TESTING KAY “WONDER BOY”

Ifugao Wonder Boy Carl Jammes Martin.

SPORTS CHATHINDI dapat maliitin ang record ng susunod na kalaban ni Ifugao Wonder Boy Carl Jammes Martin.

Matapos ang posts ng mga well-known boxing vloggers Powcast at Pinoy Boxing Prodigy ukol sa next schedule ni Wonder Boy, marami naman ang na-excite na makakaharap si Martin ng isang beteranong boxer.

Ang 29-anyos na si Renoel Pael ang makakasagupa ni Martin sa isang 10-round title fight para sa Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight title fight sa isang free-to-the-public boxing card sa susunod na buwan sa Mandaluyong City.

May iilan naman ang duda sa kakayahan ni Pael dahil nakalalasap na ito ng 11 losses kumpara sa malinis na 15-0 win-loss slate ni Martin, 14 natapos via knockout.

Ngunit dapat maintindihan ng mga kritiko na sa 11 talo ni Pael, hindi pa ito nakalalasap ng knockout loss.

Kabilang sa mga nakalaban ni Pael ay sina world-ranked Andrew Moloney at Renz Rosia na kamakailan lang ay tinalo si former world title challenger Aston Palicte.

Kasalukuyang may record na 23-11-1 si Pael, 12 natapos via knockout kaya hindi maaring alipustain ang 35-fight experience ng Leyte-native boxer.

Isa pa sa alinlangan ng mga fight observers ay natalo na ng tatlong sunod si Pael sa lahat ng tatlong laban nito noong 2009.

May 2019 ang yumukod si Pael kay Japanese Ryusei Kawaura bago ito nakalasap ng split decision loss kay Philippine bantamweight kingpin Giovanni Escaner noong Agosto.

Muling dumayo si Pael sa Japan noong December ngunit malas pa din ito nang talunin siya ni local boy Tatsuya Takahashi.

Ayon kay trainer Brix Flores, sa tatlong nasabing laban, dapat na nanalo sila sa laban kay Escaner at Takahashi dahil sa tingin niya ay mas maraming magandang patama si Pael sa nasabing mga laban.

Ito din ang pananaw ni Cebuano trainer Julius Erving Jungco na dating trainer ni former world champion Jhack Tepora na sa tingin niya ay Philppine champion na dapat si Pael.

Samantala, may 94% KO percentage si Martin ngunit may iba pa din ang naniniwala na mga de lata lamang ang pinabagsak ng Hingyon, Ifugao-born pugilist.

Ito na marahil ang dahilan kung bakit si Pael ang pinili ng manager-sister ni “Wonder Boy” na si Jing Martin, para mapatunayan na kaya nilang magpabagsak ng mga tigasin na boxer na katulad ni Pael.

Gaganapin ang Martin-Pael title bout sa February 22 sa Mandaluyong High School Gym sa Mandaluyong City.

Read More

PAALAM DENNIS GARCIA

Dennis Garcia

Isa na namang music icon ang namaalam nung nakaraang Sabado ng gabi, January 18, 2020, ang isa sa founder at moving force ng Hotdog Band na si Dennis Garcia.  Nauna na sa kanya ang kanyang younger brother at co-founder niya sa Hotdog na si Rene Garcia nung September 2018.  Ang maagang pagyao ni Rene ay labis na ikinalungkot ni Dennis na animo’y nawalan ng pakpak sa pagkawala ng kapatid not knowing na susunod siya pagkaraan ng mahigit isang taon.

Ang Hotdog Band na pinamunuan ni Dennis ay gumawa ng kasaysayan nung dekada sitenta dahil sila ang nagpasimuno ng bagong genre sa musika na  tinawag noon na Manila Sound.

Sino nga ba ang hindi nakakaalam sa kanta at lyrics ng “Pers Lab” ng Hotdog na naging pelikula nung 1975 na pinagbidahan din mismo ng grupo.

In 1979 and 1980, ginawang pelikula ang dalawa sa mga hit songs ng Hotdog, ang  “Bongga Ka `Day” at “Annie Batungbakal” na pinagbidahan at produced ng superstar na si Nora Aunor at dinirek ni Maryo J. de los Reyes.

Ang Hotdog din ang kumanta at nagpasikat sa iba pang classic hits in the `70s tulad ng “Manila,” “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko,” “O, Lumapit Ka,” “Panaginip,” “Dying to Tell You,” “Bitin sa `Yo,” “Bandang Pinoy” at iba pa.

Tulad ng ibang banda o grupo, ilang beses ding nagpalit ng ibang members ang Hotdog tulad nina Tito del Rosario, Jess Garcia, Rene Enriquez, Gavin Zerby, Odette Quesada, Zsa Zsa Padilla, Maso Diez, Gina Montes, Rita Trinidad at Joey Reyes.  Tumagal din ng maraming  taon ang Hotdog bago sila na-disband para harapin ang kanilang respective solo careers and endeavors.

Last Saturday night ay may reunion concert sana ang Hotdog with Dennis pero sa gabi ng kanilang concert siya mismo binawian ng buhay.  Bukod sa kanilang January 18 concert sa Bar 360 ay meron din sana silang Valentine show sa Bleau Bar in Ortigas Center, Pasig City pero wala pang balita kung ito’y matutuloy pa  without Dennis.

Nawala man pareho ang magkapatid na music icons na sina Dennis at Rene (ng Hotdog), mananatiling buhay ang kanilang itinatag at iniwang  legacy sa music industry sa pamamagitan ng kanilang mga pinasikat na awitin.

NON-SHOWBIZ BF NI JANELLA, NAGSELOS KAY JOSHUA?

JANELLA-JOSHUAHindi kaya nagselos ang rumored boyfriend ngayon ni Janella Salvador na si Marcus Paterson sa ginawang pagpu-push ng co-star at tiyahin ni Janella na si Maja Salvador kina Janella at Joshua Garcia sa after-party ng “The Killer Bride” kung saan sina Janella at Joshua ang magkatambal?

Sa guesting ni Marcus sa “Tonight with Boy Abunda” ay inamin ng Fil-British actor na sa simula ng team-up nina Janella at Joshua sa TKB ay nagselos umano siya pero hindi na umano ngayon dahil pareho umano silang good actors at part umano ng kanilang trabaho ang pagiging magkaibigan at pagiging close din sa isa’t isa.

In fairness, base sa sa kanilang ipinakita sa nagtapos na primetime show na “The Killer Bride” ay may chemistry sina Janella at Joshua kaya hindi kami magtataka kung muling mabibigyan ng panibagong proyekto ang dalawa na sila muli ang magkatambal.

Since loveless ngayon si Joshua matapos silang mag-break ni Julia Barretto nung isang taon, si Joshua na ang dapat mag-effort na lalong mapalapit kay Janella kung saka-sakali kahit pa meron na itong Markus Paterson.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balita na in-unfollow na umano ni Julia pareho sina Janella at Joshua?

Speaking of Janella, bakit kaya hindi bigyan ng proyekto na magkasama sina Janella at Marcus para makita kung may magic ang kanilang tambalan o wala?

DARNA MAIN PHOTOGRAPHY NAGSIMULA NA

Jane de LeonTuloy na ang paglipad ng bagong Darna na si Jane de Leon dahil nagsimula na ang shooting ng pelikula na pinagbibidahan mismo ni Jane as the new Darna bilang kapalit ng dalawang stars na nag-back out pareho na sina Angel Locsin at Liza Soberano sa magkaibang kadahilanan.

Third choice man si Jen for the role, ang mahalaga ay sa kanyang mga palad napunta ang role na pangarap ng bawat kabataang aktres or female young stars.

Matapos i-anunsyo nung isang taon na si Jane ang kapalit ni Liza Soberano, marami ang nagulat dahil inakala ng marami  na isang mas sikat na female star ang papalit sa nobya ni Enrique Gil para sa pelikulang “Darna” at hindi sa isang baguhan katulad ni Jane na never pang nagkaroon ng lead role sa pelikula maging sa telebisyon except for “Maalaala Mo Kaya” or MMK.  Pero marami ang nagsasabi na si Jane na ang next important star sa taong ito kapag naipalabas na ang “Darna” movie na pinamamahalaan ng premyadong director na si Jerrold Tarog ng “Heneral Luna” fame.

Bago ang shooting ng “Darna” movie ay naging dedicated at committed si Jane sa kanyang pagdyi-gym at maging sa kanyang mga stunts and fight scenes training.

Si Jane ay naging bahagi ng all-girls dance group na Girltrends ng “It’s Showtime” at naging kasintahan ng Kapamilya actor na si Aaron Villaflor.  Huli siyang napanood sa isang episode ng MMK at maging sa hit primetime TV series na “Halik”.

Read More

KIEL ALO HUGOT KING

KIEL ALO-2

Unti-unting umuukit ng sarili niyang pangalan si Kiel Alo sa music industry.

Hindi na lang siya ‘hugot king.’

Si Kiel ay viral celebrity na rin.

Aba’y controversial ang birthday concert niya months back sa Music Museum.

Viral ang video interview namin kay Kiel nang mag-walk out si Morissette Amon pagkatapos mag-untog-untog ng ulo niya sa dressing room ng show’s venue.

Kung anuman ang pinagdaanan ni Morissette, looking forward pa rin si Kiel na maka-duet niya ito sa hinaharap.

Heto sa darating na araw ng mga puso ay bida si Kiel sa isang Valentine’s presentation na may pamagat na Music and Faces of 2020. Bida rin sina Pilita Corales, Eva Eugenio at Jun Polistico. Hosted nina Alice Dixson at Xian Lim ang presentation. Mapapnood sa Manila Hotel sa February 14, 2020 mismo als siyete y media ng gabi.

Isang gabi ng kaseksihan  mula sa performance at boses ni Kiel at mga reliable entertainment mula sa mga subok na mga idols naming mang-aliw na Jun, Tapilits at Eva.

Kaya suki na ng show producer Daisy Romualdez si Kiel dahil lumi-level up na sa performance ng mga beteranong total performers.

Read More

HIWALAYANG JADINE KINUMPIRMA SA SHOW NI TITO BOY

jadine12

Malalaking period ang sagot   nina James Reid at Nadine Lustre sa umugong na tsismax na matagal na silang  hiwalay.

Naka-exclusive si  Tito Boy sa kanyang   ‘Tonight With Boy Abunda’ nang kumpirmahin ng  dalawa.

Sa ulat ng award-winningTV host inilabas niya  ang mensaheng ipinadala sa kanya ng dating magdyowa.

And to quote:

TWBA “It’s true that we have split up but not for all the reason that are being spread on the tabloids and social media but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can. We agreed that going separate ways was best for both of us. We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music.

 “Thank you to all the JADINE FANS for their undying support and we hope you continue to support us now and in the future. We shall forever be grateful to them for their  love and understanding.

   “Thank You.”

Nitong mga nakaraang lingo bago pumutok ang Bulkang Taal, ay laman ng mga  mga tabloid at social media ang tungkol sa hiwalayan. Pati na sa broadsheet.  Naging biktima pa ng social media na pangungutya ang editor na si Ricky Lo. Pati na ang broadcast journalist at Saksi Ngayon columnist na si Jobert Sucaldito. Hindi sila ipinalampas ng JaDine fans na mas toxic pa sa trolls kung ,mamersonal.  Abot langit ang denial  ni Nadine. Suportado nga ng mga fan  who fought against reporters na nagsulat ng tungkol dito. Ang ending, lumabas din ang katotohann.

Pagbibigyan ba natin sina JaDine na maka-recover?

May Karapatan din sila sa kanilang privacy. Magdalamhati dahil brokenhearted sila.

Mabilis lang maghilom ang sugat, kasi nasa kabataan pa sila.

Read More

GERALD: ‘HINDI NAMAN AKO MAGMAMALINIS!’

Maraming mga bagay na umano ang natutunan ni Gerald Anderson mula sa mga naging karelasyon. Ayon sa aktor ay talagang magkaiba ang pananaw ng lalaki at babae pagdating sa pakikipagrelasyon. “Isa sa mga na-realize ko, I think iba talaga ang perspective o POV (point of view) ng isang babae at isang lalaki pagdating sa relationship. That’s why minsan kapag nag-away, correct me if I’m wrong, talagang minsan hindi magkakaintindihan dahil iba ‘yung emotions, iba ‘yung facts, pananaw. Hindi naman ako magmamalinis, until this day, siyempre there are nights na I think of what could I have done better, ano ‘yung dapat ko ginawa. Habang tumatagal doon ko na-realize na there’s always two versions talaga. At iba ang perspective ng bawat tao sa relationship. It takes two to tango. But I also accepted na a relationship doesn’t fail just because of one person. It really takes two kasi kayong dalawa ‘yung naroon,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Matatandaang naging kasintahan ng aktor sila Kim Chou, Maja Salvador at Bea Alonzo. Noong isang taon ay naging kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Gerald at Bea dahil naugnay din ang binata kay Julia Barrretto noong panahong iyon.

Gabi-gabi nang napapanood ngayon ang ‘A Soldier’s Heart’ na pinagbibidahan ng aktor. Malaki ang pasasalamat ni Gerald sa mga kasamahan sa naturang serye lalo na kay Carlo Aquino na siyang madalas na nakausap tungkol sa kontrobersiyang pinagdaanan noong 2019. Kabilang din sa bagong proyekto sina Vin Abrenica, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yves Flores at Nash Aguas. “Nag-open up ako sa taping namin pero hindi ko sinabi sa kanila na ako ‘yon. Noong time kasi na ‘yon parang nasa akin lahat. Lahat may makaka-relate kaya sa akin, iba ‘yung feeling. So no’ng nagkwento ako, ‘Yung kaibigan ko kasi ganito, ‘yung partner niya ganyan,’ Sabi nila, ‘Ay! Oo, bro.’ So parang gumaan agad ‘yung pakiramdam ko na, ‘Ah, okay, normal, hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganito.’ Pero noong pinaka-peak ng lahat ng judgement at pinagdaanan, ako, masasabi ko na hindi ko ‘yon malalampasan. Kung hindi dahil sa A Soldier’s Heart, dahil sa grupo na ito. Makita ko lang sila, magba-basketball during break, or kakain kami sa labas, or kakain kami sa kampo, sobrang sarap na may ganito ako. I think Papa God gives you the challenges at the right time in your life. He gives the worst challenges to the strongest soldiers, isa ‘yon sa mga na-relaize ko,” pagbabahagi ng aktor.

With report from J.C.C.

Read More

LVPI AT PVF, TULOY ANG TUG-OF-WAR

volleyball-4

NANANATILING magulo ang mga programa at kalendaryo ng volleyball sa bansa.

Ito ay dahil sa patuloy na tug-of-war sa pagitan ng Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) at Philippine Volleyball Federation (PVF), na naglabas ng magkahiwalay na mga plano at iskedyul para sa national men’s at women’s team.

Nananatili sa listahan ng Federation International de Volleyball (FIVB) ang PVF bilang miyembro nitong asosasyon sa Pilipinas, habang kinikilala naman ng namamahalang pribadong asosasyon na Philippine Olymic Committee (POC) ang LVPI bilang isa sa mga miyembro nitong National Sports Association (NSA).

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay dumating sa bansa si FIVB Director for Asia & Oceania Luis Alexandre Pontes Rodrigues at kinausap sina POC president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez.

Hiniling ni Rodrigues sa mga nabanggit na sports officials sa bansa na ayusin ang gusot sa pagitan ng LVPI at PVF sa lalong madaling panahon.

Pinanukala rin nito ang pagpapatawag sa lahat ng stakeholder sa isang general assembly at pagsasagawa ng eleksyon, na itatakda ng POC, hanggang sa katapusan ng Enero 2020.  (ANN ENCARNACION)

Read More

PONDO SA TAAL VICTIMS PAUBOS NA

DILG Undersecretary Epimaco Densing-2

NAUUBUSAN  na ng pondo ang mga lokal na pamahalaan na kabilang sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa Laging handa press briefing sa Palasyo, inamin ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na masisimot na partikular ang calamity fund ng mga kinauukulang Local Government Units.

Ito’y dahil sa hindi pa nasisingil na bayad na manggagaling sana sa amelyar at business permits.

Nakikita namang solusyon ng DILG tungkol dito, ang makahugot ng pondo sa kapitolyo ng Batangas at makausap ang Kongreso para sa additional funding.

Kaugnay nito’y inihayag ni Usec Densing na nag-commit na si House Speaker Alan Peter Cayetano na makipagpulong sa kanila para sa additional funding sa mga apektadong LGUs. Maaari rin aniyang makatulong dito ang Office of the President.

ZERO LOOTING

Samantala, target pa rin ng DILG na ‘zero looting’ o walang nakawan na mangyayari sa relief goods at ari-arian ng mga residente na lumikas dahil sa patuloy na paga-alboroto ng Bulkang Taal.

Ani Usec. Densing,  noong unang araw pa lamang ay may natanggap na siyang report hinggil sa bagay na ito. Pero sa nakalipas na apat na araw aniya ay wala naman silang natanggap na actual looting report dahil talaga aniyang binabantayan ng kapulisan ang mga lugar na inalisan ng mga tao.

“Kung ang pinag-uusapan po natin ay mga hayop ay most probably ay hindi naman kinuha o aksidente naman na kinuha nang bumalik pero im sure this is not officially a looting issue for us,” ayon kay Usec. Densing.

Ayon kay Norberto Segunial, Jr., alkalde ng bayan ng Santa Teresita sa Batangas, may napaulat na insidente ng nakawan ng relief goods sa mga barangay na naka-lockdown sa isla ng Taal Volcano, habang patuloy ang pag-aalburoto ng bulkan.

Makaulit naman niyang kinlaro na bineberipika pa ang mga naturang ulat.

Ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit P16.5 milyong halaga na umano ng tulong ang naipadala sa 22,472 pamilya mula Batangas, Cavite, Laguna, at Quezon na nasa iba’t ibang evacuation center matapos sumabog ang Bulkang Taal. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PNP INALERTO SA DRUG DEN NG MGA CHINESE

HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na drug den na ang susunod na patatakbuhin ng mga Chinese national dahil sa patuloy na paglabag ng mga ito sa ating batas tulad ng pagpapatakbo ng prostitution den.

Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang nasabing pahayag matapos muling makahuli ang Makati Police ng prostitution den na ang mga kliyente ay mga Chinese national at nagtatrabaho sa mga Philippines Offshore Gaming Operations (POGO).

“Nananawagan tayo sa ating kapulisan at sa mga lokal na pamahalaan na mas patindihin ang pagbabantay sa mga ganitong uri ng establishments sa bansa. Hindi natin alam baka sa susunod hindi na prostitution den ang mahuli natin at baka mga drug den na,” ani Yap.

Noong nakaraang taon ay sunud-sunod ang raid na isinagawa ng mga otoridad sa mga prostitution den sa Makati City na pinatatakbo ng mga Chinese national na ang mga kliyente ay POGO workers.

“Yung panibagong kaso ng prostitution den sa Makati na ang mga kliyente ay POGO workers ay isang malinaw na patunay na wala silang takot sa umiiral na mga batas natin,” ayon sa kongresista.

Dahil dito, kailangan aniyang paigtingin ng mga otoridad ang kanilang pagbabantay sa kilos ng mga Chinese dahil kung hindi ay posibleng mas malala pa ang kanilang gagawing krimen tulad ng pagpapatakbo ng drug den.

Iminungkahi rin ng mambabatas na kung hindi titigil ang mga dayuhang ito sa paglabag sa ating batas ay hindi lamang moratorium aniya ang dapat gawin sa mga POGO kundi tuluyang itigil ang pag-iisyu ng mga bagong lisensya sa POGO operators. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

MGA NEGOSYANTE BINALAAN NG DILG: PARUSA SA MGA PASAWAY SA TAGAYTAY

DILG Undersecretary Epimaco Densing

GAGAMIT na ng kamay na bakal ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga pasaway na negosyante sa Tagaytay City.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na handa silang magpadala ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) para puwersahang isara ang mga establisimyento sa Tagatay na patuloy na mag-o-operate ng kanilang negosyo sa kabila ng babala ng Phivolcs.

Bukod dito, aatasan na ng DILG ang local chief executive na isara ang establisimyento, kanselahin ang Mayor’s permit at operating permit.

Aniya, dahil sa patuloy na pagpapakita ng abnormal na aktibidades ng Bulkang Taal ay ipinagbabawal ang mga commercial operation na sakop ng 14 kilometers radius mula sa Taal Volcano crater.

Wala namang dapat na ipangamba ang mga residente ng Tagaytay dahil may mga barangay sa ibaba ng Tagaytay City na ginagamit bilang evacuation centers habang sa itaas naman ay patuloy nilang ipinatitigil ang pagpunta ng mga lokal na turista roon.

Ani Usec. Densing, nakipag-ugnayan na ang mga lokal na opisyal ng Tagaytay sa DILG ngunit talagang may mga negosyante na matitigas ang ulo at nais ituloy ang operasyon ng kanilang negosyo sa kabila ng panganib na bitbit ng pamamaga ngayon ng Bulkang Taal.

Sa katunayan nga aniya ay mayroong mga nangyaring miting sa pagitan ng mga negosyante at lokal na opisyal ng Tagaytay dahil umaaray na ang mga ito sa epekto sa kanilang negosyo.

Subalit dapat aniyang isipin ng mga ito na ‘safety first’ ang iniisip ng pamahalaan.

Partikular na tinukoy ni Usec. Densing ang pagmamatigas ng Taal Vista sa kabila ng ipinalabas na Memandum ng DILG na naglalayong ipatigil na ang commercial operations sa nasabing lugar.

Samantala, may naghihintay umanong trabaho sa mga empleyado ng mga establisimyento sa Tagaytay City na maaapektuhan ng pagsasara ng mga ito.

Ani Densing, bahala na ang DSWD at DOLE na may ‘Tupad program” para sa mga mawawalan ng trabaho na pwedeng bigyan ng cash-to-work program at makatatanggap din ng minimum wage. (CHRISTIAN  DALE)

“WINDOW HOURS”

Ikinukonsidera naman na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ipatigil sa mga lokal na pamahalaan sa Batangas ang pagbibigay ng “window hours” sa mga residente sa Region 4-A (CALABARZON) na nais pansamantalang bumalik sa kani-kanilang bahay para magbitbit ng mga gamit at magpakain ng mga alagang hayop.

Ayon kay Año, hinayaan nila ang LGUs na magdesisyon para sa “window hours” na nakadepende sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) patungkol sa mga aktibidad ng Bulkang Taal.

Gayunman, naniniwala si Año na sapat na ang ibinigay na konsiderasyon sa mga residente at kailangan na nilang maghigpit lalo na’t hindi pa matatawag na ligtas ang sitwasyon ng bulkan.

“Hindi natin alam kailan puputok ‘yan, as long as we have the Alert Level, impose talaga natin ‘yung lockdown at saka mandatory evacuation,” pahayag ni Año.

Hindi na aniya mapapayagan na maging paulit-ulit ang pagbibigay ng “window hours.” Ibig sabihin, kung napagbigyan na ang mga residente sa isang bayan na saglit na makauwi, hindi na ito mauulit.

98% NAILIKAS NA

Inihayag ni Año na nasa 98% ng mga residente sa lahat ng mga barangay na nasasakop ng 14-kilometer danger zone ng Bulkang Taal ang nailikas na.

“Based on our latest report, 98% of the residents in the barangays located within the 14-km high risk danger zone have been fully evacuated and the rest are undergoing evacuation,” ani Año.

Binanggit pa ng kalihim na 100% ng 142 local government officials sa Region III, IV-A, IV-B at National Capital Region ang nagpakita sa kani-kanilang mga hurisdikasyon para pangasiwaan ang pagtugon sa kalamidad.

Sa ngayon ay aabot na sa 15 bayan ang nasa ilalim ng lockdown o mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok ng kahit sino sa gitna ng pangamba na mangyayari ang mapanganib na pagsabo ng bulkang Taal ano mang oras.

Nakaposisyon na ang mga checkpoint ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng entry points upang matiyak na hindi makakapuslit ang mga residente.

NAKALUSOT

Sa kabila na mahigpit ang pagbabantay at oras-oras na nagpapatrulya, aminado ang Agoncillo Police na nalulusutan pa rin sila ng ilang matitigas ang ulo na residente.

Bukod sa dalawang lalaki na may sinagip na mga baka at kambing, mayroon ding nasita ang mga pulis na isang sasakyan na may tatlong sakay na palabas ng Agoncillo matapos magpakain ng kanilang mga alagang hayop.

Ayon kay Police Captain Danilo Manalo, hepe ng Agoncillo Police, naharangan na nila ang lahat ng maaaring lagusan sa bayan pero may ilan na talagang gumagawa ng sarili nilang daanan.

LALONG LUMAKAS

Kinumpirma ng Phivolcs na mas malakas ang pagkulo ng tubig sa bunganga ng Bulkang Taal hanggang nitong Lunes ng umaga kumpara sa mga nakalipas na araw.

Ayon pa kay Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum, halos triple rin ang inilabas na sulfur dioxide ng Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras na 4353 tonnes per day kumpara noong Sabado hanggang Linggo na 1442 tonnes kada araw.

Tinukoy rin ni Mariton Bornas ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ang pamamaga ng Volcano Island at paglubog sa hilagang-silangang bahagi ng isla.

Nangangahulugan umano ito na may magma pa rin sa ilalim ng Taal at senyales na maaaring sumabog. (CHRISTIAN DALE, JG TUMBADO, KIKO CUETO)

Read More