MARIS: FEELING KO ISA NA RIN AKONG BEAUTY QUEEN!

(NI BOY ABUNDA) SA pangalawang pagkakataon ay makakatrabaho ni Maris Racal si Joel Lamangan para sa digital series na Beauty Queens. Masayang-masaya ang aktres nang malaman na personal siyang pinili ng beteranong direktor para sa naturang proyekto. “No’ng nalaman ko na ni-request niya talaga ako na maging part ako dito, parang coming from him, okay na ‘yon sa akin. Very happy ako and very thankful for the trust. I’ll make sure na gagalingan ko dito sa iWant series para kunin niya ulit ako,” nakangiting pahayag ni Maris. Unang nakatrabaho ng…

Read More

TAKE-OVER NG VILLAR SA WATER SERVICE SA METRO TINUTULAN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) TINUTULAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa sa kumpanya ng mga Villar ang water service sa Metro Manila na hawak ngayon ng Manila Water at Maynilad dahil tiyak na lalong mapipiga umano ang mga consumers. “Nationalization of water services ang solusyon dito, hindi transfer of control to his crony, not Villarization,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itake-over ng mga Villar ang water service sa Metro Manila. Ang PrimeWater Infrastructure Corp., ay pag-aari ng kumpanya ng…

Read More

TILAPIA, BANGUS PAMALIT SA GALUNGGONG — DA

(NI KIKO CUETO) INABISUHAN ni Agriculture Secretary William Dar ang publiko na maghanap na lang ng ibang mas murang isda, kasunod ng pag-doble ng presyo ng kada kilo ng tinaguriang “poor man’s fish” na galunggong. Itinuro ni Dar na posibleng alternatibo ang tilapia at bangus na mas mura. “Meron namang [ibang] mga sources ng protein, mas mura pa, ‘yung tilapya at bangus. The same protein ay mas marami pa rito kesa galunggong,” sinabi nito. Sa sinabi pa ni Dar, ang isang kilo ng tilapia ay nasa P120 hanggang P130, habang…

Read More

MS. SOUTH AFRICA BAGONG MS. UNIVERSE 2019

ITINANGHAL na Ms. Universe 2019 si  Zozibini Tunzi, ng  South Africa, kapalit ni Catriona Gray, ng Philippines, sa ginanap na koronasyon sa Atlanta, Georgia, Lunes ng umaga. Tinalo ni Tunzi ang 89 kandidata ng iba’t ibang bansa sa mundo at kauna-unahang nagsuot ng bagong Mouawad crown. Si Madison Anderson Berrios, ng Puerto Rico, ang itinanghal na first runner-up, habang si Sofia Aragon, ng Mexico ang second runner-up. Naunang natapos ni Ms Philippines Gazini Ganados ang kanyang journey sa timpalak nang malaglag sa top 10. 158

Read More

WATER JEEPNEY BIBIYAHE NA; LIBRENG SAKAY INIHAYAG

(NI MAC CABREROS) MAS mabilis na ang biyahe ng taga Cavite patungo Manila at pabalik, iniulat ng Department of Transportation (DOTr). Sa pagbubukas ng Cavite-Manila ferry o water jeepney, inihayag Secretary Arthur Tugade na abot sa 40-45 minuto na lamang ang biyahe mula Cavite City Port Terminal hanggang Liwasang Bonifacio Terminal pabalik habang nasa 15 minunto lamang ang Cavite – Cultural Center of the Philippines. “Binubuhay natin ang konsepto ng ‘water jeepney’ at sana ho ay tangkilikin ninyo, para masabi natin: Okay ka, ferry ko,” pahayag  Tugade. Inihayag pa Secretary…

Read More

MS PHILIPPINES GAZINI GANADOS LAGLAG SA MS UNIVERSE 2019

NATAPOS na ang journey ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019 pageant matapos itong malaglag sa Top 10 sa idinaraos na timpalak ngayon. Kabilang sa mga nakapasok ang mga kandidata ng USA, Colombia, Puerto Rico, South Africa, Peru, Iceland, France, Indonesia, Thailand, at Mexico. Inaasahan ng bansa ang back-to-back win ni Ganados kapalit ni Ms Universe 2018 Catriona Gray. Siya rin ang inaasahang magiging ikalimang titleholder matapos nina Gray, Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).   94

Read More

ABOT-KAMAY NA: PHL, 30th SEAG OVERALL CHAMP — PSC

(NI VT ROMANO) MAY dalawang araw pang nalalabi bago bumaba ang telon ng 30th Southeast Asian Games, pero maaari nang angkinin ng Pilipinas ang overall championship. Isa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman at chef de mission William “Butch” Ramirez sa nagpahayag nang kasiyahan sa resulta ng kampanya ng Pinoy athletes. Ayon kay Ramirez, ipinakita ng mga Pinoy na kaya nating magkaisa para sa ikatatagumpay ng bansa. “Almost to the final stretch, and I am grateful to God for the steady performance of our team,” lahad ni Ramirez. “More than…

Read More

P1.8-M KUSH TINANGKANG ILUSOT, CLAIMANT SWAK SA CAIDTF

KUSH-1

ARESTADO ng pinagsanib na pu­wersa ng Customs Anti-IlIegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang claimant ng hindi bababa sa P1.8 milyong high grade marijuana o Kush na tinangkang palusutin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Base sa report ng Customs NAIA, ang kontrabando ay nakapangalan sa isang Joseph Marck Tamo na nakatira sa Taguig City. Nang isailalim sa inspeksyon, tumambad sa mga Customs agent ang tatlong (3) piraso ng vacuum-sealed pouches na naglalaman ng mga pinaniniwalaang Kush weed na may bigat na 973 gramo at tinatayang may market value na P1,800.000. Naunang idineklarang Marvel Comics at sleeping bags ang mga kargamento na kinuha ng suspek na si…

Read More

P6.8-M SHABU NAKUMPISKA NG BOC

SHABU-23

TOTOO sa kanilang mandato na puprotektahan ang bansa sa pagpasok ng ilegal na droga, Nakum­piska ng Bureau of Customs ang mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon na nakasingit sa mga kargamento ng aqua­rium filter mula sa Czech Republic noong Disyembre 3. Nang isailalim sa inspeksyon ang kargamento, nakita ang kahina­hinalang balot kung kaya’t nagkaroon ng pagdududa na posibleng droga dahilan upang gu­mamit ng K-9 mula sa Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsusuri ng mga kargamento. Nakuha ang dalawang plastic pack ng crystalline substances kaya’t kaagad na ipinasuri ang mga ito na sa huli ay nagpositibo sa Methamphetamine hydrochloride o “shabu.” Maliban sa shabu, nakuha rin sa kargamento ang 30…

Read More