2 MEKENI FOOD PRODUCTS POSITIBO SA ASF –DA

(NI ABBY MENDOZA)

KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI)  na dalawang produkto ng Mekeni Food Corp ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

“Set of samples of longganisa and Picnic Hotdog tested positive for African Swine Fever based on tests conducted,”pagkumpirma ni BAI officer-in-charge Ronnie Domingo.

Ayon kay Domingo noong Oktubre 25 isinagawa ang test ng Regional Animal Disease Diagnostics Laboratory sa  Central Luzon at muli itong nai-validate ng Bureau of Animal Industry Veterinary Laboratory Division (DA-BAI-VLD) mula samples na nakuha sa produktong nakumpiska sa Calapan Port na mula sa isang pasahero noong Oktubre 6 at sa produkto na nakuha mismo sa Mekeni Processing Plant sa Pampanga.

Wala na umanong ire-recall na produkto dahil noong Oktubre 26 ay boluntaryo nang nagsagawa ng recall sa kanilang produkto  ang Mekeni Food Corp bago pa man isagawa ang test bilang bahagi na rin ng kanilang ipinangakong transparency sa isyu ng ASF contamination.

Sinabi ni Domingo na sa ngayon ay hindi pa batid kung saan nanggaling ang karne na ginamit sa longganisa at hotdog, ang Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) ay bumuo na ng composite team para magsagawa ng imbestigasyon ukol dito.

Kasabay ng pagkumpirma ng ASF sa pork products ng Mekeni ay nagsasagawa na ng inspeksyon sa pasilidad ng Mekeni ang Food and Drug Administration (FDA) upang masuri kung pasok sa government standards ang pagawaan nito.

“When we went to the factory, parang kumpleto naman sila ng documents pero obviously, there’s something wrong. Kung saan kinuha ni Mekeni ‘yung raw materials, ‘yun ‘yung susunod na parte ng investigation,” pahayag ni FDA officer-in-charge Eric Domingo.

Katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) ay nakatakda ding inspeksyunin ng FDA ang may 178 meat processors sa bansa, sa ngayon ay may 63 na umanong nainspeksyon kasama dito ang Mekeni.

“‘Yung 63 na pinakamalaki in the country, sila ‘yung una naming pinuntahan and we found them compliant with FDA standards. We will continue to monitor them in tandem with NMIS, so we’re going to partner with NMIS,” dagdag pa ni Domingo.

Ang mga meat processors na mapatutunayang nagbebenta ng mga may sakit na baboy ay mapapatawan umano ng multa na P1M bukod pa sa pagkakakulong ng 6 hanggang 12 taon.

 

Please follow and like us:
Read More

BAWAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MULING magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas (Martes) ng umaga.          Pinangunahan ng kompanyang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Petro Gazz, Chevron, at Total ang bawas presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.10 sa kada litro ng kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo na P0.45 sa kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.

 

Please follow and like us:
Read More

MRT3 MAY LIBRENG SAKAY SA MENOR DE EDAD

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga menor de edad o mga batang nasa edad 18-anyos pababa sa Miyerkoles, Nobyembre 6.

Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay bilang pakikiisa umano sa pagdiriwang ng 27th National Children’s Month sa nasabing araw.

Batay sa paabiso ng DOTr-MRT3, nabatid na maaaring makasakay nang libre ang mga menor de edad mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa Miyerkoles.

Para sa mga estudyante, maaaring iprisinta ang kanilang school IDs sa mga station personnel ng MRT-3 na nasa service gate upang makalibre ng sakay.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City hanggang sa North Avenue, Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

 

Please follow and like us:
Read More

DTI SINABON SA DAGDAG-PRESYO NG NOCHE BUENA PRODUCTS

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KINASTIGO ni Senador Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapahintulot sa ilang manufacturer na magtaas ng presyo ng “Noche Buena products” habang papalapit ang araw ng Pasko.

Kasunod ito ng pag-apruba ni Trade Secretary Ramon Lopez sa listahan ng mga produkto na pasok sa adjusted Suggested Retail Price (SRP).

“Sa inilabas na listahan ng DTI, lumalabas na P3 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ham. Pero sabi ni Sec. Lopez, maliit lang ang increase. Killjoy naman itong si Secretary. Lalong hindi na makatitikim ng ham ang mahihirap na Pinoy sa kanilang noche buena kung ganito na kamahal ang presyo,” naiiritang sabi ni Marcos.

Kabilang sa mga pinayagang magtaas ng presyo ang ham na nasa P3 hanggang P20 ang itinaas kada 500g; fruit cocktail na nasa P1 hanggang P1.65 ang itinaas sa SRP list; maging ang keso na nagtaas ng P1 gayundin ang spaghetti noodles na dinagdagan ng P4.

Iginiit ni Marcos na dapat ipagpaliban muna ng DTI ang implementasyon ng SRP list para makapag-enjoy at makapaghanda naman ng masasarap na pagkain sa noche buena ang mga Pinoy.

 

Please follow and like us:
Read More

MEAT PRODUCTS GALING CHINA PINAGMULAN NG ASF SA PINAS

(NI ABBY MENDOZA)

INAMIN ni Agriculture Secretary William Dar na ang illegal na importation ng pork products galing China ang syang dahilan kung bakit mabilis ang naging pagkalat ng ASF virus sa bansa.

Ang smuggled meat na nakumpiska umano noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa ASF at maaari na may mga smuggled na nakalusot na syang sanhi ng pagkalat na ng virus.

“That concludes really that this has been introduced by bringing it here, smuggling it here, introducing it here,” pahayag ni Dar.

Matatandaan na ilang refrigerated container vans na puno ng pork products mula sa China ang naharang sa Port of Manila, unang nakalista na tomato paste at vermicelli ang laman nito subalit nang suriin ay mga dimsum, dumplings, peking duck, fresh frozen duck deserts, pork meat at pork products, marinated chicken wings, minced vegetables na may karne, itlog at mga noodles.

Nilinaw naman ng DoH na patuloy ang kanilang ginagawang monitor sa mga pork products subalit walang dapat na ipangamba ang publiko dahil hindi human health concern ang ASF.

 

 

Please follow and like us:
Read More

TREN NG MRT-3 UMUSOK; HIGIT 500 PASAHERO PINABABA

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES)

MAHIGIT sa 500 pasahero ang pinababa Lunes ng hapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), na napilitan pang maglimita ng biyahe, matapos umusok ang sinasakyang tren ng mga ito sa area ng Santolan Station, sa oras pa naman ng rush hour.

Batay sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT 3, nabatid na dakong alas-4:08 ng hapon nang mapuna ng driver ang usok mula sa isang tren nila sa northbound ng Santolan Station.

Dahil dito, napilitan ang MRT-3 na pababain ang may 530 na pasahero ng tren.

Kaagad ring pinuntahan ng mga tauhan ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-Mitsubishi Heavy ang umusok na tren upang alamin ang naging dahilan ng aberya at kaagad itong kumpunihin.

Pagsapit ng alas-4:30 ng hapon ay nagpasya rin ang MRT-3 na magpatupad ng provisionary service o limitahan ang biyahe ng kanilang mga tren mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue at vice versa habang hindi pa naaayos ang problema.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nagbibigay ng update ang MRT-3 kung naayos na ang problema, ano ang pinagmulan nito, at kung nabalik na sa normal ang kanilang mga biyahe.

Humihingi rin naman ng paumanhin ang MRT-3 sa nangyari at tiniyak na masusi nila itong iimbestigahan upang hindi na maulit pang muli.

“We apologize for the inconvenience,” anang MRT-3. “Rest assured that our rehabilitation and maintenance provider, Sumitomo-Mitsubishi Heavy, will conduct a thorough investigation regarding this incident, and implement measures to prevent this from happening again. We will apprise you of further updates.”

Ang MRT-3 na bumabagtas sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.

Please follow and like us:
Read More

DALOY NG TRAPIKO SA SLEX LULUWAG NA

(NI KIKO CUETO)

INAASAHANG luluwag nang bahagya ang trapiko sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) bago mag-Pasko dahil bubuksan na ang ikatlong lane na pansamantalang isinara sa katapusan ng Nobyembre.

Ito ang pahayag ng private operator na Skyway O&M Corporation.

“On track naman po kami, ‘yung pangako namin na ‘yun pong isang lane na isinara namin temporarily dito sa Skyway upgrade ay isasauli natin by the 30th of November, itong katapusan ng Nobyembre, para bago mag-Christmas, bago mag-December ay three lanes na itong nasa ibaba natin,” ayon kay Skyway O&M president at CEO Engr. Manuel Bonoan sa panayam sa DZBB.

“Yan po ‘yung timetable na sinabi natin na magawa lahat ng paggagawan ng poste namin diyan sa ibaba ng Skyway,” dagdag nito.

Naunang itinulak ng isang Toll Regulatory Board Official na bawasan ng P44 o magbigay ng nasabing discount sa mga Class 1 na mga sasakyan dahil sa idinudulot nitong perhuwisyo sa mga motorist.

Magdedesisyon ang TRB kaugnay dito sa Nob. 7.

 

Please follow and like us:
Read More

CALAMITY FUND NG NDRRMC IPINAIIMBENTARYO SA SENADO

recto33

(NI NOEL ABUEL)

IPINAIIMBENTARYO ng isang senador ang calamity fund ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMC) upang malaman kung may sapat pang pondo para magamit sa darating pang kalamidad sa bansa.

Paliwanag ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, kailangang kumilos ng Senado at magsagawa ng post-earthquake assessment upang malaman kung sapat pa ang calamity fund ngayong taon at sa susunod na taon.

Layon umano nito na matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng paglindol sa Southern Mindanao.

“We should conduct an inventory of funds. There may still be money left in this year’s Calamity Fund for relief operations, to sustain the day-to-day needs of victims, but reconstruction would require bigger funding,” sabi ni Recto.

“Financing-wise, there is a big difference between buying grocery items and rebuilding damaged roads.

The truth is that typhoons and earthquakes do not only rearrange the lay of the land, but also reconfigure budget numbers,” dagdag pa nito.

Inihalimbawa pa nito ang paggalaw ng presyo ng langis na makakaapekto sa budget subalit hindi sa malaking kalamidad tulad ng lindol na makakapagbago sa paggastos mg pamahalaan.

“A movement in oil prices and inflation rate may, for example, alter the budget but not in an intensity that a big calamity, like the earthquake which rocked Mindanao, can trigger spending adjustments,” ayon pa dito.

Aniya, ngayong taon ang calamity fund ng NDRRMC ay nasa P25.1 bilyon mula sa P20 bilyon at P5.1 bilyon na natira sa 2018 national budget.

“What is needed now is a fact-based, ground-validated damage assessment checked against available and proposed appropriations. If funding does not match the needs, then Congress has no choice but to augment,” giit nito.

 

Please follow and like us:
Read More

DEPT. OF DISASTER RESILIENCE TAPOS BAGO MAG-PASKO — SOTTO

titosotto

(NI NOEL ABUEL)

TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III na maipapasa bago matapos ang kasalukuyang taon ang batas na magtatatag sa Department of Disaster Resilience.

Ayon kay Sotto, malaki ang pag-asang mabuo ang DDR bago ang Christmas break ng Senado at mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“A very big chance, talagang kailangang-kailangan. Malaki ang posibilidad at malaki rin ang posibilidad na mapirmahan ng Presidente ito,” aniya pa.

Mangyayari umano ito lalo na at certified urgent ito ni Pangulong Duterte maliban pa sa nasa 8 senador na aniya ang sumusuporta sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience.

Wala na rin umanong problema sa pondo dahil sa sinunod ang proposal ni Senador Panfilo Lacson.

“Kapag sinunod ‘yung proposal ni Senator Lacson, next week, pasado na ‘yung budget. Ang proposal niya, I-adopt namin ‘yung House version,” sabi ni Sotto.

Sa pamamagitan umano nito ay wala nang mangyayaring bicam at wala nang insertions pa.

“Matagal na naming pinag-uusapan. Sabi ko tingnan nating mabuti, kung maayos naman ‘yung ipinasa ng House, bakit gagalawin pa natin? Pag walang bicam, walang insertions,” ayon kay Sotto.

 

Please follow and like us:
Read More