TEAM PH, 2019 AOY NG PSA

TEAM PH-4

TATANGGAPIN ng Team Philippines ang karangalan bilang 2019 Athlete of the Year mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA).

Sa kabila ng distraksyon at agam-agam na bumalot sa preparasyon at maging sa kampanya ng Team Philippines para sa 30th Southeast Asian Games, hindi ito inalintana ng mga atleta upang magtagumpay at muling gumuhit ng kasaysayan sa Philippine sports.

Sa paglikom ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals ng may 1,115 Philippine bets, inangkin ng Pilipinas ang overall championship ng regional biennial meet sa ikalwang pagkakataon.

Ang SMC-PSA awards rites ay gaganapin sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel at ipiprisinta ng Philippine Sports Commission (PSC), Cignal TV, at Philippine Basketball Association (PBA).

Ito rin ang ikalawang beses na ang oldest media organization ay magkakaloob ng pinakamataas na karangalan sa Team Philippines, na unang nangyari noong 2005 nang tanghalin ding overall champion ang Pilipinas sa SEA Games.

Sina Olympic silver medal winner Hidilyn Diaz at Asian Games golden girls Margielyn Didal, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go, 2018 PSA Athlete of the Year awardees, ang mga pangunahing atleta rin na kasama sa pararangalan sa Marso, kasama sina world champions Carlos Yulo at Nesthy Petecio, Tokyo Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obienna, at iba pa.

“The choice of Team Philippines as 2019 PSA Athlete of the Year has never been as unanimous. And it was felt the least the PSA can do to honor the men and women who brought singular distinction to the country during the 30th SEA Games is to give them one resounding, united vote,” pahayag ni PSA president Eriberto ‘Tito’ Talao ng Manila Bulletin.

Bukod sa Athlete of the Year, ang PSA, itinatag noong 1949 at binubuo ng mga editor at sportswriters mula sa iba’t ibang broadsheets, tabloids at sports websites ay magkakaloob din ng plake at tropeo sa President’s Award, Executive of the Year, at National Sports Association (NSA) of the Year, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football, at Coach of the Year.

Bukod sa Major Awards, mayroon ding Lifetime Achievement Award, Tony Siddayao Awards, MILO Junior Athletes Award, at citations sa mga SEA Games gold medal winners at posthumous award. (VT ROMANO)

 

Read More

SYDRICK FRANCISCO BABELA: HIRAP AT LUNGKOT KAPALIT NG PANGARAP

SYDRICK FRANCISCO BABELA

(Ni Zia A. Jingco)

HINDI lang overseas Filipino workers (OFWs) ang naho-homesick sa kanilang mga mahal sa buhay. Maging mga “campus idol” na tulad ni Sydrick Francisco Babela ng Mapua Red Robins ay aminadong sobrang nami-miss ang kanyang pamilya na nasa Roxas, Capiz.

Ang 6 foot 3 na si Sydrick ay isa sa dalawang standout players ng Saint Mary’s Academy sa Roxas City na na-scout ng Red Robins sa isang 3×3 tournament sa Capiz noong nakaraang taon. Ang isa pa ay si  Ryan James Corpuz.

Ayon kay Sydrick,  mahirap ang mawalay sa pamilya. Matindi rin umanong kalaban ang homesickness.

“Mahirap, kasi ikaw ang mag-aalaga sa sarili mo. At maho-homesick ka dahil malayo sila,” pag-amin ng binata, na aminadong may girlfriend na.

Ngunit para sa kanyang pangarap, pinaglalabanan ng 18-anyos na wingman ng NCAA juniors basketball champion Mapua Red Robins ang hirap at lungkot para matupad ang kanyang pangarap.

“Pangarap ko po kasi na makapaglaro dito (Manila).”

Kaya’t malaki umano ang pasasalamat niya kina Saint Mary’s head coach Michael Abad at Capiz-based Kabataan Basketball Clinic head Tobee Diaz de Leon na nakadiskubre at naging daan para makapasok siya sa Mapua.

Para sa Grade 11 ngayon na si Sydrick, na nasa Grade 7 na nang makahiligan ang basketball, gusto niyang madebelop pa ang upper body niya para mas lumakas pa gaya ng kanyang idol na si NBA superstar Lebron James ng Los Angeles Lakers.

“Kasi lahat ng posisyon kaya niyang laruin,” aniya patungkol kay ‘King James’.

Pero batid din niya na hindi sa basketball nagsisimula at nagtatapos ang kanyang pangarap. Kaya nangako siyang tatapusin ang kanyang pag-aaral.

“Kailangan talagang balansehin ang pag-aaral at pagiging atleta,” ayon kay Sydrick.

Katunayan, plano niyang maging flight attendant sa malapit na hinaharap.

At payo niya sa mga kabataang gaya niya: “Huwag silang sumuko at magpadala sa mga problema. Lagi rin magdasal at ‘wag kalimutan kung saan sila nanggaling.”

Read More

ESPEJO ‘BEST PLAYER’ SA THAI LEAGUE

Marck Espejo

PINATUNAYAN ni Marck Espejo na hindi nagkamali ang Visakha Volleyball Club sa pagkuha sa kanya nang pangunahan ang team sa panalo kontra Prince Finance, 25-22, 25-21, 18-25, 25-22 noong Linggo sa Thailand Volleyball League.

Nagposte si Espejo ng 23 points kasama ang 20 attacks, 2 blocks at isang ace sa naturang laro kung saan hinirang siyang “best player of the game.”

Nangako ang five-time UAAP MVP sa isang TV interview dito, mas paghuhusayan pa niya ang laro para sa kanyang bagong team.

“We started slow that’s why the game was close. I think in the first set we were so complacent. We were relaxed but we got the set,” sabi ni Espejo, nasa ikalawang international stint niya matapos maglaro para sa Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan V. Premier League noong nakaraang taon.

“Maybe we’re just waiting for the game to end. We were relaxed. Kaio (Fabio Rocha) and me, this is our first game. Hopefully, we better ourselves next game,” sabi pa ng Philippine volleyball team mainstay.

Kabilang si Espejo sa national team na nag-silver medal finish sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.  (EBG)

Read More

INDIE ACTOR NAPANIGINIPAN ANG PAGSABOG NG TAAL

oleaPanay-panay ang shout out ng indie actor na si Miko Pasamonte sa Facebook. May pangitain daw siya na sasabog pa nang bonggang-bongga ang bulkang Taal.

“Hihigitan pa ang Pinatubo!” aniya.

Nang mag-alburoto ang nasabing bulkan noong Enero 12 ay nag-shout out na agad si Miko na napanaginipan niya iyon.

Nakatira si Miko sa Dasmariñas, Cavite, na malapit-lapit sa Tagaytay.

Kabilang sa indie movies ni Miko ang Kape Barako, The Escort, #LabYu at Kumpare.

MAKABUBUTING IPAGPALIBAN ANG SHOWING NG D’NINANG, NIGHTSHIFT AT  BLOCK Z

SHOWINGAbala pa rin ang mga tao sa pagtulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas. Maraming nakaka-inspire na kuwento.

Meron ding mga negatron, pero natatabunan ang mga iyon.

Pakiwari ko ay wala pang interes ang mga tao na manood ng local movies. Hindi ako makaramdam ng excitement sa mga pelikulang D’ Ninang (Ai Ai de las Alas at Kisses Delavin) at Nightshift (Yam Concepcion) na mag-o-open bukas, maging sa Block Z (Julia Barretto at Joshua Garcia) na magso-showing sa Enero 29.

Feeling ko ay mas makabubuting ipagpaliban ang showing ng nasabing movies. Ano sa palagay mo, Tito KC?

KISSING SCENES NI RUPAUL WALANG DAYA

AJ and The QueenMae-enjoy ng mga divaklong ang season 1 ng Netflix series na AJ and The Queen,  na pinagbibidahan ng 59-anyos na drag queen na si RuPaul.

Tarusch ang kissing scenes ni RuPaul, huh?! Walang daya!

Pogilicious ang hunks na nagbuyangyang na wetpaks, pero walang frontal nudity.

Iba-iba ang location ng bawa’t isa sa sampung episode, mula New York hanggang Dallas. Bonggacious at fabulous ang musical numbers, mula I Will Survive hanggang It’s Raining Men.

Sandamukal na drug queens ang may cameo rito, kabilang sina Bianca del Rio at Manila Luzon.

Agaw-eksena ang 53-anyos na si Tia Carrere bilang kontrabidang si Lady Danger.

Kumukurot at humahaplos sa puso ang istorya nito. (Proof ni Jerry Olea)

Read More

VANCE LARENA KAMAHAL-MAHAL

“ I really love his aura, lalo na sa movie na Dead Kids. He’s the best. I also love his kilay tangina parang kayang-kaya akong ipaglaba.”

Post ‘yan ng isang Vance Larena  hibang fan na si C. V.

Kamahal-mahal nga si Vance.

Siya lang naman ang bida sa kauna-unahang  Philippine Netflix Original Film na ‘Dead Kids.’

Ai Vance Larena ay itinadhana na maging isa sa mga  malaking bituin sa henerasyong ito, hindi lamang sa ating bansa kungdi pati na sa buong mundo.

Kasama ng 24 anyos na actor,  ang singer na si Charles Blanco  na bida sa ‘Dead Kids’ na idinirek  ng magaling na si Mikail Red.

Napansin na ang galing ni Vance sap ag-arte nang nagging bida siya sa ‘Maalaala Mo Kaya,’ ‘Nang Ngumit Ang Langit,’ at sa ‘Ipaglaban Mo.’

Na-nominate na rin siya bilang Best Supporting Actor  sa Pista Ng Pelikulang Pilipino noong 2019 para sa Andoy Ranay film na ‘Open.’ Ganoon din sa ‘Bakwit Boys’ ni Direk Jason Paul Laxamana at sa  pelikulang ‘Liway’ ni Direk Kip Oebanda.

Itinanghal ding  Best  New Actor si Vance sa  Urduja Film Festival  noong 2019. Mabilis ngang nagging household name ang pangalan na Vance Larena. May   single din siyang inilabas m na may titulong ‘Pang-habangbuhay’ para   sa Star Music.

Read More

DIMPLES, NAAKSIDENTE SA SHOOTING

Kabilang si Dimples Romana sa pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ipalalabas na ito sa mga sinehan simula January 29. Ayon kay Dimples ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang naturang proyekto. “Ang pinaka-charm ng pelikula is that it’s going to bring you physically into those roller coaster of a scene ng takbuhan but also the emotions. ‘Yung mabibigla kayo na, ‘Oh my God!’ I can’t begin to tell how that ending will rock your world. I’m telling you ‘yun ang pinakamalaking pasabog ng pelikulang ‘to. Sabi ko nga kapag nakita nila ‘yung ending, sasabog ang Twitter, sasabog ang social media. I’m already telling you, you have to watch for it,” pagbabahagi ni Dimples.

Nakaranas ng aksidente ang aktres habang gamit ang shot gun sa shooting ng pelikula. Natumba raw si Dimples dahil sa lakas ng recoil sa kanyang ginamit na baril. “Bumabaril ako, lahat kami umaatras. Habang umaatras, mapapansin n’yo nawala ako sa frame. Kasi sa sobrang lakas ng recoil, bumagsak ako. ‘Yung pagkakabagsak ko, ni hindi man lang tumama ‘yung puwet ko, talaga ‘yung likod ko,” kwento niya.

Samantala, napahanga si Dimples sa kanilang direktor na si Mikhail Red dahil sa kakaibang pamamaraan nito sa paggawa ng isang pelikula. “Ang ganda ng ino-offer ng team niya, ibang klase, ibang flavor. I think we need that eh, ‘yung variety na gano’n. So I’ve really had a blast shooting with him. He’s so chill, I never got the sense na parang he wasn’t in control of things. That’s what you want from your director,” paglalahad ng aktres.

With reports from J.C.C.   (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

MORRISON, KAPOS SA OQS

William Morrison III

BIGO pa rin si Filipino-American shot putter William Morrison III na maabot ang Olympic Qualifying Standard na 21.10 metro sa sinalihang Vanderbuilt Invitational sa Nashville, Tennessee.

Ngunit gumawa naman siya ng bagong Philipine at Southeast Asian Games records nang magtala ng 19.17 metro sa men’s shot put.

Ang hagis ni Morrison sa Vanderbuilt Invitational ay tumabon sa dating 16.74m record ng Filipino shot putter na si Eleazar Sunang.

Binura din nito ang dating SEA Games record ni Chatchawal Polyam ng Thailand na 17.74m na itinala noong 2011 SEA Games.

Tinabunan din nito ang National Indoor record ni Jesson Ramil Cid na 11.35m noong magkampeon sa 2013 SEA Games Decathlon.

Ang 6’foot-3 na si Morrison ang unang Pilipino sa kasaysayan ng biennial meet na nagawang magwagi ng gintong medalya sa men’s shot put noong 30th  SEAG na isinagawa sa New Clark City nang makapaghagis ng 18.38 metro.

Pumangalawa lang si Morrison, na nirepresenta ang City if Indiana sa Vanderbuilt Invitational, sa tinanghal na kampeon na si David Plesh na nagtala ng 19.36m.

Sa kabila nito, hindi nawawalan ng pag-asa ang Fil-Am shot putter na mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Mayroon pa si Morrison, at iba pang Filipino athletes, na ilang buwan para maabot ang OQS  at makakuha ng tiket papuntang Summer Games sa Tokyo sa Hulyo.   (ANN ENCARNACION)

Read More

DE LANGE: BAGONG MUKHA NG DOWNHILL SKATEBOARDING

Jaime De Lange

(NI DENNIS PRINCIPE)

Sa matagal na panahon, kinunsidera bilang “pasaway” ng kalsada ang mga skateboarders na gumagala sa paligid ng Metro Manila at maging sa iba’t-ibang siyudad at bayan sa Pilipinas.

Ngunit sapul nang magwagi si Cebuana skateboarder Margielyn Didal ng gintong medalya sa 2017 Asian Games, unti-unti nang nababago ang paningin sa mga skateboarders ng bansa.

Sa nakaraang Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas, isa pang skateboarder ang gumawa ng ingay at inaasahan na makatutulong sa pagbibigay ng dagdag respeto sa kanilang sport.

Ang 23-anyos na si Jaime De Lange ay nagwagi ng SEA Games gold sa Downhill skateboarding na ginanap sa Maragondon, Cavite.

Kung pagandahan ng tricks ang laro ni Didal, karera naman pababa ng budok ang sport ni De Lange na sinasabing exciting panoodin dahil sa bilis ng takbo ng mga skateboarders.

Tubong Muntinlupa, si De Lange ang kinukinsidera ngayon bilang mukha ng downhill skateboarding hindi lamang dahil sa pagiging magandang lalaki kungdi dahil na rin sa lehitimong galing nito na nagbigay daan para makapasok ito sa world rankings ng skateboarding.

“He’s really hard to beat. He is the best skater in the Philippines right now,” ayon kay Luzon qualifier top finisher Tomas Romualdez.

Alam ni De Lange na may pagka-delikado ang tingin ng marami sa kanilang sport. Ngunit tiniyak naman nito na sa tamang ensayo at pag-iintindi ng kanilang sport ay maituturing ito na isa sa mga safest sport bukod pa sa pagiging exciting laruin at panoorin.

“There’s definitely a way to go down the hill dangerously and recklessly but there’s also a safe way to do it. Like, for me, I would never go down the hill if I feel it’s not safe,” ani De Lange “Ideally, we skate at closed roads where there are no traffic, absolutely controlled setting and those situations exists and that would be an ideal way for anybody to experience safe skating.”

“But really, it’s as safe as you make it because if you’re aware and smart about it, wear your helmet, extra careful and that’s where you’re going to have fun,” dagdag ni De Lange.

Aminado din naman si De Lange na siya mismo ay nakaranas ng ilang aksidente na nagdulot ng serious injuries sa kaniyang katawan.

Ngunit hindi naman ito sapat para sa kaniya na ikunsidera ang pagtigil sa kaniyang downhill skateboarding career.

“I’ve broken both my ankles. I had one really bad crash when I was travelling in South Korea. I did a front flip and hurt my neck really bad but those things are rare considering I’ve been doing it for almost ten years,” pahayag ni De Lange.

“I have one or two close calls a year and three major injuries throughout my career so it’s a pretty safe record,” dagdag ni De Lange.

Bago ang Downhill skateboarding, sinubukan ni De Lange ang ilang sports tulad ng basketball, soccer, swimming at golf dahil para sa kanyang mga magulang, kailangan na bawat isa sa kanilang magkakapatid ay matuto ng isang sport.

“We were all looking for sports and I tried them all definitely but it was actually my drum teacher who introduced me to longboarding,” ani De Lange “One day he came to our house bringing with him a board and that was it. We stopped playing drum as it eventually became a skate session.”

Gusto man niya ang paglalaro sa team sports tulad ng basketball at soccer, mas magaan ang pakiramdam ni De Lange na maglaro ng individual sport.

“It’s all on you. It’s nobody’s fault but your own. If you win it’s your fault. If you lose, it’s your fault and that’s what I love about individual sports,”pahayag ni De Lange.

Read More

PANTY, BRIEF KAPOS NA SA EVAC CENTERS

taal evacuation center

KINAKAPOS na sa gamit panloob ang libong evacuees na nanunuluyan sa mga evacuation center.

Sa paglilibot ng mga opisyal ng pamahalaan sa ilang evacuation centers na umabot na sa mga bayan ng Cavite ay lumalabas na bukod sa pagkain ay  pangunahing pangangailangan ng mga tao ang mga sanitary and hygienic supplies para sa mga evacuee at kabilang dfito ang panties, bra, brief at diapers.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development at  Citizens’ Disaster Response Center, kailangan tratuhin nang may dignidad ang mga survivor  ng pag-aalburoto ng bulkan.

“To those who are donating, please donate clothes that other people can still use… Let us treat the survivors with dignity,” ayon sa Citizens’ Disaster Response Center.

Ayon kay General Trias PASCAM 2 Barangay Captain Jesuito Fauni, ganito rin ang direktiba sa kanila nina Mayor Antonio  “Ony”  Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer na itrato na parang nagbabakasyon lamang ang mga evacuee.

BAWAL PANG UMUWI

Pinayuhan ng Phivolcs ang libu-libong mga nagsilikas sa Tagaytay na manatili muna sa evacuation centers, dahil malaki pa rin umano ang posibilidad ng isang “hazardous explosive eruption” mula sa Bulkang Taal.

Sa nagdaan umanong 24-oras, nagpalabas ang Taal ng “steady steam emission and infrequent weak explosions” na nagbubuga ng 500 hanggang 1,000-meter-tall ash plumes.

Sinabi pa ng Phivolcs na nakapagtala na sila ng 787 volcanic quakes.

Ang sinasabing “intense” seismic activity ay nangangahulugan na may magma na patuloy na dumadaloy papunta sa bunganga ng bundok.

DAAN-DAANG PAGYANIG

Umakyat naman sa halos 800 volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Taal sa loob ng 24 oras kasabay ng patuloy na pagbubuga ng usok at abo mula sa bunganga nito.

Sa ipinalabas na pinakahuling bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mayroong 787 volcanic quakes ang naitala ng Taal Volcano Network hanggang alas-singko ng madaling araw kahapon.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano na ang ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng mapanganib na pagsabog ano mang oras o araw.

BANTA SA KALUSUGAN

Hindi pa rin nawawala sa himpapawid ang abo na ibinuga ng Bulkang Taal at mapanganib pa rin ito sa kalusugan ng tao.

Ito ang binigyang-diin ni Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Ma. Antonia Bornas bilang paalala sa mga tao na magsuot pa rin ng face mask.

Partikular na pinatutungkulan ni Bornas ang mga patungo ng Tagaytay City at mga kalapit bayan sa Cavite at Batangas.

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay na bakwit sa gitna ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Nasawi matapos atakihin sa puso nitong Sabado ng gabi ang 70-anyos na si Benny Mendoza, residente ng Barangay Banyaga sa bayan ng Agoncillo, Batangas.

WINDOW HOURS ITIGIL

Matindi ang peligro ng bulkan na nakataas sa Alert Level 4 kaya’t hindi na umano dapat pinapayagan pa ang mga residenteng inilikas na bumalik sa kani-kanilang bahay kahit pa sandali lang.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, ang Alert Level 4 ang pinakahuling babala na itinataas ng Phivolcs na ang ibig sabihin ay delikadong mayroong maiwang buhay sa danger zone.

Wala aniyang makaliligtas kahit pa ang mga magre-rescue kung dumating ang pagkakataon na sumabog muli ang bulkan sa kasagsagan ng paglilikas ng mga hayop o pagbitbit ng mga ari-arian ng mga residenteng bumalik sa kanilang bahay.

Ipinanukala pa ni Salceda sa gobyerno na bilhin na lang ang mga hayop na pilit na binabalikan ng mga residente dahil ito ang kanilang kabuhayan. JESSE KABEL, KIKO CUETO, JG TUMBADO

Read More