MAINE ‘DI SUMAMA KAY ARJO SA DUBAI

lolit(NI LOLIT SOLIS)

MAGANDA raw ang resulta ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Sabi ni Noel Ferrer na spokesperson ng MMFF 2019, hindi raw totoong bumaba ang kinita ngayon dahil sa bagyong Ursula na nanalanta sa Kabisayaan at Mindanao.

Nakakaawa nga sila roon dahil talagang apektado sila nang husto ng malakas na bagyong ito.

Pangalang kontrabida pa naman itong Ursula, na naging kontrabida talaga siya ng mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong iyun sa araw ng Pasko.

Nakikita ko naman sa TV  na maganda ang resulta ng mga pelikulang pambata.

Nag-iikot ang mga artista sa mga sinehan para ma-promote pa rin ang entry nila.

Nakakatuwa nga si Maine Mendoza na pinili niyang huwag sumama kina Arjo Atayde na nag-Christmas sa Dubai. Mas gusto niyang makasama ang mga fans niyang nanood ng Mission Unstapabol.

Nung araw ng Pasko at inikot niya ang iba’t-ibang sinehan sa Market Market, Trinoma, SM MOA,  at marami pa.

Maganda raw ang feedback sa pelikula, at gustung-gusto nila, kaya lumalaban din ito sa takilya.

Pero ang hindi nila akalaing mag-hit nang husto ay ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach.

Nag-ikot din si  Aga kasama ang ibang cast sa ilang sinehan para magpasalamat sa lahat na mga nanood.

Sabi nga ng mga bakla, nanghinayang daw sila para kay Nadine Lustre dahil tinanggihan niya ito, kaya napunta na kay Bela Padilla.

Pero mas bagay daw kay Bela ang role eh, kaya mabuti na lang at sa kanya napunta.

Pero kung natuloy sana rito si Nadine, eh di meron na raw sana siyang nag-hit na pelikula.

Basta ituluy-ituloy lang dapat ng mga artista ang mag-promote sa mga sinehan, dahil kapag MMFF dapat tuluy-tuloy ang promo ng entry nyo.

Tingnan na lang natin kung mababago ang takbo sa boxoffice pagkatapos ng awards night.

LESSON LEARNED: SOCIAL MEDIA IS NOT BE ALL AND END ALL NG BUHAY 

Papasok na tayo ngayon sa year 2020, at parang ang gandang isulat ang 2020 di ba?

Maganda ang vision kapag sinasabing 2020 di ba? Kaya dapat magaganda na lang ang harapin natin.

Ang daming bashing na dinaanan ko nitong taon, at malamang meron pang mas matindi diyan sa mga darating na araw pero hindi talaga ako apektado.

Sa halip, gawin mong leksyon ito at may natutunan din ako sa mga ibina-bash nila sa akin.

Ang isa sa natutunan ko, hindi be all and end all ng buhay mo itong mga social media. Iyong mga harsh comments na natatanggap mo, harapin mo nang bonggang-bongga. Kung di mo kakayanin, eh di iwan mo. Ganoon lang kadali ‘yon.

Kung tingin mong makakasira na sa ‘yo, iwan mo na lang.

Just do what will make you happy, you owe that to yourself. Kaya piliin nyo nang maging masaya ang 2020 nyo! Happy new year sa inyong lahat!

 

Read More

CLARKSON PANALO SA DEBUT GAME SA UTAH

(NI LOUIS AQUINO)

NAKABUTI para sa may dugong Pinoy na si Jordan Clarkson ang pag-trade sa kanya ng Cleveland sa Utah makaraang magwagi ang Jazz kontra Portland, 121-115, Biyernes (Disyembre 27, Philippine time).

Nanguna para sa Jazz si Donovan Mitchell na umukit ng 35 points sa panalo ng koponan laban sa Trail Blazers.

Nagtulong sina Damian Lillard, na may 34 points, at CJ McCollum, 25 points, ng Portland para maibaba sa dalawa ang 23 puntos na kalamangan ng Utah, 103-102, mahigit apat na minuto ang nalalabi sa laro.

Napigilan ni Utah’s two-time Defensive Player of the Year Rudy Gobert na makaiskor si Carmelo Anthony at kasunod nito’y binutata ang da-drive na si Lillard upang selyuhan ang panalo ng Jazz.

Umiskor si Gobert ng 16 points at 15 rebounds, nagdagdag si Joe Ingles ng 26 points, at 9 mula sa bagong salta sa Jazz na si Clarkson.

Na-trade si Clarkson sa Jazz kapalit ng dating No. 5 overall pick na si Dante Exum at dalawang future second-round picks.

May 14.6 points per game average si Clarkson ngayong season at kamakailan lang ay pinangunahan ang Cleveland kontra Memphis nang magtala ng season-high 33 points.

Read More

GILAS NAGHAHANAP NG BAGONG COACH

(NI ANN ENCARNACION)

KAHIT naipanalo pa ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, walang balak si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-extend sa kanyang national duty.

Iginiit ni Cone na “one and done” ang pagiging Gilas coach niya.

“I was told at the start that I will be some sort of a caretaker for the national team that will be playing for the Southeast Asian Games,” paliwanag ni Cone.

Idinagdag niya na may inihahanda nang programa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa susunod na taon kaya’t hindi niya inaasahan na muli na magtatagal bilang coach ng  pambansang koponan.

“All I know is that they will be implementing a new Gilas program under project director coach Tab Baldwin. Other than that, I have nothing more about the insides,” sabi ni Cone.

Huling sumabak ang Gilas team sa 2019 Fiba World Cup sa China kung saan wala ito kahit isang naipanalo.

Matapos ang nakadidismayang performance ng national team sa China, tuluyang nagbitiw bilang coach ng Gilas si NLEX coach Yeng Guiao, kaya’t kinukunsiderang “disbanded” na ang team.

Matapos tanggapin ang hamon na maging coach ng national team para sa 30th SEAG, bumuo ng sariling all-pro team si Cone na pinadapa ang lahat ng mga nakalaban sa katatapos lang na biennial regional meet.

Sa ngayon ay wala pang inihahayag ang SBP kaugnay sa bagong head coach ng Gilas, maliban sa limang piling players na pawang kinuha sa PBA draft nitong buwan.

Ang limang isinama sa Gilas pool ay sina Isaac Go, magkapatid na Matt at Mike Nieto, Rey Suerte at si Allyn Bulanadi.

Sila ang magsisilbing pundasyon ng bagong national team na personal na pinili ni Ateneo Blue Eagles coachTab Baldwin.

Gayunpaman, hindi pa malinaw kung tinanggap na ni Baldwin ang trabaho bilang project director ng national team, o kung siya na ang bagong coach ng Gilas Pilipinas.

Read More

SOLONS: OIL PRICE HIKE BUBULAGA SA 2020

oil price hike12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MASA-SHOCK ang taumbayan sa presyo ng langis simula  Enero 1, 2020 dahil sa third tranche ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na posibleng makaapekto, hindi lamang sa presyo ng mga bilihin kundi sa serbisyo publiko.

Ito ang babala nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite sa panayam ng Saksi Ngayon, kaugnay ng 3rd tranche ng TRAIN law kung saan muling madaragdagan ang buwis sa mga produktong petrolyo.

“Even if the Department of Energy (DOE) is telling oil companies to first deplete their old stocks before imposing the added excise tax on oil products, without the unbundling of the prices of oil products we cannot tell for certain if the oil companies are already passing on the new excise taxes,” ani Zarate.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang buwis sa diesel ay madaragdagan ng P1.50 kada litro habang ang gasolina, kerosene at lubricating oils ay muling papatawan ng P1 kada litro gayundin sa bawat kilo ng  liquefied petroleum gas (LPG)

Aabot din sa P1.50 ang bagong buwis na ipapataw sa bunker fules at petroleum coke kaya ayon kay Gaite, mabubura ang mababang inflation rate na naitala noong Nobyembre.

Sinabi ni Gaite na walang ibang papasan sa panibagong  oil price increase na ito sa simula ng 2020 kundi ang mga consumers dahil sa kanilang direktang sisingilin ang dagdag na buwis na ito

Maliban dito, tiyak na ipapasa na babawiin naman aniya ng mga negosyante ang kanilang dagdag na gastos sa produksyon at transportasyon ng kanilang produkto sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo.

 

Read More

YENG: YUNG MAGSELOS ANG ASAWA MO, PARA MAY KILITI NAMAN ANG BUHAY!

(NI BOY ABUNDA)

MALAKI ang pasasalamat si Yeng Constantino sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang ginagawa. Bukod sa pagkanta ay pinasok na rin ng singer ang pag-arte sa harap ng kamera. Katambal ni Yeng si Joem Bascon sa pelikulang Write About Love na isa sa mga kalahok ngayong Metro Manila Film Festival. “Sobrang grateful Tito Boy dahil sa kabila ng thirteen years ko sa insdustriya hanggang ngayon, nakikinig pa rin ang mga tao sa music ko, naniniwala pa rin especially ‘yung Yengsters ko. ‘Yung pagmamahal sobrang na-appreciate ko talaga,” nakangiting bungad ni Yeng.

Nakaramdam umano ng pagkailang ang singer kay Joem lalo na sa maselan na eksenang ginawa ng dalawa. “First day of shooting, pinag-unbutton ni direk si Joem sa harapan ko. Sino ba naman ang nakikita kong nag-a-unbutton sa harapan ko kung hindi ‘yung asawa ko. Tuloy ‘yung laway ko parang hindi ko malunok. Inisip ko na lang na gano’n talaga eh, trabaho lang,” natatawang kwento ng singer.

Samantala, ayon kay Yeng ay hindi nakaramdam ng selos ang asawang si Yan Asuncion kay Joem kahit na nagkaroon ng intimate scene ang singer sa naturang pelikula. Aminado naman ang singer-actress na mas gugustuhin pa niyang makaramdam ng selos ang mister sa kanyang kapareha sa trabaho. “Hindi ko alam kung nagseselos siya eh. He would say na nagseselos siya, na parang, ‘Meron kayong ano (kiss) do’n sa film eh,’ Pero ‘yung seryosong selos, hindi ko nakita sa kanya ever eh. Gusto ko Tito Boy, sarap naman no’n na magselos ‘yung asawa mo para may kiliti naman ang buhay. Parang minsan, ‘Sige, magselos ka, okay na ako,” pagtatapos ni Yeng. -Reports from JCC-

 

Read More

SINSERIDAD NI SISON KINUWESTIYON SA ONE-ON-ONE KAY DU30

joma12

(NI CHRISTIAN  DALE)

PATUNAY lang na walang sinseridad si CPP/NPA founding chair Jose maria Sison sa pakikipag-usap tungkol sa kapayapaan kung tatanggi ito sa hamon ng pamahalaan na one-on-one talks ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng muling pagsisikap ng gobyerno na makipag-usap sa grupo ng makakaliwa.

Ayon kay Panelo, matibay ang paninidigan ng pamahalaan na dapat maganap dito sa Pilipinas ang pag-uusap ni Sison at ng kanyang dating estudyante na si Duterte at mula doon ay mapagtibay ang isang kasunduan na may kinalaman sa kapayapaan.

Sabi ni Panelo, malaya din daw si Sison na makababalik ng The Netherlands pagkatapos ng kanilang pulong ng Pangulo sa gitna ng pagtiyak na hindi ito aarestuhin sakaling bumalik ng bansa para sa kanilang one-on-one meeting ng Chief Executive.

Hindi na rin aniya kailangan pa ng peace panel mula sa gobyerno o sa grupo ng komunista sa sandaling matuloy ang one-on-one meeting ni Joma at ng Pangulo.

Read More

DU30 PORMAL NANG TATANGGI SA IMBITASYON NI TRUMP

(NI CHRISTIAN  DALE)

PORMAL na tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump sa kanya na bumisita sa Washington.

“He said he would respond to the invitation and will decline,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Ang desisyon ni Duterte ay walang kinalaman sa ginawang paglagda ni President Trump sa US Fiscal Year 2020 State and Foreign Operations Appropriations Act kung saan nakapaloob ang probisyon na nagba-ban sa mga Philippine government officials na sangkot sa pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.

“He said he never intended to visit the US naman ever since,” ayon kay Panelo

Taong 2017 nang imbitahan ni Trump si Pangulong Duterte na bumisita sa White House.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng mahabang byahe.

Bukod pa rito ay hectic din ang iskedyul ng Pangulo kaya’t malamang na hindi niya talaga matupad ang imbitasyon ni Trump.

At sa tanong kung dapat pang masamain ni Pangulong Duterte ang ginawang pagtinta ni President Trump sa budget law kungvsaan nakapaloob ang probinsyon ng entry ban, ay sinabi ni Panelo na ‘no.’

“No. Kasi unang-una, I have already repeatedly said, it’s not naman self-executory eh. The law itself says if there is credible information received by the one who will decide – and the one who will decide will be the Secretary of State.

“And that is why even the Ambassador, as I related to you, when we had an encounter in one party the other night, he said eh sa Congress naman eh,” aniya pa rin.

Read More

DIPLOMATIC CRISIS SA PAGITAN NG PINAS, US, PINANGANGAMBAHAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mauwi sa diplomatic crisis ang bangayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa kaso ni Sen. Leila de Lima.

“Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez should work double time to avoid a diplomatic crisis with the US,” ani Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Ang pahayag ni Defensor ay kasunod ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na obligahin ang mga Amerikano na kumuha ng visa sa Pilipinas bago sila US kapag itinuloy ng mga ito ang pagban sa kaniyang grupo na makapasok sa nasabing bansa.

Sa ngayon ay walang visa ang mga Amerika kapag pumunta sa Pilipinas habang kailangan naman ng mga Filipino ang nasabing dokumento para makapasok sa nasabing bansa.

Bukod kay Duterte, kabilang sa mga ipinapa-ban sa Amerika ay sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Presidential spokesperson Salvador Panelo, Solicitor General Jose Calida, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating Cong, Rudy Farinas at Cong. Reynaldo Umali, mga blogger na sina Mocha Uson at ibapa na nagkaroon ng papel sa pagpapakulong kay De Lima.

“It is his (Ambassador Romualdez)  role to reach out to the US Government, the Senate included, to explain the circumstances that led to the detention of Sen. De Lima and other human rights issues being raised by the US government,” ani Defensor.

“While we deplore the interference of the US Govt on the internal affairs of the nation , which at this stage involves not only the executive but the judiciary, it is also incumbent upon us to explain the situation in the Philippines,” dagdag pa ng mambabatas.

Naniniwala si Defensor na kung maipapaliwanag ng maayos sa Amerika, United Nation (UN) ang iba pang international body ang pagkakasangkot ni De Lima sa ilegal na droga na naging dahilan para ito ay makulong ay mauunawaan nila ito at maiwasang magkaroon ng diplomatic crisis sa pagitan ng dalawang bansa.

Read More

MAYOR SARA IDINEPENSA NG PALASYO

(NI CHRISTIAN DALE)

IPINAGTANGGOL ng Malakanyang si Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio sa banat ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Mindanao.

Kaugnay ito ng una nang pahayag ng alkalde na huwag isali ang lunsod ng Davao sa inisyatibong tigil putukan ng pamahalaan sa makakaliwang grupo na hindi naman ikinagusto ng NDFP- southern Mindanao.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na gaya ng kanyang ama ay isa ring abogado si Mayor Sara kaya’t nalalaman nito kung ano ang dapat na manaig para sa kanyang nasasakupan nang wala namang nalalabag sa batas.

Kung sa tingin at paninindigan aniya ng alkalde ay ang grupo ng makakaliwa ang dapat sisihin sa ilang ulit na bigong peacetalks dahil sa marami nang criminal acts ng mga ito kaya’t humihingi ito ng exclusion sa peace talks ay walang magagawa ang NDFP.

Mensahe pa ni Panelo sa NDFP, humarap sa salamin sa gitna ng akusasyon nitong militar ang lumalabag sa ceasefire at napipilitan lang umano silang mag-self defense.

Read More