NAKITA KO IYONG PAGIGING TUBONG-BATANGAS NG MISIS KO-SEN. BONG REVILLA

0

Noong Enero 13, Lunes pa sana ang thanksgiving lunch nina Senador Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado kasama ang mga taga-entertainment media.

Kaso, nag-alburuto ang bulkang Taal noong Enero 12, at apektado ang ilang bayan sa lalawigan ng Cavite. Marami ring Batangueño ang nag-evacuate sa mga bayan ng nasabing lalawigan.

Na-postpone ang thanksgiving lunch, at kahapon lang natuloy sa Annabel’s restaurant, Morato Av., Quezon City.

Kuwento ni Mayor Lani, “Sa amin sa Bacoor, we adopted around 400+ families. Pero after the directive of Governor Mandanas and DILG that they are coming back, I have not monitored whether some of them have gone back.

“Pero so far, sa unang araw pa lang, pumutok nang Linggo ang Taal Volcano, the following day, Monday, nagdala na kaagad ang Lungsod ng Bacoor sa Alfonso, Cavite ng aming mobile kitchen.

“We even lent our emergency crew to them. May iba pa kaming equipment sa may Batangas City. Tapos, iyong relief goods, nag-allot kami ng P3.5M para sa lahat ng nasalanta ng Taal Volcano na kinukupkop ng Cavite, pati iyong nasa grounds sa Batangas.”

Sambot ni Senador Bong, “Noong first day na pumutok ang bulkan, hindi ka naman agad makapupunta roon, e. On the second day, nagulat ako… nakita ko si Lani, nandoon na agad sa Alfonso, iyong mga evacuation centers.

“Nakita ko iyong pagiging tubong-Batangas niya. Isa siyang Batangueña, taga-Lipa. So, nakita ko agad iyong bilis niya.

“Nakakatuwa naman. Bilang mayor ng Bacoor na tubong-Batangas, nandoon agad siya. Hindi nagsabi sa akin iyan. Nandoon na siya.

“The next day, trinangkaso ang ale dahil wala pa yatang mask noong time na ‘yon, pero ganoon pa man, nakita ko iyong puso niya. Iyong pagtulong kaagad niya.

“In fact, delikado iyon. Ang given time, pwedeng pumutok, ‘no? Ako, nagre-relay pa lang noon, syempre, humihingi ng donations sa mga kaibigan natin. Humihingi ng tulong, pinagsama-sama ang mga tulong natin.

“Ahh, nauna siya. Ako naman, on my part, walong bayan ang napuntahan ko. Sa Cavite, Amadeo, Alfonso, Aguinaldo, Tagaytay, Silang… andoon iyong mga taga-Batangas. Nakapunta rin ako ng parte ng Batangas — Balayan, Sta. Teresita, San Luis, Lemery. Marami tayong natulungan. Libu-libo ang mga kababayan natin na nabigyan natin ng tulong.

“Importante rito iyong time na pangangailan ng mga kababayan natin, nandiyan tayo. Natulungan natin sila. Alam nating hindi sapat, pero at least, in our own little ways, makatulong ka, malaking bagay iyon.

“Ito pa ang masasabi ko, sa bawa’t oras, hindi mo masasabi ang panahon, e. Maraming pagsubok na dumarating sa buhay ng tao. In just a snap, pwedeng mawala sa iyo lahat, like what happened to Kobe Bryant. Di ba?

“In just a snap… popularity, money, pwedeng mawala lahat.” (PROOOF NI JERRY OLEA)

Read More

JULIA: ‘STOP MAKING JOSHUA AND I FIGHT!’

julia12
0

     Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa kontrobersyal na video nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Makikitang hindi nagpansinan ang dating magkasintahan sa naturang video sa isang event. Ayon kay Julia ay maayos naman ang turingan nila ngayon ng aktor at nanatili ang pagiging magkaibigan nila. “That night okay kami, as in okay kami. Ang pangit lang na parang lahat na lang ng galaw naming dalawa may issue, may meaning, ginagawan nila ng meaning. Pero okay kami, ako, personally okay kami,” paglilinaw ni Julia.

     Para sa aktres ay wala siyang dapat ipaliwanag tungkol sa naging viral video nila ni Joshua at ang mahalaga ay nagkakaintindihan silang dalawa ng aktor. “I don’t need to explain that video because I think that I’ve accepted that, of being who I am. Every single day I do, someone has always something to say. I do something good, they’ll twist and turn it into bad intention. Whatever choice I make, I will be crucified for it. So I might as well just live my life according to the things that makes me happy,” makahulugang pahayag ng dalaga.

   Aminado si  Julia na talagang ikinalungkot niya ang pagdududa ng netizens sa pagiging magkaibigan nila ni Joshua. “Ang nakakalungkot talaga is ‘yung hindi naman binababoy. Naging maganda ‘yung samahan namin ni Josh. When we ended, it was smooth, it was nice. We remain friends. For many things happened last year, nadamay lang ang friendship namin but hindi kasi gano’n eh. We’ve always been okay. He’s always been there for me even last year during all those things. We remain the same until this day. So stop making a fuss out of so many things and once and for all, stop making Joshua and I fight. We’re not fighting, we’re okay. We are both in a good place in our lives. There’s no reason to fight. We ended nicely, our friendship is nice so just respect that. Hindi namin alam kung saan kami lulugar. Okay kami, galit sila. Hindi kami okay, galit din sila,” paglalahad ng aktres.

Read More

VIVIAN VELEZ UUNAHIN ANG PAGKAKASUNDO?

0

Lumalapot ang balangkas sa teritoryo ng Film Academy of the Philippines na nilisan ng dati nitong Director General na si Leo Martinez at inupuan nga ni Vivian Velez.

Sa palagay namin, ang pagpasok sa eksena ni Ms. Vivian Velez  ay hindi welcome sa karamihang  mga namumuno sa labindalawang  Guilds sa ilalim ng FAP.

Ang Guild ay kumakatawan  ng film directors, actors, screenwriters, cinematographers, musicians, designers at iba pang workers like production managers, assistant directors at kahit  producers.

Ang pinakamaingay ay si Director William Mayo, ang President sa kasalukuyan ng  Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino (KDPP). Naging chairman din siya ng Cinema Committee of the National Commission for Culture and the Arts.

Nirerespeto ng mga colleagues niya at mga  taga-industriya si  Direk Mayo. Ang pelikula niyang “Lapu-Lapu” ay naghakot ng halos lahat ng major awards sa nakaraang Luna Awards,  ang award-giving body ng akademiya katulad ng Oscars.

Maingay si Director Mayo sa kanyang pagtutol na lahat FAP Guild member na magre-accredit.

Nasa Facebook post ni Mayo ang kanyang  pagtutol.

Sinabi niya na sa ilalaim ng nakaraang Executive Order ni former President Ferdinand Marcos, lahat ng Guilds sa ilalaim ng FAP ay independent sa bawat isa at puwedeng mag- exist kahit walang  FAP, pero ang FAP hindi puwedeng umiral kapag wala ang Guilds.

Mukhang inatake ni Velez ang mga Guild head nang kinuha niyang liaison officer (ng FAP) ang dating head ng Cinematographers Guild na si Isagani Sioson.

Film Academy of the Philippines Director Vivian Velez

Si Sioson sa totoo lang ay na-expel unanimously sa kanyang  position noong  termino ni Director General Martinez dahil sa pagtanggi niya na magpasagawa ng election sa kanilang guild. Na-replace siya ni George Torralba. Si Sioson ay close kay VV dahil naging cinematographer siya ng mga ilang mga prinoduce at mga pinagbidahan ng huli.

Naturalmente, hindi gusto ng mga head na Makita ang pagmumukha ni Sioson sa kanilang meeting.

Magiging malaking problema ito sa pagtawag ng meeting at sa pagkuha ng quorum.

Malamang may pagngingitngit din ang mga Guild dahil sa inanunsiyong pagtanggal ni Velez ng minimal subsidy na nakasanayan at regular na natatanggap ng mga guild taon-taon.

Dahil rito natuto na ang mga Guild na mapanatili ang kani-kanilang mga asosasyon. Hindi natinag at nagulamihan  sa mga reforma ni Velez. Si Director Mayo ay ginagawa ang lahat ng klase ng fundraiser para mapanatili ang KDPP.

Para may kabuluhan, ang kanilang KDPP ay pasimunong presentor ng grand Philippine premiere sa multi-award winning film mula Hollywood na may titulong  “Ascension,” isang sci-fi-horror-suspense thriller na produced ng self-made Pinoy Arsy Grindulo Jr. na naka- base sa Los Angeles. Itong gutsy guy ay nabigyan ng Gawad Amerika award kasama si King of Talk Boy Abunda.

Ang red-carpet premiere ng ‘Ascencion’ ay magaganap sa Cine Adarna, University of the Philippines Film Center, Quezon City sa February 15, 2020 alas kuwatro ng hapon. Isang open forum ang magaganap kasama ang nabanggit na producer na ibabahagi ang mga naging karanasan niya bilang producer ng Hollywood film na nagawaran na ng 15 awards mula sa international filmfests kasama ang Best Independent Film from the National Film & TV Awards sa L.A., U.S.A.

Explanation naman ng isang director ng F.A.P tungkol kay Sioson:

“Liaison namin siya for the accredited guilds.”

Ang malaking tanong, mapulitikang tao si Sioson kaya kaya niyang mag-co-exist sa mga nagpatalsik sa kanya?

Puwede siyang gumalaw na walang axe to grind?

Si Maam Vivian Velez, maging bukas kaya ang isip o kakampihan niya ang kanyang napiling liaison officer.

Mas titimbang ba ang karapatan ng mga guild o mangingibabaw ang pride?

Kung nakapag-aral ng  kahit na three units lang ng political science ang mga nasa board ng FAP, alam nila ang smallest political unit ay ang pamilya. Sa loob ng pamilya, may ‘di pagkakaunawaan. Sa huli ay may miyembro na nagpaparaya, mas nilalawakan ang pag-uunawa. (SAKSI AKO NI KC GUERRERO)

Read More

ANDREA-DEREK TATANGGAPIN NA DAHIL OPEN NA SILA?

0

GORGY GULA -SWAK-SEE SWAK: Binubuo na pala ang casting ng bagong drama series na muling pagsasamahan nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Gusto raw ni Derek na ang kasintahang si Andrea pa rin ang makakasama niya.

Dito mapapatunayan kung mas tatanggapin ang kanilang tambalan ngayon open na sila sa kanilang relasyon.

Hindi lang muna ina-announce sa ngayon dahil naghahanap ng mas malakas na support ng mga veteran stars.

MIKAEL AT MEGAN DALAWANG BESES NAGPAKASAL

SEE: Dalawang beses nga palang nagpakasal sina Mikael Daez at Megan Young. Ang una ay civil wedding nung January 10 na ginanap sa Calaruega sa Batangas, na sampu lang daw silang nandun. Isang pares lang daw ang ninong at ninang, walang mga best man, bridesmaid at ibang entourage.

Ang pangalawa ay nung January 25 na sa church naman sa Subic, Zambales na kung  saan iyun pa rin ang ninong at ninang nila Less stress daw ang ganung set-up dahil ang mahalaga naman ay silang dalawa, ayon kay Mikael.

Hindi lang daw nila ma-decide kung kailan nila isi-celebrate ang kanilang wedding anniversary. Kung sa January 10 ba o sa 25.

“Tinanong ko nga si Megan.

“Sabi ko, nung Jan 25 ang ganda kasi ng Chinese New Year di ba? Pero yung Jan 10, iyun ang totoo di ba?

“Kung tingin namin Jan 10, eh Jan 10. Kung Jan 25, Jan 25. Kung ano na lang yung mas convenient,” masayang tsika sa amin ni Mikael sa nakaraang mediacon ng bagong drama series niya sa GMA Telebabad na Love of My Life na magsisimula na sa February 3 pagkatapos ng The Gift.

Sabi nga ni Mikael, ngayong may misis na siya, kailangan pa bang tanungin kung sino ang love of his life?

CARLA WALANG  IKAKASO SA NAG-MISDIAGNOSE SA KANYA NA PULMONOLOGIST

SWAK: Wala nang balak ni Carla Abellana na idemanda ang pulmonologist na nagsabing may asthma siya.

 Tinurukan kasi siya ng steroids na isa iyun sa mga dahilan nang pagtaba niya.

Malumanay ang pahayag ni Carla na gusto lang daw niyang iparating sa pulmonologist na unang pinuntahan niya na misdiagnosis ang ginawa sa kanya.

 “Hindi po ako magdedemanda, pero I will just inform him and show him the test results para lang din po alam niya na…you know nangyayari po talagang ganun na may mga doctors na nagmi-misdiagnose,” pahayag ng Kapuso actress sa mediacon ng Love of My Life.

Nilinaw niya sa amin kung ano ang sakit niya na naha-handle naman daw ngayon, at may treatment na ginagawa sa kanya.

“Improving naman po lahat.

“Yung Asthma po is misdiagnosis nung unang Pulmonologist na pinuntahan ko.

“Ang Tachycardia, hindi po namin tini-treat, pero kapag medyo alarming po siya at sunud-sunod, kailangan ko pong bumalik ng Cardiologist.

“Yung liver ko po is okay na po, within normal range na po yung liver profile ko.

“Yung Hyphothyroidism, we will start treating po this month or February kasi hindi muna namin ginamot since nagkaroon po ako ng liver damage dahil sa gamot ko,” saad ng 33-anyos na Kapuso actress.

ANTONIO BANDERAS HINDI NAAYOS ANG PAGLABAS SA FPJ’S ANG PROBINSIYANO

        SEE: Si  pala iyung sinasabi nilang Hollywood actor o international star na magi-guest daw sa Ang Probinsyano.

        Hindi rin pala natuloy ang usapan, kaya inayos ang role na dapat kay Banderas, ibinigay na ito kay Baron Geisler na nakilalang si Bungo sa naturang teleserye.

        Hindi na pinag-uusapan ngayon kung meron pa rin bang international star na balak nilang i-guest sa teleseryeng ito ni Coco Martin.

Read More

FIRE VICTIMS HINARAP NI ISKO

iskomoreno44
0

AGAD nirespondehan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” ang mga nasunugang pamilya sa Tondo, Manila nitong nakaraang Huwebes ng madaling araw.

Alas-2:45 ng hapon nang magtungo si Moreno sa Lico St., Brgy. 210, Zone 19 upang harapin ang mga biktima at inabutan ng ayuda ang halos 120 pamilya.

Una rito, napinsala ng sunog na umabot sa Task Force India, isa sa pinakamataas na alarma ng Bureau of Fire Protection ang mga residente ng nasabing lugar.

Ala-1 ng madaling araw nang makatanggap ng report ang Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7 hinggil sa nagaganap na sunog sa bahay ng isang Rolando Viray.

Agad namang rumesponde sina P/Major  Salvador Tangdol, block commander ng Hermosa PCP upang bigyang seguridad ang mga residente laban sa mga mambibiktimang masasamang loob.

Idineklarang fire under control ang sunog pasado alas-4:00 pasado ng madaling araw kung saan sugatan ang nasa lima katao kabilang ang isang bumbero. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

AHENSYA NG MGA ADIK ITINUTULAK SA KAMARA

Rep Manuel Cabochan III
0

ISINUSULONG ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na magtayo ng isang ahensya para matutukan nang husto ang rehabilitasyon ng mga drug addict.

Sa House Bill (HB) 5932 na inakda ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III, nais nitong magkaroon ng “Bureau on Drug Abuse Prevention and Control” para sa mga drug adik na gustong magbagong buhay.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH) ang mga rehabilitation center sa bansa subalit dahil sa dami umano ng trabaho ng mga ahensya ay hindi masyadong natututukan ang pagbabagong buhay ng mga drug addict.

“The Bureau will oversee and implement the function of the Department of Health on drug abuse, treatment and rehabilitation,” pahayag ng mambabatas sa kanyang panukala.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing panukala sa gitna ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga kung saan mahigit isang milyong adik ang sumuko at nangakong magbago.

Gayunpaman, maliit na porsyento lamang umano sa mga sumukong drug addict ang sumailalim sa rehabilitasyon.

Naniniwala si Cabochan na kung magkakaroon ng bagong sistema sa rehabilitasyon sa mga adik ay magtatagumpay ang gobyerno na maiiwas ang mga ito sa ilegal na droga.

“Drug addiction is considered an illness that heavily damages both the physical and mental wellness of a person. This means that drug addiction can be treated with proper intervention. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

SINGLE-USE PLASTIC BAN DIIINAN

0

MULING iginiit ni Sen. Cynthia Villar ang panukalang ipagbawal ang “single-use plastic” sa pagpupulong ng mga pinuno ng mga ahensiyang naatasang maglinis at mag-rehabilitate sa Manila Bay.

Sa 2nd Principals’ Meeting at Conference ng Manila Bay Task Force na idinaos sa Diamond Hotel, Manila, binigyan diin ni Villar na ang plastic waste ang pinaka-nakaaalarmang environmental issue.

“Ang plastic ang isa sa pinakamalubhang nakapipinsala sa ating kapaligiran at pumapatay sa mga yamang dagat. Alam natin lahat iyan dahil sa lahat ng cleanups, puro plastic wastes ang nako-collect natin,”ayon kay Villar.

Iginiit din ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, na sa kabila ng pagbabawal ng mga siyudad sa paggamit ng plastic, napakalaki pa rin ng ating problema sa plastic.

Bunga nito, naniniwala ang senador na kailangan ang nationwide ban sa plastic na suportado naman ni President Rodrigo Duterte.

Sinabi rin ng senador na magsasagawa siya ng public hearing sa Senate Bill 333 o ang Single-Use Plastic Product Regulation Act na kanyang inakda. Layunin nito na i-regulate ang manufacturing, importasyon at single-use ng plastic products.

Sa ilalim din ng panukala, ipagbabawal ang single-use plastics sa food establishments, mga tindahan, merkado at retailers.

Pinaalalahanan din ang consumers na gumamit ng reusable materials at ang manufacturers na kolektahin, mag-recycle at itapon ang single-use plastics na nasa merkado. Hindi na rin papayagan ang importasyon ng single-use plastics.

“We also seek to amend the 20-year-old Solid Waste Management Act to include the implementation of Extended Producer Responsibility which will require the manufacturers using plastic materials in their packaging to be responsible in recovering the plastic wastes,” dagdag pa ni Villar.

Idinaos ang principals’ meeting bago pa ang pagdiriwang ng first anniversary ng Battle for Manila Bay ngayong araw. Itinampok sa pagpupulong ang mga nagawa ng task force gaya ng pagpapababa sa fecal coliform levels sa ilang bahagi ng  Manila Bay mula bilyon at ang matagumpay na relokasyon ng informal settlers.

Pinasalamatan ni Environment Secretary at Manila Bay Task Force Chairperson Roy Cimatu ang mga kasapi ng task force at ang mga taong araw-araw na naglilinis sa Manila Bay.

“What we started here is the beginning of something transformative for the Philippines–a true revolution. Let the battle for Manila Bay rage on!” ayon kay Cimatu.

Itinatag ang Manila Bay Task Force sa ilalim ng Administrative Order 16 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong February 19, 2019.

Ang AO ay base sa writ of continuing mandamus na ipinalabas ng Supreme Court noong December 2008. Inuutusan dito ang 13 agencies at private entities na maglinis, ayusin at panatiliing malinis amg  tubig ng Manila Bay. (ESTONG REYES)

Read More

CUY MULING ITINALAGA NI PDUTERTE SA DDB

Catalino Cuy
0

ITINALAGA muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang chairperson ng Dangerous Drugs Board (DDB) si Secretary Catalino S. Cuy.

Ang re-appointment papers ni Cuy ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Enero 21, 2020. Una siyang itinalaga sa naturang ahensya noong Enero 21, 2018.

Nasa ilalim ng pamumuno ni Cuy ang Philippine Anti-Illegal Drugs o PADS.

Nakapaloob sa Executive Order No. 66, Series of 2018 na nilagdaan ni Pangulong Duterte na ipinag-uutos sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno kasama na ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at State Universities and Colleges (SUCs) na ipatupad ang PADS na naaayon sa kanilang mandato.

Kaugnay ng reappointment ni Cuy, prayoridad niya ang pagpapalakas ng PADS ayon sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na maging ligtas ang mga Filipino laban sa droga.

Nagpahayag naman ng patuloy na pagsuporta si DDB Executive Director, Undersecretary Earl Saavedra sa mga adhikain ng ahensya at ni Cuy. (Joel O. Amongo)

Read More

PAGPATAY KAY EX-CONG. MENDOZA PINAGPLANUHAN SA BILIBID

CIDG-1.jpg
0

SA loob ng New Bilibid Prisons nabuo ang planong itumba si dating Batangas 2nd district congressman Edgar Mendoza.

Ito ang lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa karumal-dumal na krimen na sinapit ng dating kongresista na ikinadamay ng kanyang driver at bodyguard kamakailan sa Tiaong, Quezon.

Ikinukonsidera na ng PNP-CIDG na sarado ang kaso ng dating mambabatas matapos madakip ang lima sa mga pangunahing suspek.

Ito ang pahayag ni PNP-CIDG Director P/Bgen. Napoleon Joel Coronel kasunod ng pagkakadakip sa mga suspek na sina  Kristine Fernandez, Madonna Palermo, Carlo Acuña, @Bakla, Erickson Balbastro; at Maria Roselle Fajardo, @ Jael Fajardo.

Idinagdag pa ni Coronel na pinaghahanap pa ang isa pang suspek na si Rodel Mercado.

Nabatid sa imbestigasyon na ang dating kliyente ni Mendoza bilang practicing lawyer na si Sherwin Sanchez ang utak sa pagpatay sa dating kongresista dahil sa awayan sa pera at iba pang legal matters.

Si Sanchez ay nakakulong sa NBP matapos mahatulan ng guilty sa kasong murder noong 2015. Si Mendoza, ang tumayong abogado ni Sanchez sa nasabing kaso.

Bukod dito, si Mendoza rin umano ang humawak sa ilang legal matters sa financial transactions ng real properties ni Sanchez.

Dahil umano sa malaking pagkakautang ni Sanchez kay Mendoza posibleng naisipan nitong huwag nang bayaran ang biktima sa halip ay umupa na lamang ng mga ‘magtatrabaho’ upang ito ay ipatumba.

Dito niya kinausap ang kapwa preso na si Arthur Fajardo, mister ng isa sa mga iprinisintang suspek at kinontrata sa halagang P100,000 para likidahin si Mendoza.

Si Fajardo ang convicted leader ng kilabot na Fajardo kidnap-for-ransom group.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakumbinsi ni Roselle na magtungo sa kanilang bahay sa Calamba City ang biktima para doon ibigay ang bayad sa pagkakautang ni Sanchez.

Pinainom umano ng pampatulog na inilagay sa kape ang mga biktima saka ibiniyahe patungong San Fernando Bridge, Brgy. San Francisco, Tiaong, Quezon kung saan sinunog ang mga ito sa loob ng sasakyan noong January 9, taong ito. (NICK ECHEVARRIA)

Read More