2 TRUCKS NG RELIEF GOODS SA TAAL VICTIMS

CONG NOGRALES-6.jpg

Rep. Nograles umayuda, bumisita sa evac centers PERSONAL na dinala ni Cong. Fidel Nograles ng 2nd District ng Rizal sa mga biktima ng Bulkang Taal na namamalagi sa tatlong evacuation center sa Lipa City, Batangas ang dalawang truck ng relief goods. Kasama ni Cong. Nograles ang kanyang team kabilang si Rodriguez Chief of Police Lt. Col. Rexpher Gaoiran. Mainit na tinanggap ng mga biktima ang grupo ni Cong. Nograles na sinamahan ng grupo ni dating Mayor Menard Sabile sa pag-iikot sa mga evacuation center. Kabilang sa mga bakwit na nabigyan…

Read More

LEAVE NG SOLO PARENTS MAY DAGDAG NA 7-ARAW

Senador Risa Hontiveros-2

PINADARAGDAGAN ni Senador Risa Hontiveros ng pitong araw ang parental leave, hiwalay sa umiiral na batas ng solo parents kada taon kabilang ang 20 percent discount sa goods at serbisyo. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nakapaloob ang panukala sa Expanded Solo Parents’ Welfare Act o Senate Bill No. 164 upang biyayaan ang hamon at paghihirap ng solo parent sa pangangalaga ng kani-kanilang mga anak. “Raising a child is daunting, but raising a child alone constitutes a specific set of challenges and difficulties,” ayon kay Hontiveros, principal author ng panukala…

Read More

MOTOR TAXIS BAWAL NA

Antonio Gardiola

Ipinatigil ng DOTr-TWG dahil sa hindi pagsunod ng Angkas IPINATIGIL ng Department of Transportation-Technical Working Group (DOTr – TWG) ang operasyon ng motorsiklong taksi dahil ayaw sumunod ng Angkas motorcycle taxi service provider, saad ng hepe ng komite sa Senado kahapon. Sabi ni Antonio Gardiola, pinuno ng DOTr-TWG, hindi sumusunod ang Angkas sa mga alituntunin ng DOTr – TWG habang isinasagawa ang tatlong ekstensiyon ng pag-aaral ng TWG, nang tanungin ni Senadora Grace Poe sa pagpapatigil ng operasyon ng motorsiklong taksi. Idiniin ni Gardiola na walang makuhang datos ang DOTr-TWG…

Read More

MONOPOLYO NA NI VILLAR

Leody de Guzman-2

BMP: Kapag nakuha ng Prime Water ang NCR water distribution NAPAKALAKAS ng paniniwala ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na posibleng makuha ng Prime Water Infrastructure Corporation na pag-aari ng pamilya nina dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar ang negosyong distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) kapag tuluyang pinutol ng administrasyong Duterte ang kontrata ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa pamahalaan. Sa eksklusibong panayam kay Leody de Guzman, tagapangulo ng BMP, kumbinsido ang kanyang organisasyon na posibleng mapunta sa mga…

Read More

SOLON KINA AYALA AT PANGILINAN: MAY KONSENSYA PA BA KAYO?

Rep Eric Yap-3

(BERNARD TAGUINOD) HINDI mawari ng isang mambabatas kung mayroon pa bang konsensya ang mga Ayala at si Manny V. Pangilinan dahil sa panlalamang umano ng mga ito, hindi sa gobyerno kundi sa taumbayan. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang nasabing pahayag kasunod ng natuklasang paghahakot ng pera ng mga Ayala at Pangilinan sa kontratang pinasok ng mga ito sa Light Rail Transit (LRT). “Mr. Ayala at Mr. Pangilinan, hindi ko alam kung anong puso at konsensya ang meron kayo para lamangan nang husto ang gobyerno dito,” ani Yap,…

Read More

TAMA LANG ANG GINAGAWA NI DIGONG SA OLIGARCH

DPA

HINDI ko masisisi si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit  galit ito sa mga Oligarch na kumopo ng mga malalaking kontrata sa gobyerno sa la­rangan ng public service tulad ng transportasyon, tubig at kuryente. Patuloy kasi ang pag­yaman ng mga ito habang ang mamamayan ay patuloy naman sa pagkayod para mabayaran ang kanilang mga bills na pataas nang pataas habang tumatagal. Halos lahat ng mga kontratang pinasok ng mga maya­yamang negosyante sa ating ­gobyerno ay pawang pabor sa kanila at ngayong lang nagkaroon ng pangulo na kaya silang galawin. Mangungutang sila…

Read More

3RD TELCO KINALAMPAG NG EX-SOLON

NERI COLMENARES

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINILING ng isang dating kongresista na silipin ng Kamara ang progreso ng operasyon ng third telco na Dito Telecom kasunod na rin ng report na nahuhuli ito sa kanilang ipinangakong target na pagsisimula ng operasyon. Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, ikalawang quarter ng 2020 ang nakatakdang pilot testing ng Dito Telecom subalit lumilitaw na kulang-kulang pa rin ang pasilidad nito gaya ng mga communications tower at mga cell site. Ani Colmenares, isang human rights lawyer, June 2019 pa nang mabigyan ng legislative…

Read More

REGISTERED USERS NG GLOBE AT HOME APP PUMALO NA SA 1M

GLOBE-1

NAITALA ng Globe At Home app,  ang best partner para sa home internet connection, ang record number ng registered users nang pumalo ito sa 1,000,000 mark. Hanggang December 2019, may 1,000,620 ang kumpirmadong total registered customers na nabenepisyuhan ng features nito na nag-aalok ng labis na kaginhawahan sa pagma-manage ng kanilang Globe At Home plans. Ang nasabing bilang ay inaasahang lolobo pa sa mga susunod na quarters dahil mas marami pang kapaki-pakinabang na features ang ipapasok buwan-buwan. “The Globe At Home app is one of our most recent efforts to…

Read More

NAWA’Y MAGING NORMAL NA ANG BULKANG TAAL

PUNA

IISA ang dalangin ng mga mamamayan ng Batangas at Cavite, lalo na yung matinding naapektuhan nang pag-alburuto ng Bulkang Taal – bumalik na ito sa normal. Sa ginawang pag-iikot ng Peryodiko Filipino Inc. team sa iba’t ibang mga bayan sa nasabing mga lalawigan, dinig na dinig ng inyong lingkod ang mga kahilingan at dalangin ng mga tao roon lalo na yung mga nasa evacuation centers na sana’y muling manahimik na ang bulkan upang sila’y makabalik na sa dati nilang tahanan nang sa gayon ay makapagsimula nang muli at makabangon. Hindi…

Read More