LALAKI NALIBING SA GUMUHONG LUPA 

DAVAO de Oro – Nalibing nang buhay ang isang lalaki makaraang matabunan nang gumuho ang lupa habang natutulog sa kanilang kusina, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Abner Abejo, 37-anyos, residente ng Purok 10, Patindol, Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro. Batay sa report ng Mt. Diwata Special Sub-Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga noong Martes nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima nang biglang gumuho ang lupa at natabunan ang kusina na kinaroroonan ni Abejo. Mabilis na…

Read More

Dalagita, binosohan at minolestiya MANYAK SWAK SA SELDA

BULACAN – Arestado ang isang umano’y manyakis makaraang dalawang beses na hipuan sa dibdib ang isang dalagita at binosohan gamit ang cellphone habang ang biktima ay naghihintay ng jeep sa Brgy. Longos, Malolos City sa lalawigang ito, nitong Martes ng gabi. Base sa report ni P/Lt. Col. Jacquiline Puapu, Malolos City police chief, kinilala ang suspek na si Nel  Fajardo y Orence, nasa hustong gulang at residente sa nasabing siyudad, nahaharap sa kasong act of lasciviousness in relation to RA 7610, makaraang hipuin sa dibdib ng menor de edad na…

Read More

MAG-INA TINUHOG NG DELIVERY BOY

ARESTADO ang isang delivery boy matapos mabuking ng kanyang live-in partner ang lihim na relasyon nito sa kanyang anak sa Brgy. Santolan, Pasig City. Arestado ang suspek na si Mike Bernardez y Vasquez, 39, water delivery boy, matapos ireklamo ng kanyang live-in partner na si Rovelinda Dela Cruz, 39, sa Pasig City Police Station nitong Martes ng gabi. Sa naantalang sumbong sa Pasig CPS, nadiskubre umano ni Rovelinda ang namamagitang relasyon ng kanyang 15-anyos na dalagitang anak at ng kanyang live-in partner nitong Pebrero 6. Napansin umano ng ginang na…

Read More

NATULOG SA WAITING SHED, LASING TINARAKAN

ILOILO City – Patay ang isang lasing na lalaki nang saksakin ng suspek habang natutulog sa waiting shed, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Jose Glen Vincent Barranco, 47-anyos, residente ng Brgy. Abangay, Janiuay, Iloilo City. Agad namang nadakip ang suspek na si Leo Arca, residente ng Brgy. Mangil, Janiuay, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng Janiuay Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa waiting shed sa gilid ng kalsada sa Brgy. Mandong, Janiuay, Iloilo. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aabang ng…

Read More

EX-CONVICT PATAY SA LOVER BOY NI MISIS

CAMARINES Sur – Sabog ang bungo ng isang ex-convict matapos barilin sa ulo ng umano’y lover boy ng kanyang misis habang natutulog ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Ramon Belasa, 55-anyos, residente ng Zone 6, Brgy. Paolbo, Calabanga, Camarines Sur. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ricardo Villanueva 56-anyos, nakatira sa nasabing lugar. Batay sa report ng Calabanga Police Station, gabi noong Martes, mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang misis na si Marites sa kanilang…

Read More

GRAB DRIVER TODAS SA SAKSAK

NALAGUTAN ng hininga ang isang 29-anyos na Grabe driver habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Malabon makaraang pagsasaksakin ng kalugar sa lungsod na ito, nitong Martes ng gabi. Kinilala ni Malabon City Police chief, P/Col. Jessie Tamayao, ang biktimang si Ronel Gunida, residente sa #913 Gulayan, Brgy. Catmon, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Alex Padilla, 22, ng #828 Gulayan, Brgy. Catmon nasabing lungsod. Ayon kay Tamayao, dakong alas-7:45 ng gabi, masayang kainuman ng biktima ang kanyang kapatid na si Rochel Gunida sa Gulayan nang biglang…

Read More

Nagsabi ng ‘I love you’ sa ibang lalaki BABAE GINILITAN NG LIVE-IN PARTNER

PANGASINAN – Patay ang isang babae makaraang gilitan ng kanyang kinakasama nang isumbong ng anak nilang paslit na nagsabi ng “I love you” ang biktikma sa kausap nitong ibang lalaki sa cellphone, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Tricia Mae Tandoc, 27-anyos, habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang suspek at kinakasama nito na si Rodel Mabalot, matapos maglaslas sa sarili, kapwa residente ng Brgy. San Pedro Apartado, Alcala, Pangasinan. Batay sa report ng Alcala Police station, nangyari ang insidente sa bahay ng…

Read More

BABAE NAG-DIVE SA PUTIKAN, PATAY 

CAMARINES Norte – Balot ng putik ang katawan ng isang babae makaraang mag-dive umano sa putikan sa isang sakahan habang nagmamaneho ng motorsiklo, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Angelica Sorio, 28-anyos, residente ng Holiday Homes Subdivision, Daet, Camarines Norte. Batay sa report ng Camarines Norte-PNP, natagpuan ang bangkay ng biktima habang nakalublob sa putikan kasama ang kanyang motorsiklo sa isang sakahan sa Maharlika Highway, Brgy. Lag-On, Daet, Camarines Norte. Paniwala ng pulisya, posibleng habang binabaybay ng biktima ang nasabing lugar nang biglang mawalan…

Read More

BUS DRIVER NAG-SIDELINE NG SHABU ARESTADO 

ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Coastal Mall, Barangay Tambo, Parañaque City dakong alas-4:45 ng hapon noong Martes. Ayon kay Police Senior Master Sgt. Ellan Sagario, ikinasa ng Parañaque Police Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa Coastal Mall, target ang suspek na si Roderick Dumpi, driver ng Rainbow Express bus, taga-Blk. 267, Lot 7, Purok 6, Area D, Sapang Palay, Bulacan. Napag-alaman, suma-sideline umano ang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga dahil mas malaki ang kita rito at pansariling gamit. Agad namang…

Read More