KONTRATA SA MAYNILAD AT MANILA WATER, DAPAT REPASUHIN!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY
0

Para kina Bayan Muna Representative at Deputy Minority Leader na si Carlos Isagani Zarate at Chairman ng Bayan Muna na si Atty. Neri Colmenares, dapat na ituring na public utility ang tubig dahil ito ay buhay para sa lahat. Kung gayon, ang operasyon, pagmamay-ari, pagtatatag at pagmantina sa waterworks systems ay dapat pinamumunuan at kontrolado ng pamahalaan. Hindi ba’t napakahalaga nitong larangan para lamang ipaubaya ng pamahalaan sa mga pribadong sektor na ang pangunahing hangarin ay kumita?

Gayundin, ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay binigyan ng mandato na seguruhin na may sapat at walang putol na serbisyo ng tubig sa abot-kayang halaga. Ang lahat ng ito ay sinaad sa batas sa ilalim ng Republic Act 6234. Ngunit noong 1997 ang MWSS ay isinapribado sa loob ng 25-taong

Concession Agreement. Ang resposibilidad ng MWSS ay isinalin sa Manila Water, Company, Inc. para sa East Zone at Maynilad Water Services, Inc. para sa West Zone.

Ngunit, imbis na mababa at sapat na serbisyo sa tubig, ang 20 taong pribatisasyon ng MWSS ay nagresulta sa matataas na paglaki sa singil.

Mula sa Php2-Php4 noong 1997 ang basic na singil ay umakyat sa Php34-Php47 sa 2018. Ito ay pagtaas ng 970% para sa mga konsumer ng Manila Water at 596% para naman sa Maynilad. Bukod pa rito ay nagbabayad pa ang mga konsumer ng 12% value added tax (VAT), 20% environmental charge, at foreign currency exchange adjustment (FCDA.)

Hindi nakakagulat na kumita ng Php94.5 billion ang Maynilad at Manila Water noong 2000 -2015. Sa kabila nito ay napakarami namang naranasan na water interruptions ang naranasan ng mga konsumer. Kaya naman, kailangan talagang repasuhin ang Concession Agreements ng mga kumpanyang ito.

Kaya naman, hindi na tayo dapat na pumayag sa pagsasapribado ng mga public utilities at iba pang batayang serbisyo sa tao. Dahil ito ay hindi mangangahulugan na mababang presyo at maayos na serbisyo. Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo! (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

Read More

MULTO

FOR THE FLAG
0

Kuwento ng aking nasakyang taxi driver na akmang pang-Halloween. Eto raw ay mismong nangyari sa kanya.

Pasado hatinggabi noon, may pumara sa kanyang babae, patungong Kyusi. Hindi na niya napigurahan ang babae, bukod sa nasa kabataan pa umano ito. Nang makarating na sa Kyusi ay pinara ng babae ang taxi sa harap ng isang bahay na bunggalo. Nagpaalam ang babae na akmang kukuha lamang ng pamasahe sa kanyang tinutuluyan, ngunit matagal-tagal na ay hindi pa rin lumalabas sa bahay ang kanyang pasahero.

Sa kanyang pagkainip ay kahit makakabulabog sa mga kapitbahay nitong nasa kahimbingan ng pagtulog ay sunud-sunod ang ginawa n’yang pagbusina, hanggang bumukas ang gate at lumabas ang isang may edad na babae at nagtanong kung bakit siya nag-iingay.

Malumanay naman niyang sinagot ang halatang naalimpungatang matandang babae, at sinabi niyang  bumaba ang kanyang pasaherong kabataang babae na pumasok sa gate upang kumuha lamang ng pamasahe ngunit hindi pa lumalabas kaya napilitan siyang mag-ingay.

Agad nagpaalam ang matandang babae, pumasok ng gate at paglabas ay ibinigay sa kanya ang bayad na pasahe. Tinanong niya ang matandang babae kung anak ba niya ‘yung naging pasahero niya.

Sumagot naman ang matandang babae na anak nga niya ang naging pasahero ng taxi driver ngunit ang sumunod na sinabi nito ang nakapagpatayo ng kanyang mga balahibo.

Anak nga raw niya ang kabataang babae na na­ging pasahero ng mamang taxi driver, ngunit matagal nang patay ito. Ang istorya, nireyp at pinatay ng isang taxi driver ang kanyang anak at kada anibersaryo ng kamatayan nito ay nagpapahatid ito sa taxi pauwi sa kanilang tahanan. Kaya naman medyo sanay na ang nanay nito na may taxi na pumaparada sa harap ng kanilang bahay at naniningil ng pasahe. Kapag nakukwento naman ng ina ang totoong sinapit ng anak na paboritong sumakay ng taxi pauwi kada anibersaryo ng kanyang kamatayan ay nahihintakutan ang mga drayber.

Mga kaibigan nating taxi driver, ingat-ingat din sa mga naisasakay, baka maisakay ninyo siya. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

Read More

SUERTE, MALONZO WAGI SA HULING LARO

0

TINAPOS ni Rey Suerte ang kanyang maikling collegiate career sa pamamagitan ng pag-akay sa University of the East sa 79-77 win laban sa National University ngayong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Nagbangon naman si Jamie Malonzo ng seven triples tungo sa 89-63 win ng La Salle Green Archers laban sa Adamson Falcons.

Ang Fil-Am forward ay umiskor ng career-best 34 points sa kanyang huling laro para sa Green Archers at may kasama pang 12 rebounds.

Sa kanyang pamamaalam sa koponan, umiskor si Suerte ng 25 points para wakasan ng Red Warriors ang UAAP Season 82 campaign sa 4-10 win-loss card.

“How I wish we could have done better, na mas maganda ang record, but after going through the 14 games, let’s give it to the other teams,” lahad ni active consultant Lawrence Chongson. “Right now, they’re head and shoulders above us.”

Ang 6’3” forward ay nagbaon ng tres na naglagay sa UE sa 74-72 lead, 42.2 segundo sa laro, na agad namang itinabla ni Dave Ildefonso sa 74-all, 33.7 seconds na lang.

Muling nakuha ng UE ang abante, 76-74 buhat sa one-hander ng tubong Monkayo, Compostale na si Suerte sa huling 20.1 ticks.

Kinapos ang fadeaway basket ni Ildefonso, na nagbigay daan kina Philip Manalang at Suerte na makaiskor pa, 78-74.

Bumato pa si JV Gallego ng tress a huling 1.2 seconds at idinikit ang NU, 78-77. Pero, sinelyuhan ni Manalang ang panalo nang ma-split ang kanyang charity shots, 0.4 seconds sa laro.

Si Alex Diakhite ay nag-ambag ng 17 points, 12 rebounds at five assists para sa Red Warriors, habang si Manalang, na lalaro na sa MPBL Basilan team ay may five points, seven assists at four boards.

Sina Gallego at Ildefonso ay kapwa may tig-10 points sa pagkatalo ng NU, na tinapos ang season sa ilalim ng standings, 2-12.

ANG SCORES:

DLSU 89 — Malonzo 34, Baltazar 14, Caracut 14, Bartlett 7, Serrano 7, Hill 5, Melecio 3, Laput 3, Lojera 2, Bates 0, Cu 0, Escandor 0, Lim 0, Manuel 0.

ADU 63 — Manlapaz 15, Lastimosa 10, Mojica 9, Douanga 6, Ahanmisi 5, Chauca 4, Fermin 4, Sabandal 3, Zaldivar 3, Camacho 2, Yerro 2, Bernardo 0, Capulong 0, Flowers 0, Magbuhos 0, Orquez 0.

Quarterscores: 25-12, 50-29, 68-40, 89-63.

 

Read More

FRANCHISE NG ABS-CBN TATALAKAYIN BAGO MATAPOS ANG 2019

0

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS madedma noong 17th Congress, ngayong 18th Congress ay sisimulang  talakayin ng House of Representatives ang franschise renewal application ng media giant na ABS-CBN.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, bago matapos ang 2019 ay isasalang na nila sa deliberasyon ang legislative franchise renewal para sa 25 taon pa ng ABS-CBN.

“There are issues with the media, but there are also challenges with

social media… There are issues that we have to tackle first and foremost is the freedom of the press.

“Maybe before the end of the year, probably the hearings will start,” paliwanag ni Cayetano.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay nakatakdang mag-expire sa Marso 30, 2020.

Noong nakaraang taon ay hindi ito natalakay at ngayong 18th Congress ay umaasa sina Batangas Rep Vilma Santos, Pangasinan Rep Baby Arenas at Laguna Rep. Sol Aragones na kapwa naghain ng magkakahiwalay na resolusyon na humihiling na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN na matalakay na ito sa katwirang malaking kontribusyon ang kumpanya sa larangan ng sining at entertainment.

Ang hindi pagtalakay sa prangkisa ng ABS-CBN ay dahil na rin sa pagiging kritikal nito sa administrasyong Duterte.

Una nang inakusahan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN na tutol sya sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil na rin sa hindi umano inIere ng istasyon ang mga political advertisements nito noong 2016 Presidential campaign kahit pa man bayad na ang mga ito.

Taong 2017 pa nang maghain ng aplikasyon para sa renewal ng prangkisa ang ABS-CBN subalit hindi ito dinidinig ng Kamara.

Inamin ni Pangulong Duterte na ilang emisaryo na ang ipinadala ng mga may ari ng ABS-CBN sa kanya subalit ayaw nya itong kausapin.

Sinabi ni Cayetano na ngayong kasalukuyang Kongreso ay pagiging patas ang kanilang paiiralin.

“It is Congress’ obligation to exercise fairness and to bring out those real issues and to give the other side the  opportunity to respond and determine who is right,” paliwanag ni Cayetano.

Read More

SOLON SA REMITTANCE CENTERS: MAGING TRANSPARENT SA MGA SINGIL 

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Bong Revilla na obligahin ang mga remittance agents at companies na ilabas nang buo ang kanilang mga terms at halaga ng money transfer service na iniaalok sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa kanyang Senate Bill 438, o ang proposed Remittance Act of 2019, iginiit ni Revilla na matindi ang paghihirap at sakripisyo ng mga OFW bago makapagpadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay.

“These OFWs dedicate all their labor and sacrifices for the betterment of their families. Their salaries, wages or earnings that they send home are products of love and hard work,” saad ni Revilla.

“Recognizing the valuable contribution of our OFWs in our economy, this measure seeks to protect the hard earned money of our OFWs. It requires the disclosure of charges and fees that would be paid for sending their money through remittance agents and companies. Likewise, it penalizes price gouging or the exorbitant charging of fees for the transactions being made,” dagdag ng senador.

Alinsunod sa panukala, oobligahin ang mga remittance company na ilabas ang kanilang mga finance charges at iba pang fees sa money transfer service at maging tapat sa kanilang terms and conditions.

Ang lahat ng remittance agents at companies na nakarehistro at may lisensya ay dapat na nakakatugon sa mga requirement ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Dapat din silang sumunod sa exact real time exchange rate sa pagsisimula ng araw batay sa Reference Exchange Rate Bulletin ng BSP.

Oobligahin din ang remittance agents at companies na magkaroon ng waiver form sa bawat transaction kung saan nakasaad ang exchange rate kasama ang mga dagdag na fees na tinatanggal sa original remittance.

Sa panig naman ng senders at recipients, obligado ang mga ito na magpakita ng isang valid at legally acceptable identification (ID) card.

Ang mga lalabag sa batas ay papatawan ng anim hanggang 10 taong pagkabilanggo at multa na mula P200,000 hanggang P1 milyon.

“The OFWs’ total remittances made from April to September last year amounted to a total of P235.9 billion based on the records of the Philippine Statistics Authority (PSA),” diin ni Revilla.

Sa tala, mayorya o 52.8% ng mga OFWs ang nagpapadala ng remittance sa pamamagitan ng bangko habang ang iba ay sa money transfer services.

Read More

TRASH-FREE UNDAS, HILING

0

(NI ABBY MENDOZA)

HINAMON ni TINGOG party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez ang publiko na iobserba ang disiplina ngayong Undas at tiyakin ang trash-free na selebrasyon.

Ayon kay Romualdez, chairperson ng House committee on the welfare of children, na obligasyon ng bawat isa na maging responsable sa kanilang mga kalat, aniya, huwag itapon sa kung saan-saan na lang sa loob ng sementeryo ang mga kalat bagkus ay itapon ito sa mga basurahan o bitbitin din pauwi upang sa bahay itapon kaysa  iwan ito.

“While we celebrate treasured memories of those who have gone to rest in God’s embrace, let us also remember environmental considerations from the expected garbage that might be piling-up. The people should help maintain cleanliness,”pahayag ni Romualdez.

Payo naman naman ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, Vice chairperson ng House committee on Metro Manila development, na mas mainam na kaunti lamang ang dalhin sa mga sementeryo.

“Excess can become the garbage so let’s only take what can be consumed. Garbage is easy to manage when you have bags to contain them. As we remember the dead on All Souls Day, let us also not

forget to be garbage-conscious so we can help promote clean environment,” pahayag ni Castelo na nagpapaalala sa publiko na huwag kalimutan ang pagdadala ng sisidlan ng kanilang mga basura.

Bukod sa basura, nagpaalala rin si Romualdez sa bawat Filipino na maging mahinahon lamang at huwag maging mainitin ang ulo lalo at kasabay ng selebrasyon ng Undas ay pagsisikip din ng daloy ng trapiko.

“The exodus to cemeteries and memorial parks will be a traffic nightmare, the people should be more relaxed despite the inconvenience to avoid any untoward incident,” pagtatapos pa ni Romualdez.

 

 

Read More

RED CROSS, AAYUDA SA BIKTIMA NG LINDOL

redcross12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INATASAN ni Senador Richard Gordon, chair ng Philippine Red Cross (PRC), ang lahat ng chapter nito na mag-mobilize at tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Kabilang sa mga inatasang tumulong ang PRC chapters sa South Cotabato, Cotabato City/Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos, at Davao City.

Agad na nagpadala ang mga ito ng ambulansiya, rescue teams at emergency personnel sa mga apektadong lugar.

Nag-deploy na rin ng assessment teams sa mga lugar na tinamaan ng lindol upang i-monitor ang sitwasyon.

Ayon pa kay Gordon, umayuda rin ang mga tauhan ng PRC sa paglilikas ng mga pamilya sa Cotabato City habang inilatag na ang mobile first aid at welfare desks sa North Cotabato at Sultan Kudarat.

Sa mga lugar naman anya na walang suplay ng tubig at kuryente, nag-deploy ang PRC ng medical tents na may generators para sa mga nasaktan at water bladders at filtration units para sa komunidad na nangangailangan.

“The Red Cross is preparing to support local Health facilities that do not have power or running water in places such as South Cotabato, Sultan Kudarat, General Santos and Notth Cotabato. Payloaders and equipment for clearing of collapsed buildings, include search and rescue teams from other parts of the country are also on standby for requests for assistance,” pagtitiyak ni Gordon.

 

Read More

AHENTE NG PUNERARYA IPAGBABAWAL SA OSPITAL

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAWAL na ang mga ahente ng mga punerarya sa hospital kapag naipasa ang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa kanyang House Bill (HB) 2572, sinabi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo na kailangang ipagbawal ang pagtatambay ng mga ahente ng punerarya at nagpapapirma ng kontrata sa pamilya ng mga taong naghihingalo sa ospital.

Hindi aniya maganda tignan na habang ginagawa ng mga doktor ang kanilang makakaya para buhayin ang pasyente, ang inaatupag naman ng ahente ng purenarya ay siguruhin na sila ang makakakuha ng kontrata kapag ito ay namatay.

“This is not just morally anachronistic. It is an insult to the role of the hospitals and the core thrust of medical practice when funeral agents as much as attempt to invade the premises asking or in fact looking for dying or terminally-ill patients in an intent to forge a contract with the immediate family member,” ani Castelo sa
kanyang panukala.

Dahil dito, kailangan aniyang ipagbawal ng mga ospital ang mga ahente ng purenarya sa mga kanilang pasilidad

“Hospitals are there to run to in order to insure that patients come out alive and well. And doctors in the hospitals are like minded to keep their patients alive and well as possible,” ayon pa sa mambabatas.

Hindi nagrekomenda si Castelo ng parusa sa mga ahente ng mga punerarya na mag-aabang ng mga mamamatay na pasyente dahil ipauubaya niya ito sa Department of Health (DOH).

Subalit ang mahalaga aniya ay kailangang walang makitang ahente ng mga punerarya sa mga ospital, pribado man mo pampublikong pagamutan dahil hindi ito magandang tingnan.

 

Read More

ASSESSMENT SA IMPRASTRUKTURA, IGINIIT 

lindol22
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INIREKOMENDA ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na magsagawa ang gobyerno ng assessment sa lahat ng imprastraktura upang matukoy kung ligtas ang mga gusali sa pagyanig.

Kasunod ito ng dalawang lindol na tumama sa Mindanao sa nakalipas na tatlong linggo.

Sa rekomendasyon ng senador, iginiit nito na dapat atasan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katuwang ang Phivolcs, DILG at mga lokal na pamahalaan na pangunahan ang assessment.

Dapat din anyang alamin kung kinakailangang patatagin ang mga gusali bilang paghahanda sa lindol.

“National government should instruct the NDRRMC together with Phivolcs, DILG and the LGUs to do a thorough assessment of all the infrastructures within their localities to check if the buildings and homes are still safe for use and if they may still be strengthened for possible earthquakes in the future,” saad ni Zubiri.

Iginiit pa ng senador na ang lahat ng mga gusali na hindi na makatugon sa building code ay dapat nang abandonahin o ayusin.

Dapat din magkaroon ng malawakang Geo-mapping ng Geo-hazard areas na posibleng tamaan ng  landslides upang mabigyang babala ang mga komunidad na nasa danger zones.

“Implementation of this should be mandatory, as what government has done during the Boracay clean-up. We must take a more proactive stance so that little or no lives are lost during these times of natural calamities,” giit pa ni Zubiri.

 

Read More