90 PULIS SIBAK MULA OKTUBRE — PNP

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa 90 ang bilang ng mga pulis na sinibak sa tungkulin sa loob ng nakalipas na dalawang buwan, matapos masangkot sa ibat-ibang illegal na gawain.

Ito ang ibinunyag  ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Sabado sa isang  interview matapos ang isinagawang inspection sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

“We have dismissed almost 90 policemen for the last 2 months, or an average 2 policemen every day,” pahayag ni Gamboa sa media.

Idinagdag pa ni Gamboa na nitong Biyernes lamang ay nilagdaan niya ang dismissal order laban sa ilang police colonel upang ipakita na hindi nila sasantuhing patawan ng parusa kahit mga matataas na opisyal sa kanilang hanay.

Ang pagsibak sa mga tiwaling pulis ay bilang kaparusahan alinsunod sa pinaigting na internal cleansing sa PNP.

Simula ng manungkulan bilang OIC ng PNP, itinuturing ni Gamboa na isang malaking hamon sa pambansang pulisya na mapanumbalik ang tiwala sa kanila ng publiko.

Gayunman nangako si Gamboa na higit pa nilang palalakasin  ang umiiral na internal cleansing laban sa mga tiwaling miyembro ng PNP.

 

Please follow and like us:
Read More

PNP NAKAALERTO SA PAGPASOK NG BAGONG TAON

pnp120

(NI JESSE KABEL)

TATLONG araw bago salubungin ng sambayanang Filipino ang Filipino ang taong 2010 muling nagpaalala at inalerto ng pamunuan ng Philippine National Police ang kanilang puwersa sa buong bansa .

PartiKular na pinatututukan sa kapulisan ang mga identified firecrackers and pyrotechnic zones at mga firecracker/pyrotechnic displays sa kani-kanilang mga lugar sa pakikipag- ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya at mga stakeholders.

Tuluy-tuloy ring pinababantayan ng PNP Officer in Charge P/LtGen Archie Gamboa ang mga pagawaan ng paputok , mga imbakan at mga processing area ng mga  manufacturers at  dealers sa kanilang mga nasasakupang lugar para masigurong sumusunod ang mga manufacturers at dealers sa mga pina-iiral na  safety guidelines.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Gamboa ang manufacturers at sellers na mahigpit na tupdin ang patakarang huwag magbebenta ng paputok ang mga pyrotechnic display sa mga menor de edad na may edad na 18 pababa.

Kabilang sa pinalabas na listahan ng mga  prohibited firecrackers ang mga sumusunod:

  • Piccolo
  • Watusi
  • Giant whistle bomb
  • Giant bawang
  • Large judas belt
  • Super lolo
  • Lolo thunder
  • Atomic bomb
  • Atomic bomb triangulo
  • Pillbox
  • Boga
  • Kwiton
  • Goodbye earth
  • Goodbye bading
  • Hello columbia
  • Goodbye Philippines

Nilinaw din ni gamboa na ahigpit na ipinatutupad ng PNP ang  Executive Order No. 28 ni Pangulong  Rodrigo R. Duterte sa lahat ng mga manufacturers at mga  nagtitinda ng paputok sa Bulacan.

Ang pagpapatupad ng  EO 28 na nagtatalaga sa paggamit ng mga paputok sa mga community fireworks display.

 

Please follow and like us:
Read More

TINDAHAN NG MGA PAPUTOK SA BOCAUE, ININSPEKYON NG PNP

(NI NICK ECHEVARRIA/PHOTO BY CJ CASTILLO)

TATLONG araw bago ang Bagong Taon, personal na ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge P/Lt Gen. Archie Gamboa ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, nitong Sabado bilang babala sa pinalakas na kampanya laban sa mga illegal firecrackers, partikular sa mga imported na paputok.

Sa datos ng PNP, 124 na mga tindahan ng paputok at 24 na mga lisensyadong manufacturers ang matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan, habang 65 rito ang nasa Bocaue, na kilala bilang popular na destinasyon ng mga mamimili sa panahon ng New Year season.

Sa kanyang pagbisita sa mga tindahan ng paputok, nagbabala si Gamboa na aarestuhin ang  mga vendors na naghahalo ng mga imported na paputok sa kanilang mga paninda.

“Sa batas, kung local na hahawaan ng imported krimen na yun may conspiracy, “Intention ng batas ayaw natin ng imported that’s how we interpret the law” pahayag ni Gamboa sa mga reporters matapos ang isinagawang inspection.

Binigyang diin pa ni Gamboa na madali namang matukoy ang mga imported na paputok kahit ihalo ito sa mga lokal na itinitinda na gawa ng mga manufacturers sa bansa.

Pinaalalahanan din ng PNP ang mga stall owners na tiyaking may mga permit at dokumento bilang garantiya na sumusunod sila sa batas.

“With this, let me remind the manufacturers and sellers to strictly follow not to sell firecracker and pyrotechnic display to minors or those below 18 years of age,” dagdag pa ni Gamboa.

Ayon kay Gamboa, ang sinumang mahuhuli na lumabag sa Republic Act No. 7183, na nagre-regulate sap paggawa, pagbebenta, distribution at paggamit ng mga paputok ay pagmumultahin ng hanggang P30,000 at pagkakulong ng hanggang isang taon.

Hinikayat din ng opisyal ang publiko na iwasang bumili at gumamit ng mga ilegal at mapanganib na paputok ngayong Bagong Taon at tangkilikin lamang ang mga firecrackers  alinsunod sa nilalaman ng Executive Order (EO) No. 28 ng Pangulong Rodrigo Duterte na naglilimita sa tamang  pagbili at paggamit ng mga paputok sa bansa.

Gayunman pa man payo ni Gamboa sa publiko na huwag ng gumamit ng mga paputok sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon sa halip ay ipagdiwang ang Bagong Taon sa mas ligtas na pamamaraan.

Samantala tiniyak naman ni Bulacan Police Provincial director  P/Col. Emma Libunao na kukumpiskahin nilang lahat ang mga paninda at aarestuhin ang mga mahuhuling illegal na nagtitinda ng mga paputok at iba pang mga pyrotechnic products.

Nitong Biyernes pinangunahan naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/BGen. Debold Sinas ang pagwasak sa P103, 575 na halaga ng mga illegal na paputok sa Quezon City.

 

Please follow and like us:
Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA SA GRAB, IGINIIT 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Competition Commission (PCC) na patawan ng mas mabigat na parusa ang ride-hailing giant na Grab Philippines (Grab PH) dahil sa paulit-ulit na paglabag sa competition rules simula noong 2018.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan makaraang mabatid na apat na beses nang pinagmulta ng PCC ang Transport Network Company (TNC) dahil sa isyu ng mataas na singil at service quality  sa loob lamang ng mahigit isang taon na para sa senador ay hindi katanggap-tanggap.

Sa rekord, simula nang itake-over ng Grab ang Southeast Asia operations ng Uber, paulit-ulit itong lumabag sa mga probisyon ng Interim Measures Order (IMO).

Kabilang dito ang multang P6.5 million noong January 2018 dahil sa “deficient, inconsistent, and incorrect data” sa monitoring ng kanilang pagtalima sa mga kasunduan.

Noong November 14, inatasan din ang Grab na isauli sa mga customer ang ₱5.05 million na pasahe dahil sa “overcharging”  mula February hanggang May 2019.

Noon namang December 19, pinatawan ng multang P14.15 million ang Grab dahil sa hindi pagsunod sa pricing commitment, at P2 million sa sobra-srobang driver cancellations.

“Ilang beses nang nakitaan ng violation at sinita ng PCC ang pang-aabuso ng Grab sa ating mga commuter kaya naman sila ay madalas na pinagmumulta. Ang nakapagtataka, apat na beses na silang pinagmulta ng paulit-ulit sa loob ng isang taon”, saad ni Gatchalian.

“Parang lumalabas tuloy na dahil hawak nila ang 93% ng share sa industry ay pwede na nilang kontrolin ang merkado at ayos lang kahit na magmulta sila at lumabag sa itinakdang standards ng PCC,” dagdag nito.

“More than three times or four times na itong nangyayari kaya dapat maimbestigahan ito sa Senado dahil maliwanag na pang-aabuso ito. Iyong mga pangyayari noong 2018 and 2019 paulit-ulit na lang, kaya dapat tignan na rin ng PCC ang buong sitwasyon at patawan sila ng mas matinding karampatang aksyon,” giit pa ng mambabatas.

 

Please follow and like us:
Read More

ROXANNE: TIGILAN NA NATIN ‘YUNG LARU-LARO!

(NI BOY ABUNDA)

MULA nang sumali sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime si Roxanne Barcelo ay kapansin-pansin na ang tila pagbabago ng imahe ng aktres. Ibang-iba na ang istilo ng dalaga mula sa pananamit hanggang sa kanyang pagsasalita ngayon.

“Hindi na ako nahihiya as before. Kasi dati no’ng bata ako sasabihan ako kunwari kasi when you’re younger sasabihan ka, ‘You have to be like this, you have to be like that. Dapat sa TV ganito ka.’ Kasi may management at kung anu-ano pa. Siguro I reached to a point that it’s not about gaining something anymore. Hindi na ‘yon ‘yung nasa isip ko. I just want to be me, ‘yon lang. Lengwahe naman ‘to eh, it’s not personality per se,” paliwanag ni Roxanne.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga kaibigang nakapaligid na silang gumagabay sa kanyang mga ikinikilos at sinasabi.

“Lahat ng mga baklang friends ko, kami-kami. Parang I’ve been through so many weird things this year and for the past two years. It’s been like sobrang weird talaga. Buti na lang talaga ‘yung mga kaibigan ko hindi naggi-give up sa akin. Sabi lang nila, ‘Mars, happy ako na finally nailalabas mo na ‘yung totoong ikaw,” kwento niya.

Samantala, ilang taong kasintahan ni Roxanne si Wil Devaughn pero nagkahiwalay din ang dalawa. Sa ngayon ay hindi pa raw nakahandang pumasok muli sa isang relasyon ang aktres. “Sabi kasi ni John Lloyd, three-month rule.

Sabi ko mga October magsa-start na ako mag-date. Open ako to like, basta gusto ko ‘yung next one, ‘yon na ‘yon. Ayoko na ng playtime, tigilan na natin ang laru-laro. Gusto ko na ‘yung Anne Curtis, ‘yung the one, Isabelle Daza. The IT Girls di ba, lahat sila may asawa na at anak. Wow sila talaga,” natatawang pahayag ng aktres. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

MMFF CONTROVERSIES THROUGH THE YEARS

(NI BEN BAÑARES)

BIYERNES ginanap ang 2019 Metro Manila Film Festival Awards Night. Hinakot ng Mindanao ang halos lahat ng awards – from Best Float to Best Picture. Eleven awards! Sumunod ang Write About Love na nakakuha ng walong awards including Best Screenplay. Far third ang Sunod with three awards.

Except for its Special Jury Prize for its cast, na-shut out ang Culion. Walang regular award. Zero. Pati ang Miracle In Cell No. 7, na nabalitang humahataw sa takilya dahil sa word of mouth, wala ring nakuhang award. Pati ang movies nina Coco Martin, Vice Ganda, at Bossing Vic Sotto, walang naiuwing award.

UPSET

Isa lang ang masasabing upset: Ang pagkakapanalo ni Allen Dizon as Best Actor para sa Mindanao. Marami kasi ang nagsabing shoo-in na si Aga Muhlach sa award na ito para sa Miracle In Cell No. 7. Pero, upset lang ito at hindi naman controversial talaga dahil magaling naman talagang umarte si Allen, and in fact he has several acting trophies to prove it.

Pero sa 45 years ng MMFF, hindi ito nakaiwas sa kontrobersiya. Ilan lang sa mga ito ang mga sumusunod.

1977: NAG-WALK OUT SI LINO BROCKA

Nanalo ng walong awards – kasama na ang Best Picture – ang Burlesk Queen ni Celso Ad. Castillo starring Vilma Santos. Ang pelikula ng direktor na si Lino Brocka na Inay starring Alicia Vergel, Laurice Guillen, at Chanda Romero ay nabokya. Nag-walk out si Direk Lino at may nagsasabi pang minura nito si director-actor-writer na si Rolando Tinio na noon ay chairman ng panel of judges.

1978: NAG-IISANG ACTING AWARD

Walang binigay na award para sa Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, at Best Supporting Actress. Iisang acting award lang ang ibinigay – Best Performer. Ito ay iginawad kay Nora Aunor para sa pelikulang Atsay. Shocked ang marami dahil inakala nilang si Vilma Santos ang mananalo ng Best Actress award para sa Rubia Servios.

1982: MAY HIMALA!

Bumawi naman si Ate Vi noong 1982 nang maka-grand slam siya ng Best Actress award para sa pelikulang Relasyon. Grand slam, as in nakuha niya ang nasabing award mula sa lahat ng award-giving bodies – puwera lang sa MMFF. Dito, humataw naman ang Himala ni Ate Guy kung saan nahakot nito ang karamihan sa awards including Best Picture, Best Director for Ishmael Bernal, at Best Actress nga para kay Nora. At nag-number one din ito sa takilya, dinaig pati ang Ang Panday Ikatlong Yugto ni Fernando Poe, Jr.

1986: NO BEST PICTURE, STORY, SCREENPLAY

Walang ibinigay na award para sa Best Picture, Best Story, at Best Screenplay. Sabi ni Tingting Cojuangco, isa sa mga hurado noon, “None of the seven entries deserved these awards. They didn’t promote positive Filipino values.” Ang pitong entries noon ay ang mga sumusunod: Bagets Gang, Bangkay Mo Akong Hahakbangan, Halimaw, Payaso, Salamangkero: The Magician, at Tuklaw.

1993: LEAKAGE!

Nabahiran ng kontrobersiya ang Gabi ng Parangal (ginanap sa PICC Plenary Hall) nang kumalat na may leakage ng listahan ng mga winners. Best Actor noon si Aga Muhlach para sa May Minamahal, Best Actress naman si Dawn Zulueta para sa Kung Mawawala Ka Pa.

1994: HISTORY REPEATS ITSELF

Wala ring ginawaran ng awards para sa Best Picture, Best Director, Best Screenplay at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural award dahil wala raw sa mga pelikulang kalahok ang deserving ng award na ito. Ang entries noon: Kanto Boy 2: Anak ni Totoy GuwapoLucas AbelardoMama’s Boys 2: Let’s Go Na!, Ang Pagbabalik ni Pedro PendukoShake, Rattle & Roll V, and Wanted: Perfect Father.

 (ITUTULOY )

 

Please follow and like us:
Read More

DOH UMAPELA SA LIGTAS NA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

HINIMOK ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na gumamit ng ligtas na pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa halip na gumamit ng mga delikadong paputok kung saan nasa 22 katao na ang nabiktima.

“Maaaring gumamit ng ibang pampaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon gaya ng torotot, kaldero,” ayon kay Duque sa interview.

Sinabi ni Duque na maaaring manood na lamang sa community fireworks sa halip na magpaputok ng mga delikadong firecrackers.

“Kung may community fireworks display, maaari na lamang po itong saksihan… O mag-street party na lang,” ayon pa kay Duque.

“Maging mapanuri din tayo sa ating pagdiriwang ng Bagong Taon,” dagdag pa nito.

Please follow and like us:
Read More

PBA GOVERNORS CUP FINALS: TRADISYON BINALEWALA

(NI DENNIS IÑIGO)

BINALI mismo ng Philippine Basketball Association ang nakaugalian na nito, para sa darating na Governors Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco.

Ang Game 1 ng the best-of-seven title series ay inurong sa Enero 7, unang beses sa matagal na panahon na itinapat ang laro sa araw ng Martes.

Ang orihinal na simula ng finals ay Miyerkoles, Enero 8.

Ang pagbabago sa kalendaryo ng Governor’s Cup Finals ay bunsod sa reklamo ng mga opisyal at coaches ng dalawang teams na masyadong maikli ang araw para sa pahinga at preparasyon sa unang dalawang games, lalo’t ang Game 2 ay gaganapin sa Lucena City sa araw ng Biyernes.

Gaganapin ang Game 1 sa Smart Araneta Coliseum, sa Quezon City.

“Both teams pointed out yung small amount of time para magpahinga at mag-prepare for Game 2 which is a Friday kung ang start ng finals is Wednesday,” esplika ni PBA commissioner Willie Marcial.

“And yung sa Lucena [game] hindi na rin namin mai-move dahil matagal ng kasado yan. Ngayon kung mag-a-adjust kami pababa, magugulo yung buong schedule ng finals. Kaya ang pinaka-feasible talaga is to adjust pataas, and that is to play Game 1 on a Tuesday.”

Nauna nang pinuna ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang orihinal na iskedyul ng finals games matapos nilang talunin sa semis ang NorthPort.

“Its not the game [in Lucena] itself that’s the problem. It’s the preparation time that you have coming back and the effort that you put in going on a bus there and bus back. It really depletes your energy going into the next game,” giit ni Cone.

“And it makes the next game much harder. Not the game itself, its the next game that’s harder,” dagdag niya.
Maliban sa unang dalawang games, mananatili ang orihinal na iskedyul ng laban ng Ginebra at Meralco, kabilang na rito ang pagsasagawa ng Games 6 at 7 (kung aabot hanggang dito) sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Please follow and like us:
Read More

LAMBANOG POISONING PROBE PINATATAPOS SA DEC 28

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga ulat ng lambanog poisoning sa Laguna at Quezon at tapusin ito hanggang Disyembre 28.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inatasan sila na imbestigahan at ipasa ang report sa Malacanang.

Nasa 14 katao na ang namatay at daan katao ang naospital sa lambanog sa iba’t ibang lugar sa Rizal, Laguna at Quezon. Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na hihintayin ng Pangulo ang report sa Disyembre 28.

Sinabi ng Food and Drug Administration na lima sa pitong sample ng lambanog ang mayroong mataas na antas ng methanol.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Eric Domingo na 399 sa nalason ang naospital habang 39 pa ang nanatiling naka-confince sa Philippine General Hospital hanggang noong Huwebes.

Please follow and like us:
Read More