STACAA MEET SA BATANGAS, ILILIPAT

STCAA

MABABALAM ang Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association (STACAA) 2020 na lalarga sana sa Batangas sa Pebrero.

Ito ay bunsod na rin ng pagsabog ng bulkang Taal.

Nagpadala na ng liham ang lokal na pamahalaan ng Batangas sa regional committee ng STACAA  na nagpapaabot ng kawalan ng kakayanan ng lalawigan na i-host ang taunang komeptisyon.

Ito ay upang mas mabigyan ng priyoridad ang mga  pangangailangan ng mga residente ng Batangas na nabiktima sa pagsabog ng Taal.

Nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang maraming siyudad sa probinsiya dahil sa patuloy na alert 4 na nakataas sa palibot ng bulkan.

Sa pinakahuling tala ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umaabot na sa 30,763 pamilya o katumbas ng 137,014 indibidwal ang naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Ang STACAA ay isinasagawa sa limang lalawigan ng CALABARZON kada taon at lalarga sana sa Batangas City sa Pebrero 2 hanggang 12, 2020.

Ngunit ang pangunahing venue sana na Batangas Sports Complex ay pansamantalang kinakanlungan ng mga evacuees mula sa iba’t ibang bayan malapit sa Taal.

Pinag-uusapan pa ng STACAA comittee kung saang lalawigan ililipat ang palaro, maging kung kailan ito gaganapin.   (Nilou Del Carmen)    

Read More

LET’S HAVE NEW IDOLS: JAVI AND ROQUE

lolitMakikita mo ang  excitement sa mga mata ni Cong. Albee Benitez ‘ pag pinag-uusapan si Javi Benitez. Talagang proud siya na nakatapos ng college si Javi, saka nito inisip pasukin ang acting at nag-promise na ‘pag hindi na siya masyado interesado, back to corporate world uli siya. Iyon ang maganda sa kanila ni Gino Roque, ang dali nilang makakita ng world beyond showbiz, meron silang fallback. Parehong tapos ng college, maganda ang business ng mga magulang pero dahil na curious siguro sa mundo ng cinema, na divert ang attention. Javi and Gino merong factor of confidence, so may iba silang aura sa mga newcomer. Well, let’s have new idols, college graduate and future tycoons, Javi Benitez and Gino Roque.

MARAMING HASSLE SA HK SOJOURN NAMIN

Naku, talaga promise ko sa next trip isasama ko ang best buddy kong si Salve. Lahat ng kapalpakan, nangyari sa trip namin sa Hongkong. First, overnight lang pala si Ricky, second nag-change flight si Tessa dahil may activity anak, tapos delayed flight namin ng 2 1/2 hours at heto na, pagdating ng HK kailangan dalhin  sa infirmary si Dina dahil may lagnat. O di bah, dami palpak! Kaloka at ang lamig sa HK pero may rally pa rin sa Central ng Sunday. Bongga talaga, sa airport pa lang na miss na ko na si Salve dahil ikaw lagi fill up ng mga dapat sulatin. Sabi ko nga, ikaw na ang dapat maging travel buddy ko dahil maasikaso ka tulad ni Gorgy. Kalokah talaga, at dahil si Eric Quizon ang nagtuturo ng resto na masarap ang  pagkain kay PatP next time kay Eric ko na siya pasamahin hah hah. (ANG KULIT NI LOLIT)

Read More

BIGATIN ANG GUESTS SA VALENTINE CONCERT NINA JENNYLYN AT DENNIS

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Tuluy-tuloy ang taping ni Jennylyn Mercado sa Descendants of the Sun pero nasisingit niya ngayon ang rehearsals sa Valentine concert

nila ni Dennis Trillo na Co-Love na gaganapin sa New Frontier Theater sa February 15.

          Talagang kinarir daw nila ang repertoire na pinag-isipan ng buong team nila, ang magdidirek na si John Pratts at ang musical director nila ang Third Avenue.

          “Kinakabahan kami kasi first time magsu-show together tapos yung mga songs medyo dibdiban, kaya ayun, medyo puspusan ang paghahanda namin ni Dennis.

          “Halos lahat ng kanta, talagang pinag-isipan namin nang mabuti.

          “Meron pa kaming pa-orchestra para sweet di ba.

          “Ang bawat kanta, may koneksyon sa amin, at makaka-relate din ang ibang tao,” excited na pahayag ni Jennylyn nang nakatsikahan namin sa pictorial ng Descendants of the Sun.

          Bukod sa mga kinarir na special numbers, matindi rin ang mga guests  nila na ilan sa kanila ay sina Alden Richards, Alex Gonzaga, Juan Karlo and the band, Janno Gibbs, Nyoy Bolante, Jerald Napoles, Kim Molina at marami pa.

WEDDING OF THE YEAR: SARAH-MATTEO OR RICHARD-SARAH OR ANGEL-NEIL?

SARAH-MATTEO-2SEE: Wala pa munang ina-announce ang mga showbiz couple na nakatakdang ikasal.

          Pero ang narinig naming usap-usapan, pagkatapos daw ng Unified concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, lilipad na raw ang huli patungong Italy para paghandaan na ang kasal nila ni Matteo Guidicelli.

          Wala pa naman silang inilabas na date, pero ang narinig lang namin, March 14 na raw ang schedule.

          Sa March 14 din ang schedule ng kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na gaganapin dito sa Pilipinas.

          Dito rin daw sa Pilipinas ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce, pero wala pa kaming nakuhang date.

ANAK NINA LT AT DABOY, MAGSO-SOLO NA

Renz FernandezSWAK: Excited ang anak nina Lorna Tolentino at ng nasirang si Rudy Fernandez na si Renz Fernandez, dahil magsu-solo na raw siya ngayon.

          Natuloy na rin pala ang ginawa nilang pagbukod-bukod ng bahay pero magkakatabi lang sila ng kuya niyang si Ralph at ang Mama Lorna nila.

          Gigibain na raw ang bahay nila sa White Plains at papatayuan na nila ng tatlong bahay para magkanya-kanya na sila ng bahay.

          “Magsu-solo na ako. Ako na magluluto ng pagkain ko, ako na maglilinis ng bahay.

“Wala akong kasama, may driver lang,” pakli ni Renz sa pictorial ng Descendants of the Sun na kung saan isang doktor ang role niya kasama ang grupo nina Jennylyn.

TInanong namin si Renz kung siya lang mag-isa, wala ba siyang balak na kumuha ng makakasama niya sa bahay?

“Baka meron na sini-secret ko lang.

“Basta magtanung-tanong na lang kayo diyan,” napapangiti niyang pakli sa amin.

SI SEXY NADINE AT WALEY JAMES

Nadine Lustre-4SEE: Pasabog ang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account na nagpakita ng kaseksihan nito.

          Ang daming nag-react at inggit na inggit sa ganda ng katawan, pero isa ako sa iilang hindi gaanong na-impress.

          Ang sexy nga ng katawan niya, pero parang ang cheap ng dating.

          Kung ano naman ang sexy ni Nadine sa ipinu-post niya, siya namang waley na waley ang nakikita sa mga ipinu-post ni James Reid sa kanyang IG account.

          Ang sloppy ng ayos, at hindi siya mukhang artista sa kuha niyang iyun.

          Pero ang latest na nasagap namin, tuloy pa rin daw ang teleserye na gagawin ni James sa ABS-CBN 2 kasama si Nancy ng Momoland.

          Totoo kaya ang usap-usapang hindi raw type ni Nadine ang tambalang iyun at isa raw sa pinag-aawayan nilang dalawa?

Read More

SPOTIFY PRINCE GABRIEL WINNING AGAIN WITH ‘MIRA’

Ang anak ng bagong hirang na national chess champ ng Pinas na si Rogelio Barcenilla sa Chess Olympian din na si Lilibeth Lee Barcenilla  ay winning again sa kanyang bagong release na Mira sa  Spotify.

Binansagan na Spotify streaming Prince ang  Filipino-American Gabriel Barcenilla  nang sumobra sa  million ang mark sa streaming ng kanyang  kantang ‘Timeless’ at binigyan pa siya ng award na Best New Male Artists sa USA Mixed Tapes Music Awards na mas sikat sa Arizona, USA na AZMT Music Awards.

Busy naman ngayon si Gabriel sa paggawa ng music video ng ‘Mira.’

“Someday, I want to be famous as a signed artist of an international label/music company. And at the same time, as a familiar face to households around the world, and as a TV commercial model,” sabi  ni Gabriel, sa aming huling conversation.

Naghihintay lang nga ang dalaweang recording company at talent management kay Gabriel, sakaling mag-decide siya to pursue his local recording career. Buong pamilya ni Gabriel ay nasa Arizona, USA naka-base ngayon.(KC GUERRERO)

Read More

TRIVIA: STARS OF 65 LAUNCH NA-POSTPONE

ronnieBibihirang mangyari na nagkakaroon ng katuparan ang isang childhood dream once the dreamer reaches the age of maturity.

Alam n’yo ba na noong bata pa siya’y pangarap ng dating showbiz TV host na si Butch Francisco na maging isang volcanologist?

Strangely, may kung anong fascination siya sa pag-aaral ng isa sa mga deadliest forces of nature. Ikina-shock nga ni Martin Nievera ang rebelasyong ito ni Butch when he guested on Martin After Dark noong late 80s.

Magpapasintabi muna kami sa mga masugid na mambabasa ng Saksi. Ang paksang ito tungkol sa mga bulkan is not intended to poke fun lalo na sa sinapit ng ating mga kababayan dulot ng Taal eruption nitong January 12.

Kumbaga, tiny bits of trivia lang ang ilalahad namin as a way somehow to keep our minds off the calamity that ravaged the southern part of Luzon, with a showbiz flavor.

Sa mga isinilang noong dekada sisenta, tiyak na pamilyar ang tinaguriang Stars of ’65. Sila ang ilang bituin sa bakuran ng Sampaguita Pictures na sabay-sabay sanang ilulunsad ng taong ‘yon.

Kabilang dito ang aktibo pa ring si Gina Pareno, among others.

October 1965 was the supposed grand launch. Kaso, pumutok ang Bulkang Taal noong September, 15 days before the said showbiz event. 

Ang ending: the following year na ito ginanap billed as An Evening to Remember.

KATHNIEL NANATILING KAPAMILYA                                                                     

kathniel12Mananatiling Kapamilya ang reel at real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla after they inked a three-year contract nitong January 15.

Ito’y matapos ng more than a year ng pagkakaroon ng kanya-kanyang projects (Hello Love Goodbye in the case of Kathryn opposite a different leading man).

Ibinahagi ng phenomenal box office couple ang kanilang sentimyento ukol sa kung anong dapat abangan ng kanilang mga fans now that they’re back together via Tanging Mahal.

“Makakaasa sila ng bago, siyempre, ang tagal din naming hinihintay na mangyari ito ulit. Tingin ko, excited ang mga fans na makita ulit kaming magkasama dahil kami rin personally, excited na kaming magtrabaho ulit nang magkasama,” ani Daniel.

WHETHER THE WEATHER IS FINE

Apart from this, nabanggit din ni Daniel ang kanyang excitement sa kaniyang pelikulang pinamagatang Whether the Weather is Fine kasama ang ABS-CBN executive at beteranang aktres na si Charo Santos-Concio.

“Sana, abangan nating lahat ‘yung pelikulang ginagawa namin kasi para sa akin bago ito at kakaiba.”

As for Kathryn, she can’t be any happier with the support na nakukuha niya mula sa kaniyang YouTube channel, ang Everyday Kath. Sa loob lamang ng dalawang linggo matapos mailabas ang kanyang unang vlog, umabot na sa halos isang milyon ang kanyang subscribers.

Dapat ding abangan ng mga KathNiel fans ang balik-tambalan nila on the big screen this year.

“Siyempre sobrang saya at sobrang nagpapasalamat kami na ang tiwala ng ABS-CBN sa amin ay nandiyan pa rin. Sobrang excited kami sa mga paparating pa sa amin ni Kathryn,” sey ni Daniel.

Read More

MCCOY: ‘MAY NABILI NA AKONG BUILDING!’

Mahigit walong taon nang aktibo sa show business si McCoy de Leon kaya naman mayroon nang ilang mga naipundar. Bukod sa sasakyan ay nakabili na rin ang aktor ng ilang pag-aari na pwedeng paupahan balang araw. “May nabili na akong building sa likod ng bahay namin. ‘Yung isa namang property na na-acquire ko din ulit sa Tondo ay isang bahay na balang araw gagawin ko ring building. ‘Yung nabili naming bagong bahay siya na luma and sabi ko, ‘Mommy, gawin natin ‘yang building.’ ‘Yung una kasi, building na talaga ‘yon, 5-storey. So sana makaipon ulit,” nakangiting pahayag ni McCoy.

 Maituturing ng aktor na isa na siyang ganap na negosyante dahil bukod sa isa niyang kainan sa may University of Sto. Tomas ay nais pa niya itong madagdagan ngayong taon. “May plano na ako this year na sana antabayanan nila. Ngayon meron akong lugawan sa UST pero I want more pa eh. Gusto ko pang i-explore,” dagdag niya.

May lahing Chinese si McCoy kaya naman posibleng doon daw nanggaling ang hilig niya sa pagnenegosyo. “About sa investment ng property natutunan ko ‘yon sa nanay ko. Kasi may pagka-Chinese kami, may ¼ akong Chinese blood. Tapos meron akong kamag-anak na Tito namin sa mismong Tondo at building ‘yung in-invest nila. Sabi ko, ‘Mommy what if kung tayo din?’ Kasi do’n na ako lumaki sa Tondo, gusto kong do’n na rin mabuhay. Pero siyempre ‘yung iba, gusto nilang tumira sa ibang bansa, sa malayo. Sabi ko, ‘Mahalin na nating itong Tondo para dito na lang tayo,” paliwanag ng aktor.

 With report from J.C.C.

Read More

ANTAS NG TUBIG SA MGA DAM BUMABA

angatdam12

NABAWASAN pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa pahayag ng PAGASA Hydrology Division, bumaba sa 203.97 metro ang antas ng tubig sa nasabing dam na kanilang naitala pasado alas-6:00 ng umaga nitong Sabado.

Mas mababa umano ito kumpara sa 204.03 metro noong araw ng Biyernes.

Bukod dito, nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Tanging nadagdagan ang tubig sa Binga Dam.

Nananatili naman sa 101.10 metro ang antas ng tubig sa Ipo Dam.

Paliwanag pa ng PAGASA, kung hindi magkakaroon ng pag-uulan sa susunod na mga araw sa mga apektadong dam ay posible pa umanong mabawasan pa ang mga tubig doon. (JG TUMBADO)

Read More

 ‘TALA PARA SA TAAL’ DANCE IDINAOS SA LUNETA

Taal Volcano eruption

PAWANG mga nakasuot ng kulay rosas ang mahigit  600 indibidwal na nakilahok sa idinaos na charity dance para makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng Taal Volcano eruption sa Luneta Park sa Ermita, Manila kahapon ng hapon.

Ang  “Tala Para sa Taal” ay inorganisa ng fans group ng singer-actress Sarah Geronimo na pinangunahan ni Barrie Juanico.

Layunin nila na makalikom ng pondo mula sa tig-P100  registration fee para maibigay sa mga apektadong mamamayan ng Taal at mga kalapit lugar nito. Ipapadaan sa Philippine National Red Cross ang pagtu-turn-over ng kinita.

Nagsimula ang pagtitipon sa Burnham Green, Rizal Park, sa harapan ng Quirino Grandstand, sa Luneta bandang ala-1 nang simulant ng mga kalahok ang kanilang page-ensayo para sa sabayang pagsasayaw ng viral dance craze na ‘Tala’ na pinasikat ni Sarah G. (Rene Crisostomo)

Read More

MALONZO, TOP PICK NG AMA

Jamie Malonzo

BUKAS (Lunes) magaganap ang inaabangang 2020 PBA D-League Draft sa PBA Office sa Libis.

Ang top pick ngayong taon ay si La Salle high-flyer Jamie Malonzo, na inaasahang susunggaban ng AMA Online Education.

Sa ika-apat na magkakasunod na taon ay nakuha ng AMA ang mga top draft pick ng liga.

Ang mga nakaraang top selection ng Titans ay sina Jeron Teng (2017), Owen Graham (2018) at Joshua Munzon (2019).

Sa Pebrero 13 na magsisimula ang PBA D-League Aspirants’ Cup na ngayong taon ay may 12 competing teams.

Kabilang sa 12 ang NCAA champion Letran at UAAP runner-up University of Santo Tomas. Maglalaro ang Knights bilang Wangs Basketball-Letran, habang ang Growling Tigers ay UST Builders Warehouse.

Matatandaan na diniskaril ng Letran ang “perfect year win” sana ng San Beda sa NCAA Season 95.

Muli naman nakabalik ang UST sa UAAP finals simula noong 2015. Gayunpaman, hindi sila umubra sa mas malakas na Ateneo, na nanatiling kampeon sa Season 82.

Parehong umaasa ang dalawang koponan na maipagpapatuloy sa 2020 PBA D-League ang naging tagumpay nila sa NCAA at UAAP noong nakaraang taon.

Noong nakaraang taon ay sumali na rin sa liga ang Letran at UST ngunit kapwa nabigong umabot sa Aspirants’ Cup playoffs.

Ang iba pang teams na makikipag-agawan sa Aspirants’ Cup crown ay ang kapwa bagitong EcoOil-DLSU at Mapua, at mga nagbabalik na Centro Escolar University, AMA Online Education, San Sebastian, Far Eastern University, Diliman College, Technological Institute of the Philippines, at Enderun Colleges.

Ang Marinerong Pilipino, nagtapos na bridesmaid sa Foundation Cup, ang nag-iisang club ngayong conference.  (EBG)

Read More