adamos 8, Martel 6, Giussani 6, Sevilla 2, Tamayo 2, Lanoy 0, Cuevas 0.

Please follow and like us:
Read More

AMIHAN, PAGASA SA PAGTAAS NG TUBIG SA ANGAT DAM

angatdam77

NAASAHANG makatutulong ang Northeast Monsoon o Amihan para madagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam, ayon sa Pagasa.

Ito ay matapos magpahayag ang Maynilad ng rotating water interruptions dahil umano sa mababang antas ng tubig sa dam.

“Pagpasok ng Amihan, ideally magpapaulan siya sa east side of Luzon. Kung mas malakas, maging sa east side ng Visayas magkakaroon ng pag-ulan,” ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio.

Dahil dito, inaasahan ang mga pag-ulan sa dam.

Hindi pa opisyal na nagsisimula ang Amihan ngunit ito ay kadalasan sa kalagitnaan ng Oktubre.

Makatutulong din ang Amihan sa mga pag-ulan sa bagyo na nasa Philippine Area of Responsibility (PAR).

“Itutulak nito pa-timog ang movement ng bagyo,” sabi ni Aurelio.

Umaasa naman si National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr. na makalilikha ng ulan ang Amihan na makatutulong upang madagdagan ng tubig ang Angat dam.

 

Please follow and like us:
Read More

DRUG COMPANY NG INDIA HINIMOK MAGTAYO NG PASILIDAD

gamot

HINIMOK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Indian pharmaceutical companies na magtayo ng operasyon sa bansa.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na iniimbitahan  ang drug manufacturers sa India na magtayo ng manufacturing facilities sa bansa dahil isa ito sa pinakamalaking gumawa ng mga gamot sa buong mundo.

Ito umano ay upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng gamot sa bansa.

“We just want them to produce here para mabawasan ang presyo … First, hindi na sila ma-subject sa tariff and other trade costs,” sabi pa ni Lopez.

Posible umanong magkaroon ng usapin sa pagnenegosyo sa Indian pharmaceutical companies sa pagtatayo ng manufacturing plants sa bansa.

Naniniwala rin si Health Undersecretary at Food and Drug Administration officer-in-charge Rolando Enrique Domingo na malaking tulong sa bansa ang posibilidad na pag-usbong ng negosyo ng India sa paggawa ng gamot.

“We have a very healthy trade relationship with India when it comes to medicine. Medicine consists of about 12% of all our imports from India or about $200 billion a year,” dagdag pa ni Domingo.

“With the Universal Health Care, the government and the PhilHealth will be a major procurer of services, drugs, and supplies … and we foresee that there’s a very bright future for more drugs coming into the Philippines, especially coming from India,” ayon pa sa Health official.

Please follow and like us:
Read More