TONI PINATANGGAL SA COMMERCIAL

(PETER LEDESMA) Kahit na may asawa’t anak na si Toni Gonzaga ay protektado pa rin ni Mommy Pinty ang career ng TV host-actress bilang manager nito. At sa lahat ng ayaw ni Mommy Pinty ay ‘yung inaapi ang kanyang mga anak na sina Toni at Alex Gonzaga. Kaya kung mapapansin na wala na si Toni sa TVC ng kilalang brand ng conditioner ay dahil pinatanggal ‘yung part niya ni Mommy Pinty. Lumalabas kasi na sina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang ginawang mga bida samantalang matagal na kay Toni ang…

Read More

KAYA IPINIPILIT; MAY KIKITA SA KALIWA DAM?

kaliwa dam33

(NI BERNARD TAGUINOD) MAYROONG gustong kumita sa Kaliwa Dam project sa Rizal at Quezon na popondohan ng China kaya kahit itatayo ito malapit sa faultline ay ipinipilit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang alegasyon ng Bayan Muna party-list group matapos sabihin ng Pangulo na gagamitin nito ang kanyang police power para maitayo ang nasabing proyekto kahit tinututulan ito ng taumbayan lalo na ang katutubong Dumagat. “Sa sinabi ni Duterte na gagamitin niya ang kapangyarihan nya para ipatupad ang Kaliwa Dam project na lubog sa anomalya at itatayo pa daw…

Read More

BUS TERMINAL SA CUBAO ININSPEKSIYON NI GAMBOA

(NI AMIHAN SABILLO) MISMONG si  PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang nanguna sa pag-iinspeksyon upang matiyak na nailatag nang maayos ang seguridad ngayong Undas. Kanina, ang bahagi ng Araneta Bus Terminal sa Quezon City ang nilibot nito kasama si NCRPO Director Debold Sinas. Inalam ni Gamboa ang kahandaan ng mga pulis na nakakalat sa terminal at mga assistance desk na takbuhan ng mga pasahero sakaling magkaroon ng mga insidente. Kinamusta ni Gamboa ang ilang mga pasaherong naghihintay ng kanilang byahe paprobinsya at namigay ng flyers ng Ligtas Undas 2019.…

Read More

300 KAWANI NG STAR CITY BINIGYAN NG TRABAHO

(NI LYSSA VILLAROMAN) MAGKAKAROON ng konting ningning sa Kapaskuhan ang nasa 300 empleyado na apektado ng nasunog na Star City makaraang pagkalooban ang mga ito ng pansamantalang trabaho ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. Ang mga apektadong empleyado ay binigyan ni Calixto-Rubiano ng 30-araw na trabaho na itatalaga sa iba’t-ibang departamento ng Pamahalaang Panglungsod gayundin sa mga barangay sa naturang siyudad. Ayon kay Filipinas Sampang, hepe ng Public Employment Service Office (PESO), ang pagtulong sa mga empleyadong biktima ng sunog sa Star City ay direktiba ni Mayor Calixto-Rubiano alinsunod na…

Read More

6.6 LINDOL YUMANIG SA ILANG BAHAGI NG MINDANAO

NIYANIG ng magnitude 6.6 earthquake ang ilang bahagi ng Mindanao, ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ang epicenter ay naitala sa Tulunan town sa Cotabato province, kung saan nilindol din nitong buwan na pumatay sa tatlo katao. Naitala ang lakas ng lindol sa:  Intensity VII – Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani Intensity VI – Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City Intensity V – Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani Intensity IV – General Santos City; Kalilangan, Bukidnon Intensity…

Read More

DISKUWENTO SA SLEX TOLL PINAG-AARALAN

(NI ROSE PULGAR) MASUSI pa rin pinag-aaralan ng Toll Regulatory Board (TRB) kung magkano ang diskuwento na kanilang ipatutupad sa South Luzon Expressway (SLEX). Ayon kay Raymindo Junia, Private Sector Representative ng TRB, magpupulong pa sa mga susunod na araw, ang Technical Working Group (TWG) para maresolba ang isyu. Kapag napagkasunduan na ng TWG kung magkano ang diskuwento, saka pa lamang nila iaakyat sa board kung magkano ang napagkasunduan saka pa lamang ito maaaprubahan. Sinabi pa ni Junia, sa oras na mareresolba ang usapin ay inaasahan nila sa susunod na…

Read More

IKATLONG KASO NG POLIO NAITALA SA MAGUINDANAO

doh

(NI DAHLIA S. ANINA) KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) ang ikatlong kaso ng polio sa bansa. Isang batang apat na taong gulang mula sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao ang nagpositibo sa polio. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, wala umanong natanggap na bakuna ang bata kontra polio. Naunang nagpakonsulta ang magulang ng bata sa Cotabato Regional Medical Center noong Setyembre at naitala na ang sakit nito ay acute flaccid paralysis. Ipinadala naman ang sample ng dumi ng bata sa National Institute Infectious Disease-Japan upang masuri at nagpositibo…

Read More

SOLON DISMAYADO SA ATENSIYON SA BARRETTO SCANDAL

barretto12

(NI BERNARD TAGUINOD) MISTULANG ikinabanas ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng atensyon ng media sa awayan ng mga magkakapatid na Barreto na nagpapahina lamang aniya sa ‘nation’s social fiber’. Sa isang statement, sinabi ni House deputy speaker Rodante Marcoleta ng 1Sagip party-list, hindi dapat aniyang bigyan ng atensyon ang mga away ng Barreto sisters na ilang araw nang laman ng mga balita. “These news and interviews on the private life of each of the siblings and their kin undermine the sacred provisions of the Constitution…

Read More

PAYO SA OFWs: ‘WAG MAG-UWI NG MEAT PRODUCTS

(NI ABBY MENDOZA) NGAYONG malapit na ang Kapakuhan kung saan maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang inaasahang uuwi ng bansa, umapela ang Departmet of Agriculrure (DA) na iwasan nang mag-uwi ng meat products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF). Ayon ay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, mas mahigpit na monitoring ang kanilang gagawin sa mga airport para tiyakin na walang makalulusot na mga meat products dahil posibleng kumpiskahin lamang ito pagbaba nila ng eroplano. “Huwag na silang magbitbit. Makukumpiska lang sa mga airport at seaport, especially if…

Read More