NBI KUMIKILOS VS EX-COMELEC CHAIR BAUTISTA

(NI DAHLIA S. ANIN)

MALAYA pa ring nakagagala si dating Commission on Election (Comelec) chief Andres Bautista sa Estados Unidos kahit na mayroong standing arrest warrant na inilabas ang Senado.

Isa ito sa mga isyu na nabanggit sa debate para sa P22-bilyong budget ng Department of Justice (DOJ).

Ayon sa National Bureau of Investigation, attached agency ng DOJ, humahanap na sila ng paraan upang mahuli si Bautista na napatalsik sa puwesto ng House of Representatives noong 2017 dahil sa mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman nito.

Pero, bago pa man umusad ang impeachment case ay nag-resign ito noong Oktubre 2017.

Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon ng kanyang estranged wife na si Patricia, na tumatanggap siya ng nga komisyon sa nga referred case, mayroon din umano siyang mga ghost employee at unexplainable trips.

Nalaman na lang na lumipad patungong Amerika si Bautista noong Nobyembre 21, 2017. At ayaw niyang bumalik sa bansa para dumalo sa mga Senate hearings kahit na pinadalhan na siya ng subpoena dahil umano sa ‘medical challenge’ at iginigiit na hindi siya nakatanggap ng summons na ipinadala ng mga mambabatas.

Naghahanap na ng update sa kasong ito si Senate President Tito Sotto.

Nais na rin ng Senado na mahuli si Bautista dahil sa hindi nito pagsulpot kahit na may subpoena na ipinadala dito.

“They (NBI) said he is really in the US. They are studying their next moves,” ani Senator Sonny Angara sa plenary debate.

Dagdag pa ng senador, ayon sa Presidential Commission on Good Governance (PCGG), ang Office of the Ombudsman ay nakikipag-ugnayan na sa kanilang opisina para sa nasabing kaso.

Bago maging commissioner ng Comelec ay nanilbihan din bilang head ng PCGG at naging dean ng Institute of Law ng Far Eastern University.

Nagprisenta ng dokumento sa NBI ang asawa nitong si Patricia para isiwalat ang mahigit P335 million sa local at foreign bank accounts ni Bautista na hindi nito inilagay sa kanyang Statment of Assests and Liabilities, kasama pa ang 14 na real properties na nagkakahalaga ng aabot sa P300 million.

Inakusahan din niya si Bautista na tumanggap  ito ng ‘gift wrapped’ cash package sa kanilang bahay.

Nauna nang itinaggi ni Bautista ang lahat ng alegasyong ito at inakusahan ang kanyang asawa na ninakaw nito ang kanyang pera, bank cards at iba pang dokumento noong 2016, upang kikilan siya.

Sa isang kolum sa BusinessMirror noong Lunes, sinulat ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Patricia, nakita si Bautista na gumagala sa US na ‘comfortable and self-exile’.

Itinuro rin ang mga facebook post kung saan, ipinakita ang pagpunta ni Bautista sa screening ng isang documentary film na The Kingmaker.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG SARAH LALABAS NG BANSA SA SABADO

BAGYONG RAMON

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT lumakas, hindi pa rin magla-landfall ang bagyong Sarah at asahan na sa weekend ay hihina ito at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nasa kategoryang severe tropical storm na ang bagyo, namataan ito sa Basco, Batanes at kumikilos ito sa bilis na 10 kph, taglay ang lakas ng hangin na 100 kph at bugso na 125 kph.

Sa ngayon ay umiiral ang Storm Signal No 1 sa Babuyan Island at Batanes.

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente sa Batanes, Babuyan Islands, ibang bahagi ng Cagayan Valley, Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera at Central Luzon dahil sa asahan na magiging maulan ang susunud na 24 oras na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa o landslides.

Ipinagbabawal din na maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malakas na alon partikular sa baybayin Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cagayan, Isabela at hilagang Aurora.

 

Please follow and like us:
Read More

‘BANGAYAN SA P50-M ‘KALDERO’ WAG NANG PATULAN’

(NI ABBY MENDOZA)

DAHIl wala namang maidudulot na mabuti, pinatitigil na ng isang senior congressman ang sagutan ng mga pulitiko ukol sa kontroberiyal na P5OM cauldron o tinawag na “kaldero” na gagamitin sa 2019 SEA Games.

Ayon kay  Dasmariñas City Rep. Pidi Barzaga na sa nalalapit na SEA Games ay suporta sa mga atleta ang nais na marinig ng mga ito at hindi ang batuhan at sagutan ng mga akusasyon.

Nobyembre 30 na umano ang pagsisimula ng SEA Games na pinaghandaan ng bansa kaya dapat na isantabi na muna ang ibang isyu.

“The cauldron issue which the President has to intervene should be set aside to focus on the SEA Games and the athletes. As President Rodrigo Duterte stated, the cauldron is a work of art—an intellectual creation—which could not be the subject of exact pecuniary estimation. Let’s not to be swayed by the cauldron issue and instead focus on the biennial regional multi-sport event,”pahayag ni Barzaga.

Sa halip na ang kaldero umano ang pag-usapan ay mas mahalagang bagay ang talakayin, una na dito ang panukala nyang taasan ang cash incentives sa mga mananalong manlalaro.

Ani Barzaga ang kasalukuyang incentives para sa gold medalists sa SEA Games ay P300,000; P150,000 para sa silver medalists; at P60,000 para sa bronze medalists.

Mas mababa ito kumpara sa ibinibigay sa mga nananalo sa Asian Game at Olympics. Nabatid na sa Asian Game ay P2M ang ibinibigay sa gold medalists; P1M sa silver medalists; at P400,000 sa bronze medalists habang sa Olympics, ang gold, silver, at bronze medalists ay nakakatanggap ng P10M, P5M at P2M.

Aniya napakaliit ng incentives para sa SEA Games kaya iminumungkahi nitong itaas sa P1M ang matatanggap ng gold medalists; P500,000 para sa silver medalists; at P300,000 para sa bronze medalists.

Sakaling ang pondo kung itataas ang incentives, sinabi ni  Barzaga na maaari naman na  magkaroon ng realignment sa  proposed 2020 budget para maitaas ang incentives sa mg atleta.

 

Please follow and like us:
Read More

HOUSE EMPLOYEES TATANGGAP NG BIGAS 

bigas18

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAMIMIGAY na rin ng bigas ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang mga empleyado upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa na naapektuhan ng rice tariffication law.

Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano kasunod ng mga ulat na mamimigay na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng bigas sa kanilang mga empleyado.

“Yes, we’re already studying that,” ani Cayetano.

“I just don’t know the details now kung part of our rice allowance sa House ay pwede or kung part of the bonuses and the allowances could be rice ang diretso,” dagdag pa ng mambabatas.

Magugunita na nagpasa ng Joint Resolution ang Kamara para gamitin sa pagbili ng palay ang P6.9 Billion na  pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa rice subsidy ng mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Layon nito na mabili ng mas mahal na presyo ang palay ng mga magsasaka kumpara sa kasalukuyang presyuhan na P10 hanggang P14 lamang ang kada kilo. Gayunpaman, hindi sinabi ng mambabatas kung saan kukunin ang pondo para ipambili ng bigas na ipamamahagi sa mga empleyado ng Mababang Kapulungan.

 

Please follow and like us:
Read More

JULIA: MASAYA KAMI NI MOMMY, KAMING MAGKAKAPATID!

(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay mainit na pinag-usapan ang tungkol sa away ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto sa mismong burol ng amang si Miguel Barretto. Naging malaking palaisipan sa publiko kung ano talaga ang tunay na dahilan ng pagkakagalit-galit ng pamilyang Barretto.

Hanggang maaari ay hindi na umano sumasali o nakikisawsaw si Julia Barretto na anak ni Marjorie sa gulo o away ng kanilang pamilya. “I’m happy, masaya kami eh, kami ni mommy, kaming magkakapatid, masaya kami eh. Strong ang bond namin,” nakangiting bungad ni Julia.

Para sa dalaga ay mas naging matatag ngayon ang relasyon nilang mag-iina dahil sa mga nangyaring gulo. “I think in general kahit anong pagdaanan ng mga tao, ng mga pamilya, ng mga magkakaibigan, ng magkarelasyon, in general kahit anong pagdaanan, feeling ko nakakapagpatibay talaga ng loob, nakakapagpatibay ng relationship, ng love, ng connection,” makahulugang pahayag ng aktres.

Ayon kay Julia ay palagi rin siyang pinapayuhan ng ina kung ano ang dapat gawin upang mas maging mabuting tao para sa pamilya at sa kapwa. “Maraming payo si Mommy. Pero siguro ang favorite ko na payo niya is, ‘Don’t be late for work. Always be on time.’ No, I think it’s, ‘Always be the better person. Always be the better and kinder person, the bigger person always. And always leave it up to the Lord,’” pagbabahagi niya. Report from JCC

 

Please follow and like us:
Read More

FOOD CRISIS ‘PAG PINATIGIL ANG RICE TARIFF LAW – DU30

(NI CHRISTIAN DALE)

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng food crisis kapag ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.

Iginiit ng Punong Ehekutibo na kapag ipinawalang bisa niya ang batas ay posibleng magresulta ito ng food crisis.
Nauna nang humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mga lokal na magsasaka dahil sa pagbulusok ng presyo ng palay.

Sa kabilang dako, nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na hindi nila maaaring ihinto agad ang importasyon ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Ito ang tugon ng DA kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na ititigil ng pamahalaan ang rice importation para bigyang daan ang panahon ng anihan ng mga lokal na magsasakang apektado ng mababang farm gate price.

Ayon kay Agriculture spokesperson Asec. Noel Reyes kailangan munang amyendahan ang batas ng rice tariffication, o di kaya’y maglabas ng direktang utos ang Pangulo hinggil sa plano nito.

Una ng sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na hindi ikokonsidera ng gobyerno ang suspensyon ng batas lalo na’t wala pang isang taon mula nang lagdaan ito.

Para sa DA, posibleng nais lang ng pangulo na bawasan ang importasyon ng bigas sa panahon ng anihan.
Batay sa huling datos ng Agriculture department, naglalaro sa P12 hanggang P13 kada kilo ang farm gate price ng sariwang palay.

Habang P16 kada kilo ang tuyong palay.

Sa nakalipas naman na linggo, bumaba na sa 80,000 metric ton ang pumasok na imported rice bansa mula sa 200,000 metric ton noong mga nagdaang buwan.

Please follow and like us:
Read More

SAHOD NG NURSES BAKIT ‘DI TUMATAAS?

(NI NOEL ABUEL)

KINUWESTIYON ni Senador Bong Revilla kung bakit patuloy na binabalewala ng ilang ospital ang utos ng Korte Suprema na itaas ang suweldo ng mga nurses sa bansa na naaayon sa R.A. 9173 o ang “Philippine Nursing Act of 2002”.

Sa gitna ng deliberasyon sa hinihinging pondo ng Department of Health (DOH), nagtanong  si Revilla kung bakit hindi nakapaloob dito ang RA 9173 na nagsasaad na ang base pay ng mga nurse sa public sector ay nasa Salary Grade 15.

Paliwanag ni Revilla, mahalaga na masigurong naipapatupad ang utos ng SC upang mapigilan pang umalis ng bansa ang mga nurses.

Base sa datos ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA),  mahigit sa 19,000 nurses ang umaalis ng Pilipinas kada taon dahil sa mababang pasahod sa bansa.

Ilan sa mga bansang tinutungo ng mga Pinoy nurses ang United States, United Kingdom, Canada at New Zealand kung saan kumikita ang mga ito ng katumbas ng 10 beses at higit pa kung ikukumpara sa suweldo nito sa Pilipinas.

“Dapat sundin natin at dapat po maisama natin ito sa budget dahil Korte Suprema na mismo ang nag-utos nito,” sabi pa ni Revilla.

Sa ilalim ng R.A. 9173, ang minimum base pay ng mga entry-level public nurses ay P30,531 (SG 15), na malayo sa P9,777 mula sa kanilang current take home pay na P20,754 (SG 11) habang ang mga Nurse II ay tatanggap ng P33,584 o SG 16.

 

Please follow and like us:
Read More

NO.1 NG PINAS SA SEA GAMES INAASAHAN

imee66

(NI NOEL ABUEL)

MAGAGALIT umano ang taumbayan kung hindi makukuha ng Pilipinas ang unang puwesto sa idaraos na Southeast Asian Games.

Ito ang sinabi ni Sendoor Imee Marcos kung saan umaasa ito na mag-number one ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang magkakakuha ng pinakamaraming gintong medalya sa gaganapin na Southeast Asian (SEA) Games sa darating na November 30 hanggang December 11.

Ayon kay Marcos, sa laki ng budget na inilaan ng pamahalaan para sa hosting ng biennial multi-sport event ng 11 bansa sa rehiyon, dapat ay matiyak ng mga organizer na hindi mangungulelat ang mga atletang Filipino sa ranking ng may pinakamaraming gintong maipapanalo.

Ginawa ng senadora ang pahayag matapos pagpaliwanagin  sa Senado sina Senador Bong Go, bilang sponsor ng budget ng Philippine Sports Commission, at House Speaker Alan Peter Cayetano, na siya namang pinuno ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation Inc..

Sinasabing nasa P7.5-bilyon ang pondong inilaan para sa hosting ng Pilipinas sa SEA Games bukod pa sa halagang P9.5 bilyon para sa bagong pasilidad sa New Clark City, Pampanga na babalikatin ng pamahalaan.

Sinabi ni Marcos, dapat tiyakin ng mga organizer ng SEA Games na masungkit ng Pilipinas ang number 1 spot ng may pinakamaraming gintong panalo para masuklian naman ang taongbayan sa bilyun-bilyong pisong ginastos sa biennial multi-sport event ng 11 bansa.

“Sa laki ng gastos natin, sana naman masiguro na mag-number 1 tayo sa SEA Games dahil kung hindi, tiyak na magagalit ang taongbayan!” ayon kay Marcos.

“Pero kinakabahan ako, kasi sa tingin ko, masuwerte na kung maka-5th place tayo sa SEA games,” pagtatapat ni Marcos.

Nais din ni Marcos na masiguro kung kumpleto at maayos ang mga equipment at mga pasilidad ng mga atletang Pinoy, kabilang na rin ang pagkain, vitamins at iba pa.

Bukod dito, pinatitiyak din ni Marcos sa mga organizer at mga awtoridad ang seguridad ng libu-libong atleta na kalahok sa nasabing sports competition.

 

Please follow and like us:
Read More

SOTTO: P4.1-T NAT’L BUDGET MATATAPOS SA TAKDANG PANAHON               

titosotto

(NI NOEL ABUEL)

TINITIYAK ng liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso na maipapasa sa takdang panahon ang panukalang P4.1 trillion national budget.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nasa tamang landas na tinatahak ang mga senador sa gitna ng plenary deliberations sa General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan at ipinadala ng Kamara.

“It was submitted on time. We are right on track of our timetable without sacrificing important issues being raised in the different departments,” sabi ni Sotto  sa pagsasabing mahabang oras ang inilaan sa mga senador para usisain ang mga nilalaman ng budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Idinagdga pa ni Sotto na ang plenary discussions sa panukalang budget kabilang ang period of interpellation, individual amendments at committee amendments ay inaasahang matatapos sa huling linggo ng kasalukuyang buwan.

Target ng mga senador na maaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbansa ang GAB sa susunod na linggo habang ang bicameral conference committee ay inaasahang maisasaayos sa unang linggo ng Disyembre.

“The bicameral debates will be unpredictable. We expect healthy debates among members of the bicameral panel as they thresh out and reconcile the differences in our respective versions of the measure. We hope they will remain level-headed and open-minded during the discussions,” ayon pa kay Sotto.

Kumpiyansa ang Kongreso na ang 2020 General Appropriations Act ay malalagdaan para maging batas bago mag-holiday break ang mga mambabatas sa Disyembre 20.

 

 

Please follow and like us:
Read More