8 GOLDS SISIKWATIN NG PHL SKATEBOARDING TEAM SA SEAG

PINANINDIGAN ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines ang nauna nilang pahayag na wawalisin nila ang walong ginto sa 30th Southeast Asian Games.

“Yes, we’re looking at sweeping all of our eight events in the SEA Games,” sabi ng presidente nitong si Monty Mendigoria.

Paliwanag niya, “I am confident of my projection because when we decided on what events to play, I was told by (Philippine Olympic Committee president) Cong. Bambol (Tolentino) to put in those where we can surely win the gold medal.”

Target umano ng grupo nila na maging ‘most bemadalled federation’ sa darating na biennial meet sa darating na November 30 hanggang December 11.

“And I can say that we are unbeatable in all of the events that we have included,” pagmamalaki pa ni Mendigoria.

Kinokonsiderang ‘powerhouse’ sa buong rehiyon ang Filipino skateboarders sa pangunguna ni Margielyn Didal, ang kasalukuyang kampeon sa women’s street event sa Asian Games, kasama sina Christiana Means, Jericho “Kiko” Francisco at iba pang magagaling na Filipino-foreign athletes mula Europe at United States.

Maliban sa mga nabanggit, hindi na pinangalanan muna ni Mendigoria ang iba pang miyembro ng national team upang hindi umano ma-scout ng ibang mga bansa gaya ng Thailand at Malaysia.

“We are very optimistic,” dagdag nito kasabay ang paninigurong pawang world-class ang mga isasabak nila.

Kaugnay nito, pinasalamantan niya ang all-out support ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang grupo.

“The PSC and chairman William Ramirez are behind us 150 percent. Although there are some delays, they still make sure to provide everything we need as far as our training and preparations for the Southeast Asian Games are concerned.”

“That’s why we are working hard. We want to repay the trust of the PSC and our private sponsors by coming up with a victorious performance in the upcoming SEA Games,” sabi pa ni Mendigoria.

Please follow and like us:
Read More

DAGDAG-BAWAS SA OIL PRODUCTS IPATUTUPAD

gaso

DAGDAG-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang magaganap sa Nobyembre 12.

Bawas-presyo sa presyo ng diesel ang ipatutupad habang sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng taas- presyo sa gasolina.

Ipatutupad ang mula P0.90-P1.00/litro dagdag sa presyo ng gasolina habang nasa P0.10-P0.20/litro naman ang rollback sa diesel. Sa kerosene ay nasa P0.10-P0.20/litro ang ibabawas sa presyo.

Sa kabuuang mula Oktubre 1 ay nasa P2.55 ang naibawas sa presyo ng diesel habang higit sa P3.00 naman ang naging bawas sa presyo ng gasolina sa parehong panahon.

 

Please follow and like us:
Read More

SOLO-LIDERATO ITATAYA NG NLEX vs MAGNOLIA

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

ITATAYA ng NLEX Road Warriors ang solo lideratong posisyon sa pagsagupa nito sa nagtatanggol na kampeong Magnolia Hotshots sa tampok na laro sa 2019 PBA Governor’s Cup elimination round sa Ynares Center-Antipolo.

Bago ang alas-6:45 ng gabing game sa pagitan ng Hoshots at Warriors ay magsasalpukan muna sa alas-4:30 ng hapon ang Meralco Bolts at NorthPort Batang Pier.

Nasolo ng NLEX ang liderato sa 7-1 panalo-talong kartada makaraang matalo ang dating katabla nila na TNT Katropa kontra Barangay Ginebra, 93-96, noong Biyernes.

Dalawang sunod na panalo naman ang naitala ng defending champion Magnolia, pinakahuli nilang tinalo ay Phoenix Pulse, 97-81, na nagpatatag sa kanilang puwesto sa kabuuang 5-4 record.

Samantala, kaabang-abang din ang sagupaan ng Bolts at Batang Pier, na inaasahang gagawin ang lahat ng makakaya upang makaabante sa playoffs round.

Nabigo ang NorthPort sa huling laban nito kontra Alaska Aces, 106-99, na nagpasikip sa daan ng koponan patungo sa susunod na round.

Sa ngayon ay nasa ikawalong puwesto ang Batang Pier (3-5) sa likod ng Columbian Dyip (4-6) at half-a-game lang ang lamang sa Aces (3-6).

Nabatid na ang seven-point differential, dagdag pa ang 114-08 panalo ng Dyip kontra NorthPort sa kanilang nakaraang laban ay magiging malaking paktor sakaling mag-triple tie ang tatlong nasa hulihang teams.

Please follow and like us:
Read More

LUCIO ‘BONG’ TAN NAG-COLLAPSE, ISINUGOD SA OSPITAL

WALANG malay na isinugod sa Cardinal Santos Memorial Medical Center ang anak ng bilyonaryong si Lucio Tan na si Lucio ‘Bong’ Tan, Jr  habang nasa isang basketball game sa Mandaluyong City.

Ayon sa report, nag-collapse ang nakababatang Tan habang nasa basketball game sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Kamakailan lang ay hinirang si Tan bilang bagong president of PAL Holdings president kapalit ni Gilbert Santa Maria na nanatili naman bilang pangulo ng nasabing airline company.

Sa kabilang ng kanyang pagiging abala sa mga negosyo ay hindi pa rin binibitawan ni Tan ang coaching job sa UE Red Warriors sa UAAP.

Sa huling ulat ay nasa ‘stable’ nang kalagayan si Tan habang sasailalim sa mga pagsusuri.

Humingi naman ng privacy ang pamilya Tan habang nasa ospital si Tan, Jr.

Please follow and like us:
Read More

REGINE SA ASHMATT: ANG DAMI NANG PINAGDAANAN NG RELASYON NA ‘YAN!

(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay naging kontrobesyal ang pagwo-walkout umano ni Morisette Amon sa birthday concert ni Kiel Alo. May kinalaman ang nasabing insidente sa naging panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si Mario Dumaual sa singer. Pagkatapos ng maikling panayam tungkol sa pamilya ng dalaga  ay naiba na raw ang mood ni Morisette kaya nagpasya na lamang na umuwi at hindi na nagtanghal sa concert.

Isa si Regine Velasquez-Alcasid sa mga kaibigan na nagbigay ng payo kay Morisette kaugnay sa isyu. “Hindi ko alam kung anong nangyari. So it’s very hard for me to comment. Kasi I have no idea. I hope that she’s okay. Sometimes gano’n talaga, may pagdadaanan ka. I hope that God will give her strength para mapagdaanan niya nang tama ito. Kasi ang hirap kasi ang bata pa niya,” paglalahad ni Regine.

Samantala, masayang-masaya naman ang Asia’s Songbird dahil sa engagement ng magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Matatandaang nagsimula si Sarah sa show business nang nanalo sa ‘Star For A Night’ noong 2002 kung saan ay si Regine ang host ng programa.

“I’m happy because whenever you hear a friend getting engaged, it’s always a celebration. You cannot help but feel excited for them. Kasi pinagdaanan ko na ‘yon, na-engage din ako. Ang sarap talaga ng feeling eh. Tapos lalagay na sila sa tahimik. It’s wonderful. I’m happy for her. I only wish the best for their relationship. They’ve been together for five, six years, so I’m happy. Ang dami nang pinagdaanan ng relasyon na ‘yan. So feeling ko parang wala nang makakapigil talaga. Parang hindi nila papayagan  na may mangyari pa sa relasyon nila after what they’ve gone through,” paglalahad ng singer-actress.

Kung sakaling kuhanin bilang ninang ay buong-pusong tatanggapin daw ito ni Regine. “Naman! Bilang pambansang ninang ako,” natatawang pagtatapos ng Asia’s Songbird.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

GIRIAN SA BUDGET NAKAAMBA

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGBABALA si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na posibleng maantala ang approval ng 2020 National Budget kung ipipilit ng Kamara ang mga nais nilang isingit na mga amendments na umaabot sa P100 bilyon.

Sinabi ni Lacson na sa panig ng Senado, nais nilang matapos agad ang approval ng budget at hindi na ito maantala upang magamit on time.

“Kami committed na hindi ma-delay. Ang problema makakapag-delay nito pag insist nila en toto ang P100B. Matatagalan kami sa bicameral conference committee pag-insist nila yan,” saad ni Lacson.

Ipinaaalala ni Lacson na bago naman lagdaan ni Senate President Vicente Sotto ang enrolled bill ay kanila pa itong bubusisiin gaya ng kanilang ginawa sa 2019 budget.

“Or kung ipipilit nila at isasama sa enrolled bill, bago naman pirmahan ni SP ang enrolled bill scrutinize pa namin yan. Ganyan ginawa namin for 2019 budget, kaya nabuko, actually P75B sinulat ni SP pero P95B ang veto ni President Duterte,” diin ni Lacson.

Isa pa aniyang posible nilang gawin ay sulatan si Pangulong Duterte upang ipa-veto ang mga ipipilit na amendment ng Kamara na labag sa konstitusyon.

“Kung insist nila, susulatan namin si PRRD uli. Yan ang gagawin namin. Sa Senate nagkakaisa kami, majority minority, pagdating sa ganyang mga issue,” diin pa ni Lacson.

Ibinulgar din ni Lacson na may kongresistang naglagak din ng malaking pondo sa kanilang mga distrito.

“May nakita na nga ako roon ayoko magbanggit ng mga distrito. Pero may mga malalaking budget na nakalagak sa kanya-kanyang distrito. Hindi makakaila yan kasi papel yan, nakasulat yan. Maski sabihin nila walang pork, kita ko na anong distrito ang lalaki,” diin ni Lacson.

Nangako si Lacson na tutukuyin niya ang nga distritong ito sa kanyang interpelasyon sa budget.

“Pag interpellate ako mababanggit ko, PowerPoint ko pa. Sa distrito may P300M, may lugar na P500M,” diin ng senador.

Please follow and like us:
Read More

MAANGAS NA AKTOR NAHIMASMASAN, BAIT-BAITAN PARA IWAS TSUGI

olea(NI JERRY OLEA)

BULUNG-BULUNGAN na nagtalakan ang isang coño actor at beteranong direktor sa taping ng isang drama series.

Angas-angasan kasi ang coño actor. May attitude. Pero in fairness, nahimasmasan siya.

Ayon sa aming source, nag-usap nang mahinahon at masinsinan si direk at ang coño actor.

Nangako ang coño actor na magbe-behave na siya alang-alang sa kanilang drama series.

 

Please follow and like us:
Read More

DIGITAL MAP SA GOV’T PROJECTS PINAPLANO

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INIREKOMENDA ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magkaroon ng digital map sa mga proyekto at programa ng gobyerno na ipatutupad sa susunod na taon.

Dapat anyang kasama rito ang livestreaming ng malalaking public work projects upang madaling mamonitor ng publiko.

“Projects should be geo-tagged, and there should be an app in which the status of a project is just a click away,” saa ni Recto.

Iginiit ni Recto na kailangan ng bansa ng government project surveillance (GPS) na isang sistema na may updated data sa construction projects, gayundin sa non-infrastructure deliverables tulad ng mga libro at hospital equipment.

“So sa isang school halimbawa, pwede ipakita kung ilang science laboratory equipment ang ipamimigay; kung DOH-run hospital, magkano ang budget nito sa taong ito; at kung DENR reforestation naman ay kung ilang puno ang itatanim,” diin ni Recto.

Iginiit ni Recto na kung sa ngayon ay nagagamit na ng mga may-ari ng bahay ang remote monitoring, maaari rin itong gawin sa malalaking infrastructure project ng gobyerno.

Maaari rin anyang maglagay ng job-site cameras na may real time footage na ibibigay sa publiko o time lapse video na maaaring iupload.

“In this age of Facebook Live, these should not be hard and expensive to do,” diin ni Recto.

Binigyang-diin pa ng senador na maaari ring makita sa footage ng CCTV ang mga delay sa construction.
“Raw live video is the best feedback. Pwede makita if work is on time, on budget and according to specifications,” diin ni Recto.
“He need not wait for Powerpoint reports during Cabinet meetings if he can go on a virtual inspection of projects anytime by just looking at them at the phone of Senator Bong Go,” giit ni Recto.

Please follow and like us:
Read More

LENI IIMBITAHAN SA KAMARA SA PLANO SA DRUG WAR

(NI ABBY MENDOZA)

IIMBITAHAN ng House Committee on Dangerous Drugs si Vice President at ICAD Co-Chair Leni Robredo upang mailatag nito sa Kamara ang mga programa sa drug campaign ng administrasyon.

Ayon kay Cavite Rep. at Dangerous Drugs  Committee Vice Chair Elpidio Barzaga, makatutulong sa drug war kung malalaman nila ang mga programang nais isulong ni Robredo, sa ganitong paraan umano ay united ang lahat ng ahensya.

“To address the drug problem, there must be a united, concerted and well planned action to be taken not only by the executive but also the two other  co-equal branch of the government,”ayon kay Barzaga.

Dapat din umanong isama sa pagpaplano ang judiciary upang maging mabilis ang pagresolba sa mga drug related cases.

Before we could properly act  on the necessary legislation, we have to know the  plan of Leni and other government agencies in the ICAD,” dahilan ni Barzaga sa pag-iimbita kay Robredo.

Hindi pa sinabi ni Barzaga kung kailan ang imbitasyon nila kay Robredo maliban sa pagsasabing isasagawa ito sa isa sa mga hearing ng komite sa pamumuno ni Committee Chair Robert Ace Barbers.

Matatandaan na sa unang pulong na ipinatawag ni Robredo sa ICAD agency members ay sinabi nitong ititigil na ang Oplan Tokhang at bubuo ng isang programa kung saan maiiwasan ang insidente ng pagpatay.

Naniniwala si Robredo na maaaring magtagunpay ang drug war nang walang nagbubuwis na buhay ng mga inosenteng tao.

 

Please follow and like us:
Read More