FEU BABY TAMS WALANG MANTSA

FEU BABY TAMS

NANATILING walang talo sa tatlong laro ang reigning nine-time UAAP High School Boys’ Football champion Far Eastern University, salamat kay Charles Lobitaña na umakay sa koponan sa 2-1 win kontra National University-Nazareth School sa UAAP Season 82 match sa FEU-Diliman Football Field noong Linggo.

Nakaunang umiskor ang NU Bullpups mula sa third-minute strike ni Angelo Obero, naitabla naman ito ng Baby Tamaraws sa pamamagitan ni Karl Absalon matpos ang pitong minute.

Umatake si Lobitaña mula sa palobong sipa ni Philippine U-23 standout Pocholo Bugas upang ihatag sa Baby Tams ang panalo sa 90th minute.

“I think our players are a little bit tired because they did not get time to get fit after vacation. At our first game we were good, but we had two days rest, and then game,” komento ni FEU head coach Park Bobae.

Dagdag niya: “Our teenage players had a tough outing, but the good thing is they didn’t give up. Our mentality was a little bit stronger than NU, that’s why we got the three points.”

Ilang beses nagkaroon ng tsansa ng NU na makuha ang panalo sa second period, pero hindi nito natapatan ang counter-attack ng defending champion.

Ang Bullpus ay may 1-0-2 (win-draw-loss)

Bago ang FEU-NU game, nakaiwas ang De La Salle-Zobel ang maagang eliminasyon nang talunin ang Ateneo, 3-2 para sa kanilang unang panalo sa season.

Bunga nito, ang La Salle ay 1-0-1 ang record, habang ang Blue Eagles ay 2-0-1.

Ang Junior Green Booters at Baby Tams ay maghaharap sa Miyerkules nang alas-4:00 sa Rizal Memorial Stadium, habang ang Bullpups ay makikipagtipan sa UST sa ala-1:30 ng hapon. (VT ROMANO)

Read More

NETFLIX FIL-AM STAR STAND-UP COMEDIAN JO KOY, NAKALIKOM NG 2M PARA SA MOWELFUND SA WALK OF FAME

JO KOY

NOEL FERRER - LEVEL UPSa kabila ng pag-alburoto ng Taal noong Linggo, naging matagumpay pa rin ang 14th Walk Of Fame Philippines event sa Eastwood Walk. Sa pangunguna ng anak ni Kuya Germs (German Moreno) masigabong na-induct at pinasinayaan ang mga stars ng mga kabilang sa batch na ito na sina: Catriona Gray, Miss Universe 2018 – Television Kim Atienza, TV host – Television Jo Koy, comedian – Television Rachelle Ann Go – Theater Nanette Inven-tor – Music Jiggy Manicad – News and Public Affairs Jun Ba-naag – Radio Edu Manzano – Movies Present sa event, maliban sa awardees ang Board Of Trustees ng Walk Of Fame Philippines Foundation at si Tita Boots An-son-Rodrigo na siyang representative ng MOWELFUND na beneficiary ng 2M donation na mula kay Jo Koy at mga iba pang kaibigan nito. Malayo ang mararating nitong pondong ito para sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino. Kaya laking pasasalamat na lang ni Freddie sa mga sumuporta sa adhikaing ipinagpapatuloy niya at mi-nana sa yumaong ama. (LEVEL UP by The First Noel (Ferrer)

Read More

ADAMSON’S JOHN FIGUEROA UNA SA UAAP 82 MVP RACE

UAAP 82

SORPRESANG nangunguna si Adamson High School’s do-it-all swingman John Figueroa sa MVP race matapos ang first round ng UAAP UAAP Season 82 High School Boys’ basketball tournament.

Ang 6’2” at Grade 11 na si Figueroa ay nakaipon ng 68.86 statistical points (SPs) buhat sa 12.14 points, 14.29 rebounds, 1.86 assists, 1.43 steals at 1.43 blocks kada laro.

Inakay din ni Figueroa, tubong Pampanga, ang Baby Falcons sa 4-3 record, katabla ang Ateneo High School sa ikatlong pwesto.

Nasa likuran niya si National University-Nazareth School big man Kevin Quiambao na may 67.29 SPs.

Si Quiambao, may taas na 6’4” at nasa kanyang huling taon sa high school ay nag-average ng 12.71 points, 10.71 rebounds, 1.71 blocks at 1.43 assists kada laro para sa Bullpups na wala pang talo sa pitong laro nito.

Pumapangatlo naman si Far Eastern University guard Penny Estacio na may 67 SPS. Ang FEU Baby Tams ay may 6-1 record.

Habang nasa pang-apat at panlima sina UP’s Sean Torculas at Lebron Lopez ng Ateneo na kapwa may 66.29 SPs.

Ang Junior Fighting Maroons ay 0-7 habang 4-3 ang Blue Eaglets.

Kabilang sa top 10 sina Ateneo’s Forthsky Padrigao (66.14 SPs); Josh Lazaro (65.85); UE’s Cyrus Austria (64.71); NU’s Carl Tamayo (62.29) at UP’s Ray Torres (59.71).

Samantala, naitala ng Adamson at UST ang unang panalo sa inaugural Girls basket-ball completion nitong Sabado sa Paco Arena.

Tinalo ng Junior Tigresses ang paboritong De La Salle-Zobel, 63-45. Habang tinamba-kan ng Lady Baby Falcons ang Lady Eaglets, 121-44.

Maghaharap ang UST at Adamson sa Sabado (Enero 18) sa alas-9:00 ng umagang laro, habang ang La Salle at Ateneo ay magsasagupa sa alas-11:00. (VT ROMANO)

Read More

SABI NGA NI FORREST GUMP: LIFE IS LIKE A BOX OF CHOCOLATE, YOU’LL NEVER KNOW WHAT YOU GONNA GET

SILHOUETE MAN

lolitAlam nyo, hindi ako halos makatulog noong Linggo, hindi lang dahil sa pagputok ng bulkang Taal kundi iyung nasagap kong balita tungkol sa anak ng isang mayaman at maimpluwensyang negosyante.

Hindi pa naman ako sanay mag-blind item, pero eto hindi ko mabanggit dahil wala naman tayong nakuha pang pahayag mula sa pamilya.

Ang lumabas lang na balita, kritikal daw itong anak ng negosyante pero hindi nakumpirma na pumanaw na ito.

Wala na akong balita, pagkatapos naulat ito sa radio.

Hindi kasi napag-usapan nang husto dahil nakatutok lahat sa pagputok ng Taal.

Pero sobra akong apektado dahil nakilala ko ang batang ito, at sandali lang naman kami nagkakilala nakita kong napakabait niyang tao.

I cannot imagine a person who has everything in life, so young, so goodlooking, so sweet at nangyari ito sa kanya.

Nabasa nyo naman siguro sa Instagram ko, pero ayoko nang ikuwento pa rito dahil irespeto muna natin ang pananahimik ng pamilya.

Pero na-impress ako at feeling honored ako nang nakilala ko ang batang ito na napaka-polite, napaka-gentle.

Hindi mo akalaing gawin niya ito sa buhay niya.

Meron palang ganun?

Puwede pala mangyari sa ‘yo yan na kahit meron ka na lahat lahat, meron pa rin palang kulang sa ‘yo at nagiging mahina ka at napaka-implusive na magagawa mo yun sa buhay mo.

Hay naku! Life is really full of surprises. You will never know kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw, at kung ano ang magiging buhay mo.

Ang natutunan ko rito, no one and nobody will feel complete. Meron ka pa rin palang hinahanap to fill  the void inside your heart. Hay nakaka-sad talaga!

Mabuti na lang survivor ang subject ng item na ito.

oOo

MOTHER LILY NASIRA ANG HOTEL DAHIL SA TAAL ERUPTION

MOTHER LILY-3Ang isa pang sobrang na-sad dahil sa pagputok ng Taal Volcano, si Mother Lily.

Nakausap ko siya sa telepono kahapon dahil naapektuhan pala nang husto ang kanyang Taal Imperial Hotel and Resort sa may Taal, Batangas.

Mayor kasi doon si Mayor Pong Mercado na dating nagtatrabaho kay Mother sa Regal Films.

Kuwento ni Mother; “Nasira na ibang bubong. Natakpan na ng abo, pati swimming pool ko umapaw na mga putik.”

Gusto man daw niya ipaayos agad, hindi naman puwede dahil hindi pa alam kung hanggang kailan ang pag-aalburuto ng Taal di ba?

“Laki na naman gastos para mapaayos yan,” himutok ni Mother Lily.

Balak  pa naman daw niyang pumunta roon sa hotel niya noong Linggo pagkatapos nilang magsimba at mag-lunch ang buong pamilya.

“Pagkatapos namin mag-lunch sa bahay, nagyaya ako na pumunta run.

“Ayaw lang ni Roselle. Mag-Podium na lang daw kami.

“Buti na lang nag-Podium na lang kami, nagkuwentuhan kami dun kasama pa sina Annabelle (Rama),” kuwento pa ni Mother Lily.

Naku! Kung natuloy siya, eh di sana stranded daw siya roon.

Mahirapan siya tiyak na makababa ng Maynila.

Mabuti na lang at sumunod daw siya kay Roselle.

Pero ang isa pa sa inaalala ni Mother Lily ay ang mga taong nagtatrabaho raw sa hotel niya na tiyak apektado rin daw sila na  nakatira rin doon sa Taal at mga katabing bayan.

Naawa rin daw siya kay Mayor Pong Mercado na humihingi pa ng dagdag na tulong na ma-evacuate niya ang mga tagaroon.

Kulang daw sila ng sasakyan para gamitin sa pag-evacuate sa mga tao, at kulang na rin daw ng pagkain, dahil wala na raw silang mabibilhan.

“Naawa nga ako kay Mayor Pong. Sana tulungan pa natin.

“Pakisabi naman kay Sen. Bong (Revilla) baka puwede siya tumu-long,” pakiusap ni Mother Lily sa akin.

 

Read More

BABY BOOM SA SHOWBIZ PATULOY

BABY BOOM

Patuloy ang baby boom this year matapos magsilang ng baby girl ang singer, actress, model and TV host na si Solenn Heussaff na unang supling nila ng kanyang Argentinian husband na si Nico Bolcico na kanilang pinangalanang Thylane Katana nitong lamang January 1, 2020.

SLATERSusunod this February ang singer-comedienne na si Ethel Booba sa kanyang chef boyfriend na si Jessie Salazar.

Sa buwan naman ng Marso inaasahang isisilang ni Anne Curtis ang magiging first baby nila ng kanyang husband na si Erwan Heussaff na isang baby girl.

Abril naman nakatakdang isilang ni Cristalle Belo Henares-Pitt ang magiging second baby nila ng Australian husband niyang si Justin Pitt at magkakaroon na ang kapatid ang kanilang panganay na si Hunter.

This year din nakatakdang isilang ng TV host na si Luane Dy ang magiging unang baby nila ng kanyang fiancé o husband (?) na si Carlo Gonzales.

Habol din this year ang misis ng ex-PBB winner-entrepreneur na si Slater Young, ang blogger na si Kryz Uy at baby boy ang kanilang magiging unang supling.

BAKASYON GRANDE SA RIO DE JANEIRO

JADINE-3Just to prove na hindi sila hiwalay, sunud-sunod ang post ni James Reid at ng kanilang kaibigan ni Nadine Lustre ng photos na magkasama silang dalawa na sinimulan ng picture ng kuha sa dalawa matapos silang maispatang nag-lunch sa isang restaurant ng Camp John Hay in Baguio City.  Nakita rin ang dalawa na nag-mountain hiking sa Mt. Ulap ng Itogon, Benguet kasama ang kapatid ni James na si Lauren at ilang kaibigan.

Ang pinaka-latest naman na post ni James ay kuha sa kanilang bakasyon sa Rio de Janeiro in Brazil.

Sa kabila ng mga balitang naglabasan na hiwalay na umano ang dalawa, kabaliktaran naman ang nakikita at ginagawa nila dahil parati silang magkasama sa mga lakaran, isang pruweba na hindi totoong nagkahiwalay sila bago nagtapos ang taong 2019.

Samantala, James is sporting a new look now.

NANGANGAPA PA SI DIREK GA

Hindi ikinakaila ng movie director at production designer na si Dante Nico Garcia o Direk Ga na matagal umano siyang nawala sa sirkulasyon kaya para umano siyang nangangapa sa kanyang pagsisimulang muli.

Matagal kaming nagka-tsikahan ni Direk Ga kasama ang aming common friend na si Bebot Santos ng Kolorete Clothing over early dinner sa Mesa in Tomas, Morato last Saturday.

Si Direk Ga ang nanalong Best Director para sa pelikulang “Ploning” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos in 2008 sa Asian Frestival of First Films in Singa-pore.

Kung papalarin, maraming plano si Direk Ga sa kanyang muling pagbabalik sa pagdidirek.

SALAUBONG NG 2020 NAKAPAGANDA KAY TALA SARAH G

sarah geronimo12January 2016 pa na-release ang kanta ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na “Tala” kasunod ang music video nito.  The song was jointly composed nina Nica del Rosario at Emmanuel Sambayan at kasama sa December 2015 album ni Sarah na pinamagatang “The Great Unknown” . Kinanta ni Sarah ang “Tala” nang live sa kanyang December 2015 sold-out concert sa Big Dome na pinamagatang “From the Top”.

Ang “Tala” ang nanalong Song of the Year sa 2017 MYX Music Awards.  In 2018 ay kinanta ni Sarah ang nasabing awitin sa ASEAN-Japan Music Festival in Tokyo, Japan.

Nung June11, 2016, ang “Tala” music video ni Sarah ay pumalo ng almost 43-M views sa YouTube.

Na-revive ang dance music video ni Sarah sa social media hanggang  sa ito’y maging dance draze and dance challenge.

Hindi na lamang ang mga private netizens ang nagpapakitang-gilas sa “Tala” dance challenge kundi maging ang maraming celebrities at kasama na rito ang magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde, Glaiza de Castro, Kakai Batista, Ella Cruz at marami pang iba maging si Kabayan Noli de Castro sa “TV Patrol” mismo.

Dahil sa  muling pagkaka-revive ng “Tala” sa social media,  hindi makapani-wala ang pamunuan ng Viva Records nung maging si Sarah mismo.

Napakaganda ng salubong kay Sarah ng bagong taon dahil sa muling pag-sikat ng kanyang kanta at music video na “Tala:.

HUHUSGAHAN SI YAM

YAMSa January 22 na huhusgahan ang first solo starrer ng “Halik” star na si Yam Concepcion,  ang horror movie na “Nightshift” mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas at joint production ng Viva Films at Alliud Entertainment.

Kung sinubaybayan ng mga manonood ang hit  “Halik” primetime TV series na pinagsamahan nila nina Jericho Rosales, Sam Milby at Yen santos, umaasa si Yam na susuportahan din ng mga manonood ang “Nightshift”.

Bukod sa pelikula, si Yam ay malapit na ring mapanood sa isang bagong TV series, ang “Love Thy Woman” na pinagsasamahan nila nina Kim Chiu at Xian Lim.

Kamakailan lamang ay naging viral ang sexy photo ni Yam na kuha  sa Ha-waii kasama ang kanyang US-based boyfriend of five years na si Miguel CuUn-jieng. (/ Aster A. Amoyo)

Read More

PIOLO, NAGHIHINTAY NG MAGANDANG ISTORYA PARA ITULOY ANG REUNION MOVIE WITH JUDAY AT CLAUDINE

Matagal nang pinag-uusapan ang tungkol sa muling pagtatambal nina Piolo Pascual at Claudine Barretto sa isang pelikula. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikulang Milan na pinagtambalan ng dalawa noong 2004. Sa ngayon ay naghihintay pa umano ang aktor ng magandang istorya at tamang pagkakataon upang matuloy ang reunion movie nila ni Claudine.

Abala ngayon si Piolo sa ibang proyekto na kanyang mga ginagawa sa ABS-CBN. “I’m so excited because it’s something new. It’s something that ABS-CBN hasn’t done and something new for me. It’s going to be a new experience, it will begin in couple of weeks now,” bungad ni Piolo.

Bukod sa ilang proyekto sa Kapamilya network ay may ilang pelikula ring ginagawa ang aktor ngayon. “Meron akong mga pelikula but we are transitioning so we want to time it well especially with what we’ve done through the years and we’re celebrating ten years of Spring Films,” pagbabahagi niya.

Isa si Piolo sa mga may-ari at movie producer ng Spring Films. Bukod sa pagiging isang film producer ay kabi-kabila rin ang pelikulang pinagbibidhan ng aktor. “We want to be able to time our films better but I’ve already finished two films last year. One with Brillante Mendoza and another is with Alessandra de Rossi. And I’ll be doing another film with Star Cinema, but depending on the availability,” paglalahad ng aktor.

Samantala, kamakailan ay nabanggit ni Judy Ann Santos sa isang pahayag na si Piolo ang dahilan kung bakit hindi pa natutuloy ang muli nilang pagtatambal sa isang proyekto. “I’m always been open ever since. We’re just waiting for the perfect timing, for the right people like what Juday said, right project, right story. Kasi it’s more than ten years (nang huling magkatrabaho). So sana magandang story para naman hindi masayang, sana makapagtrabaho kami ulit. Same thing with Clau (Claudine Barretto), we’re just waiting for the right timing, script and schedule,” paliwanag ni Piolo.

With report from J.C.C.-  (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

MAY HIDDEN MEANING ANG POST NI GABBY?

GABBY CONCEPCION-6

 

SAKSI AKO copyHeadline nga lately sina KC Concepcion at ina nitong si megastar Sharon Cuneta.

Madamdamin kasi ang post ni Shawie tungkol kay KC na nilalayo raw ang sarili sa  pamilya niLA.

Ang ama ani KC na si Gabby Concepcion  ay may cryptic post sa  social media account  niya pagkatapos ng mga post ng ex-wife.

Siyempre ang mga netizen ay punumpuno ng speculation. Patungkol sa feud ng mag-ina ang post ni Gabby na yon.

Sabi pa sa  isang post ni  Gabby: “You’re not being selfish for wanting to be treated well. Remember that.”

(ON THE WAY NA BA SI IVANA NA TALBUGAN ANG PAGKA-PRIMERA VLOGGER NI ALEX?)

SI KATHRYN BERNARDO AY NAGHAHAMON?

Kathryn Bernardo-2Aba nag-aalburuto ang mga  ordinary netizen at blogger, ang yayaman na nga ng mga artista, pati ang blogging ay pinapasukan pa nila.

Si Kathryn Bernardo, sa unang vlog niya ay nakakuha agad ng Silver Play Button mula sa You Tube.

Kataka-taka ba? Ikaw pa ang maging leading lady sa dalawang all-time moneymaker sa box office na The Hows of Us at Hello, Love, Goodbye.

Ikaw na ang box-office queen for two succeeding years. Logically, ikaw din ang magiging vlogger ng taon.

I-monetized na para paghandaan ang maraming children nil ani Daniel Padilla in the near future.

Si Ivana Alawi na isang malaking threat kay Alex Gonzaga sa pagiging blogger ay nag-share ng katawa-tawa na video sa kanyang YouTube channel.

Pinaglaruan ni Ivana ang kanyang ina at ni-video ang reactions nito nang Makita ang buhok ni Ivana na may tabinging  bangs.

Umarte pa si Ivana at kinulit-kulit ang kanyang ina na gusto na niyang magpa-bangs.

Succes naman ang prank ni Ivana kasabwat pa ang younger sister Mona Louis  na lagi niyang partner in crime sa mga video posts niya.

5,700,000 views agad sa You Tube ang video na ‘yon ni Ivana sa apat na araw lang nang posting.

Lag ingang kasabwat ng magkapatid ang kanilang ina sa mga  vlogs nila. Ngayon, siya na ang biktima ng prank.

Bumili si Ivana ng  detachable bangs at kinulayan na kakulay ng buhok niyang natural

Dismayado nga ang mommy nila nang Makita ang bangs ni Ivana. Nag-remind pa ito ng mga continuity sa projects ng anak.

Nang inamin na  Ivana na-prank ang lahat, hindi pa rin masaya ang kanilang ina at nag-walk out.

May reminder lang ang concerned nanay,’wag ulitin mag-laro tungkol sa buhok niya.

Malutong na mga ” BAHALA KA SA BUHAY MO” ang nabitiwang ng napikon na in ani Ivana.

Si Ivana Alawi ay  actress, model, Instagram Influencer, at Social Media Personality. Nagsimula siya sa  GMA-7 noong sumali sa  Starstruck. Unang scewnname niya ay  Mariam Al-Alawi. Nagpalait siya to Ivana Alawi nang lumipat sa ABS-CBN at nagging bhgi ng  FPJ’s Ang Probinsiyano at Mea Culpa, Sino ang may sala?

.JULIA NAGPAPABANGO

julia12Naging viral ang post ni Julia Barretto lately.

Ni-share niya ang pic niya na naka-two-piece yellow swimsuit noong Sabado January 11.

Sari-saring comments at reactions mula sa  netizens at mga celebrities.

Lahat ay ginagawa ni Julia para sa promo ng Block Z, upcoming zombie film jung saan kasama niya ang dating ka-loveteam atex-boyfriend na si  Joshua Garcia.

Laging may post si Julia para sa kanyang  Instagram followers.

Sa post niyang photo niya naka two-piece yellow swimsuit dinugtungan niya ito ng maraming sun emojis at ang caption ay “days.”

Sina Sarah Lahbati, Jinkee Pacquiao, at ang  sister Dani Barretto ay iilan sa celebrities na nag-like sa   photo niya.

Ito ang mga comment ng netizens sa photo niya:

“You look stunning Juju, love you!”

“Sana all ganyan ang likod haha”

“Wish ko full body shot”

“Kita yung reflection ng kumuha ng pic.”

Umaasa si Julia na mabaligtad ang hate ng netizens at moviegoers pati na televiewers sa kanya.

Hopia siyang ang Block Z ay kumite para mabigyan siya ng kasunod na projects ng Kapamilya Network at pati na ang ibang online arm at sa iba pang platform.

Kung magiging flopsina ng taon ito, mahihirapang maka-take off muli ang career niya.

Ang hate ng netizens at fans ay nang inakusahan siyang cause ng “ghosting” na ginawa ni Gerald Anderson sa ex-dyowa nitong si Bea Alonzo.

Sana umobra ang traits ng mga Pinoy fans, ang madaling makalimot at maka-move on.

Read More

KINAKALAWANG KUWENTO; TUMATATAK ANG VILLAINESS AIKO

oleaKinakalawang na ang istorya ng Kadenang Ginto, na noong Oktubre 2018 pa nag-umpisa. Na-stretch nang na-stretch ang mga ganap nito sa tagal. Lumaylay na. Naka-kaumay.

Andaming reklamo ang nabasa ko sa socmed. At na-reflect iyon sa ratings. Kinakabog na ito ng kasabay na Prima Donnas, sa NUTAM/AGB Nielsen man o sa Kantar Media.

Aba! Lucky charm ng Prima Donnas si Aiko Melendez, ha?! Tumatatak ang pagkokontrabida ni Aiko, at humahatak ng televiewers.

Kaya dapat tapusin na ang Kadenang Ginto bago tuluyan itong sumadsad, ‘no?!

oOo

JENINE KNOWS BEST FOR JANELLA

Jenine-Janella Salvador-2Masalimuot ang samahan ng mag-inang Jenine at Janella Salvador, lalo pa’t nakipag-ayos na si Janella sa ama nitong si Juan Miguel Salvador.

Huwag nating basta-basta husgahan si Jenine. Huwag siyang i-provoke. Maraming isinakripisyo si Je-nine para kay Janella, at naniniwala akong totoo para sa kanila ang kasabihang, “Mother knows best.”

May mga bagay, usapin o pangyayari na nananahimik, at makabubuting huwag nang ungkatin at ha-lukayin.

 oOo

Kalahopk sa 40th Fantasporto-Porto International Film Fest…

ANG GALING-GALING NI SNOOKY BILANG INA NI PANCHO

SNOOKY-3Oh, yes, Tito KC! Kalahok ang pelikulang In the Name of the Mother sa 40th Fan-tasporto-Porto Inter-national Film Festival (Pebrero 25-Marso   sa Portugal.

Lalaban ito sa Director’s Week section, maging sa Orient Express section.

Idinirek ito ni Joel Lamangan, mula sa panulat ni Eric Ramos. Ang galing-galing dito ni Snooky bilang ina nina Pancho Magno, Rita Daniella at Miggs Cuaderno.

Kasama rin sa cast ng family drama na ito sina Gardo Versosa, Empress Shuck, Alan Paule, Vince Rillon, Jennifer Sevilla, Soliman Cruz, Mico Aytona at Diana Zubiri. Prinodyus ito ng Heaven’s Best Entertain-ment.

Naku! Isali rin sana ito sa 1st Metro Manila Summer Film Festival. Iyon na, Dennis Evangelista!

oOo

PRE-NUP PHOTO NINA JOYCE AT JUANCHO

JOYCE-JUANCHO-2Buwis-buhay ang isang pre-nup photo nina Joyce Pring at Juancho Trivino na kin-unan sa Siargao, huh?!

Umakyat ang magsing-irog sa nakatabinging puno ng niyog at doon nag-pose. Any moment ay ma-huhulog sila sa Maasin River.

Ano ang ibig nilang ipahiwatig?! Alat man o tamis, hahamakin ng kanilang pag-ibig?!

Best wishes sa Juanchoyce! (PROOOF /Jerry Olea)

Read More

ANY PARENT WILL BE PROUD OF KRISTINA CASSANDRA AS A DAUGHTER

KC CONCEPCION-3

lolitMalaking issue ang  Sharon Cuneta at daughter KC Concepcion.

Dapat talaga iyong issue sa mag-ina, sila lang dalawa ang mag-ayos, mag-usap, hindi kailangan ang outside force o comment.

Si KC ay masasabi mong lumaki ng mahusay, nakatapos ng pag-aaral at kahit sa gitna ng intriga ng showbiz, nakita mong lumaki na isang mabuti at mabait na dalaga.

Maayos ang buhay niya, alam niya ang gusto niyang path na tatahakin. Any parent will be proud to have KC as a daughter. Iyong ginawa niya on her own na mapalapit kay Gabby that time, isang matured step ng isang tao na malawak ang pananaw sa buhay. For a daughter na product of a broken home, nagpakita ng tibay si KC as a lady. Hoping the issues between KC and Sharon ay maayos, at huwag nang lalo pang lumaki.

NADINE GOING THRU A ROUGH TIME THIS ROUGH TIME WILL PASS  FOR NADINE LUSTRE; SHE’LL COME OUT STRONGER

Usually,  itong buhay natin, maraming crossroad ang dinadaanan na kung minsan iyon daan medyo bakubako at hindi maayos. Pero iyong toughness mo, iyon character mo, doon mo mati-test. Marami na rin dinaanan rough road si Nadine, she came out of it na hindi naman tinalo ng issues, in fact, iyon pa nga ang naglagay sa kanya sa ibang status, iyon out of the box na artista na puwedeng gawin gusto niyang gawin. Nagsi-sexy pictorial siya, nabalita na nagli live in, very daring ang character sa mga ginagawa niyang movie. In the sense,  hindi iyong sweetie type na pang youngstar, pero bongga pa rin siya. This too shall pass for Nadine Lustre. And she will come out stronger. (ANG KULIT NI LOLIT)

Read More