MAY CHEMISTRY ANG DONGJEN

Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network
0
Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network

Pinagkagastusan ng GMA 7 ang Philippine adaptation ng 2016 South Korean drama series na Descendants of the Sun. First episode pa lang na napanood sa mediacon, chopper kung chopper na!

Bonggacious ang foods sa mediacon. Fabulous ang set-up sa studio ng GMA Annex. At andiyan pa ang mga panauhin mula sa AFP (Armed Forces of the Philippines).

Andaming cast members, pero syempre, ang pinagkaguluhan lang ng media people ay ang apat na bida ng palabas — sina Dingdong Dantes (bilang Captain Lucas Manalo aka Big Boss), Jennylyn Mercado (bilang Dr. Maxine de la Cruz aka Doc Beauty), Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos aka Wolf), at Jasmine Curtis-Smith (bilang Capt. Moira Defensor).

Oh, yes! May chemistry ang DongJen! Kilig-kiligan agad ang kanilang mga eksena sa first episode, kahit alam nating malabo silang matulad sa mga orig na bida na Song-Song (Song Joong-ki at Song Hye-kyo) na nagkagustuhan, nagpakasal, and eventually nagdiborsyo.

Pamilyado na si Dingdong, at si Jennylyn ay may ka-CoLove na. May Valentine concert sina Jennylyn at Dennis Trillo, at abang-abang tayo kung magpo-propose doon si Dennis kay Jennylyn.

Bago pa nag-taping sina Dingdong at Rocco ay nag-bonding na sila. Inimbitahan ni Dingdong si Rocco sa bahay niya, at nagkakuwentuhan sila ng mga bagay-bagay sa buhay.

Kahawig ni Rocco si Jin Goo, na gumanap bilang Sergeant Major Seo Dae-young aka Wolf sa Korean drama. Kaya pasok na agad siya sa casting ng Pinoy version ng DOTS.

Apat o limang Kapuso actress ang nag-audition para maka-love interest ni Wolf.

Kuwento ni Rocco, “The whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko. Noong nakita namin si Jasmine at may mga ginawa kami…. lahat kami…. hmmmnnn… hmmn… she deserves it.”

Kasali rin sa DOTS sina Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Neil Ryan Sese, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzalez, Roi Vinzon, Hailey Mendes, Marina Benipayo, Pancho Magno, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles at Bobby Andrews.

May cameo role dito sina Tonton Gutierrez, Sophie Albert Kim Rodriguez, Addy Raj, Ronnie Henares, Mark Herras at Gabby Eigenmann. Ang direktor ay si Dominic Zapata.

Syanga pala, ang bagong Music Ambassador ng NCCA na si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng serye na You Are My Song.

Magsisimulang umere ang Descendants of the Sun sa Pebrero 10, after Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

NCR OPENING NG NATIONAL ARTS MONTH

NCR Opening ng National Arts Month 2020 ngayong Pebrero 1, Sabado sa Luneta Grounds and Rizal Park Open Air Auditorium.

3:00 PM ang workshops on the seven Arts — Architecture, Cinema, Dance, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, at Visual Arts.

6:00 PM ang Opening Program.

Punong-abala sa National Arts Month ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts), na pinangungunahan ni Chairman Arsenio “Nick” Lizaso.

TULONG TAAL NGAYON SA ASTRODOME

Ngayong Sabado, 6:00 PM na po ang concert na Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Kabilang sa magtatanghal dito sina Alakim, Angeline Quinto, Bayang Barrios, Beverly Salviejo, Carla Guevarra-Laforteza, El Gamma Penumbra, Frenchie Dy, Gerphil Flores, Isay Alvarez-Seña, Janice Javier, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Jose Rizal Institute Singers, Kiel Alo, Lawrence Mossman, Mandaluyong Children’s Choir, Poppert Bernadas, Richard Reynoso, Robert Seña, The Company, The Fortenors, Tricia Canilao, Vehnee Saturno at Zephanie.

Ang prime movers sa fund-raising show na ito ay sina Vehnee Saturno, Dr. Carl Balita at Isay Alvarez.

Ang halaga ng tiket sa Tulong Taal concert ay P1000, P500 at P300.

Para sa tiket, makipag-alam sa mobile number 0938-830-0350.

 

Read More

THE SECOND COMING OF JULIAN ESTRADA

0

PAGKATAPOS  mag-workshop sa Star Magic ang kanilang batch noong 2013 ay isinabak kaagad ang tambalang Julian Estrada at Julia Barretto sa aktingan.

Sobrang kilig kami noong April 27, 2013 Sabado nang mapanood namin sa  Wansapanataym ang episode na “Si Bokbok Ang Batang Mapanubok.”  Sina Julian at Julia ay gumanap bilang Ian and Lily.

Pagkatapos magpakilig, nag-lie-low si Julian sa showbiz. Nag-aral. Nag-pursue ng career sa music. Ang  deejay na Julian  ang sinundan namin nang nawala siya sa pag-arte noong edad seventeen.

Ano kaya ang nangyari kung nagtuloy-tuloy ang relasyon nila ni Julia?

Pagkatapos ng pitong taon, heto balik-akting si Julian.  Nakapag-first day shooting na siya sa pelikulang “Coming Home” na entry sa unang Metro Manila Summer Film Festival 2020.

Kasama niya sa pelikula ay dad niya sa tunay na buhay na si Ex-Senator Jinggoy Estrada, ang multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Martin del Rosario, ang uncle niyang si Jake Ejercito at ang beauty queen na si Ariella Arida.

Sa ikalawang pagkakataon na susubukan ni Julian ang acting, sana ay maging tuloy-tuloy na ito.

Baka nga siya ang forever ni Julia Barretto? O siya ang lucky charm o magbibigay ng direksiyon sa career na tinatahak ng una niyang ka-loveteam. Nakitaan naming ng lalim sap ag-arte si Julian kaya bet naming siya for stardom. Sa pangalawang pagkakataon, sana maibigay niya ang hilig ng mga tagahanga. Sana mas talbugan niya ang grandpa Erap niya at Dad Jinggoy na parehong very profound kung  aktingan ang pag-uusapan.

Read More

BAWAL BA ANG CELLPHONE CAMERA SA ‘STRIP PARTY’ NA SUHESTIYON NI ALDEN

0

VIS A VIS copy.jpgKabilang si Alden Richards sa katrabahong grupo na nagpaplano para sa gaganaping pagtitipon na mala-cast party.

Hindi na iba sa Kapuso actor ang kanyang mga kasama sa meeting as most of them ay nakatrabaho na niya in the past. Nakasanayan na nilang mag-bonding sa tuwing magpapaalam na sa ere ang kanilang programa.

Natural na nag-uumapaw ang mga suggestions sa kung paano nila idaraos ang party.

Came Alden’s turn na ikinagulat ng mga katrabahong seryosong nakikinig what he had to say.

“Para maiba naman,” simula raw ni Alden, “maghubad tayo!”

Wala raw sa tono ni Alden ang nagbibiro o nagpapatawa. Seryoso raw ang mukha nito na talagang pinandidigang “strip party” ang nais niyang kalabasan ng isang gabing gimik.

ALDEN RICHARDS IN HIS NAKED GLORY

Ikina-shock ‘yon ng kanyang mga kamiting dahil taliwas ‘yon sa image ni Alden, na hindi makabasag-pinggan tapos ay gustong mag-all the way as in his birthday suit?

Kung saka-sakali bang matuloy ‘yon, mahigpit kayang ipagbawal ni Alden ang pagdadala ng cellphone para hindi siya makunan in his naked glory?

 

 

NAGDARAHOP ANG MAHILIG SA HIGH LIFE

Problemado umano ngayon sa pananalapi ang isang sikat na gay celebrity.

Isa siyang salon owner whose shop ay nakatirik somewhere within the Scout area in Quezon City. Ang dating nagmamay-ari ng property na ‘yon ay isa ring tanyag na singer-actress pero naipagbili na niya ito.

Malapit ang salon owner sa aktres, na baka nga noong time na sa kanya siya nagbabayad ng buwanang upa ay okey lang kung atrasado ito.

“Hindi lang ‘yon, ang sabihin mo, baka may special discount pa ang salon owner since they’re close,” ayon sa aming source.

Since iba na nga ang may-ari nito, nag-iba na rin siyempre ang presyo ng upa.

 HIRAP SA BAYARIN SI SALON OWNER-ACTOR-ENDORSER

For sure, mas tumaas pa ito kaysa dati making it hard for the gay salon owner to meet.

Hindi rin daw kasi marami ang kanyang mga kliyente, both showbiz and non-showbiz.

Good thing, hindi lang ‘yon ang kanyang bread and butter. Manaka-naka ay nakagagawa ng mga pelikula ang salon owner, on the side ay may pasulput-sulpot din siyang commercial endorsements.

It’s such a pity nga lang that life has become a bit too hard for him.

“Nag-lifestyle din kasi siya, eh,” tsika ng aming source. By lifestyle, he means na nakipagsabayan din daw ito sa high living ng kanyang mga celebrity friends.

Pero nasaan na ngayon ang mga ito, when they’re supposed to be around for him sa ganitong mga panahon?

“Well, ‘yung isa, may regular show nga pero since siya ang bumubuhay sa pamilya niya, siyempre, hindi ‘yon sapat. Eh, balita pa ngang ‘papatayin’ na ang karakter niya sa kuwento,” pagti-tip pa nito.

We feel for the salon owner, na minsan na ring pinuri sa kanyang pagganap sa isang pelikulang tumatalakay sa namuong pag-iibigan sa pagitan ng isang beki at isang preso.

 

Read More

SOURCE NG P74.9-M DROGANG NASABAT SA CAVITE, METRO; DRUG LORD SA BILIBID TULOY ANG NEGOSYO

0

UMABOT sa P74.9 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Bacoor City sa Cavite, Valenzuela City, Quezon City at Caloocan City.

Sa Bacoor City, nasabat ang tinatayang P68 milyong halaga ng umano’y shabu na ibabagsak sana sa Metro Manila at sa lalawigang ito, makaraang madakip ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Panapaan, Bacoor City.

Sina Reynaldo Moral Cordero at Irene Ilaya Biazon, kapwa residente ng Maricaban, Pasay City, ay natimbog bandang 6:30 ng gabi noong Enero 27 sa Panapaan 4 , Bacoor City.

Lulan ng isang Mitsubishi Lancer (WTY-942 ) ang dalawa nang kapwa madakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, isang impormante ang nagbigay ng tip hinggil sa transaksiyon ng mga suspek sa NBI-MIMAROPA.

Bunsod nito, nagkasa ng operasyon ang magkasanib na puwersa ng NBI-NCR at ng NBI-MIMAROPA at hinarang ang sasakyan ng mga suspek na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 10 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P68 milyon ang halaga.

Samantala, kumpiskado naman ang mahigit P5.9 milyon halaga ng umano’y shabu at marijuana sa dalawang umano’y drug pushers na nadakip sa magkahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang madamba si Omair Sultan, 23, ng Phase 12, Brgy. 188, Tala sa Domato Avenue, Phase 12, matapos bentahan ng shabu ang isang undercover na pulis kapalit ng P20,000 marked money kabilang ang isang tunay na P1,000 at 19 piraso ng boodle money.

Bukod sa nasabing kontrabando, nakuha rin sa suspek ang medium size plastic ice bag na naglalaman ng 680 gramo ng shabu na tinatayang P4,624,000 ang street value.

Alas-8:30 naman ng gabi nang masakote ang habal-habal driver na si Dominic Aposaga, 26, sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa 76 Gladiola St., Bahayang Pag-asa Subd. sa Maysan, Valenzuela matapos bentahan ng isang plastic bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang poseur buyer.

Nakumpiska kay Aposaga ang 14 piraso ng pinatuyong stems at dahon ng marijuana na nakabalot sa transparent plastic, apat na bloke ng ng marijuana, kalahating bloke ng marijuana at pitong plastic sachets ng marijuana na umaabot lahat sa 11 kilo at nasa P1,320,000 ang halaga, P5,000 buy-bust money, dalawang digital weighing scale at P300 cash.

Sa Quezon City, arestado ang suspek na si Dennis Pacanas y Ibañes, 38, anyos, sa isinagawang buy-bust operation sa #108 Lower Everlasting St., Brgy. Payatas A, Quezon City dakong alas-4:30 ng hapon noong Enero 29.

Ayon kay SDEU P/Major Sandie Caparroso, sa nasabing operasyon ay nakumpiska mula sa suspek ang P1 milyong halaga ng umano’y shabu.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO/ALAIN AJERO)

2 BUMALIK SA ISLA NG TAAL, MISSING; NATABUNANG ASO, NASAGIP.

BATANGAS – Hindi pa rin natatagpuan ang dalawang lalaking bumalik sa isla ng Taal sa kasagsagan ng pag-aalburoto ng bulkan noong Enero 12.

Kinilala ang mga nawawala na sina Alexander Dando Jr. at Marlon Deteral, kapwa residente ng Barangay Alas-As sa isla ng Taal, sakop ng bayan ng San Nicolas.

Ayon sa mga kaanak ni Dando, bandang alas-4:30 ng hapon noong Linggo, Enero 12, nag-text ang biktima at sinabing bumalik siya sa isla dahil sa paniwalang humuhupa na ang pag-aalburoto ng bulkan.

Alas-11:00 ng umaga noon nang mag-alisan ang mga residente sa isla dahil sa aktibidad ng Taal.

Nakalikas na umano si Dando ngunit dahil nakainom ay naging makulit at nagpasyang bumalik. Mula noon ay hindi na siya makontak ng mga kaanak.

Sa kabilang dako, tumanggi naman umanong sumakay sa huling papaalis na bangka sa isla ang nawawala ring si Deteral.

Ayon sa kapatid, bumalik ang biktima sa kanilang bahay sa pag-aakalang naiwan ang kanilang ina  na napag-alamang nauna na palang nakalikas. Hindi na rin nakita si Deteral mula noon.

Makalipas ang halos dalawang linggo, umaasa pa rin ang mga kaanak ng dalawa na nakaalis ang mga ito sa isla at napunta lamang sa malayong evacuation center.

Ayon naman sa mga awtoridad, hindi pa sila makapagsagawa ng search and rescue operation dahil sa naka-lock down pa rin ang buong isla.

Samantala, himalang nasagip ang isang aso na 15 araw na nabaon sa makapal na abo na galing sa Bulkang Taal.

Sa video post ng netizen na si Germie Balba, makikitang binalikan ng kanyang kapatid ang kanilang bahay sa Barangay Pulangbato, sa bayan ng San Nicolas noong Lunes, 15 araw makalipas ang pag-alburoto ng Taal.

Ang Pulangbato ay isa sa mga barangay na nasa mismong pulo ng Taal volcano sakop ng bayan ng San Nicolas.

Laking tuwa ng dalawa nang matapos nilang hukayin ang makapal na abo ay tumambad ang hawlang kahoy  na kinalalagyan ng aspin na si Idol.

Winasak nila ang hawla at sinikap na mailabas si Idol na halos ay namayat na sa uhaw at gutom.

Kahit naghihina, lumakad at tumayo ang aso at tinanaw ang kabuuan ng isla na tila naninibago sa kanyang kapaligiran.

Laking tuwa naman ng mga netizen sa pagkakaligtas kay Idol at sa pagmamalasakit ng magkapatid na hukayin ang kinaroroonan ng aso. (NILOU DEL CARMEN)

LALAKI PATAY SA TAGA NG PAMANGKIN DAHIL NANGHIRAM NG BATERYA NANG WALANG PAALAM

CAPIZ – Patay ang isang lalaki nang pagtatagain siya ng pamangkin matapos niyang ipahiram ang baterya ng sasakyan ng suspek, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Esmundo Gapi, 62-anyos, residente ng Barangay San Nicholas, Tapaz, Capiz.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek at pamangkin ng biktima na kinilalang si Joey Melicado, 35-anyos, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Tapaz Municipal Police Station, nagtalo ang magtiyuhin nang malaman ng suspek na ipinahiram ng biktima ang baterya ng kanyang sasakyan na hindi ipinaalam sa kanya.

Sa tindi ng galit ng suspek, kumuha siya ng itak at pinagtataga sa ulo at tiyan ang kanyang tiyuhin.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay na. (ANNIE PINEDA)

MAGSASAKA, KALABAW NAKURYENTE SA PALAYAN

LEYTE – Patay ang isang magsasaka at alaga nitong kalabaw makaraang makuryente nang  masagi nila ang nakalaylay na live wire sa palayan, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang namatay na si Romualdo Pace, 69, residente ng Brgy. Santiago, Alangalang, Leyte.

Batay sa repot ng Alangalang Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa Brgy. Tombo, bayan ng Alangalang sa nasabing lalawigan.

Lumabas sa imbetigasyon, hila-hila ni Pace ang kanyang alagang kalabaw patungong bukid habang may kargang abono nang masagip nila ang naputol na live wire na umano’y naputol sa pananalasa ng bagyong Ursula ngunit hindi naayos ng Leyte III Electric Cooperative (LEYECO III).

Bunsod nito, nagkikisay si Pace at bumulagta sa gitna ng daan habang nasunog naman ang kalahating parte ng katawan ng kalabaw.

Patuloy ang imbestigasyon sa pulisya sa insidente at inaalam kung may pananagutan ang LEYECO dahil sa kapabayaan.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ni Pace. (ANNIE PINEDA)

MAG-ASAWA NAGLAKO NG SHABU

CAVITE – Nabisto na hindi lamang gulay ang itinitinda ng isang mag-asawa makaraang madakip sa buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mag-asawang sina Enrique Herrera, alyas “Rick”, 51, magsasaka, at Clarita, 50, vendor ng gulay, kapwa residente ng Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat  ni Pat. Ehdcel Manalo ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang naaresto ang mag-asawa sa aktong nakikipagtransaksyon sa isang poseur buyer sa Brgy. Paradahan 1, Tanza.

Nauna rito,  nakatanggap ng impormasyon ang Tanza CPS na bukod sa pagbebenta ng gulay, ang mag-asawa ay dumidiskarte rin sa pagtutulak ng ilegal na droga kaya nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa.

Nakuha sa mag-asawa ang isang sachet ng shabu o 1 gramo na P2,000 ang street value.

Ang mag-asawa na kabilang sa listahan ng  Street Level Target  (SLT) watchlist, ay kapwa nakakulong na sa Tanza Custodial Center. (SIGFRED ADSUARA) 

GURO KINATAY NG KATAGAY

PANGASINAN – Patay ang isang guro makaaang pagsasaksakin at gilitan sa leeg ng dalawang kainuman, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Arnaldo Tabucol, 29-anyos, English teacher at residente ng Tayug, Pangasinan.

Batay sa report ng Tayug Police Station, noong Martes nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bukid sa Brgy. Libertad, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente, nakita ang biktima habang nakikipag-inuman sa mgA suspek ngunit hindi na nakauwi sa kanilang bahay.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakip ang 17-anyos na suspek nang makorner sa isang checkpoint gamit ang motorsiklo ng biktima.

Samantala, patuloy ang mga awtoridad sa pagtugis sa isa pang suspek.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima. (ANNIE PINEDA)

PULIS PATAY SA TANDEM

NEGROS Oriental – Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem, iniulat ng mga awtoridad nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Executive Master Sergeant Roldan Esmajer, nakadestino sa San Jose Municipal Police Station, at residente ng Barangay Tampi ng nasabing bayan.

Batay sa report ng San Jose Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa Barangay Tapon Norte B ng naturang bayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, sakay ang biktima ng motorsiklo nang walang habas siyang pagbabarilin ng riding in tandem.

Agad namang dinala sa Siliman University Medical Center ang biktima ngunit nalagutan ng hininga sanhi ng mga tama na bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang posibleng na motibo sa krimen. (ANNIE PINEDA)

LALAKI NAHULOG  SA BANGIN, PATAY

CAMARINES Sur – Walang buhay na natagpuan ang isang lalaki na hinihinalang nahulog sa bangin, iniulat ng pulisya nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Ruel Llanita, 30-anyos at residente ng Sitio Bulalahin, Brgy. Tible, Sipocot, Camarines Sur.

Batay sa report ng Sipocot-PNP, nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa bangin na may lalim na 25-talampakan, ilang metro ang layo mula sa kanilang tahanan.

Ayon sa kaanak, umaga ng umalis sa kanilang bahay si Llanita para pumunta sa kanyang sakahan ngunit gabi na ay hindi pa rin ito nakauuwi.

Agad namang hinanap ng kanyang pamilya ang biktima at natagpuan ito sa bangin ngunit wala nang buhay sanhi ng sugat sa ulo at katawan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may nangyaring foul play sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

3 KONSEHAL NAGSUNTUKAN SA LAOAG CITY HALL

ILOCOS Norte – Nauwi sa suntukan ang mainitang diskusyon sa kanilang sesyon ng tatlong city councilor sa Laoag City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles bago maghatinggabi.

Nangyari ang rambulan sa harap ng Laoag City Hall na sakop ng Brgy. 10, bandang alas-11:24 sa pagitan umano nina City Councilors  Justine Clarence Gomez Chua, 26;  Edison Uy Chua, 56, kapwa residente ng Brgy. 16, at ang suspek na si City Councilor Edison Hernando Bonoan, kasama ang kanyang pamangkin na si Mark Christian Bonoan Dumbriguez, parehong nasa hustong gulang at residente ng Brgy. 50, Buttong,  pawang ng nasabing lunsod.

Batay sa imbestigasyon ng Laoag City Police Station, bago ang kaguluhan, paalis na umano si Councilor Justine Chua sa City Hall at ang kanyang mga kasamahan dakong alas-7:30 ng gabi, kung saan naroon din si Councilor Edison Bonoan at pamangkin nito.

Nasa loob na umano si Justine Chua ng sasakyan ng isa pang City Councilor na si Jaybee Baquiran, nang lapitan ito ni Edison Bonoan  at sinigawan ng  masasakit na salita at saka pinagsusuntok nang makailang beses sa mukha kaya napilitang gumanti ang biktima.

Nang mapansin naman ni Councilor Edison Chua na katabi sa upuan ni Justine, ang kaguluhan, agad itong bumaba ng sasakyan at sinuntok naman si Bonoan, sa puntong ito ay nakialam na si Mark Christian Dumbriquez at kanyang sinuntok si Councilor Edison Chua, dahilan para lumala ang kaguluhan.

Natigil lamang ang rambulan nang magresponde ang mga miyembro ng Civil Security Unit ng Loag City.

Nabatid na nagkaroon nang mainitang diskusyon ang mga councilor habang nagsasagawa ng sesyon bago nangyari ang suntukan. (NICK ECHEVARRIA) 

MISSING TAXI DRIVER, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG ISANG DRUM

NABUBULOK na ang bangkay ng isang nawawalang taxi driver nang matagpuan sa loob ng drum sa isang abandonadong comfort room sa Port Area, Manila, iniulat ng pulisya kahapon.

Ang biktimang si Jamal Tagsayan y Arurao, residente ng Barangay 647, Zone 67, San Miguel, Quiapo, Manila ay kinilala ng kanyang ina at tiyahin.

Batay sa imbestigasyon ni Det. Donald Panaligan ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 1:10 ng hapon nitong Enero 29 nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng isang CR sa Barangay 650, Zone 68, sa Port Area.

Natunton ang bangkay ng biktima dahil sa masangsang na amoy makaraan ang ilang araw na pagkawala.

Unang nakita ang nakalabas na mga paa ng biktima sa nasabing drum  at nakabalot sa plastic ang ulo.

Hindi pa matiyak kung may tama ng saksak o bala ng baril ng ang biktima.

Napag-alaman sa mga kaanak, tatlong araw nang nawawala ang biktima at ang minamanehong taxi nito ay natagpuan sa Cavite St. sa Sta Cruz, Manila.

Makaraang matagpuan ang taxi ay agad tumawag ang operator nito sa asawa ng biktima sa Surigao.

Napag-alaman, tatlong araw na ang nakalilipas nang tumawag umano ang biktima sa kanyang misis at humihingi ng tulong.

“Ma.. tulungan mo ako, nandito ako sa Pier..” ito umano ang pahayag ng biktima nang huling tumawag sa kanyang misis.

Huling nakita ng ina na buhay ang biktima sa kanilang bahay sa San Agustin St., San Miguel, Manila.

Inaalam ng pulisya kung hinoldap o may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpaslang sa biktima. (RENE CRISOSTOMO)

3 CHINESE ARESTADO SA SEX DEN SA MAKATI

ARESTADO ang tatlong Chinese national makaraang salakayin ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang establisimiyento na hinihinalang sex den, habang nasagip ang 13 kababaihan at limang empleyado sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang mga arestado na sina Kevin Sy, 25, at Xiao Lao, 23, kapwa maintainer umano ng sex den, at ang kustomer na si Tong Po, 25-anyos.

Habang 13 kababaihan ang nasagip, kabilang ang siyam na Chinese nationals, dalawang Russian at dalawang Vietnamese, habang limang empleyadong Filipino ang inimbitahan ng pulisya para sa imbestigasyon.

Base sa isinumiteng report ni Simon, nakumpirma ang ilegal na operasyon sa Golden Dragon Spa sa #1847 K&K Building sa Evangelista St., Barangay Pio del Pilar ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, isang police asset ang nagpanggap na kustomer at nagbayad ng halagang P22,000 para sa sex service sa mga dayuhang babae.

Dakong alas-10:35 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines, ang naturang establisimiyento.

Pagkaraan ay tumambad sa kanila ang mga babaeng dayuhan sa mga kuwarto at may nakitang condoms at sex toys.

Agad namang dinala ang mga dayuhan sa nasabing himpilan ng pulisya at ang mga babaeng nasagip ay dinala sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk.

Nahaharap ang tatlong naarestong dayuhan sa kasong human trafficking habang inaalam ng pulisya kung may kaukulang business permit ang establisimiyento para tuluyan itong maipasara.

Sinabi ni Simon, pang-anim na establisimiyento na ginagawang sex den ang kanila nang sinalakay sa nasabing lungsod.

FIL-AM, 2 PA TIKLO SA DROGA

ARESTADO ang tatlong kalalakihan, kabilang ang isang Filipino-American national, nang mahulihan ng P.6 milyong halaga ng high grade marijuana at ecstacy sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Kinilala ni Police Col. Celso Rodriquez, hepe ng Taguig City Police, ang mga nadakip na sina Reggie Raphael Galang, 28, ng Room 8003, Tower 2, Ridgewood Tower, Condo Corp, C5, Barangay Ususan, Taguig City; Joshua Cuanzon, 31, tubong Alaska, USA, nakatira sa  #2025 Cityland Vito Cruz Towers,  at Yuan Marc Mendoza, 19, ng #909 University Pad, kapwa taga  Malate, Maynila.

Batay sa isinumiteng report ni Police Col. Rodriquez, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit (SDRU) laban sa mga suspek malapit sa gasoline station sa C5 Road, Barangay Ususan, Taguig City.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng droga at nang magpositibo ay inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang pirasong malalaking ziplock ng high grade marijuana, 3 maliliit na ziplock ng nasabi ring droga, tatlong malalaking ziplock ng ecstacy powder at isang malaking ziplock na may lamang kapsula.

Sinabi ng opisyal, ang high grade marijuana ay nasa 177 gramo na may halagang P212,000 at ang powder ecstasy ay nasa 89.85 gramo, na may halagang P476,205.

Ang mga suspek ay nakakulong na sa nasabing himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 Article II ng Republic Act  9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MAG-ASAWANG SENIOR SA QC PINATAY

PATAY na nang matagpuan ang mag-asawang senior citizen sa kanilang bahay sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktimang sina Leonardo Ollano, 69, at Nida Ollano, 63-anyos.

Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang krimen dakong alas-8:45 noong Huwebes ng gabi sa bahay ng mga biktima sa Maya Street ng nabanggit na barangay.

Sa salaysay sa pulisya ng kaanak ng mag-asawa na si Hermogenes Timola, walang ilaw at nakakandado ang pintuan ng kanilang bahay nang siya ay dumating.

Bunsod nito, napilitan umano siyang dumaan sa ikalawang palapag ng bahay at tumambad sa kanya ang magulong mga gamit.

Pagbaba ni Timola sa sala ay nadiskubre niya ang mga biktima na nakahandusay at tadtad ng saksak sa katawan.

Hindi natagpuan ng pulisya sa lugar ang kutsilyo na ginamit sa krimen maliban sa isang pares ng tsinelas na posibleng naiwan ng suspek.

Pagnanakaw ang isa sa tinitingnang motibo ng pulisya sa krimen. (JG TUMBADO)

 

Read More

HIDILYN DIAZ HIHIRIT PA NG 1, MATAPOS KUMOLEKTA NG 3 GINTO SA ITALY

0

ISA pang kompetisyon ang lalahukan ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz upang tuluyan na siyang makakuha ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics.

Hindi lang para kay Diaz, kundi maging kay John Fabuar Ceniza, na humablot ng bronze medal noong Martes sa Italy sa men’s 61-kg mula sa 152 kgs sa clean and jerk at 117 kgs sa snatch para sa kabuuang 269 kgs.

Ayon kay Samahang Weightylifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, anim na kompetisyon ang dapat salangan ng bawat lifter bago tuluyang makapasok sa Tokyo Games.

“One more to go. Not only for Hidi, but for everyone,’’ komento ni Puentevella

Si Diaz, gold medal winner sa nakaraang 30th SEA Games, ay kumuha ng tatlong gold medal sa snatch (93 kg) and clean and jerk (119 kg) events for a 212 kgs total sa ginaganap na Weightlifting World Cup sa Italy, na nagpataas sa kanyang rankings.

Gayunpaman, balewala ang mga ginawa ni Diaz sa women’s 55-kilogram category hangga’t hindi aprubado ng International Weightlifting Federation (IWF) ang kanyang achievement.

“More or less, Hidi (Diaz) is already qualified, but our lifters need six events to make it [to Tokyo],’’ wika pa ni Puentevella. “It is the requirement of the IWF, after which the qualifiers will be declared.”

Si Diaz at iba pang Pinoy lifters ay darayo sa Nur-Sultan, Kazakhstan para sa final qualifying tournament, ang 2020 Asian championships sa Abril 16-25.

Matapos ang nasabing qualifiers, ang top eight lifters ang papangalanan ng IWF para sa Olympics.

Kasabay nito, todo-suporta namana ng Philippine Sports Commission sa kampanya ni Diaz.

“We are supporting her in her efforts to qualify for the Olympics. She is one of those athletes on whom we are anchoring our dreams for Olympic gold. Congratulations Hidilyn!” pahayag ni PSC chairman William Ramirez. “We are very proud of her. We expected no less because we see her training and we know she can.” (VT ROMANO)

MAS MATINDING JUEGO TODO

MAS matinding bakbakan sa Juego Todo ang maaasahan ng Pinoy mix martial arts fans sa mga darating na araw.

Ito ng tiniyak ni Underground Battle Mixed Martial Arts (UGB MMA) founder Ferdie Munsayac sa kanyang pagbisita sa 53rd Usapang Sports ng Tabloids Organization ni Philippine Sports (TOPS) kahapon.

“Ang Juego Todo, na isang weaponized cage fighting na unang ipinakilala natin dito sa bansa noong 2014,  ay nagpakita ng angking kakayahan ng mga Filipino fighter,” pagbabahagi ni  Munsayac sa forum na lingguhang ginaganap sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“We did it in Sta Ana, Cagayan and produced our first champion in Genil Francisco last Dec. 20. But we don’t want to stop from there,” dagdag ni  Munsayac, na umaasang lalo pang makahihikayat ang mas maraming fighters mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pagmamalaki pa niya, may angking galing sa Juego Todo ang mga local fighter dahil ang sport na ito ay hybrid Filipino martial arts ng ating mga ninuno.

“Juego Todo is like bringing in the modern-day Filipino gladiators, or the arnisadors as we know them, and putting them in the modern-day arena, which is called octagon in the MMA,” paliwanag ni Munsayac, na isang retired United States Navy chief petty officer na mas lalong kilala sa tawag na “Papa Goat” sa local at international MMA community.

“This year, we will stage juego todo competitions in Metro Manila and we are inviting interested fighters to join in our qualifying tournament scheduled in April,” pagbabahagi pa niya sa Usapang Sports na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.  (DENNIS INIGO)

 

Read More

MARK DICKEL, BAGONG GILAS COACH

0

PINANGALANAN na rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magiging interim coach ng Gilas Pilipinas para sa first window ng Fiba Asia Cup qualifiers at siya ay walang iba kundi si TNT Katropa consultant Mark Dickel.

“In his short stint in the Philippines,  Coach Mark has performed creditably well,” sabi ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan sa isang press release.

Nauna nang isinawalat sa Fiba website na si Dickel ang mamumuno sa coaching staff Gilas, kasama sina Sandy Arespacochaga at Nenad Trunic.

Pangungunahan ng Australian-Kiwi coach ang 24-man pool Gilas na binubuo ng mga beterano at bagitong players, kabilang na rito ang limang rookies na pinili sa Gilas special draft.

Ang Pilipinas ay kasama sa Group A, na kinabibilanganb din ng Indonesia, Thailand, at Korea.

Makakaharap ng Gilas ang Thailand sa Pebrero 20,  at Indonesia sa Peb. 23.

Iginiit ng SBP na wala pa silang nahahanap ng full-time head coach para sa national team, at kung sakaling may mapili na ay iaanunsiyo nila ito bago ang second window ng Fiba Asia Cup qualifiers sa Nobyembre.

Inakay ni Dickel ang TNT sa tatlong playoff appearances sa PBA noong nakaraang taon, kasama na rito ang finals stint sa Commissioner’s Cup. (EBG)

PH 3X3 TEAM BUBUUIN NG 2 PBA AT TOP 2 PLAYERS

NAGKASUNDO na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at namamahala sa ligang Pilipinas 3×3 na dalawang top 2 players sa bansa at dalawa mula sa Philippine Basketball Association (PBA) ang bubuo sa national team na sasalang sa Olympic Qualifying Tournament para sa Fiba 3×3 event sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ito ay upang mapalakas ang Philippine 3×3 Team at lumaki ang tsansa ng bansa na masungkit ang isa sa tatlong silya na nakataya sa Bangalore, India sa darating na Marso 18-22.

Nabatid na nagkaisa na rin sa wakas ang SBP at Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na magsanib-pwersa upang magkuwalipika ang national team sa kauna-unahang pagsasagawa ng 3×3 competition sa kada apat na taong multi-sports tournament.

Una nang inihayag ng Pilipinas 3×3 ang pagkuwalipika ng bansa sa Fiba 3×3 OQT matapos makasama sa 20 seeded teams ng naturang international association.

Tampok sa 10 manlalaro na nakatipon ng mataas na puntos sa international rankings sa Fiba 3×3 World Tour ang itinuturing ngayon na Top 2 players sa bansa na sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol.

Sina Munzon at Pasaol ay inaasahang sasamahan ng dalawang two-way players mula sa PBA na hindi muna pinangalanan hanggang wala pang basbas ng kanilang mother team.

Ang tanging tiniyak ng source, ang isa sa mga PBA player ay malaki at ang isa pa ay power forward, na kapwa mahusay lumaro sa ilalim.
Nasa Group C ang Pilipinas 3×3 team kasama ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic.  (ANN ENCARNACION)

EALA, NUGROHO UMABANTE SA FINALS NG AUSTRALIAN OPEN JUNIOR GIRLS’ DOUBLES

UMUSAD sa final round ng Australian Open’s junior girls’ doubles tournament ang Filipina junior tennis star na si Alex Eala at partner nitong si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia makaraang talunin ang top-seeded tandem nina Kamilla Bartone ng Latvia at Linda Fruhvirtova ng Czech Republic sa tatlong sets kahapon.

Makakaharap nina Eala at Nugroho sina Slovenia’s Ziva Falkner at United Kingdom’s Matilda Mutavdzic sa finals ngayong araw, January 31.

Naging mabagal ang simula nina Eala at Nugroho na tinambakan sa opening set, 1-6, nina Bartone at Fruhvirtova. Naging dikit naman ang laban sa second set, bago nakuha nina Eala at Nugroho ang 7-5 win. Sa tiebreaking third set, agad kumamada sina Bartone at Fruhvirtova para sa 7-1 advantage bago unti-unting humabol sina Eala at Nugroho upang maging 8-4 ang iskor. Sa huling mga sandali ay anim na magkakasunod na puntos ang pinalo nina Eala at Nugroho para sa ibulsa ang 8-10 panalo at umabante sa championship round.  (VT ROMANO)

Read More

UNANG KASO KINUMPIRMA NG DOH; PINAS NAPASOK NA NG 2019 N-COV

0

KINUMPIRMA ng Department of Health na positibong may kaso na ng 2019 novel coronavirus sa bansa.

Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, isang 28- anyos na babaeng Chinese mula sa Wuhan, China ang kumpirmadong may dala ng virus sa bansa na dumating sa Maynila noong Enero 21 mula sa Hong Kong.

Ang pasyente, na nagpa-check up noong Enero 25 matapos makaranas ng pag-ubo, ay nilalapatan ng lunas sa isang pampublikong pagamutan.

Nakumpirma na positibong infected ng N-CoV ang babaeng Chinese matapos maisagawa ang laboratory test sa Australia.

Kasabay nang pagkumpirma na positibo ang nasabing kaso, sinabi naman ni Duque na patuloy ang pagkilos ng DOH upang garantiyahan ang publiko na ang lahat ng “necessary precautionary measures” ay kanilang isinasagawa upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sinasabing ang nasabing virus ay naunang kumitil ng 170 katao sa bansang pnagnulan nito, at umaabot na sa 8,000 ang apektado mula sa iba’t ibang bansa sa Asian, Europe, North America at Middle East.

Ang mga sintomas ng nasbaing virus ay kinabibilangan ng lagnat, ubo, kakapusan at hirap sa paghinga.  RENE CRISOSTOMO

PATOTOO NG MGA PASAHERO, MAS MAHUSAY ANG SERBISYO SA LRT LINE-1

MALAKI na ang ipinagbago ng serbisyo ng LRT Line 1 sa nakalipas na taon.

Ito ang naging obserbasyon ng mga mananakay ng 20.7 kilometer LRT Line 1, ang kauna-unahang elevated commuter train na may 20 stations na bumabagtas mula Munoz sa Quezon City hanggang Baclaran at may regular daily passenger na 500,000.

Ayon kay Jinkee Evangelista, estudyante ng De La Salle University sa Taft Ave, kung dati ay mas ninanais niyang  magdala ng sasakyan dahil pahirapan ang pagsakay sa LRT, ngayon ay mas ‘manageable’  na kung magte-train siya  kaysa  mag-drive.

“Iiwasan mo lang talaga ‘yung peak hour kasi talagang ang daming pasahero, pero mas marami na ngayong skip train kaya higit na maginhawa na talagang mag-LRT,”pahayag ni Evangelista.

Natutuwa rin si Reynaldo Guevara na araw-araw sumasakay sa LRT patungo sa kanyang trabaho sa UN Ave. Ayon sa kanya, kung dati ay nale-late siya sa trabaho dahil 3 hanggang 4 na tren ang kanyang pinalalagpas bago makasakay, sa ngayon ay sa unang tren pa lamang ay nakakasakay na siya.

“Sa bilis at on time na pagdating ng mga tren ay hindi napupuno ng pasahero sa mga station platforms kaya nakakasakay agad,” aniya.

Partikular na nakita naman ni Aling Remedios Vasquez ang concern ng mga security guard na nagmamando sa mga istasyon.  Aniya, maayos ang sistema sa pagpapasakay sa senior citizens sa LRT kaysa nang minsan siyang sumakay sa MRT.

Hindi naman naiwasan ni Christine Suarez,24 anyos, empleyado sa Pasay City, na ihalimbawa ang karanasan niya sa pagsakay sa LRT at MRT. Aniya, naaaawa siya sa kanyang sarilli tuwing sasakay ng MRT.

“Awang- awa talaga ako sa aking sarili kapag sasakay na ako ng MRT, parang… ano ba ito, ang hopeless naman ng mga Filipino, parang lagi kang sasabak sa giyera, napakahaba ng pila, makikipagbalyahan ka makapasok lang ng tren, sa loob ay halos hindi ka na makagalaw, mababasa ka ng tumutulong aircon, malas mo pa ‘pag naabutan ka ng sira ng tren dahil pabababain ka sa gitna ng tracks o maghihintay ka sa loob na sobrang init.”

Aniya, mas malapit sa kanilang bahay sa Quezon Ave kung MRT ang kanyang sasakyan patungong Pasay ngunit kalbaryo naman ang kanyang mararanasan kaya mas pinipili niya na gumastos na lang ng dagdag pamasahe para magtungo sa LRT Roosevelt Station at doon na sumakay.

“Nagtataka ako kung bakit umayos na ang serbisyo sa LRT Line 1, saka ko nalaman sa mga katrabaho ko na privatized na pala ito, sana all,”  dagdag pa niya.

Taong 2015 nang i-turnovet ng Light Rail Transit Authority(LRTA) at Department of Trasportation(DoTr) sa Light Rail Manila Corporation(LRMC), ang venture company ng Ayala Corp., Macquarie Infrastructure Holdings at  Metro Pacific Investments Corp. ang operasyon at maintenance  ng LRT Line 1 sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program ng Aquino administration.

Mula nang i-takeover ng LRMC ang LRT Line 1 ay nakapagpatupad na ito ng ilang measures para sa ikaaayos ng serbisyo nito, mula 77 na tren ay mayroon nang 112 tren at mula 478 na biyahe kada araw ay naging 554 daily trips at ang headway o waiting time ay umaaabot na lamang sa 3.5 minuto  mula sa dating 6 hanggang 8 minuto, gayundin ay mas pinahaba ang operating hours.

Sinabi ni LRMC President Juan Alfonso na mula 2015 ay nasa P8.7-B na ang nailaan ng kompanya  para sa rehabilitasyon at pagpapaganda ng serbisyo ng LRT Line 1, kasama rito  ang maayos na tren, pagpapaganda ng mga station at pagpalit sa nasirang rail tracks kaya mas ligtas at mas maayos na ang takbo ng mga tren.

Ngayong Nobyembre 2020 ay target ng LRMC na matapos ang kanilang bagong signaling system kung saan makatitiyak ang mga pasahero na on time palagi ang dating ng mga tren at ang waiting time o headway ay aabutin na lamang ng 2.5 minuto.

Sa taong 2021 ay inaasahang 700,000 hanggang 800,000 pasahero na ang maseserbisyuhan ng LRT Line 1 sa oras na matapos ng LRMC ang LRT 1 Extension patungong Cavite kung saan walong bagong stations ang madaragdag, kabilang ang Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Pinas, Zapote at Niog sa Cavite.

Mula isa at kalahating oras ay 30 minuto na lamang ang magiging biyahe patungong Cavite.

FOUNDATION GAMIT SA HUMAN TRAFFICKING, $20-M ‘ILLEGAL FUNDS’; QUIBOLOY CHURCH NI-RAID

KASASAMPA pa lamang ng tatlong kasong kriminal laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ngunit kakaharapin ng tinaguriang “appointed son of God” ang mga kasong “human trafficking,” “illegal fund raising” at pekeng kasal ng 82 mag-asawa sa Estados Unidos.

Ilang linggo na ang nakalipas, inilabas ng Saksi Ngayon ang mga kasong “rape,” “human trafficking” at “child abuse” na isinampa laban kay Quiboloy sa National Prosecution Service Office sa Davao City.

Kamakalawa, lumabas sa mga balita na sinalakay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles, California, USA, at inaresto ang tatlong opisyales na namamahala ng nasabing simbahan.

Nabatid na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng FBI upang makapangalap ng malakas at matibay na ebidensiya kaugnay sa reklamong human trafficking laban sa nasabing sekta.

Idineklara ni Quiboloy  na siya ang “appointed son of God” na kanyang idiniin sa kanyang mga opisyal at kasapi sa kanyang Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao subalit may tanggapan sa Metro Manila na nangangasiwa ng mga negosyo ni Quiboloy, kabilang na ang Sonshine Media Network International o Swara Sug Media Corporation.

Ibinunyag nga mga biktima sa FBI na hindi raw sila makaalis sa Kingdom of Church sa LA dahil hawak ng mga opisyales nito ang kanilang pasaporte.

Sinabi pa ng mga biktima, , inuutusan sila ng pamunuan ng nasabing simbahan na magtungo sa iba’t ibang bahagi ng Amerika upang manghingi o mamalimos upang makakuha ng maraming pera na ilalaan sa The Children’s Joy Foundation, non-governmental-organization ng simbahan ni Quiboloy.

Ayon pa sa mga biktima, kapag hindi nila nabubuo ang perang dapat makolekta ay pinapaparusahan sila kabilang na ang pang-aabuso sa kanilang katawan.

Ang isa pang matinding nadiskubre ng FBI ay ang  “fundraising” ng simbahan ni Quiboloy na umabot na sa 20 million US dollar mula 2014 hanggang sa kalagitnaan ng 2019 gamit ang “street level solicitation” ng mga kasapi nito.

Labag sa batas ng Amerika na mangulekta ng pera sa ilegal na paraan o gumagamit ng pekeng layunin.

Nabatid pa ng FBI na umabot sa 82 pekeng kasal ang naisagawa ng kontrobersyal na simbahan sa loob ng 20 taon kung saan kabilang ang aktibidad sa pinagkukunan nila ng salapi. NELSON BADILLA

MALAKANYANG BINALAAN NG SOLON SA WATER CONCESSION; TAUMBAYAN MAMUMULUBI SA VILLAR TAKEOVER

NAGBABALA ang grupong Gabriela sa Malacanang na huwag tangkaing ibigay sa kumpanya ni dating Senate President Manny Villar ang pangangasiwa sa water distribution service sa Metro Manila kung nais ng mga ito na hindi magmahal ang presyo ng tubig at umayos ang serbisyo.

Ginawa ni Rep. Arlene Brosas ang nasabing babala dahil hindi pa rin maaalis sa mga  pangamba ng mga ito na ipasa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Villar ang water concession agreement dahil pumasok na ito sa water industry.

Si Villar ang may-ari sa Prime Water at hawak na ang water distribution service  sa iba’t ibang panig ng bansa tulad sa Marilao, Bulacan; Tayabas, Quezon;  Bacolod City, Negros Occidental at Zamboanga City.
“We warn Malacanang against using the public’s dissatisfaction under the privatized water services courtesy of Maynilad and Manila Water to comfortably sneak in Villar’s PrimeWater as the new water concessionaire,”  ayon kay  Brosas.
“Instead, the government should restore the water services across the country to full public control.”
Hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ng Palasyo ang bagong water concession agreement na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin sa ayaw at sa gusto ng Manila Water nap ag-aari ni Manny V. Pangilinan at Maynilad, nap ag-aari naman ng mga Ayala, dahil kung hindi ay babawiin na sa mga ito ang kontrata.

Dahil dito, hindi inaalis ni Brosas ang posibilidad na kapag tuluyang umatras ang Maynilad at Manila Water ay ipapasalo kay Villar ang water service distribution dahil kabilang ito sa mga malalapit kay Duterte.
Idinagdag ni Brosas, dapat matuto ang gobyerno sa karanasan ng mga taga-Bulacan, Quezon province, Balocod City at sa Zamboanga at iba pang lugar na hawak ng Prime Water na lalong lumala  ang pangit na serbisyo at tumaas pa ang singil sa tubig. BERNARD TAGUINOD

10-B US EXPORT MADIDISKARIL

POSIBLENG madiskaril ang  $10 bilyong halaga ng export ng Pilipinas sa Amerika kung magpapatuloy ang pagbanat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa US government, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na magkakaroon ng “adverse consequences” sa ekonomiya ng bansa ang ipinataw na indefinite travel ban sa lahat ng miyembro ng Gabinete ni Duterte.

“An indefinite travel ban to the United States imposed on all members of the Cabinet could have adverse consequences on our country’s economy and security, not to mention the many employed Filipino immigrants there, especially if the US retaliates to the recent tirades of President Duterte,” paliwanag ni Lacson.

Aniya, umaabot  sa halagang $10 bilyon ang inaangkat ng Amerika sa Pilipinas bukod pa sa naibibigay ng tulong ng Washington  bilang suporta sa militar at ayuda sa buong Asia-Pacific region.

Kamakailan, nagbanta si Pangulong Duterte na kanyang kakanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng US at Pilipinas kapag hindi binigyan ng US visa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nakatakdang magpulong naman ang Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang pag-usapan ang magiging posisyon ng mataas ng kapulungan hinggil sa pagbawi sa VFA at iba pang isyu sa US. ESTONG REYES

 

Read More

FORTHCOMING: ANIKKA CAMAYA

0

Isa si Annika Camaya sa mga ipinagmamalaki ng Tyronne Escalante Artist Management.

Paka-abang-abangan natin itong aktres, singer at host.

Dahil multi-talented na, saksak pa ng kangandahan at alindog. Sigurado kami, gagawa siya ng malaking marka sa showbiz.

Produkto siya ng Reality TV Show na “Anak Ko ‘Yan” ng GMA-7.

Unti-unti ring gumagawa ng pangalan si Anikka dahil sa mga labas niya sa mga TV shows katulad ng  ‘Paraiso Ko’y Ikaw’, ‘Nino’, ‘Half Sisters’, at ‘Florente at Laura’ kung saan kasama niya ang Binibining Universe na si Venus Raj.

Ang ibang klaseng pagganap niya sa pelikula at TV show ay nagbigay sa kanya noong 2015 ng Most Promising Female Artist sa Golden Globe Annual Awards for Filipino Achievers at ang Most Outstanding Student in GMA Workshop’s acting category.

Malapit ng maging bida si Anikka sa Disney show na “Super Zeroes,” na produced ng Globe Studios.

Read More

ANG KOREANOVELA NA NAGING DAHILAN NG ADDICTION KO

0

lolitHectic ang araw ko kahapon ha. Hindi ba nga natuloy ang presscon ng concert nila Christian Bautista, Aicelle Santos at ang ever favorite ko na si Mark Bautista, tuloy pa rin iyon kay Bong Revilla at Dingdong Dantes para naman sa Descendants of the Sun. Excited na excited ako sa project na ito ng GMA 7 dahil ito ang koreanovela na naging dahilan ng addiction ko. At sa trailer pa lang, parang iyon adaptation nakikita ko na parang sa original
pero meron siyang kaibang kilig. Ang pogi dito ng mga artistang naka-uniform ng sundalo, kahit iyon team ng mga doctor popogi din. Bagay din kay Jennylyn Mercado iyon role ng doktora. Basta sure ako this tv series will make the viewers enjoy watching. Congrats kay Dingdong Dantes for being a legitimate member ng Phil Navy, so proud of his achievement. Mabait na, guwapo pa. mahusay na artista, mabuting tao, responsableng ama at asawa. Wow, complete package talaga, lucky Marian Rivera at lucky Dingdong for having a wife like Marian, and kids like Zia and Ziggy.

PARANG ARAW NG KALAYAAN ANG PAGHARAP NI SEN. BONG SA PRESS

Naku, special kahapon ang naging  feeling ko. Parang deja vu na haharap si Sen. Bong Revilla kahapon ng tanghali sa mga movie press. For almost 4 years and a half, sa Crame ko siya nakikita, now, parang Araw ng Kalayaan, heto siya sa gitna ng mga taong lagi niyang kasama sa daigdig ng pelikula at TV. Admitted ko na mas comfortable siya sa crowd na ito, na mas feeling family siya dahil he is among friends. Nung dinadalaw ko siya sa Crame, kahit naka-smile siya pag nakikita ang mga dumadalaw na taga-showbiz, alam mo na miss na miss na niya ang mga kasamahan. Kaya nga sure ako, laging nasa alaala niya iyon mga hindi nakalimot, tinatanaw niyang utang na loob na pinupuntahan siya at si Jinggoy Estrada sa Crame. Today he will be among friends, kuwentuhan lang, pag-usapan mga bagay bagay, at siguro ikuwento iyon gagawin niyang TV project for GMA 7. Salamat talaga sa GMA sa undying support nila kay Bong, dun ko napatunayan, family ang istasyon, Kapuso talaga. Welcome Bong, start 2020 with your first love, acting. Thank God for being generous to you, for all the chances. God is always good.

I LOVE RHIAN DAHIL NAGBIGAY SIYA NG ORAS KAY BONG

I love Rhian Ramos. Isa siya sa favorite person ko sa showbiz. Hindi ko malilimutan na isa siya sa mga artista na nagbigay oras kay Bong Revilla nang nasa Crame ito. I love her, no pretensions outlook sa buhay, iyon ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya without hurting anyone basta true to herself siya. Very friendly siya at magalang, plus mukhang ang talino niyang tao. Ang husay niyang magdala ng damit at meron talaga siyang taste sa fashion. Ang husay din niya umarte kaya dala niya ang role na ibinibigay sa kanya. Very loyal siya kaya naman you always see her being sorrounded with people na mula pa nun ay kasama na niya. Kahit hindi kami nagkikita madalas, Rhian Ramos will always have a special place in my heart. Nasa serye siya kasama nila Coney Reyes, Michael Daez, Tom Rodriguez at Carla Abellana na Love of My Life, na ipalalabas na next week. Watch it. (ANG KULIT NI LOLIT)

 

 

Read More