BATANGAS NIYANIG NG 37 LINDOL, BIYAHE NG BUS KANSELADO

NASA 37 sunud-sunod na lindol ang naranasan ng mga Batangueno sa buong magdamag kaugnay ng pagsabog ng Taal volcano. Ayon sa Phivolcs, tectonic origin ang mga lindol na wala namang gaanong magiging epekto sa mga gusali at mga kongkretong bahay. Gayunman, pinag-iingat pa rin ang lahat sakaling muling lumindol. Aabot naman sa 35,000 pamilya o higit pa ang pamilyang inilikas sa iba’t ibang lugar upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Karamihan umano sa mga inilikas ay hindi makapaniwala dahil nanonood pa sila rito nang sumabog ang bulkan. Ayon pa sa kanila,…

Read More

ANDRAY BLATCHE: MAY MISYON PA SA PILIPINAS

Andray Blatche-2

NATAPOS man ang Gilas Pilipinas stint niya, patuloy pa ring maglalaro para sa bansa si naturalized Filipino Andray Blatche, sa pagkakataong ito ay para naman sa Mighty Sports. Naniniwala si Mighty Sports owner Alex Wongchuking at coach Charles Tiu na malaki ang maitutulong ni Blatche para makuha ng team ang titulo sa Dubai International Basketball Tournament. Ngunit amindo rin sila na kailangang magbawas ng timbang ni Blatche bago umalis ang koponan papuntang Dubai sa Enero 21. “We know how good a player he is, but he needs to be in…

Read More

SUNDALO BAWAL NANG GAWING ESCORT

SUNDALO-8

UPANG hindi na magamit bilang private armies o sekyu ng mga politiko at iba pang personalidad ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines ay hindi na sila papayagan na maging security escort o bodyguards ng government at civilian officials. Ito ang layunin ng inilabas na panibagong guidelines ng Department of National Defense (DND). Base sa inisyung pahayag ni Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong, sa bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Executive Order 98 (EO 98) Series of 2019 ni Pang. Rodrigo Duterte,  hindi na papayagan ang mga…

Read More

DEPLOYMENT BAN SA KUWAIT ITINUTULAK NI BELLO NA MAGING PERMANENTE

bello12

ITINUTULAK ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magpatupad ang pamahalaan ng permanenteng deployment ban sa mga Filipino migrant worker sa Kuwait kasunod ng pamemeke umano ng mga otoridad doon sa autopsy report sa pagpatay ng Kuwaiti employer sa isang Pinay noong isang buwan. Sinabi ni Bello na duda siya sa kredibilidad ng Kuwaiti forensic doctors nang magpadala ng “two-sentence report” sa autopsy sa pagkamatay ni Jeanelyn Villavende dahil umano sa “physical injuries.” “I wrote to NBI (National Bureau of Investigation) to conduct our own autopsy, and I found…

Read More

LADY CHIEFS, BLAZERS GUSTONG DUMALAWA

NCAA-4

SA ikalawang araw ng aksyon ngayon ng NCAA Season 95 women’s volleyball tournament, sasagupain ng defending three-time champion Arellano University ang Emilio Aguinaldo College, habang maghaharap ang College of Saint Benilde at Mapua sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Ang Lady Chiefs at Lady Blazers ay kapwa nagtala ng magkahiwalay na panalo sa opening day noong Biyernes. Sinimulan ng Arellano ang four-peat bid nito sa pamamagitan ng 27-25, 25-20, 25-20 victory laban sa Lyceum of the Philippines University, samantalang ang St. Benilde ay nagtala ng 25-17, 14-25,…

Read More

SERBISYO, KALAKALAN  MAS PAGAGANDAHIN

BOC Port of Cebu

Stakeholders binigyang importansiya ng BOC Port of Cebu (Ni BOY ANACTA) Bilang bahagi nang pagpapaganda at pagsasaayos  ng kalakalan sa Bureau of Customs -Port of Cebu, nagkaroon ng pag uusap sina Acting District Collector Charlito Martin R. Mendoza  at  major port stakeholders nitong nakaraang Linggo. Kinausap ni Mendoza ang mga kinatawan ng Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold Processing and Refining Corporation, Chioson Development Corporation, Kepco SPC Power Corporation at Apo Cement Corporation. Kabilang din sa mga kasama sa meeting ang mga kinatawan ng Cebu Energy Development Corporation, Taiheiyo Cement…

Read More

2M OBRERO JOBLESS NGAYONG 2020

NGANGA na ngayong taong 2020 ang dalawang milyong Filipino na nagkaroon ng trabaho noong panahon ng Kapaskuhan. Ito ang nabatid kay Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson, base sa pagtatayang ginawa aniya ng Alliance of Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na kontra sa kanyang panukalang gawing 24 buwan o 2 taon ang probationary period ng mga manggagawa. “I have been pilloried, subjected to personal attacks and heavily criticized, mostly from progressive-minded labor groups because of my bill. But look, there is now this very sad reality…

Read More

PORT OF DADIANGAS NAGREPORMA, TARGET COLLECTION NADOBLE

PORT OF DADIANGAS

PANIBAGONG tagumpay na naman para sa Bureau of Customs (BOC) ang pagkakadoble halos ng target collection ng Port of Dadiangas noong  nakaraang Disyembre. Sa ulat ni Dadiangas Port Collector Elenita Abaño, mayroon silang kabuang revenue collection na P337, 522, 691 hanggang Disyembre 27, 2019. Ayon pa kay Abaño, noong 2018 ay may koleksyon na P114,566,584 ang Port of Dadiangas kung kaya ang target collection para sa 2019 sa P222,956,107 subalit nalagpasan pa ito kung kaya naitala sa 149% ang itinaas ng kanilang nakalap na buwis sa nasabing port na subport…

Read More

ADAMSON’S JOHN FIGUEROA UNA SA UAAP 82 MVP RACE

John Figueroa

SORPRESANG nangunguna si Adamson High School’s do-it-all swingman John Figueroa sa MVP race matapos ang first round ng UAAP UAAP Season 82 High School Boys’ basketball tournament. Ang 6’2” at Grade 11 na si Figueroa ay nakaipon ng 68.86 statistical points (SPs) buhat sa 12.14 points, 14.29 rebounds, 1.86 assists, 1.43 steals at 1.43 blocks kada laro. Inakay din ni Figueroa, tubong Pampanga, ang Baby Falcons sa 4-3 record, katabla ang Ateneo High School sa ikatlong pwesto. Nasa likuran niya si National University-Nazareth School big man Kevin Quiambao na may…

Read More