U-TURN SLOTS SA EDSA IPINANUKALANG ISARA

(NI ABBY MENDOZA) PARA lumuwag ang daloy ng trapiko, ipinapanukala ni House Minority leader at Manila Rep. Bienvenido  Abante  ang pagsasarado sa lahat ng U-turn slots sa kahabaan ng Edsa. Ayon kay Abante nakadaragdag sa pagsisikip ng daloy ng trapiko ang mga U turn slots sa Edsa, sa oras na tanggalin ito ay magiging tuluy-tuloy ang byahe. “I was thinking na tanggalin na ‘yung mga U-turn na ‘yan, and then ‘yung fast lane should be dedicated to carpools,” paliwanag ni Abante. Aniya, ang mga U turn slot sa Edsa na…

Read More

MALASAKIT CENTER APRUB NA SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  ang panukalang batas na magtayo ng Malasakit Center sa lahat ng pampublikong hospital sa buong bansa. Sa botong 185 pabor, isang kumontra at 7 ang hindi bumoto o nag-abstain, lumusot na ang House Bill (HB) 5547 ang nasabing panukalang batas na magsisilbing one-stop-shop sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyente. Layon ng nasabing batas na hindi na mahirapan ang mga mahihirap na pasyente na makakuha ng medical assistance sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department…

Read More

BUHAY NG 2019 BUDGET EXTENDED NA

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) EXTENDED hanggang Disyembre 31, 2020 ang maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlay (CO)  ng  2019 national budget. Sa botong 192 at walang kumontra, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (BH) 5438 na naglalayong puwedeng gamitin ang MOEE at CO ng pambansang pondo ngayong 2019 hanggang Disyembre 31, 2020,. Hindi sinabi ng Kamara kung magkano ang MOEE at CO sa 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion, ang hindi pa nagagastos. Gayunpaman, nagkaroon umano ng delay sa implementasyon ng mga infrastructure projects…

Read More

ANGELICA, BEA AT RICHARD NANGANGAMOY BLOCKBUSTER

(NI JERRY OLEA) ANG ganda-ganda ng official teaser ng pelikulang Unbreakable na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Bea Alonzo Alonzo at Richard Gutierrez. Mas maganda at mas maigting ang full trailer. Mas kapana-panabik tuloy na panoorin sa Nobyembre 27. Pakiwari ko, sa 18 Pinoy movies na palabas this November ay ito lang ang blockbuster. Kuda nang kuda, andaming hanash ng mga chuwariwap ng ibang local movies na showing this month, pero hindi nila masabi kung magkano ba ang kinikita ng mga ipinagmamalaki nilang palabas. Magpakatotoo tayo! The truth will set us…

Read More

P50-M PARA SA ‘KALDERO’ SA SEA GAMES, KINUWESTYON

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUWESTYON ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paglalaan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng P50 milyon para sa disenyo at konstruksyon ng stadium cauldron para sa Southeast Asian Games. Ginawa ito ni Drilon sa deliberasyon ng Senado sa budget ng BCDA para sa taong 2020. “A P50-million kaldero. Do you realize that at P1 million per classroom this can construct 50 classrooms? In other words, we did away with 50 classrooms in exchange for one kaldero, is this a correct conclusion?,” saad ni Drilon.…

Read More

DAGDAG-BUWIS SA POGO, APRUB NA SA HOUSE PANEL

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS ang dalawang pagdinig, inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang karagdagang pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa ilalim ng House Bill 5257 na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda, papatawan ng 5 porsyento ang franchise tax sa gross winnings ng POGO na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) habang 25 % withholding tax sa mga manggagawa sa POGO na ang minimum na kita ay nasa P600,000 kada taon. Ayon kay Salceda, hamak na mas maganda ang POGO tax…

Read More

E-POWER ITSAPWERA NA; PROYEKTO NI DU30 TUTUTUKAN

duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na itutuloy ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang flagship projects ng kanyang administrasyon. “Message sent, message received,” ani House committee on ways and means chair Joey Salceda sa ambush interview ukol sa pahayag ni Duterte na hindi niya tatanggapin ang e-power. Nangangahulugan na inaabandona na ng Kamara ang nasabing panukala subalit bubuo umano ang mga ito ng oversight committee upang tutukan ang mga proyekto ng gobyerno. “Nakausap ko na ang Speaker, magtatatag tayo…

Read More

SOLON: HVT INFO ‘WAG IPAGKATIWALA KAY LENI 

(NI BERNARD TAGUINOD) Nanganganib na mapunta sa ibang kamay ang impormasyon hinggil sa High Value Target (HVTs) sa ilegal na droga kapag ibinigay ito kay Inter-agency committee on illegal drugs (ICAD) co-chairperson  Leni Robredo. Ito ang pinangangambahan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ni House committee on dangerous drugs chair Robert Ace Barbers kaya suportado ng mga ito na huwag i-release ng listahan ng HVTs kay Robredo. “Should the HVT list fall on the wrong hands, it might compromise the investigation done on these people and jeopardize the…

Read More

ILANG LALAWIGAN SIGNAL NO. 2 KAY ‘RAMON’

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng inaasahang landfall ng bagyong Ramon, ilang lugar ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 2 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito. Itinaas na ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga at Northern portion ng Ilocos Norte. Ayon sa PAGASA ang mga nasa signal No 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 61kph hanggang 120kph sa loob ng 24 oras. Nasa Signal No 1 naman…

Read More