SHARON SA PELIKULA, MARYA SA TV

judy ann santos-maricel soriano

NOEL FERRER - LEVEL UPUna na nating naibalita rito  na gagawa ang megastar Sharon Cuneta ng apat hanggang limang pelikula raw. Hindi naman siguro isiisiksik lahat ito sa iisang taon.

Basta ang unang pelikula ay tampok silang mag-ina ni Frankie Pangilinan ay nakatakdang ipalabas sa Mothers’ Day.

Kung ang Megastar ay tutok sa pelikula, ang Diamond Star naman ay sa TV magcoconcentrate. Nabalitaan natin na kasama siya sa bagong teleserye na papalit sa “Kadenang Bulaklak” na nakatakdang magtapos sa February.

Nakaka-excite ito dahil nakatakdang makasama ng Diamond Star ang pawang magagaling at premyadong mga aktres.

Aabangan natin ito mula sa Kapamilya network na mukhang there’s no stopping them kahit may hanging issue pa ng franchise renewal.

They have become pro-active at tuloy/tuloy lang sa pagke-create ng magagandang content.

ARMAN FERRER at ANAK NI FRANCO at AYEN LAUREL, NAGKAKAMABUTIHAN?

Nagkaroon ng kulay sa mga netizens at mga kapatid natin sa panulat ang message ni Arman Ferrer sa anak nina Franco Laurel at Ayen Munji-Laurel sa social media.

Ang sabi ng magaling na  Crossover Artist,  “Happy Birthday Mariella Laurel!

You are a kind, understanding, patient, forgiving and most of all a very loving person. We are all very blessed to have you.

Thank you for being there always. I wish nothing but the best for you, in life, family, friends, love and in your career. May God and the universe, give you whatever your heart desires.

Take care always and have a great birthday! I’m just here for you. See you soon! Love you from the Lord of Winterfell aka QC  ️

#Birthday #Happiness #Love “

May namumuo bang pag-iibigan sa dalawa?

Oh well, sana kahit pareho silang busy sa kani-kanilang mga gawain ay may oras pa rin sila sa isa’t-isa.

Si Arman ay nakatakdang magperform sa Asian TV Awards sa Biyernes, at sa isang espesyal na send -off event para kay Bishop Tagle bago tumungong Roma kasama ng Santo Papa.

Special guest din siya sa birthday at homecoming concert ni Odette Quesada sa BGC Arts Center sa January 17 at 18 along with Kuh Ledesma at Sharon Cuneta and very special surprise guests.

If plans will push through, Arman is set to conquer the CCP with a major solo concert before the end of 2020, at inaayos na lahat yan!

Kapag nagkataon kaya, magi-guest kaya si Mariella Laurel doon?

Aabangan natin ‘yan!

oOo

For reactions, recommendations and opinions, send a PM to my IG account – @iamnoelferrer . (LEVEL UP / The First NOEL (Ferrer)

Read More

REP. VELASCO APRUB SA DRUG WAR NI DUTERTE

REP VELASCO-3

Ama isinabit ni De Lima sa ilegal na droga

(PFI Reportorial Team)

IPINAGTANGGOL ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte Administration sa harap ng pagbatikos dito ni Vice President Leni Robredo.

Katwiran ni Velasco, 79% ng Pinoy ang satisfied sa anti-drug campaign batay na rin sa Social Weather Station (SWS) survey.

Banggit pa ng kongresista, mula nang ilunsad ang drug war noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang sense of security.

Sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) region kung saan kabilang ang distrito ni Velasco ay bumaba na umano ang kaso ng illegal drugs.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay 64% ng mga barangay sa Mimaropa ang naideklara nang drug-free.

Matatandaan na una nang naging kontrobersiyal ang Marinduque pagdating sa illegal drugs nang masakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Marinduque police ang dating staff at driver ni Velasco na bukod sa droga ay nakumpiskahan din ng mataas na kalibre ng baril.

Si Mark Dexter Anthony Preclaro ng Santa Cruz, Marinduque na personal driver ng mambabatas ay inaresto matapos mahulihan ng 18 gramo shabu na nagkakahalaga ng P120,000, drug paraphernalia, 5.56 rifle, dalawang 22 caliber rifles, apat na caliber 5.56 magazines at ilang live at blank ammunitions.

Sa record ng PDEA ay ika-12 most wanted drug pusher ng Mimaropa si Preclaro at matagal nang sentro ng manhunt operation ng mga awtoridad.

Ang ama ni Velasco na si retired Supreme Court Justice Presbitero Velasco ay una na ring isinangkot ni Sen. Leila de Lima na may koneksyon sa convicted drug lord na si German Agojo.

Sa mga lumabas na news report ay sinabi ni De Lima na isang investigative news report  na “Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court” na sinulat ni Maritess Vitug ang nagdedetalye ng koneksyon ni Agojo sa matandang Velasco.

Nakasaad sa nasabing report na nang umakyat ang kaso ni Agojo sa SC ay isinulong ni Justice Velasco na ma-acquit si Agojo subalit natalo ito sa mga kapwa mahistrado kaya ang naging boto ay unanimous para mahatulan ang drug lord.

Si Agojo ay isa sa mga inmate ng New Bilibid Prison na tumestigo laban kay De Lima habang si Justice Velasco ang nagponente ng desisyon sa kaso ni De Lima na nagbigay daan para makulong ito.

Read More

HIRIT NI MARCOS SA PET: BOTO SA MINDANAO IPAWALANG BISA

BONGBONG MARCOS-3

(Ni: NELSON S. BADILLA)

DAPAT ipawalang bisa ng Korte Suprema ang mga boto sa tatlong lalawigan sa Mindanao noong 2016, sapagkat dinaya ng kampo ni dating Rep. Ma. Leonora “Leni” Robredo ang halalan sa maraming presinto sa tatlong lalawigan sa nabanggit na isla upang manalong pangalawang pangulo ng bansa.

Ito ang layunin ng inihaing memorandum ni Marcos nitong Lunes na humihiling sa mataas na korte na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET) na magkaroon ng “teknikal na pag-aaral” sa mga lagda ng mga botante ng Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan na pinaniniwalaan ni Marcos na dinaya ng kampo ni Robredo.

Ang kahilingan ni Marcos ay legal at pinahihintulutan ng alituntunin ng protestang elektoral sa ilalim ng prinsipyong “third cause of action.”

Peke ang mga lagda

IDINIIN ni Marcos na peke ang mga lagda ng maraming boto sa 2,756 prinotestang clustered precincts sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan.

Batay sa prinsiyo ng third cause of action, maaaring maglunsad ng panibagong “preliminary investigation” ang PET upang pahintulutan nito ang presentasyon ng mga ebidensya sa pandaraya ng kampo ni Robredo.

Iginiit ni Marcos na ang PET ay mayroong solong kapangyarihang paboran ang kanyang ikatlong hakbang sa protestang elektoral, sapagkat hiwalay at malaya ito sa iba pang aksyon.

Ilang buwan na ang nakalilipas, lumabas sa media ang resulta ng imbestigasyon ng Commission on Elections (Comelec) na dinaya ang resulta ng eleksyon sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan noong 2016.

Nang tanungin ng media ang Comelec hinggil dito, hindi nagsalita ang Comelec at hindi rin nito itinanggi ang malawak na dayaang naganap sa tatlong lalawigan sa Mindanao.

Panalo si Marcos

MAYROON ding hiwalay na impormasyon ang Comelec at ABS – CBN Research Team na nagsasabing lamang ng 45,000 si Marcos laban kay Robredo kung pagsasama-samahin ang lahat ng boto mula sa Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Inaalam ng Saksi Ngayon kung gaano ito katoto.

Ang anim na lalawigan ang kasama sa ikalawa at ikatlong batayan ng protestang elektoral ni Marcos para sa halalan sa pangalawang pangulo ng bansa noong 2016.

Ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental ay ang mga lalawigang tinukoy at ipinasama ni Marcos sa kanyang Second Cause of Action hinggil sa protestang elektoral hinggil sa lahatang-panig ng pandaraya ng kampo ni Robredo.

Mayroon nang resulta ang SC/PET dito kung saan sinasabing nadagdagan pa ng 15,000 boto si Robredo, dahilan upang tumaas ang lamang niya kay Marcos.

Ang puntong ito ang ginamit at iginiit ng kampo ni Robredo, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Romulo Macalintal, sa PET kaugnay sa kahilingan ni Robredo na tuluyan nang ibasura ang protesta ni Marcos alinsunod sa itinakda at ipinag-utos ng Rule 65 ng gabay sa protestang elektoral.

Ayon sa alituntuning 65, maaaring ibasura ang protesta ng kandidato kapag lumitaw na natalo sa tatlong lalawigang ginamit bilang pilot areas ng protesta.

Bilang ponente ng desisyon ng PET, ito ang pangunahing ginamit ni Associate Justice Alfredo Caguioa bilang batayang legal upang ibasura ang protesta ni Marcos.

Sa opisyal na pahayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, inihayag nito na: “The recent Memorandum filed by Mrs. Leni Robredo is a clear recognition of the validity of our third cause of action. She now echoes our assertion through her Memorandum, for the Presidential Electoral Tribunal (PET) to now proceed with the conduct of the technical examination and reception of evidence for the provinces of Lanao Del Sur, Basilan and Maguindanao. With her express affirmation a great obstacle has been removed and we look forward to an expeditious resolution of the question, “Who won the Vice Presidential election of 2016?” (May karugtong)

Read More

PINAS, BUKAS SA IRAN ATTACK?

Rep Ferdinand Gaite-2

Sa pagpayag ni PDu30 na maging ‘transit’ ng Kano – solon

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI maiwasang pag-initan ng Iran ang Pilipinas dahil papayagan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing “transit” ng mga Amerikanong sundalo ang bansa kapag nauwi sa giyera ang tensyon sa Gitnang Silangan.

Mistulang naguluhan din si Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil habang umaapela si Duterte sa Iran na protekhan ang mga Filipino sa kanilang bansa, ay papayagan nito ang Amerika na gamitin ang Pilipinas bilang kanilang transit point.

“This is a conflicting policy statement by the president that would in fact put OFWs in the Middle East in danger. This would also make the Philippines a target for retaliatory attacks because US troops would be here,” ani Gaite.

Dahil sa Mutual Defense Treaty (MDT) na umiiral mula 1951, tumulong ang Pilipinas sa Amerika noong panahon ng Vietnam War, Korean Peninsula War at maging noong giyerahin ng Estados Unidos ang Iraq.

Bukod sa MDT ay umiiral din ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung saan maaaring magsanay rito ang mga Amerikanong sundalo kasama ang mga sundalong Filipino.

EVAC PLAN

Ipatutupad na ang evacuation para sa lahat ng OFWs na posibleng maapektuhan ng tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Nagpakawala kasi ng missiles ang Iran at tinarget ang military base ng Amerika sa Iraq .

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na base sa instruction ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kapag uminit ang tensiyon ay agad na palikasin ang mga OFW lalo na sa mga apektadong bansa.

Samantala, handa na ang Armed Forces of the Philippines na ideploy ang kanilang mga bagong biling barko at C130 planes sa Iran at Iraq.

MAY PONDO

Tiniyak naman ng Department of Finance (DoF) na may nakalaang pondo ang pamahalaan para  sa pagpapauwi ng mga Filipino mula sa Iran at Iraq.

Sinabi ni Finance Assistant Secretary Rolando Toledo na hindi pa man iniaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang direktiba sa DOF na maglaan ng pondo para sa pagpapauwi ng mga Filipino ay may nakalaan na ang departamento para rito.

1.29 bilyong pisong pondo aniya ang gagamitin ng DFA para sa repatriation program.

Samantala, nakahandang ikasa ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang isang panukala upang bigyan ng supplemental budget ang pamahalaan sa pagpapauwi ng mga Pinoy na posibleng maipit sa tumitinding sigalot sa pagitan ng US at Iran.

Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na nakahanda ang Senado na magbukas ng special session  upang matugunan ang sitwasyon na kinakaharap ng OFWs sa Middle East sa pamamagitan ng supplemental budget.

Sinuportahan din ni Zubiri ang pagbuo ng isang Crisis Committee na siyang mangangasiwa ng massive plan na maibalik ang mga OFW sakaling sumiklab ang giyera sa Gitnang Silangan.

Samantala, nakiusap naman si Senador Joel Villanueva sa mga Pinoy sa Iraq na sundin ang panawagan ng pamahalaan na umuwi na sa Pilipinas upang maiwasang maipit sa napipintong giyera.

SUNDALO

Kinumpirma kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang utos ni Pangulong Duterte na magpadala ng dalawang batalyon ng sundalo sa Middle East.

Agad namang nilinaw ni Sec. Lorenzana na hindi isasabak sa digmaan ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippinesm sa halip ay magsisilbi silang protektor ng mga Pinoy.

ALERT LEVEL 4

ITINAAS na ng Pilipinas ang Crisis Alert sa Iraq sa Alert level 4, kasunod ng patuloy na tension doon kasunod ng pagkakapatay kay Iranian military general Qassem Soleimani mula sa isang US drone strike.

Ang Alert level 4 ang pinakamataas na travel advisory sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Itinataas ito kapag mayroon umanong “large-scale internal conflict or full-blown external attack.”

“Inatasan na po ng Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas, kasama na po ang Embahada ng Pilipinas sa Iraq para ilikas ang mga Pilipino rito sa bansa,” sinabi ni Philippine Chargè d’ Affairès Jomar Sadie sa isang  Facebook Live video. (May dagdag na ulat sina CHRISTIAN DALE, ESTONG REYES, JESSE KABEL at KIKO CUETO)

Read More

JUDAY: ‘NAPAPAGOD ANG TAO SA MAHAHABANG TELESERYE!’

JUDY ANN SANTOS-2

Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng Starla na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Tatlong buwan lamang sa ere ang naturang programa. Ayon kay Juday ay sadyang isang season lamang ang kanilang napagkasunduan ng pamunuan ng ABS-CBN nang ialok ang proyekto sa kanya. “When they presented Starla to me, talagang one season lang siya. At that time kasi, masyado nang napapagod ang mga tao sa mahahabang teleserye,” nakangiting kwento ni Judy Ann.

Para sa Young Superstar ay posible pa naman nilang pahabain ang istorya ng Starla pero talagang kinakailangan na rin itong wakasan. “Though marami pang pwedeng gawin with the story, but ang ganda na nang latag eh. No’ng pag-present pa lang sa akin, buo na ‘yung istorya, may ending na talaga. So when they presented Starla to me, aaminin ko tinanong ko sila. ‘One season lang ba talaga ‘to?’ Kasi ‘pag halimbawang bumababa ang rating ng teleserye, ang bagsak naman noon hindi sa istorya, sa artista. Tinanong ko kung may diary at kuwintas na hahanapin, wala, star lang talaga. So okay na ako,” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, nakatakdang gawin ni Juday ang biopic ni Mother Lily Monteverde. Si Mother Lily umano ang personal na pumili sa aktres upang gumanap sa bagong proyekto. Ang beteranong direktor na si Erik Matti ang gagawa ng pelikulang ito mula sa Regal Films.

-Reports from JCC- (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

EX-MAYOR PATAY SA AMBUSH

SULTAN Kudarat – Blangko pa ang mga awtoridad hinggil sa posibleng motibo sa pananambang na ikinamatay ng dating alkalde na naging bise-gobernador, makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang minamaneho ang kanyang truck, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Rolly Recinto, residente ng Purok Inamnama, Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat.

Batay as report ng Sultan Kudarat Police Station, bandang alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa national highway ng Brgy. Bilumen, Lambayong, Sultan Kudarat.

Lumabas sa paunang imbetigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi L-200 truck galing Tacurong City at pauwi na sa kanilang tahanan nang bigla na lamang itong tambangan ng armadong kalalakihan.

Pinaulanan umano ng mga suspek ng bala mula sa .45 kalibreng baril at M16 armalite rifles ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga armado.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sa nayon, inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Napag-alaman, dating alkalde sa bayan ng Lambayong at bise-governador sa Sultan Kudarat si Recinto.

Kaugnay nito, nag-alok ng reward money ang pamahalaang lokal ng Lambayong sa sino mang makapagtuturo sa mga suspek. (ANNIE PINEDA)

Read More

“It’s true. Time heals all wounds”–Pops Fernandez

SAKSI AKO copyBago ko ikuwento ang nasakaihan namin sa press con ng Pops Fernandez-Martin Nievera show na Two-Gether Again! sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21, 2020 na gaganapin sa Theatre ng Solaire, gusto namin i-congratulate ang lay-out artist natin na si Gerry Roman for winning one of the major prizes ng press con na yon kahapon na ginanap sa West Avenue Suites, Quezon City

 Napaluha si Pops sa Q&A.

Pati mga followers namin sa Facebook ay napaluha rin nang napanood ang video.

Say ng ex-misis ni Martin : “It’s true,  time heals all wounds.”

Nang tinanong sila kung ano ang theme song ng partnership nila:

“How do you keep the music playing?”

Theme song ng partnership nila say ni Martin.

Apektado sila sa lyrics ng ‘Tell Me” kapag  duet nila ito sa mga past shows nila.

Read More

SPILL OVER BINABANTAYAN

Lt Gen Felimon Santos Jr

Palasyo, AFP nakatutok sa US-Iran tensions

BINABANTAYAN ng Malakanyang at pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng paglawak ng tensyong namamagitan sa Amerika at Iran.

Kasabay nito ang pag-alerto ng AFP sa kanilang Defense and Military Attaches sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan.

Tiniyak ni Armed Forces chief of staff Lt. Gen. Felimon T. Santos, Jr. na nakahanda ang Hukbong Sandatahan sa posibilidad na kumalat pa sa ibang mga bansa sa Middle East ang tumitinding tensiyon sa pagitan ng US at Iran.

Ayon kay Santos, mahigpit ang ginagawa nilang monitoring sa sitwasyon mula noong mapatay sa inilunsad na drone attack ng US ang isang mataas na military officer ng Iraq at ranking leader ng Iran sa Baghdad airport noong Biyernes.

Sinabi pa ni Santos na hindi nila inaalis ang posibilidad na targetin ng Iran ang mga kaalyadong bansa ng US sa Middle East.

Paliwanag ni Santos, mayroon kasing tyansa base sa kasaysayan ng giyera na madamay ang mga kalapit na bansa tulad ng Israel.

Kabilang sa mga bansa sa Gitnang Silangan na kaalyado ng US bukod sa Israel ang Qatar, Bahrain, United Arab Emirates at  Oman.

Kaalyado rin ng Pilipinas ang Estados Unidos subalit  nilinaw ng opisyal na hindi naman kasama ang giyera sa Gitnang Silangan sa RP-US mutual defense treaty.

Kinumpirma rin ng heneral na nagbibigay ng update sa sitwasyon ang US pero wala pa namang inilalatag na plano sa posibleng mangyari sa gitnang silangan.

PAPANIG SA US

Hindi naman malayong pumanig si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Estados Unidos sa oras na masaktan ang mga Filipino sa Gitnang Silangan.

May paghahanda na kasi ang gobyerno ng Pilipinas para ilikas ang mga Filipino sa Middle East na maiipit sa tensyon.

“Duterte will not sit down idly and is simply issuing a friendly caution to Iran, which he earlier said is hell-bent on seeking revenge against the US,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador  Panelo.

Very specific aniya ang Pangulo nang sabihin nito na kapag nasaktan ang mga Filipino ay agad siyang papanig sa Amerika.

Nauna rito, nagpahayag naman ng pangamba ang Chief Executive ukol sa tumitinding krisis sa Middle East.

Tinapik ni Pangulong Duterte ang kanyang dalawang mataas na opisyal, Lunes ng gabi  upang lumipad patungong Middle East para sa posibleng paglilikas sa mga Filipino roon.

Tinatayang may 1,600 Filipino sa Iran at 6,000 Filipino naman sa Iraq at may 4 milyong  migrant workers sa Middle East, ayon naman kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Panelo na bumuo ng special committee ang Pangulo upang mamuno sa emergency evacuation plan ng mga Filipino sa Middle East sa oras na umigting ang tensyon sa pagitan ng US at Iran at mauwi sa isang giyera.

Samantala, sinabi ng Presidente na pinag-iisipan niyang magpatawag ng special session ng Kongreso para maglaan ng standby fund na magagamit para sa pagpapauwi sa mga OFW sakaling lumala ang tensiyon sa Middle East.

Inatasan naman ng Pangulo ang Department of Finance na maghanap ng pondo para sa maiipit na OFWs at ang Kongreso na ang bahalang bumuo ng komite na hahawak sa pondo.

CONTINGENCY PLAN

Handa naman ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na magsagawa ng special session upang plantsahin ang  pondo at contingency plan sakaling sumiklab nang tuluyan ang “giyera” sa pagitan ng United States at Iran.

Ito ang tiniyak ni House majority leader Ferdinand Martin Romualdez matapos imungkahi ni Pangulong Duterte na magsagawa ng special session dahil kinakabahan ito sa tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“We agree with the President’s pronouncement that the rising tension in the Middle East is a major concern that needs urgent legislative attention. We are ready to clothe the executive with all the powers needed to make sure that every Filipino is safe and secure in these trying times,” ayon sa mambabatas.

NAVY SHIP IDE-DEPLOY

Posible namang i-deploy ng Philippine Navy ang isa sa dalawang landing dock vessels, ang BRP Davao Del Sur (LD-602), oras na pasimulan ang evacuation para sa libo-libong OFW sa Middle East.

Ito ang tugon ni PN public affairs office chief Lt. Commander Maria Christina Roxas nang tanungin kung anong barko ng Navy ang maaring ipadala sakaling umabot na sa shooting war ang tensyon ng dalawang bansa.

“The PN concept of support in the repatriation of affected OFWs in the Middle East, (is) one landing dock and possibly escorted by one Del Pilar (class offshore patrol vessel) if needed (and) will be taken into consideration as part of the PN planning,” pahayag nito.

Sinabi pa ni Roxas na sakaling dumating sa punto na kakailanganin na ang suporta ng Hukbong Dagat para sa isang humanitarian o mercy mission ay irerekomenda nila ang dalawang nasabing Naval assets. JESSE KABEL, BERNARD TAGUINOD at CHRISTIAN DALE

Read More

PARKING OPERATORS DAPAT MANAGOT

Rep Eric Yap

KAILANGANG magkaroon  ng pananagutan ang mga parking operator sa bansa lalo na sa mga mall kapag ninakawan ang kanilang mga kostumer dahil hindi naman libre ang pagparada sa kanila.

Ang aksyon ng Kongreso ay bunsod ng pambibiktima ng basag kotse kamakalawa ng gabi kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran sa loob ng SM Centerpoint sa Sta. Mesa, Manila kung saan ninakaw ang mahahalagang gamit nito tulad ng pera, laptop, alahas, ATM cards at IDs.

“Maghahain tayo ng panukala sa Kongreso upang tiyakin na mapapanagot kayo sa mga pangyayaring gaya nito. Kung sa isang halal na opisyal ng pamahalaan ay nangyari ito, anong katiyakan ni Juan Dela Cruz na siya ay ligtas sa mga krimeng gaya nito?,” ani ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap.

Sa ngayon ay walang pananagutan ang mga parking operator kapag nasira ang sasakyan o ninakawan ang kanilang mga kostumer kahit nagbabayad ang mga ito ng parking fees.

Nabatid kay Taduran na nagtungo ang kanyang mga staff sa SM Centerpoint para magpalipas ng oras matapos siyang ihatid sa Malacañan para dumalo sa ceremonial signing sa 2020 national budget.

Gayunpaman, pagbalik umano ng kanyang mga staff sa parking lot ng mall ay nakita na lamang na basag ang bintana ng kanilang sasakyan at nawala na ang mahahalagang kagamitan nito.

“We pay exorbitant fees for parking and yet these establishments can’t provide the assurance that our vehicles will be safe from theft and damage,” pahayag ng mambabatas.

Dahil dito, maghahain umano ng resolusyon si Taduran upang alamin kung gaano kaligtas ang mga pay parking sa bansa lalo na sa malalaking mall na patuloy ang pagtaas ng parking fees.

Kailangan din aniyang tapusin na ang paghuhugas-kamay ng mga parking operator kapag may nasirang sasakyan at ninakawan ang mga kostumer ng mga ito dahil luging-lugi aniya dito ang mga tao. (BERNARD TAGUINOD)

Read More