2020 PNG SA MAYO

ISASAGAWA ang taunang 2020 Philippine National Games (PNG) sa Mayo, limang buwan matapos ang 30th Southeast Asian Games kung saan tinanghal na overall champion ang bansa.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram, ang “national open” ay bukas sa lahat ng national sports associations (NSAs), upang mapanatiling nasa tamang kondisyon ang mga atleta.

Ang PNG, na inorganisa ng PSC, ay isang daan din upang maipakita ng mga atleta na karapat-dapat silang mapabilang sa training pool ng  pambanang koponan.

“It has been our policy that all national athletes must proved they are worthy to be in their slot in the national team,” sabi ni Kiram.

Ayon pa sa kanya, naging patakaran na ang pagdaan ng NSAs athletes sa PNG upang matiyak kung makakasama pa rin sila o hindi na sa roster ng sports associations.

Kinansel ang PNG noong nakaraang taon dahil naging abala ang PSC at NSAs sa preparasyon para sa paghohost ng bansa sa 30th SEA Games.

Ang susunod na Games ay nakatakdang ganapin sa Vietnam sa 2021, kung saan tatangkain ng Pilipinas na mapanatili ang overall title sa biennial meet.  

Ito ang dahilan kaya’t importante ang pagsasagawa ng PNG, ayon kay Kiram,  upang mabigyan ng oportunidad ang ibang mga atleta, maging ang mga hindi kasali sa training pool, na patunayan ang kanilang mga talento. “It’s an opportunity for those who want to become a part of the national pool.”

Mahigit 1,200 atleta mula sa 56 NSAs ang inaasahang lalahok sa PNG na gagawin sa unang pagkakataon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at Philsports sa Pasig.   (ANN ENCARNACION)

Read More

ISDA LALASUNIN NG SULFURIC ASHFALL

NANAWAGAN si Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat sa Batangas Provincial Goverment at sa Department of Agriculture na agad maibigay ang ilang porsiyento ng calamity funds at Quick Response Funds para sa agarang tulong sa mga magsasakang biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa ngayon, ayon kay Rep. Cabatbat, umaabot na sa 200,000 ng mga kababayan natin sa Batangas ang apektado at kailangang lumikas. Pero ilan doon ang magsasaka na iniwan hindi lang ang bahay kundi ang kabuhayan nila.

“Masaya tayo sa report ng DA na walang malaking perwisyo ang naidulot so far nung eruption ng Bulkang Taal, pero we need to be ready with contingency. Simpleng pagpalit lang ng direksyon ng hangin lalaki na ang area of damage, at makakasama na sa mga pananim at alagang hayop ng mga magsasaka. If the wind shifts towards Eastern Batangas and Quezon, kailangan nang mahanapan ng alternative source ng zakate ang mga bakahan.” ani ng mambabatas.

Nabatid na umaabot na sa halagang 75.55 milyong pisong pananim mula sa 752 ektaryang taniman ang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal base sa datos na nakalap ng Magsasaka Party-list sa tanggapan ng DA.

Ayon pa kay Rep. Cabatbat, hindi lang mga sakahan ang dapat i-monitor kundi maging ang mga livestock partikular ang pangisdaan na posibleng magkaroon ng fish kill dahil sa sulfuric ashfall na masama sa mga isda.

“We urge the government to draw an agricultural contingency plan, especially for our small farmers. The provincial government of Batangas should consider allocating a portion of calamity funds to target the farming and fisheries sector. Resources must be poured for marketable crops and fish be harvested immediately, to secure farming machinery, to consider livestock in relief operations, and to set communal areas where animals can graze on ash-free grass,” pagtatapos ni Cabatbat. CESAR BARQUILLA

Read More

SUNOG SUMIKLAB SA KAPUSO NETWORK

SUNOG

NASUNOG ang bahagi ng compound sa loob ng GMA 7 Network sa Kamuning sa lungsod ng Quezon nitong Martes.

Sa report ng Quezon City Fire Bureau, unang sumiklab ang sunog sa loob ng isang canteen sa Kapuso compound.

Alas-11:31 ng umaga nang magsimula ang apoy na agad itinaas sa unang alarma.

Ngunit agad namang itong naapula alas-11:45 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan nang pagsiklab ng apoy sa canteen.

Pinalabas ang mga empleyado ng GMA network habang inaapula ng sunog. (JG TUMBADO)

Read More

ALMAZAN PAHULAAN SA GAME 4

NA-DIAGNOSE si Meralco big man Raymond Almazan na may lateral meniscal tear sa kaliwang tuhod.

Ito ang lumabas sa isinagawang MRI sa kaniya matapos matamo ang injury anim na minuto sa unang bahagi ng Game 3 ng Governors’ Cup Finals na pinagwagian ng Barangay Ginebra, 94-82.

Sa isang rebound play ay nag-agawan at nagkabanggaan sina Almazan at  Ginebra guard LA Tenorio na ikinabagsak ng una, na tuluyang hindi na nakabalik sa laro.  

Ayon kay Meralco team manager Paolo Trillo, hindi pa nila nakakausap si Almazan, kung kaya nitong maglaro ngayong gabi (Game 4) kung saan lamang na sa serye ang Gin Kings, 2-1.

Sakaling tuluyan nang hindi makabalik sa Governor’s Cup Finals si Almazan, tiyak na mas lalong mahihirapan ang Bolts na manalo.

Bago ma-injured, naga-average ang Bolts big man ng 17.5 points, 11 rebounds, at 1.5 blocks per game.

Walang naman choice si Meralco coach Norman Black kundi ang paghandaan ang posibleng pagkawala sa line-up ni Almazan.

Noong Linggo ay matatandaang ginamit ni Black bilang kapalit ni Almazan sina Reynel Hugnatan at Bryan Faundo, na nagambag ng 10 points sa talo nila sa Ginebra.  (EBG)

Read More

JULIA AT GERALD IWAS NEGATRONS

oleaLast month pa na-pralala na Enero 2020 ipalalabas ang zombie movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na Block Z, at ang teleseryeng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson.

Of course, crucial kay Julia ang pelikulang iyan, matapos na so-so ang rating ng recent MMK episode na iyan. Kung saan man pulutin ang Block Z, may career pa rin si Joshua at mabango pa rin sa advertisers.

Chance na rin ni Gerald na patunayan ang hatak niya sa advertisers at televiewers ang showing ng kanyang teleserye.

Kaya expectorant tayo na gagawin nina Julia at Gerald ang lahat upang maipo-promote nang husto ang kani-kanyang project. Iwas sila sa negatrons. Kailangan, good vibes lamang.

At noong Sabado nga ay nag-presscon ang Block Z sa 9501 Restaurant ng ELJCC Bldg., ABS-CBN Cmpd., Quezon City. Monday night naman itinakda ang red carpet screening ng A Soldier’s Heart sa Gateway Mall, QC.

Pero ngitngit ng langit! Hagupit ng kalikasan! Noong Sunday, nag-alburuto ang bulkang Taal sa Batangas!

Na-upstage ang promo ng BlockZ! Na-postpone ang pa-red carpet ng A Soldier’s Heart!

Force majeure?!

COCO PAPALITAN NA NG KATHNIEL?

Nagsimula nang magpakilig ang LizQuen sa teleseryeng Make It With You last Monday, bilang kapalit ng fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos.

Sa pagtatapos ng The Killer Bride nina Maja Salvador, Janella Salvador at Joshua Garcia, naka-line up na ang A Soldier’s Heart.

Sa Pebrero naman nakatakda ang Love Thy Woman nina Kim Chiu, Xian Lim at Yam Concepcion (pumalit kay Erich Gonzales). Nasa cast din nito sina Christopher de Leon at Ruffa Gutierrez.

Ang apat pang bagong Kapamilya teleserye ay Tanging Mahal nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magsu-shoot sa Mexico, Kahit Minsan Lang ni Bea Alonzo with Richard Gutierrez and Rafael Rossel, Heart to Heart nina Maymay Entrata at Edward Barbers, at Ligaya ni Ivana Alawi.

Wow! Magsasabog na ng kaseksihan si Ivana! 

Pero teka! Tatapusin na ba ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin? Ito ba ang papalitan ng KathNiel teleserye?

At ano na ang update sa teleserye dapat ni James Reid with Nancy ng Momoland? Priority ba ni James ang mag-vacay with Nadine Lustre at mga katropa nila?

LABING-ISA ANG NOMINASYON NG JOKER SA OSCARS

Frontrunner ang Joker sa 92nd Oscars (Academy Awards) na gaganapin sa Pebrero.

Ito ang may pinakamaraming nominasyon… labing-isa (11), kabilang ang best picture at best actor (Joaquin Phoenix).

Tigsasampu ng nominasyon ang 1917, The Irishman at Once Upon A Time in Hollywood, na best picture nominees din.

Tig-aanim ng nominasyon ang Parasite (South Korean film, na llamado sa kategoryang best international feature), Little Women, Marriage Story, at Jojo Rabbit — kabilang ang best picture.

Ang ikasiyam na best picture nominee ay Ford v Ferrari, na apat ang nominasyon.

Lalaki lahat ang nominadong best director. Inisnab si Greta Gerwig na nagdirek ng Little Women.

Sa unang pagkakataon ay nominado sa Oscars si Scarlett Johansson, at dalawang kategorya siya palaban — best actress para sa Marriage Story, at best supporting actress para sa Jojo Rabbit.

Kapwa nominado ang dalawang bida ng The Two Popes — sina Jonathan Pryce for best actor, at Anthony Hopkins for best supporting actor.

Nominado ring best supporting actor si Brad Pitt para sa Once Upon A Time In Hollywood.

Ligwak ang Frozen II sa kategoryang best animated feature film, kung saan matunog ang Toy Story 4.

Wala na namang host sa Oscars ceremony this year! (PROOF/Jerry Olea)

Read More

MYRTLE ENDORSER NG BAGONG PRODUCT

lolitMeron na palang perfume na ini-endorse si Myrtle Sarrosa. Kaya tuwang-tuwa si Rose dahil mahal na mahal niya si Myrtle na alaga nila Aileen Go ng MegaSoft at Budingding na lola ni Sandara Park. Mabait na bata at nakatapos pa ng pag-aaral kahit busy sa showbiz, bagay daw sa personality niya ang Nouve Eau de Toilette perfume/cologne na bago niyang endorsement. Myrtle Sarrosa is a good model dahil nagawa niya pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Kaya una si Rose sa natuwa nang kuning endorser ng bagong product si Myrtle. Go bili na tayo ng Nouve Eau de Toilette.

HAPPY BIRTHDAY KA TUNYING

Biniro ko si Ka Tunying . Birthday pala niya sa January 16, sabi ko bongga siya pumutok ang bulkan para batiin siya ng Happy Birthday. Isa kasi sa pinakamabait na broadcaster si Ka Tunying at ang top din sa PR ng asawa niya si Roselle. Kaya naman hindi kataka-taka na maging matagumpay ang Ka Tunying Coffeeshop and restaurant na katulong nila sa pagpapatakbo ang kapatid ni Ka Tunying na si Haydee. Talagang kahit saan ka magpunta ang dami nang kumakain sa talaga naman authentic filipino home cooked food at mga tinapay na ang sasarap kaya pati mga balikbayan panay ang bili. Happy Birthday Ka Tunying Taberna, love ka namin kasi di ka nagbabago.

Read More

POPS: ‘I WANTED THE BOYS TO GET ALONG TOGETHER!’

Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Pops Fernandez at Martin Nievera. Nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki ang dating mag-asawa, sina Robin at Ram. Labingdalawang taong gulang na rin ngayon ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda na si Santino.

Ayon kay Pops ay nahirapan siyang tanggapin noon ang kalagayan nila ni Martin kaya umabot nang matagal na panahon bago nanumbalik ang pagiging magkaibigan ng dalawa. “Siyempre it took a long time. I don’t think I’m gonna be a normal human being if gano’n kadali. Time heals all wounds. For me kasi I’m okay, I’m doing quite well. I’m blessed with my two boys. Parang nawala na talaga ‘yung galit ko. Another factor is when I saw Santino, he’s such a sweet kid. It broke my heart and then I think it totally changed ‘yung pananaw ko talaga. So I said, everything has to be okay. And it is,” pagdedetalye ni Pops.

Kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon ang Concert Queen at dalawang anak na makasama sina Martin, Katrina at Santino upang ipagdiwang ang Kapaskuhan. “I’m happy to say that for the very first time, our Christmas, not quite normal yet, but somehow we made it normal, we made it work. I wanted the boys to get along together. And I think we had a great time,” pagbabahagi ni Pops.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Martin sa dating asawa dahil sa buong-puso nitong pagtanggap kina Katrina at Santino.  “It’s the whole modern family concept, it was magic. It was Christmas, that’s what Christmas is all about, miracles and magic. And of course all the credit goes to Pops because if she doesn’t allow it, it’s a whole different ball game,” makahulugang pahayag ni Martin.

Pinuri rin ng Concert King si Pops dahil maayos ang naging pagpapalaki nito sa kanilang dalawang anak mula noong magkahiwalay sila. “Credits to Pops, you never spoke badly of me, ‘Your father is a jerk,’ ‘All men are alike,’ you never put me in those words. I know you didn’t because I can see it in my children. They never lost respect of me,” pagtatapos ni Martin.

Muling magkakasama sina Pops at Martin sa ‘Two-gether Again’ concert na gaganapin sa February 14, 15, 17 hanggang 21 sa Solaire Theater.

With reports from J.C.C.

 

Read More

‘WORST CASE SCENARIO’ SA BULKANG TAAL PINAGHAHANDAAN NG NDRRMC

BULKANG TAAL

ISANG ga-higanteng “volcanic tsunami” ang labis na pinangangambahang maganap sakaling umabot na sa alert level 5 ang status ng pag-aalburoto ng bulkang Taal sa Batangas.

Ito ang ibinabala ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa nakikitang mga indikasyon sa nabanggit na bulkan.

“Yung volcanic tsunami po, pwede po natin i-expect sa panahon na mag-intesify pa po lalo ‘yung pinapakita ng Taal ngayon sa alert level 5,” pahayag ni Phivolcs Supervising Science Research Specialist Winchelle Sevilla makaraan ang emergency meeting ng Taal Volcano inter-agency coordination sa Tagaytay.

Sa huling ulat kahapon ay nananatiling nasa Alert level 4 ang bulkang Taal, ibig sabihin ay posibleng sumabog pa ito ng mas matindi at mapanganib sa susunod na mga oras o araw.

Inirekomenda na ni Sevilla ang total evacuation sa mga residente na naninirahan sa tabi ng baybaying-lawa sa paligid ng Taal.

Ang “volcanic tsunami” ay nangyayari kapag ang “caldera” o crater nito sa ilalim ng lawa ay ma-displaced dahil sa biglaang pagtaas ng lebel ng magma na inilalabas ng bulkan.

Samantala, patuloy na lumolobo ang bilang ng mga residenteng inililikas mula sa mga bayan sa paligid ng Taal Lake.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw ng Lunes ay naglabas ng lava fountains ang bulkang Taal kasabay ng tone-toneladang abo na kumalat sa mga kalapit na lalawigan kasama ang Metro Manila na posibleng sundan ng “ex-plosive eruption,” ayon sa Phivolcs.

“Napakabilis ng pagbabago ng kanyang kondisyon,” pahayag ni Phivolcs Director Renato Solidum kaya itinaas sa Alert Level 4 ang sitwasyon.

Ayon naman kay Philippine Army 2nd Infantry Division commander at acting Southern Luzon Command chief Maj Gen Arnulfo Marcelo Burgos, umaabot na sa 24,000 residente ang kanilang nailakas sa may 73  evacuation centers sa 24 siyudad at munisipalidad sa buong Batangas at kalapit na bayan ng Laguna.

Umaabot sa 36 military vehicles at 456 na sundalo ang itinalaga ng Philippine Army sa massive evacuation na ginagawa simula pa nitong Linggo.

Ayon kay Mgen Burgos, patuloy itong lolobo habang tumataas ang antas ng alerto at babala ng Phivolcs.

Sa report na ibinahagi ni Solidum sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang ng pagbuga ng lava sa crater ng bulkan nitong Lunes ay manipestasyon ng pag-akayat ng namumuong magma na siyang inaantabayanan ng nasabing ahensya.

Ayon din kay Sec. of National Defense Delfin Lorenzana, pinaghahandaan nila ang worst case scenario tulad ng nangyari sa Pinatubo eruption. (JG TUMBADO, JESSE KABEL)

Read More

PINAS ‘LULUSUBIN’ NG CHINESE FISHERMEN

CHINESE FISHERMEN

PINANGANGAMBAHAN na lalo pang dadami ang mga mangingisdang Chinese sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea matapos silang mapalayas sa kanilang fishing ground sa Vietnam at Indonesia.

Ayon kina dating Anakpawis party-list Reps, Ariel Casilao at Fernando Hicap, walang ibang pupuntahan ang mga dayuhang mangingisdang ito kundi sa WPS kaya lalo silang kinakabahan na mabilis mauubos ang isda sa ating territorial water.

Sinabi ni Casilao na nagkakaisa na ang Vietnam, Indonesia at Malaysia laban sa Chinese fishermen na ilegal na nangingisda sa kanilang territorial water habang ang Pilipinas ay patuloy ang pananahimik.

Sa katunayan, nagpadala si Indonesian President Joko Widodo ng fighter jet at barkong pandigma sa Natuna Island na bahagi ng kanilang territorial water kaya napilitan ang mga Chinese national na ilegal na nangingisda na lisanin ang lugar.

Wala umanong ibang pupuntahan ang mga naitaboy ng Indonesia, Malaysia at Vietnam na Chinese fishermen kundi sa WPS.

Gayunman, dismayado si Casilao dahil hindi kumikibo ang Malacañang at hindi nag-uutos na protektahan ang ating teritoryo laban sa mga dayuhang mangingisda na nang-aagaw ng kabuhayan ng mga Filipino.

Sinabi naman ni Hicap na nakararating na ang mga Tsino sa municipal water sa Palawan gayung ipinagbawal ng gobyerno ang mga lokal na mangingisda sa mga ganitong lugar.

Pinatutunayan umano ng maraming mangingisda sa Palawan na malalaking fishing vessels ng China ang nangingisda sa kanilang municipal water. BERNARD TAGUINOD

Read More