HENIOUS CRIME CONVICT, BUBULUKIN SA KULUNGAN

(NI BERNARD TAGUINOD) PASADO na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na bulukin sa loob ng kulungan ang mga heinous crime convict lalo na kung nasentensyahan ito ng higit sa isang life imprisonment. Sa pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Leyte Rep. Vicente Veloso, inaprubahan ang House Bill 4553 na kanya mismong iniakda upang matiyak na magdurusa ang mga heinous crime convicts. Sa ilalim ng nasabing anukala, inamyendahan ang paragraph 5 ng Article 70 ng Revised Penal Code na nagtatakda lang ng 40…

Read More

MULTA NG GRAB ‘WAG IPASA SA DRIVER PARTNERS — SOLON

(NI ABBY MENDOZA) IPINASISIGURO ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa Philippine Competition Commission (PCC) na hindi ipapasa ng Grab sa driver partners nito ang kanilang financial obligations. Ayon kay Nograles, ang multang P23 milyon na ipinataw ng PCC sa Grab, kabilang dito ang P18.4M direct fine at P5 milyon refund dahil sa overcharging sa riders ay dapat solong karguhin ng pamunuan ng Grab. Ani Nograles, libu-libong Grab drivers ang nagbabayad pa ng amortization ng kanilang mga sasakyan at nagrereklamo rin sa…

Read More

VIETNAM ASAM ANG TOP 3 FINISH SA SEA GAMES

(NI JEAN MALANUM) TARGET ng Vietnam na manalo ng 70 hanggang 72 gold medals para makasama sa Top 3 overall sa 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Umaasa ang 568 atleta na kasama sa 856-member Vietnamese contingent na makakakuha ng gold medals sa athletics (12-14), cycling (1), fencing (3), football (2), gymnastics (5), judo (2), karate (6),  swimming (11),  taekwondo (3), weightlifting (1-2) at wrestling (8). Ang iba pang sports na sasalihan ng Vietnam ay archery, arnis, aerobics (gymnastics), badminton, basketball, billiards,…

Read More

BINOE’S UNICO HIJO ALI, 18, GETS MARRIED!

(NI BEN BANARES) HINDI naman talaga ‘showbiz’ ang nag-iisang lalaking anak ni Robin Padilla na si Robinhood “Ali” Padilla, Jr. – at wala namang balita tungkol sa kanya lately dahil sa Australia na siya nakatira. Kaya parang bombang sumabog ang balitang ikinasal na nga ang 18-year-old unico hijo ni Binoe (bunsong anak niya kay Liezl Sicangco). Ang huling balita kay Ali ay nang mag-post si Mariel Rodriguez noong nakaraang October ng larawan ng mag-amang Binoe at Ali dahil tuwang-tuwa siya sa bonding ng mag-ama. May tatlong kapatid na buo si Ali:…

Read More

BIGGEST LOSER SA FOOD SECURITY PINAS POSIBLE – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lang biggest importer ng bigas ang Pilipinas kapag hindi naibasura ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication and Liberalization Law kundi magiging ‘biggest loser’ pagdating sa food security. Ito ang tinuran ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kasabay ng pagbibigay kina House Speaker Alan Peter Cayetano at House majority leader Martin Romualdez  ng kopya ng 50,000 lagda na kanilang nakalap para ibasura ang nasabing batas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil nasapawan na ng Pilipinas ang China pagdating sa pinakamalaking rice importer sa mundo dahil aabot umano…

Read More

PAGBAWI SA 40 TAONG MAXIMUM PENALTY LUSOT NA SA HOUSE PANEL

BATAS-1

(NI ABBY MENDOZA) INAPRUBAHAN na ng House Committee on Justice ang committee report para sa House Bill 4553 kung saan tatanggalin na ang itinatakda sa Article 70 ng Revised Penal Code na nagtatakda ng hanggang 40 na taon lang ang maximum na taon na makukulong ang isang convict. Layon ng panukala na inakda ni Leyte Rep Vicente Veloso na maisisilbi ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya. Sa ilalim ng kasalukuyang sistema ay kahit ilang habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol ay hanggang 40 taon lamang maaaring makulong. Naging…

Read More

‘RAMON’ NAKAPAGTALA NG SIGNAL NO 3 SA ILANG LALAWIGAN

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) ISINAILALIM na sa signal no 3 ang Northern Portion ng Cagayan dahil sa inaasahang paglandfall ng bagyong ‘Ramon’. Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 Northern portion ng Cagayan, Signal no.2 naman sa Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur at  nakataas ang signal no 1 sa Mountain Province, Benguet, Ifugao La Union, at  Pangasinan. Ang bagyo ay huling namataan sa Calayan, Cagayan, taglay ang 120 kph na lakas ng hangin at bugso na 75kph. Martes ng gabi ito inaasahang tatama sa Babuyan…

Read More

NAMAMATAY SA AKSIDENTE SA PINAS PATULOY SA PAGTAAS 

(NI BERNARD TAGUINOD) MAHIGIT 700,000 libo ang naitalang lumabag sa batas trapiko sa bansa noong 2016 habang umaabot naman sa mahigit 12,000 ang namatay sa mga aksidente. Ito ang nabatid kay Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa kanyang House Bill (HB) 3196 na nagsusulong ng mandatory re-education program sa lahat ng mga drivers kada 5 taon. Ayon sa mambabatas, iniuat ng World Health Ogranization (WHO) global status report on road safety na patuloy ang pagdami ng mga namamatay sa aksidente sa Pilipinas. Patunay ito ang naitalang 12,690 na namatay sa aksidente…

Read More

ROAD SAFETY EDUCATION, IPAPASOK SA K-12 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Bong Revilla na isama sa curriculum ng K-12 program ang road safety and comprehensive drivers’ education. Sa kanyang Senate Bill 451, sinabi ni Revilla na layon nito na maimulat ang mga estudyante sa basic road safety. “The World Health organization considers road safety as a public health issue since one of the leading causes of death is road accidents,” saad ni Revilla. Iginiit pa ng senador na nakaalarma na ang impormasyon na marami sa mga adult ang kaunti lamang ang nalalaman sa basic road…

Read More