APP PARA MALAMAN ANG LAKI NG TSUNAMI, INILUNSAD NG PHIVOLCS

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG website application na nagbibigay impormasyon sa tsunami risk ang inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang GeoAnalyticsPH ay isang app na isinagawa ng GeoRisk Philippines, isang website na nagbibigay ng summary reports sa tsunami exposure sa mga barangay, municipalities at mga probinsiya.

Ang GeoAnalyticsPH ay maaring makita sa  https://geoanalytics.www.georisk.gov.ph/

Ayon kay Mabelline Cahulogan, ng GeoRisk Philippines, ipinakikita ng app ang populasyon na tatamaan ng tsunami gayundin kung gaano kalaki ang parating na tsunami.

“The website application aims to be the central source of information for accurate and efficient hazard and risk assessment helping the local and national governments in disaster management,” ayon kay Cahulogan.

Makatutulong umano ang nasabing app lalo sa gobyerno para matukoy kung ano ang kailangang gawin sa harap na rin ng banta ng tsunami.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGPAPALIT NG LUMANG RILES NG MRT-3 UMPISA NA

(NI KEVIN COLLANTES)

SINIMULAN na ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pagpapalit ng mga lumang riles nito, Lunes ng gabi, upang higit pang mapaghusay ang ipinagkakaloob nilang serbisyo sa publiko.

Nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi nang isagawa ang rail replacement at nagtagal dakong alas-4:00 ng madaling-araw.

Ayon sa MRT-3, nakapaglatag sila ng kabuuang dalawang pirasong Long-Welded Rails (LWRs) na tig-180 metro ang haba sa kahabaan ng Buendia hanggang Ayala Station (Southbound).

Matatandaan na nitong buwan ng Oktubre ay sinimulan ang pag-welding ng 4,053 piraso ng riles sa Rail Welding Area sa Taft Avenue Station kung saan pagdudugtung-dugtungin ang 10 piraso ng tig-18 metrong riles upang makabuo ng isang LWR.

Ang pagpapalit ng riles ay gagawin tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw, at target na makumpleto pagsapit ng Pebrero 2021.

Sa sandaling mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.

“Ang utos ni Secretary Tugade, palitan na ‘yung mga degraded at baku-bakong riles. This is long overdue. In fact, ‘yung kasalukuyang degraded state ng ating mga riles ang nagiging dahilan kaya nagiging matagtag ang takbo ng MRT-3. At ‘yang tagtag na ‘yan ay isa sa pinakamalalaking root causes kung bakit tayo nagkakaroon ng aberya,” saad ni Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Bukod dito, inaasahan din na magiging mas mabilis ang takbo ng mga tren, dahilan upang mapaiksi ang headway o waiting time, at madoble ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan ng MRT-3.

Ang pagpapalit ng riles ay isa lamang sa mga aktibidad na nakapaloob sa malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

 

Please follow and like us:
Read More

‘WALK THE TALK’

(NI BERNARD TAGUINOD)

“IT’S about time for her to walk the talk.”

Ito ang tila hamon ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kay Leni Robredo matapos itong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-agency committee on anti-illegal drugs (IACAD).

Ayon kay Yap, dapat tanggapin ni Robredo ang kanyang appointment dahil ito na ang kanyang pagkakataon na makatulong upang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa na ginegera ngayon ni Duterte.

“Sa panahon ngayon na patuloy na laganap ang droga sa bansa, we need all the help that we can get para masugpo ito. If the Vice President have better ideas, I’m sure the government would like to hear it,” ayon pa sa kongresista.

Ang appointment ni Robredo ay nag-ugat sa pagbatikos nito sa anti-illega drug war ni Duterte kung saan bigo umano ito dahil sa kabila ng marami nang napatay na sangkot sa ilegal na droga ay patuloy pa rin ang problema.

“I hope this will remind everyone to work hand in hand with the government to solve our problems. Walang puwang ang crab mentality sa ating lipunan at panahon na para magtulong tulong. Sabi nga ni John Kennedy, ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country,” ayon pa sa kongresista.

May kutob naman si Albay Rep. Edcel Lagman na imbes na set-up lamang ang appointment ni Robredo upang mapahiya dahil hindi drug czar kundi co-chairman lamang ng IACAD ang ibigay na posisyon sa kanya.

“The diluted position validates the fear that the Vice President is being set up to fail,” ani Lagman.

Sinabi ni Lagman na ang IACAD ay binubuo ng 20 ahensya ng gobyerno kaya hindi rin umano ito makakilos mag-isa.

 

Please follow and like us:
Read More

LENI ITINALAGA NANG CO-CHAIR NG KOMITE VS ILLEGAL DRUGS

ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs si Leni Robredo.

“I am pleased to transmit herewith your designation letter, signed by President Rodrigo Duterte, as co-chairperson of the inter-agency committee on anti-illegal drugs,” ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa memorandum, na isinapubliko ngayong Martes.

Gayunman, tahimik pa ang kampo ni Robredo kung tatanggapin ang alok sa bagong posisyon.

Maaalalang sinabi ni Duterte sa isang talumpati na gusto niyang bigyan si Robredo ng anim na buwan ng law enforcement powers.

Ang hakbang ng Pangulo ay  base sa pahayag ni Robredo na palpak ang administrasyon sa giyera sa droga.

Sinabi naman ni Panelo na nararapat lang tanggapin ni Robredo ang hamon dahil ito na umano ang pagkakataon na maipakita kung paano ang tamang pagsugpo sa illegal na droga.

Samantala, sinabi naman ni Aaron Aquino, director-general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na susuportahan niya si Robredo sa pagkatalaga nito sa anti-illegal drug committee.

Hangad din ni Aquino na tanggapin ni Robredo ang alok ni Duterte, na makakatulong umano sa kampanya kontra droga.

Please follow and like us:
Read More

MAYORYA SA SENADO IDINIIN SI ALBAYALDE SA NINJA COPS

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MAYORYA na ng mga senador ang lumagda sa report ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees hinggil sa isyu ng ninja cops na may kinalaman sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Pampanga noong November 2013.

Ayon kay Senador Richard Gordon, 14 sa 17 miyembro ng komite ang lumagda sa report.

“Right now, there are 14 of the 17 members of the blue ribbon committee who have signed. Si (Senator Lito) Lapid hindi pumirma, si (Senator (Leila) de Lima hindi pumirma, si (Senator Francis) Pangilinan pipirma pero nasa Amerika,” saad ni Gordon.

“So that’s very, very solid. Ang nag-imbestiga niyan sina (Minority Leader Franklin) Drilon, (Senate President Vicente III) Sotto, ako, Senator (Panfilo) Lacson,” dagdag nito.

Sa committee report, binigyang-diin na maituturing na ‘very liable’ si resigned PNP chief Oscar Albayalde sa kasong graft na may kinalaman sa mga iregularidad sa drug raid.

Posible aniyang kasuhan si Albayalde ng paglabag sa Section 3 (a) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang tangkain nitong impluwensyahan sina Philippine Drug Enforcement Agency director general Aaron Aquino at dating CIDG deputy chief Rudy Lacadin hinggil sa kapalaran ng mga pulis na sangkot sa operasyon.

Iginiit ni Gordon na ang naging aksyon ni Albayalde ay paglabag sa mga regulasyon.

Maaari aniya itong sampahan ng paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 dahil sa naging iregularidad ng kanyang mga tauhan bagama’t wala pang direktang ebidensya laban sa kanya.

Binigyang-diin din ng senador ang pagbibigay proteksyon ni Albayalde sa mga pulis na sangkot sa buy-bust.

Kasabay nito, nagtataka naman si Gordon sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo Ano na walang nakitang ebidensya laban kay Albayalde.

“Hindi nila makita ang ebidensiya. Pambihira naman, kitang-kita naman na command responsibility. Hindi lang command responsibility. Idi-dismiss na nga ‘yung mga pulis, e dinemote na lang,” diin nito.

Binigyang diin pa ni Gordon na hindi naman abogado si Año at hindi rin ito ang batas.

 

Please follow and like us:
Read More

KAMARA NAG-AMBAGAN SA BIKTIMA NG M’DANAO QUAKE

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGSIMULA nang mag-ambagan ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para itulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan si Presidential son at Davao City Rep, Paolo Duterte umano mismong nag-iikot sa mga kongresista para tumulong.

“Si Deputy Speaker Paolo Duterte umikot kaninang umaga. So despite the fact na mayroong siyang activity sa sariling office ngayong lunch, inuna niya talaga iyong  mga naapektuhan ng lindol,” ani Cayetano.

Hindi nagtakda ang Kamara kung magkano ang iaambag ng mga mambabatas subalit marami na umano ang nagpahayag na magdodomate ng mula P20,000 hanggang P100,000 na kukunin sa kanilang suweldo.

“Sobra iyong nawala, hindi lang kagamitan, hindi lang bahay, pero buhay, sa nangyari sa Mindanao.  So maybe I can ask that Congress as a whole do extra sacrifices na makatulong tayo,” ayon pa kay Cayetano.

Sinindihan din ni Cayetano kasama ang mga lider ng Kamara ang Christmas Tree sa lobby ng Kapulungan kung saan ibinebenta ang mga palamuti upang maidagdag sa pondong makakalap para maitulong sa mga biktima ng lindol lalo na sa rehabilitasyon.

“Ang initial recommendation ni Congresswoman Lucy Torres Gomez whose the head of the committee in-charge ay mag-concentrate kami sa rehabilitation,” ayon pa sa mambabatas.

Umapela rin ang mambabatas sa mga empleyado ng Kamara na mag-donate ng mga bagay na kailangan ng mga biktima ng lindol lalo na ang mga damit at iba pang pangangailangan.

“Yung team namin was there yesterday, on the ground, assessing there kasi baka kailangan din nung iba ng damit, baka yung mga bata may go back to school kailangan ng bags and everything. So I’m sure lalo ngayon na papunta na tayo sa Pasko na meron tayong mga gamit na pwede nating itulong,” ayon pa kay Cayetano.

 

Please follow and like us:
Read More

ALBAYALDE NAGSUMITE NG AFFIDAVIT SA DOJ

(NI HARVEY PEREZPHOTO BY KIER CRUZ)

LUMUTANG si retired PNP Director General  Oscar Albayalde at P/Major  Rodney Baloloy IV sa pagpapatuloy ng preliminary investigation  sa re-investigation ng  Pampanga drug raid noong 2013.

Nagsumite ng kanyang counter affidavit si Albayalde na kanyang pinanumpaan sa panel of prosecutors sa Department of Justice, ngayong Martes, sa pagpapatuloy ng kaso sa umano’y pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na Ninja cops.

Maging si Baloloy na nagsumite rin ng kanyang counter affidavit.

Matatandaan na unang itinanggi ni Albayalde ang alegasyon na pinoprotektahan niya ang 13 Ninja cops.

Hindi naman nag usap si Baloloy at Albayalde at tiningnan lamang nito ang una.

Muling itinakda sa Nobyembre 11 ang preliminary investigation sa kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

SOLON: CHINESE CRIMINALS SA PINAS KALUSIN NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAILANGANG paigtingin na ang lahat ng ahensya ng gobyerno ang kanilang kampanya laban sa Chinese nationals na gumagawa ng krimen sa bansa.

Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep Eric Yap ang panawagan lalo na sa mga law enforcement agencies matapos masakote ang walong  Chinese national na pawang POGO workers at isang Filipino driver, sa Ninoy Aquino Internatinal Airport (NAIA), matapos tangkaing kidnapin ang isa nilang kababayan.

“Ito na yung sinasabi natin from the very beginning, may mga cases talaga na yung mga Chinese nationals, sila-sila mismo, involved sa kidnapping,” ani Yap at hindi aniya ito ang unang pagkakataon na nasasangkot ang mga ito sa kidnapping activities.

Dumarami aniya ang mga Chinese national sa Pilipinas dahil sa POGO industry kaya dumarami aniya ang mga kasong kinasasangkutan tulad ng kidnapping na isang heinous crime sa bansa.

Nakababahala aniya ito dahil bagama’t marami na ang nahuling mga Chinese national na nasasangkot sa nasabing krimen ay wala ang nahahatulan sa mga nahuling suspek at walang balita sa mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

MINDANAO MINING PINATITIGIL SA PAGLINDOL

(NI ABBY MENDOZA)

PINATITIGIL ng isang mambabatas ang anumang uri ng mining activities sa Mindanao kasunod ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Agusan del Norte Rep Lawrence Fortun hindi maitatanggi na may nakaambang panganib sa mga minero dala ng naganap na pagyanig.

“It would be prudent now for the authorities to suspend mining activities and conduct onsite inspections to ensure the safety of mineworkers. There are accounts showing that many of these mineworkers are not regular employees and thus deprived of benefits due to workers employed in a hazardous environment, not to mention that in certain areas, some workers are even children,” paliwanag ni Fortun.

Dagdag pa ni Fortun na una nang nag-abiso ang Phivolcs na maaaring may maganap pa na malakas na pagyanig dahil sa serye ng lindol kaya mainam na habang hindi pa nakukumpleto ang inspeksyon sa Mindanao ay itigil na muna ang pagmimina.

Si Fortun ang may akda ng House Resolution 125 na naghumihiling na magkaroon ng imbestigasyon sa epekto ng mining sa kalikasan, agriculture, public health, karapatan ng indigenous people at government revenues.

 

Please follow and like us:
Read More