EXCITED SI ALDEN

ALDEN-12

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Excited na ang mga fans ni Alden Richards sa bagong programang ihu-host nito.

Isang musical game show na kung saan mga bata ang kasali.

Parang singing competition, pero may kakaibang rekado para iba nag concept.

Centerstage ang title ng programa na kung saan ang bestfriend niyang si Betong Sumaya ang co-host niya.

May tatlong judges din na sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos.

Mas excited siyempre si Alden dahil malapit sa kanya ang mga bata at kakaibang experience daw na makaka-interact niya ang mga magagaling na mga  batang may talent sa pagkanta.

LAST TAPING DAY NG TALK SHOW NI VICE GANDA

SEE: Wala pa namang kumpirmasyon mula sa ABS-CBN 2, pero kumakalat na ang balitang tatanggalin na raw ang Gandang Gabi Vice.

Ang narinig lang namin ay ngayong linggo na raw ang last taping ng naturang celebrity talk show ni Vice Ganda.

Sa GMA 7 naman ay iri-reformat na raw ang Dear Uge ni Eugene Domingo into a light drama.

WALANG PROPOSAL NA MAGAGANAP SA CO-LOVE CONCERT NINA JENNYLYN AT DENNIS

SWAK: Tinitiyak ni Jennylyn Mercado na walang drama ng proposal o pag-usapan ang kung ano ang plano nila ni Dennis Trillo sa kanilang relasyon na gagawin sa  concert nilang Co-Love na gagawin nila sa New Frontier Theater sa February 15.

Tinanong kasi namin kung doon na ba ay mag-propose si Dennis sa kanya?

Sure daw siyang hindi gagawin iyun ni Dennis dahil hindi pa raw talaga siya puwede sa ganun, gawa ng may commitment siya sa GMA 7.

“Hindi pa puwede eh. Idedemanda ako.

“Ayoko rin naman pag-usapan yan eh. Tapusin ko muna yung mga commitments ko,” pakli niya.

Ayaw lang  niya idetalye, pero mukhang nasa clause ng kontratang pinirmahan niya sa GMA 7 na hindi pa muna siya puwedeng mag-asawa.

Kaya sa career lang talaga siya naka-focuse, at maganda rin namang magkasama sila ni Dennis sa concert na talagang pinag-isipan daw nila nang husto kasama ang direktor nilang si John Prats at ang 3rd Avenue na musical director nila.

“Kinakabahan kami kasi first time namin mag-show together tapos ang mga songs eh medyo dibdiban kaya puspusan ang paghahanda namin ni Dennis.

“Halos lahat ng kanta ay pinag-usapan namin nang mabuti, tapos meron kaming pa-orchestra para sweet di ba?

“Kailangan naming pag-usapan ng buong team para hindi nakakahon sa gusto naming kanta, para maka-relate sa ibang tao,

“May koneksyon sa amin at sa bawat ng tao. Kasi di ba sa bawat relasyon laging hindi naman masaya di ba?

“Sa umpisa kinikilig ka, tapos habang tumatagal nakikilala nyo na ang isa’t-isa, nagkakaroon kayo ng problema. So,  parang dadalhin namin kayo sa journey talaga ng love story ng lahat ng tao,” pahayag ni Jennylyn sa pictorial ng Descendants of the Sun.

MAGALING NA AKTOR BALOT NA BALOT KAHIT SA GOLF COURSE

SEE: Hindi mo pala talaga ma-‘see’ ang mukha nitong magaling na aktor kapag nasa initan ito dahil takip na takip daw ito.

Iyun ang napapansin ng ibang mga kumpare niya kapag naglalaro sila ng golf, o may iba pang sports activity silang ginagawa na nasa labas at nasisikatan ng init ng araw.

Sobra raw kung makatakip ang mukha na mata lang nito ang nakikita dahil takot daw siyang mainitan ang mukha.

Ang ibang kumpareng walang kaalam-alam sa pagpaparetoke ng fez ay hindi nila talaga alam kung bakit.

Pero napapansin na kasi ang nareretoke sa mukha at ilang beses na ring na-botox kaya pinagbawalang mainitan.

Kaya naman nanatiling bagets pa rin ang mukha ni aktor, pero ang napapansin lang, hindi na gaanong nakitaan ng emosyon kapag umaarte dahil ang tigas na ng mukha sa katuturok ng botox.

Hindi talaga maiwasang maapektuhan ang pag-arte nito dahil matigas na ang fez!

Read More

BUTI NA LANG KFC ANG INI-ENDORSO NG KATHNIEL

KATHNIEL-5

oleaLove is in the air! Konting kembot, kendeng at kandirit na lang, Valentine’s Day. Araw ng mga Puso, pinakahihintay ng mga magsing-irog!

Syempre pa, inaabangan natin ang mga patalastas na humahaplos at kumukurot sa puso sa pagsapit ng V-day. May forever na pampakilig, Tito KC?!

Aba! Sa Team Jollibee, andiyan ang patalastas ng JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto, na bida sa zombie movie na Block Z na showing sa Enero 29) at JaDine (James Reid at Nadine Samonte, este, Lustre).

Sa Team McDo, andiyan ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion at AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza), McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson), at BiGuel (Bianca Umali at Miguel Tanfelix).

Hiwalay kung hiwalay?!

Buti na lang, KFC ang inendorso ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla)!!!

APAT NA PROBINSIYANA ANG BAGONG KALABAN NI CARDO

COCO-4Apat na probinsyana ang bagong kalaban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa ratings. Umpisa sa Lunes, makikipagsalpukan sa FPJ’s Ang Probinsyano ang Kapuso teleserye na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kung saan tampok bilang mag-inang Waray at mag-inang Ilocana sina Snooky Serna, Barbie Forteza, Dina Bonnevie at Kate Valdez.

Inspired ito ng 1984 Regal movie na tinampukan nina Nida Blanca, Maricel Soriano, Gloria Romero at Snooky Serna, plus Nestor de Villa, Luis Gonzales, William Martinez and Gabby Concepcion, directed by Maryo J. de los Reyes (na 2nd death anniversary sa Lunes, ang pilot telecast ng TV version ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday).

Nagbida sina Nida at Nestor sa 1954 movie na Waray-waray, samantalang bida sina Gloria, Ric Rodrigo, Rudy Francisco at Dolphy sa 1954 movie na Dalagang Ilocana.

Sina Amalia Fuentes at Luis Gonzales ang bida sa 1966 movie na Manang Biday.

Oh, yes! Sa pelikula ay anak ni Biday si Snooky, pero sa TV ay siya ang ina ni Waray. Mas bet ni Dina na gumanap bilang Ilocana dahil ang asawa niya ay kasalukuyang Congressman ng Ilocos Sur. Nakapag-campaign nga si Dina sa Ilocano dialect.

Chance din iyon ni Dina para ma-promote ang Ilocos Region. Kaya lang, sa Ilocos Norte ang karamihan ng Ilocos scenes ng bagong Kapuso primetime show.

Whereas comedy ang mga pelikulang Waray-waray, Dalagang Ilocana, Manang Biday at Anak ni Waray vs Anak ni Biday, itong TV version ng ANWvANB ay madrama.

Ang mga ina ay dating matalik na magkaibigan, na naging mortal na magkaaway. Iisang lalaki ang minahal nila at nakabuntis sa kanila. Sabay silang nanganak sa isang ospital, at nagkaroon ng switching ng babies.

Ang dalawang daughter, nang lumaki at nagkakilala, ay naging best friends din. At iisa ring lalaki ang nagpakilig sa kani-kanyang puso.

Biruin mo, tinaray-tarayan ni Biday ang anak ni Waray, samantalang ito pala ang tunay niyang anak?!

Ito na kayang Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang magpapatumba sa FPJ’s Ang Probinsyano? Abangan ang susunod na kabanata!

JAY MANALO NAGPAPABATA?

JAY MANALONakalagay sa Google na 43 years old pa lang si Jay Manalo, pero ang aktor na mismo ang nagsabi sa amin na mali iyon.

“Hindi ako nagpapabata, 47 na ako,” sabi ni Jay.

Si Jay ang gaganap bilang ama nina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Walang kamalay-malay ang mag-best friends na half-sisters pala sila.

Sa tunay na buhay, sandosena ang mga anak ni Jay sa iba-ibang babae. Magkakakilala ang mga anak niya. Nakakasama niya ang mga ito kung b-day niya at Kapaskuhan.

Kaya malabong mangyari sa mga anak niya ang sitwasyon ng TV series kaugnay sa daughter ni Waray at daughter ni Biday.

At any rate, tatlo na ang mga apo ni Jay. (PROOOF / Jerry Olea)

Read More

KAI SOTTO, MVP SA TSF INVITATIONAL

PINATUNAYAN ni Kai Sotto na may “K” o karapatan siyang pag-agawan ng iba’t ibang international basketball teams nang pangunahan ang The Skills Factory (TSF) National sa King Invitational sa Atlanta noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).

Inakay ni Sotto ang TSF National sa 112-102 panalo kontra Believe Prep ng South Carolina sa title match ng The Skills Factory King Invitational.

Umiskor ang 7-foot-2 na si Sotto ng 27 points, 10 rebounds, 6 blocks at 4 assists sa loob lang ng 25 minuto para sa three-game sweep ng TSF.

Dahil dito ay hinirang si Sotto na MVP ng tournament kung saan nagtala siyang ng kabuuang average na 27.0 points, 10.6 rebounds, 4.3 blocks at 3.0 assists.

Patuloy ang pagdating ng offers sa 17-anyos na dating UAAP Juniors MVP, mula sa iba’t ibang team sa United States kabilang na ang Kentucky at Georgia Tech.

Nauna nang napabalita na makakasama si Sotto sa Mighty Sports Philippines sa nakatakdang 2020 Dubai International Basketball Tournament ngayong weekend, subalit hindi ito natuloy dahil sa “unresolved logistical and scheduling issues” ni Sotto. (EBG)

Read More

JULIA: ‘PINAG-WORKOUT TALAGA AKO NI DIREK MIK!’

Sa January 29 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang aktres ng isang action-horror film na talagang maipagmamalaki raw ni Julia. “Ang daming best part sa film but one of them siguro is being able to work with direk Mikhail (Red). It’s actually Joshua who introduced me to direk Mik and he always said good things about him and told me good things about his work. When they called us for pitching for the zombie film. I couldn’t be more excited kasi first off, it’s an action film. Second, because it’s the first large scale zombie movie in the Philippines and third, because I get to work with all these amazing actors that have become my really good friends. There’s so many good things about doing this movie,” pagbabahagi ni Julia.

Para sa aktres ay talagang magandang karanasan ang paggawa ng isang action-horror movie lalo na sa mga babaeng katulad niya. Para kay Julia ay kakaiba rin ang proseso ni direk Mikhail Red sa paggawa ng isang pelikula. “There was a lot of running, a lot of screaming, a lot of fighting, a lot of stunts so everybody was challenged. It’s an action film. Matagal ko nang pinangarap ‘yung gano’ng klaseng eksena. We shot that whole scene from morning until midnight. I think I can speak for all the girls when I say we all have that Angelina Jolie moment na pinapangarap na magawang eksena. So it was fulfilling and I had the support of everybody in the film, so nakaka-encourage siya. Pinag-workout talaga ako ni direk Mik,” nakangiting pahayag ng dalaga.

With reports from J.C.C.

Read More

ISDANG TAAL, LIGTAS KAININ – BFAR

ISDA-10

PINAWI ng isang ahensya ng gobyerno ang labis na pangamba ng mga residente sa Taal Island sa Batangas dahil sa ibinabalang hindi ligtas kainin ang mga isda roon kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal noong January 12, 2020.

Pero sa ipinalabas na abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ligtas kainin ang mga isda mula sa lawa ng Taal.

Ayon sa BFAR, nagsagawa sila ng laboratory analyses sa tubig at fish samples sa Taal Lake at lumitaw na ligtas kainin ang mga ito.

Subalit kailangan muna umanong matiyak na malilinis nang mabuti at maluluto nang tama ang mga isda bago kainin.

Una rito ay nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na huwag bumili at kumain ng isda galing Taal Lake.

Ayon sa DOH, maari itong magdulot ng pagsusuka, diarrhea at pananakit ng tiyan.

May mga isda pa ring nahuhuli sa Taal Lake.

Ang iba namang isda ay mula sa mga nasalantalang fish cage nang pumutok ang naturang bulkan. JG TUMBADO

Read More

“THANK YOU, MRS. MARCOS”

PAGKATAPOS ng welcome remarks ni Ms. Margarita Moran Florendo, CCP Chairperson, sa pa-dinner noong Enero 15, 2020 para parangalan ang Cultural Center of the Philippines Founding chairman na bahagi ng selebrasyon ng 50th anniversary ng CCP, ay sinundan ito nang pagtayo na may masigabong palakpakan ng mga panauhin nang sabihin ni Miss Universe 1973 ang “Thank You, Mrs. Marcos”.

Ilang minuto rin ang naging palakpakan ng mga kaibigan ng mga Marcos. Pati na ang mga malalapit na mga kaibigan..

Isa pang pinalakpakan nang husto ay ang pahayag ng presidente ng CCP na si Arsenio J. Lizaso bago nagbigay ng panalangin si Rev. Ed Lapiz ng Day by Day Christian Ministries.

Isang masarap na hapunan ang pinagsaluhan ng pamilyang Marcos pati ang mga opisyales ng Cultural Center of the Phillipines at mga kaibigan ng mga Marcos.

Kumpleto ang mga anak ni Imelda, sina Sen. Imee Marcos, Ex-Senator Bongbong Marcos, Irene Marcos-Araneta. Andoon din ang hunk model na pao na si Borgy Manotoc at ang naging viral sa internet na si Zandro Marcos.

Maging ang amigas ni Mrs. Marcos ay dumalo rin sa pangunguna ni Mrs. Bienvenido Tantoco Jr., ang may-ari ng Rustan’s (Si Mrs. Zenaida R. Tantoco na board member din ng CCP).

Naging emosyonal ang marami nang magbigay ng kanyang talumpati si Mrs. Marcos.

“I wish to thank everyone of you here,” panimula ni Mrs. Marcos sa kanyang talumpati.

“I thank the Lord for your presence. It was years ago that Cultural Center was built, and now many years after, I have the privilege to be here to thank every one of you,” patuloy niya.

Mahaba rin ang kuwento ni Mrs. Marcos hinggil sa panahong nag-uumpisa palang ang pamumuno nilang mag-asawa.

Ayon kay Mrs. Marcos, nang itanong niya kay dating Pangulong Ferdinand Marcos kung ano ang kanyang magiging tungkulin bilang First Lady, sinabi umano ng kanyang asawa na siya ang bubuo ng tahanan para sa mga Filipino. Isang tahanan umano na bubuuin ng “pagmamahal”.

“When Ferdinand and I got married, I asked him when he became president, what is my role as First Lady. He said, “I’ll build a strong house for the Filipino People. You have to make it a home.”

“And I retracted. What makes a home?, He replied ‘Love’.”

“I imbibed that statement. Together with the true and the beautiful.”

Idiniin niyang nag-ipon siya ng pondo at nag-reclaim ng isang ektarya ng lupain. Pagkaraan, siya ay umutang ng P36 milyon at mula rito ay itinayo ang Cultural Center.

“I raised some money and reclaimed one hectare. When the reclamation was finished, I borrowed P36 million and we finished Cultural Center in so short a time.”

” I had a difficullt life. Because they thought, I was extravagant. Excessive.”–MRS. IMELDA MARCOS

Dahil umano rito ay sinampahan siya ng halos 1,000 kaso dahil simbolo umano ang Cultural Center ng kanyang pagiging magastos.

“I tell you, I had a difficult time when I built the Cultural Center. They thought the Cultural Center was the symbol of extravagance and frivolity and all that.”

“I had gotten through it. Because of Cultural Center, I had almost 1,000 cases because it was the symbol that I was extravagant. I was excessive.”

Naranasan umano niya ang patuloy na pag-uusig sa kanya. Hindi lamang ng mga indibidwal kundi maging ng gobyerno at mga maimpluwensiyang tao.

“Anyway, I have gone through a life of continuous prosecution. Not just by individuals. But by governments and superpowers.”

Ngunit sa kabila nito, nagpapasalamat siya na nalagpasan niya ang mga ito.

“Thanks God, I am almost over it. Of the Cultural Center problem. Maybe because of my commitment to the good, the true and the beautiful.”

“But I have no regrets, I suffered, yes, but deep within me, I knew the Lord is within me.”

“So today, I thank the Lord. We’re celebrating here now the 50th year of the Cultural Center.”

Read More

MULTA SA MAGBEBENTA NG YOSI, ALAK SA MINORS

yosi

SAKALING maisabatas ang panukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, pagmumultahin ng P500,000 at makukulong ng hanggang 12 taon ang sinomang mapatutunayan na nagbebenta ng sigarilyo, alak at vape products sa menor de edad.

Sa pahayag, sinabi ni Recto na nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1208 na kikilalanin bilang Protection of Minors from Sin Products Act, upang protektahan pa ang mga bata sa hazards ng alcohol at produktong tabako kabilang ang vapor products.

Ayon kay Recto, kahit may umiiral na batas tulad ng Tobacco Regulation Act of 2003 at pagbubuwis na namamahala sa paggamit, pagdadala at pagbebenta ng mga produktong ito, hindi ito nagiging epektibo sa pagkonsumo ng alak at sigarilyo.

Sa ilalim ng panukala, sinomang tao o establisimyento na lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng P100,000 pero hindi hihigit sa P500,000 at makukulong ng hindi bababa sa anim na taon at hindi hihigit sa 12 taon.

Kung lumabag ang establisimyento, makukulong ang manager, kinatawan, director, ahente o empleyado nito.

Bukod dito, babawiin ang lisensiya o permit sa mga susunod na paglabag para sa mga negosyo o business establishment.  Estong Reyes

Read More

PELIGRO NG KARBON MAS MALALA SA ASHFALL

coal-fired power plants

MAS mapanganib at nakamamatay ang polusyon na ibubuga ng  ‘coal’ o karbon kumpara sa ‘ashfall’ na nagmumula sa mga pumuputok na bulkan.

Ganito ikinumpara ng mga environmentalist ang ashfall sa Taal na may sangkap lamang umano na PM 10 at sulfur dioxide, habang ang mga planta ng coal ay may  PM 2.5, na may maliliit na butil na mas mapanganib at nakamamatay dahil may iba pang nakalalasong sangkap na carcinogenic, mercury at arsenic.

“For communities living near the twenty-nine coal-fired power plants currently operating in the Philippines, particulate matter, toxic gas, and pollutants float in the air on a daily basis and these already claimed lives among many of the Filipino people,” paliwanag ni Ian Rivera, National Coordinator of the Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ).

Kasabay nito ay binatikos ng environmental think-tank ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa tila kawalan nito ng ambisyon at paninindigan na proteksiyonan ang kalikasan sa bansa, sa patuloy na pagkiling sa pagtatayo ng ‘coal power plants’ sa bansa.

Ayon kay Gerry Arrances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), hindi umano tinutupad ni  DENR Chief Roy Cimatu ang kanyang ipinahayag na sa 2020, patutunayan niya sa mga Filipino na pangangalagaan ng departamento ang kalikasan at  likas na yaman ng bansa.

“DENR seems to think that they have proven themselves triumphant in performing their mandate, but there is an elephant in the room which the Department can’t expect Filipinos not to point out – the role they played in the proliferation of dirty industries, especially coal facilities, that pollute the environment and threaten the health of the Filipino public,” giit ni Arances.

Ang mga komento ay dahil na rin sa nasaksihang tensiyon at pagpa-panic ng mga residente hindi lamang sa Batangas, kundi sa mga karatig na mga lalawigan, kabilang ang Metro Manila nang magsaboy ng ashfall ang Taal Volcano.

Ganito rin ang sinabi  ni Veronica Cabe ng the Coal-Free Bataan Movement (CFBM), nang masaksihan din nito ang pagkabalisa ng mga residente dahil sa mapanganib na polusyon nang magbuga ng ashfall ang Bulkang Taal. TJ DELOS REYES

Read More

PINOY BINALAAN SA PAGPASOK NG MEAT PRODUCTS SA KOREA

DAF12

MAHIGPIT ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nagnanais pumunta sa South Korea na sumunod sa batas doon na nagbabawal sa pagdadala ng animal at livestock products.

Ayon sa DFA, mayroong malaking multa at pagbabawalan na muling makapasok sa South Korea ang sinumang mahuhuling lalabag sa nasabing batas.

Ipinag-uutos din ng Embahada ng Pilipinas na agad dalhin upang ideklara ang mga dalang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry para hindi maharap sa multang 10 million Korean Won o mahigit P430,000.

Magugunitang nitong Oktubre ng nakaraang taon ay  isang biyahero ang hindi nagdeklara ng dalang pork sausage sa port of entry ang pinagbayad ng KRW 5 milyon at pinatawan ng limang taong ban sa pagbiyahe sa South Korea.

Ginawa ng South Korea ang paghihigpit sa pagsisikap na maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit ng mga hayop galing sa ibang bansa sa kanilang industriya. DAVE MEDINA

Read More