TITULO DEDEPENSAHAN NI TADURAN SA MEXICO

Pedro Taduran

NAKATAKDANG umalis ngayong weekend patungong Mexico si International Boxing Federation (IBF) mini-flyweight champion Pedro Taduran para sa first title defense niya sa susunod na buwan.

Makakalaban ng 23-anyos na si Taduran si challenger Daniel Valladares sa isang 12-round bout sa Guadalupe, Nuevo Leon sa Pebrero 1.

Si Taduran, may 14-2 win-loss record na may 11 KOs ay nakatakdang umalis sa bansa sa Sabado kasama ang kanyang chief handler na si Art Monis at lead trainer at ex-world champion Tacy Macalos.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Monis na mananalo ang kanyang alaga dahil maganda umano ang ensayo nito sa La Union.

Ngunit aminado siya na kung sino ang makapagpapatama ng mga solidong suntok ang magwawagi sa 12-round match up.

Napanalunan ni Taduran ang IBF 195-lb title Setyembre ng nakaraang taon matapos talunin sa loob ng tatlong rounds ang kababayang si Samuel Salva.

Si Valladares naman, may 22-1 at 13 KOs record, ay kagagaling lang sa stoppage win laban sa dating undefeated Filipino prospect Christian Araneta.

Si Taduran ay kabilang sa natitirang apat na reigning world champions ng bansa. Ang tatlo pa ay sina ‘fighting’ Senator Manny Pacquiao, Jerwin Ancajas at John Riel Casimero.  (EBG) 

Read More

MIGHTY PALABAN KAHIT WALANG ‘KAI’

Mighty Sports Philippines team

SISIMULAN sa Biyernes ng Mighty Sports Philippines team ang kampanya sa 2020 Dubai International Baskeball Tournament laban sa UAE National Team nang walang Kai Sotto sa lineup.

Ito’y matapos ihayag kahapon na nabigo ang koponan na makuha ang serbisyo ng 7’2” player, na nauna nang naghayag ng kagustuhang makasama sa nasabing torneo.

“The Mighty Sports – Creative Pacific Team assures its supporters in the Philippines and the Filipino community in Dubai that this development was beyond its control and this sudden change of circumstances with Kai’s non-inclusion will not affect its chances in the championships as the team is still equally competitive,” nakasaad sa official statement ng team management.

Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin si head coach Charles Tiu sa tsansa ng koponan.

“Despite the absence of Kai, our team is still complete with a formidable line-up of young, athletic, very talented and inspired amateur players,” wika ni Tiu.

Ang koponan ay pangungunahan ni Thirdy Ravena, kasama ang mga batang manlalarong kasama sa Gilas pool na sina Isaac Go, Dave Ildefonso, at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano.

Nasa lineup din sina naturaliezed Filipino center Andray Blatche, imports Renaldo Balkman, McKenzie Moore at Jelan Kendrick. Gayundin sina Jamie Malonzo, Mikey Williams, veterans Beau Belga, Joseph Yeo, Gab Banal, Jarrell Lim at Joaqui Manuel. (VT ROMANO)

Read More

RED BOOTERS NANGIBABAW SA 95TH NCAA MEN’S FOOTBALL

95th NCAA men’s football tournament

INAGAW ng San Beda ang unang pwesto nang talunin ang Mapua, 2-0 sa 95th NCAA men’s football tournament, Lunes sa Rizal Memorial Stadium.

Unang naka-goal si Jimmar Castillo sa 7th minute at sinundan ni Rosi Sumudivila sa 16th minute para ilista ang kanyang ikaapat na goal sa season at ihatag sa Red Booters ang anim na puntos sa torneo.

Ang San Beda at College of St. Benilde, na bumokya sa Letran, 10-0 ay parehong may six points, pero mas lamang ang Mendiola-based squad sa goal difference.

Nauwi naman sa scoreless draw ang laro sa pagitan ng Lyceum of the Philippines University at last season’s runner-up Arellano University.

Nasa ikatlong pwesto ang Chiefs sa natitipong apat na puntos, habang nasa ikaapat na posisyon ang Pirates sa kanilang isang puntos.  (VT ROMANO)

Read More

MANILA, HOST NG 2020 FIBA 3X3 WORLD TOUR

Ronald Mascariñas-2

MULING tatayong punong abala ang Pilipinas ng World Tour leg ng FIBA 3×3.

Napag-alaman na ang Manila ang magiging host ng 2020 FIBA 3×3 World Tour season, sa pamamagitan ng Chooks-to-Go Manila Masters sa Mayo 2-3 sa SM Megamall Fashion Hall.

Ito ang ikatlong beses na tatayong host ang Manila, matapos ang level-10 event noong 2014 at 2015.

“Last year, 3×3 basketball once again entered the collective consciousness of the Filipino people,” lahad ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas.

“We had three conferences in our local league while also having two international tournaments here, namely the world’s first-ever Super Quest and the Manila Challenger,” dagdag niya.

Kabilang sa mga inaasahang lalahok sa event ang pinakamahuhusay na 3×3 clubs sa mundo, gaya ng Liman, Novi Sad, Riga Ghetto at NY Harlem.

Sa susunod na buwan ay magsasagawa ng qualifier para sa local teams sa gaganaping 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

Ang ninth edition ng FIBA 3×3 World Tour ay magtatampok ng all-time best 13 Masters, na ang pinale ay nakatakda sa Nobyembre (2020) sa Riyadh na may nakatayang kabuuang $2.8 million premyo.

“2020 is a big year for 3×3, and we’re excited to see our No. 1 competition – the FIBA 3×3 World Tour – continue to expand so quickly,” komento ni FIBA 3×3 managing director Alex Sanchez.

Inilunsad noong 2012, ang World Tour ay kinakatawan ng mga siyudad mula sa iba’t ibang bansa na nag-qualify sa 13 Masters at Final sa pamamagitan ng qualifying tournaments gaya ng Challengers at FIBA 3×3 Tean Ranking.

Ang 3×3 ay magde-debut sa 2020 Olympic Games sa Tokyo sa Hulyo. (VT ROMANO)

Read More

HASSLE-FREE PURCHASE ABROAD?

fda12

Maaari nang magdala ng items sa Pilipinas na walang kaukulang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Dalawang dahilan ang posibleng gamiting  : una, for personal use at pangalawa within the allowed quantity lang.

Ito ay maaaring dalhin sa Pilipinas sa pamamagitan ng passenger baggage, balik-bayan boxes o parcels sa pamamagitan ng mail o delivery services.

Gayunman, may paalala na ang items na sumobra sa bilang  ay kukumpiskahin o rerematahin na magiging pabor sa gobyerno.

Samantala ang tinutukoy na ‘specified limit’ ay pinapayagan na walang FDA-DOH clearance kinakailangan lamang bayaran ng customs duties.

Ang items na pinapayagan ay kinabibilangan ng mga gamit para sa bata na may 5 kilogramo;  laruan, 10 piraso; pabango, 5 piraso; lipstick, 10 piraso; shampoo, 2 kilogramo at lotion, 2 kilogramo.

Ang mga hindi pinapayagan ay bar soap, 2 kilogramo; assorted cosmetics, 1 kilogramo; household hazardous substance, 5 kilogramo; vitamins supplements at iba pang health supplements, 500 kilogramo; processed food, 10 kilogramo at wine/liquor, 2 bote. Boy Anacta

Read More

5 HAKBANG SA PAGPAPADALA AT PAGKUHA NG PARCEL

PHILPOST

MAY  nais ka bang ipadala na parcel sa iyong pamilya sa Pilipinas? O may nais kang kunin na parcel galing sa iyong pamilya na nasa ibang bansa? Narito ang mga detalye na maaaring makasagot sa ilan mong katanungan.

STEP 1: Kung ikaw ay magpapadala ng parcel sa pamamagitan ng postal service tulad ng PHLPost, mag-fill up ng postal declaration form kasama ng parcel na ipapadala sa Pilipinas.

STEP 2:Maaring i-check online ang status ng iyong parcel gamit ang website ng PHLPost https://tracking.phlpost.gov.ph/ o gamit ang BOC Parcel Tracking System (http://parceltracking.customs.gov.ph/kiosk.php) at i-input ang Tracking Number na ibinigay ng post office.

STEP 3: Sa sandaling dumating sa bansa ang parcel, dadaan ito sa BOC para eksaminin at i-assess kung may kaukulang buwis na babayaran.

STEP 4. Hintayin ang Letter Notice mula sa PHLPost at ipasa ang mga nakasaad na karagdagang dokumento (kung mayroon man).

STEP 5:Kung kumpleto ang mga dokumento, hintayin na i-deliver ng PHLPost ang parcel sa local post office upang doon ito kuhanin at magbayad ng buwis (kung mayroon man). Magdala ng dalawang government IDs at Authorization Letter, kung ikaw ay representative ng owner.

Tandaan na ang  PARCELS o POSTAL ITEMS na ipinapadala sa pamamagitan ng postal services tulad ng parcel post, express post atbp. ay maaari lang maging duty and tax free kung hindi tataas sa P10,000 ang halaga ng nilalaman nito.

Para sa iba pang katanungan, maaari pong mag mensahe sa  bocnaiafeedback@gmail.com o sa bocmecphils@gmail.com. Maari ring i-check ang status ng iyong parcel gamit ang BOC’s Balikbayan Box and Parcel Tracking System (http://parceltracking.customs.gov.ph/kiosk.php).  Jo Calim

Read More

ANGKAS IBA-BLACKLIST SA MOTOR TAXIS

angkas44

INIHAYAG ng Inter-agency Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) sa Senado na ipaba-blacklist ang may-ari at kompanya ng Angkas bilang alternatibong sistema ng transportasyon.

Lumitaw ito sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe nang kuwestiyunin ni Senador Imee Marcos si TWG head Antonio Gardiola sa nilalaman ng report na isinumite nito sa Kongreso.

“‘Yung recommendation 19, blacklisting of Angkas and its incorporators. Hindi individual riders ‘yan kundi buong kumpanya,” ayon kay Marcos.

Sinabi ni Gardiola na kanilang inirekomenda na i-blacklist ang Angkas na lumahok bilang motorcycle taxi service provider sa pamamagitan ng ride hailing platform o application kahit aamyendahan ang Republic Act 4136 dahil nilabag nito ang guidelines na itinakda ng TWG.

Aniya, maraming nilabag ang Angkas sa ipinalabas na guidelines ng TWG hinggil dito.

“Sa unang guidelines ang nakalagay na area of study ay NCR (National Capital Region) at Cebu. Andun sa guidelines na bawal mag-operate sa ibang areas pero sila nag-operate sa CDO (Cagayan de Oro), GenSan (General Santos), and Pampanga,” aniya.

Sa ginanap na pagdinig, umaasa naman si Angkas chief transport advocate George Royeca na hindi sila ma-blacklisted.

“Sana po hindi kami ma-blacklist. Sana po kasama kami sa extension ng pilota. We have complied and we have been complying even with the new TWG nagko-comply kami,” ayon kay Royeca.

Hinikayat niya ang TWG at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na isantabi ang kanilang galit sa Angkas.

“Sa kabila ng lahat ng nangyayari, andito pa rin kami at handang makipagtulungan sa LTFRB upang makalikha nang maayos na datos sa motorcycle taxi,” ayon kay Royeca. ESTONG REYES

Read More

PINALAKAS NA BUREAU OF CUSTOMS

BOC

BILANG bahagi ng Commissioner’s 10-Point Priority Program, binuksan ng Bureau of Customs ang tanggapan nito para sa mga bagong tauhan at bagong promote na empleyado upang mas lalong mapatatag ang work force nito.

Dalawampung bagong tauhan at promoted personnel ang itinalaga sa Port of Davao na bukas palad na tinanggap sa isinagawang flag raising noong nakaraang Lunes.

Layunin nang pagtanggap at pagpromote ng personnel ng BOC ay upang pagandahin pa ang serbisyo nito sa kanilang stakeholders at partners.

Pinagsisikapan din ng pamunuan ng  BOC na makasabay ang Pilipinas sa pagdaigdigang usapin sa pangangasiwa ng Aduana.

Sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, marami na ang isinagawang pagbabago para sa lalo pang gumanda ang koleksyon at makasabay sa pandaigdigang kalakalan.

Dahil dito, na tumatanggap at napopromote ang BOC ng mga personnel upang mapunuan ang kakulangan ng mga tauhan sa ibat-ibang collection districts sa bansa.

Nauna nang tumanggap at nagpromote ng mga customs employees sa ilalim ng ibat-ibang groups and collection districts ang nanumpa kay Commissioner Guerrero.

Matatandaan noong Disyembre 20, 2019 ang mga opisyales ng Bureau of Customs ay nagkaroon ng Collectors Conference kung saan ay tinalakay ang BOC’s Action Plan for 2020.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Guerrero ang mga collection district na lumagpas sa kani-kanilang mga collection target noong  2019. Joel O. Amongo

Read More

REP. NOGRALES: ANG PAGTULONG AY PARA SA LAHAT

HINDI lang para sa kanyang mga kadistrito kundi sa lahat ng biktima ng kalamidad nararapat ang pagtulong.

Ito ang binigyang diin ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles nang magtungo ang kanyang grupo sa tatlong evacuation centers sa Lipa City, Batangas upang maghatid ng relief goods.

Personal na dinala ng mambabatas sa mga biktima ng Bulkang Taal ang relief goods kasama si Rodriguez Chief of Police Lt. Col. Rexpher Gaoiran.

Mainit naman tinanggap ng mga biktima ang grupo ni Cong. Nograles na sinamahan ng grupo ni dating Mayor Menard Sabile sa pag-iikot sa mga evacuation center.

Kabilang sa mga bakwit na nabigyan ng tulong ang mga nasa Lipa Academy Sports Culture and Arts; Inosloban-Marawoy Integrated National High School at Tambo Elementary School na pawang matatagpuan sa Lipa City, Batangas.

Sa panayam kay Cong. Nograles ng Saksi Ngayon News Team, sinabi nito na pagputok pa lang ng Bulkang Taal noong nakaraang Enero 12 ay agad na siyang naghanda ng personal na pera para makapagsagawa ng relief operations sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Nababahala ang mambabatas dahil apektado ang kabuhayan ng mga residente sa pagputok ng bulkan maging ang kanilang mga alagang hayop at pananim.

Hindi naman pamamahagi lang ang ginawa nina Cong. Nograles at ex-mayor Sabile dahil kinausap nila at inalam ang kalagayan ng mga bakwit sa mga nasabing evacuation center.

Kasabay nito, hinikayat ni Nograles ang sambayanan na magtulungan at magkaisa lalo sa mga ganitong panahon para maibsan ang epekto ng kalamidad sa mga Filipino. (JOEL O. AMONGO)

Read More