56-ANYOS OPTIONAL RETIREMENT OK SA IKALAWANG PAGBASA SA KAMARA

congress12

(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO  na sa ikalawang pagbasa sa  Kamara ang panukala na nagbaba sa optional retirement age ng mga kawani ng pamahalaan sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 anyos. Sa oras na maisabatas ang House Bill 5509 ay aamyendahan nito ang RA 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997. Layunin ng panukala na maenjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya dahil sa maagang pagreretiro. Hangarin din ng panukala na gawing mabilis ang turnover ng mga posisyon sa…

Read More

CAYETANO HAPPY SA MEDAL STANDING NG PINOY ATHLETES

(NI BERNARD TAGUINOD) HAPPY si House Speaker at Philippine Sea Games Organizing Committee chair Alan Peter Cayetano sa medal standing ng Pilipinas sa unang apat na araw ng 30th Southeast Asia Games. “So I’m happy about the count and praying talaga na we will succeed not only in hosting but also, our athletes will succeed in being overall champion,” pahayag ni Cayetano sa ambush interview. Habang isinusulat ito ay nakakuha na ang Pinoy athletes ng 103 medalya na kinabibilangan ng 51 gold, 33 silver at 19 bronze at malayo ang Vietnam…

Read More

SENADO KIKILOS VS MANILA WATER, MAYNILAD

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUPORTADO ng mga senador ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat busisiin ang kontrata ng mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water Co. Ayon kay Senador Francis Tolentino, may oversight function ang Kongreso dahil sila ang nagbigay ng prangkisa kaya’t may kapangyarihan din silang busisiin ang pagtupad ng mga kumpanya sa kontrata. “As the one who gave the franchise, that’s part of the oversighy of Congress. Probably it will lead to that investigation,” saad ni Tolentino. “The President is always on the side of the…

Read More

BIKTIMA NG BAGYONG TISOY PAUTANGIN NANG WALANG INTERES — SOLON 

(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ni Albay Rep. Joey Salceda sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na pautangin nang walang interes ang mga biktima ng bagyong Tisoy, partikular na sa Albay na isa sa mga labis na nasalanta. Nais ni Salceda na katumbas ng anim na buwang sahod ang ipatutupad ng SSS at GSIS sa kanilang mga miyembro sa nasabing lalawigan upang magamit nila ito sa muli nilang pagbangon. Nabatid kay Salceda na nag-alok na umano ang Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig fund ng express home rehabilitation…

Read More

HUSBAND-TO-BE NEIL PROUD KAY PHILANTROPIST ANGEL

(NI ASTER AMOYO) ANG pagiging matulungin ng actress na si Angel Locsin ay hindi lamang ang mga kababayan niya ang nakakaalam kundi ito’y umabot na rin  sa kaalaman ng Forbes Asia Magazine para siya’y mapabilang sa 30 listahan ng mga kinilalang pilantropo ng buong Asya na kinabibilangan din ng Chinese-Filipino  business tycoon na si Hans Sy, ng Indian business tycoon na si Azim Premji, ng Australian billionaire na si Judith Nielson at ang Chinese tycoon na si Jack Ma at iba pa.  Ang mapahanay lamang sa mga prominenteng pangalan ay isa…

Read More

LIFETIME SCHOLARSHIP, ALLOWANCE SA PINOY ATHLETES IGINIIT

(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara na bigyan ng full at lifetime educational scholarship ang mga Pinoy athletes na nagkamedalya ngayong Southeast Asian Games. Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga atletang ito para bigyan ng karangalan ang bansa kaya dapat aniyang tanawin na malaking utang na loob ito. “Free education is a fitting reward to our athletes who have demonstrated dedication, discipline and perseverance to bring honor to  our country,” ayon sa  mambabatas. Sinabi ng mambabatas na karamihan sa mga atleta ay…

Read More

PINOY STUDENTS KULELAT SA PISA RESULT; SOLON DISMAYADO

students12

(NI BERNATRD TAGUINOD) HINDI naitago ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang labis na pagkadismaya matapos mangulelat ang mga estudyanteng Filipino sa Programme for International Student Assessment (PISA) na isinagawa noong 2018. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, dapat maging wake-up call sa Department of Education (DepEd) ang resulta ng PISA kung saan sa 79 bansa na sumali, ika-19 ang mga estudyante ng Pilipinas sa reading comprehension at ika-78 sa Science at Mathematics. “It is very unfortunate and should be a wake-up call for the Department of…

Read More

BUY AND SELL NG MGA SANGGOL, PINABUBUSISI 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINABUBUSISI ni Senador Leila de Lima sa Senado ang impormasyon hinggil sa malawakang bentahan ng mga bagong panganak na sanggol sa tinatawag na ‘underground black markets’ sa bansa. Sinabi ni de Lima na nakababahala ang mga ganitong ulat dahil inilalagay nito sa panganib ang mga sanggol at posible silang maabuso. Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 224, iginiit ng senador na dapat magsagawa ng imbestigasyon ang kaukulang Senate committee upang matukoy ang tinatawag na underground “babies-for-sale” trade sa online at offline transactions. Inamin ni de Lima na…

Read More

PAG-AMYENDA SA P4.1-T 2020 BUDGET PORMAL NANG HINILING

(NI NOEL ABUEL) PORMAL nang inihain ni Senador Panfilo Lacson ang kahilingan nito na amiyendahan ang P4.1 trillion national budget para sa 2020 bago pa ito tuluyang maipasa. Sa kanyang liham na ipinadala kay Senador Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Finance, inisa-isa ni Lacson, vice chair din ng nasabing komite, tinukoy nito na nais dagdagan ng pondo ang programa ng pamahalaan, partikular ang national ID, Universal Health Program, at free tuition. Samantalang, nais naman nitong bawasan ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng…

Read More