P8K BAWAT PAMILYA, SA NCR LANG

0

TANGING ang mahihirap na pamilya sa Metro Manila o National Capital Region (NCR) ang makatatanggap ng P8,000 kada buwan habang mas mababa naman sa iba pang region.

Ito ang nabatid sa mga lider ng Kamara kaugnay ng subsidy na ibibigay sa may 18 milyong pamilya sa buong bansa na pinondohan ng P200 Billion sa ilalim ng Republic Act (RA) 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.

Base sa outline na inilabas ni House committee on ways and means chairman Joey Salceda, ibinase kung magkano ang subsidy na ibibigay sa bawat pamilya base sa minimum wage.

Ang NCR na pinakamataas ang minimum wage na umaabot sa P537 kada araw ay makatatanggap ng P8,000 kada buwan habang umiiral ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Makatatanggap naman ng P6,500 kada buwan ang mga pamiyang mahihirap sa Region 3 o Central Luzon, na P420 ang minimum wage at Region 4A (Calabarzon) na P400 ang arawang sahod.

Tig-P6,000 naman ang ibibigay sa bawat pamilya sa Region 6, Region 7; Region 10 at Region 11 na ang umiiral na minimum wage ay P365 hanggang P404 samantalang P5,500 naman ang matatanggap ng mga pamilya sa CAR o Cordillera

Autonomous Region; Region 1 (llocos Region ; Region 2 o Cagayan Valley Region.

Pawang tig-P5,000 naman ang ibibigay sa bawat pamilya sa natitirang mga rehiyon tulad ng Region 4B; Region 5;

Region 8; Region 9; Region12; Caraga Region at Autonomous Region in Muslim Mindanao. BERNARD TAGUINOD

Read More

P200-B INILAAN NI PDU30 SA MGA ‘NO WORK, NO PAY’

duterte32
0

INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, na naglaan ang pamahalaan ng P200 billion para sa mga low-income households na apektado sa community quarantine na naglalayong pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

“We have allotted P200 billion for low-income households who are badly affected by the current crisis. Sila ang nasa informal sector and those who live day to day on subsistence wages or no work no pay,” ayon kay Pangulong Duterte.

Tinawag ito ng Chief Executive bilang “the biggest social assistance program” sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Arrangements, beneficiary households will receive emergency support for their 2 months based on the regional minimum wage,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, hiniling naman ni Pangulong Duterte sa mga nakaririwasa sa buhay o iyong mga ‘well off’ na patuloy na tulungan ang mga nangangailangan.

“However, I still count on everyone to also look out after their fellowmen, their countrymen,” ani Pangulong Duterte sabay sabing “To those who have more in life, I implore you to share in the cost of taking share of the less fortunate and keeping our society intact. They have also contributed to our prosperity in one way or the other so let us support them.” CHRISTIAN DALE

Read More

Sadanga, Mountain Province titindig sa pagtutulungan AYUDA IBIGAY SA HIGIT NA NANGANGAILANGAN – MAYOR GANGGANGAN

0

IPAMAHAGI na lang sa higit na mahihirap na lungsod at bayan ang ayuda ng administrasyong Duterte para sa mga pamahalaang lokal.

Ito ang pasya ni Sadanga, Mountain Province Mayor Gabino Ganggangan makaraang iparating ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “food goods” ng administrasyon kamakalawa.

Inilagak sa tanggapan ng PDRRM sa bayan ng Bontoc ang ayuda na maaaring kunin ng bawat pamahalaang lokal sa lalawigan ng Mountain Province.

“[I] decided and instructed our MSWDO (Municipal Social Welfare and Development Office) to relay our message that our municipality will not be availing of these food packs even if the lockdown will be extended,” pahayag ni Ganggangan.

Napakarami ring mahihirap na mga pamilya sa bayan ng Sadanga tulad ng ibang bayan sa Mountain Province kumpara s ibang mauunlad na lalawigan.

Ngunit, ipinaliwanag ni Ganggangan na “It’s not that we don’t have poor and needy families, but I believe that we as tribal communities still have and should sustain our “built in” and homegrown or indigenous social structure, values and practice of taking care of our respective relatives or kins, neighbors, or kailyan in distress during hard times or economic crisis.”

“It is during these kinds of economic hardships such as “food shortages”, hunger and famine that the “richer or better of” (kadangyans) among a clan or village are expected to aid their needy relatives by lending their surpluses,” patuloy ng alkalde.

Kaya naman nagpasya si Ganggangan na ipamahagi ng DSWD ang food packs sa mga lungsod at bayan na higit na mahihirap na hindi kayang tustusan nang tuluy-tuloy ang pangangailangan ng kani-kanilang mga residente.

“[I] shall mandate the kadangyans of every barangay to open up their rice granaries (agamangs) to sustain us through to the next harvest season,” diin ni Ganggangan.

“I assure that no family shall go hungry in our municipality even during these hardtimes,” paniniyak ng alkalde. NELSON S. BADILLA

Read More

KASO NG COVID-19 SUMAMPA NA SA 2K

0

NAGING mabilis ang pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 matapos makapagtala ng 538 na bagong kaso kahapon.

2,084 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit, ayon sa Department of Health.

Sampu naman ang dumagdag sa bilang ng mga namatay na may total ng 88 habang 7 ang dumagdag sa mga nakarekober kaya 49 na ang kabuuang bilang nito.

Sa ngayon, bukod sa RITM ay mayroon pang anim na sub-national laboratories sa buong bansa ang nagsasagawa ng COVID-19 testing. D. ANIN

Read More

Babala ni PDu30 sa magsasamantalang local officials KULONG SA ‘MANGUNGUPIT’ NG RELIEF PACKS

0

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito ang panahon para kumita at magsamantala kaya binalaan niya ang mahuhuling mandaraya sa mga ipagkakaloob na tulong pinansiyal, gamit at pagkain sa mga tao at nangangailangan.

“I am not a cruel man pero kung may report ang pulis, I will order your detention hanggang matapos itong COVID-19.

Wag na ‘wag kayong mandaya, mangurakot, at taguin ‘yung mga pagkain at ‘yung iba hindi bigyan… kung mamulitika ka tapos mabalitaan ko na ‘yan ang gawa mo,” ayon sa Pangulo.

Handa rin aniya niyang suspendihin agad sa trabaho ang mga ito.

“I will suspend you ora mismo. And for those who are really absconding the money, I will detain you, and maybe I will release you pagkatapos ng COVID-19,” aniya pa rin.
Samantala, nagpalabas ng kautusan ang Chief Executive sa bawat departamento at binigyan ng responsibilidad ang mga ito sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang batas na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa kanya para labanan ang COVID-19 at ang epekto nito sa bansa.

“I issued an order through Executive Secretary Medialdea clearly laying down the responsibilities of each dept in implementing the Bayanihan to Heal as One Act,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Public Address, Lunes nggabi, Marso 30.

“I have given them their marching orders emphasizing the need for sufficient authority so that they do not have to go back to me and ask for clearance for each and every action they have to take,” aniya pa rin. CHRISTIAN DALE

Read More

Taumbayan inilalagay sa panganib sa kawalan ng tubig MAYNILAD, MLA WATER ITIGIL ANG PAMBOBOLA -IMEE

0

KINONDENA ni Senador Imee Marcos ang Maynilad at Manila Water sa patuloy na pagpapatupad ng water interruption sa kabila ng paglaganap ng COVID-19 at pagdedeklara ng pamahalaan ng ‘lockdown’ sa buong Luzon.

Ayon kay Marcos, inilalagay sa panganib ng Maynilad at Manila Water ang buhay ng mamamayan sa pagpapatupad ng water interruptions dahil na rin sa kahalagahan ng tubig sa pagharap ng problema sa COVID-19.

“Bakit sasabihin ng Maynilad at Manila Water na merong sapat na supply ng tubig ang kanilang cutomers pero araw-araw naman ang water interruption? Ano ba ‘yan! Puro pambobola na lang ginagawa nila!” galit na pahayag ni Marcos.

Sabi pa ng senador na ang palagiang paghuhugas ng kamay, pag-inom ng malinis na tubig at pagpapanatili ng proper hygiene ay malaking bagay para malabanan ang paglaganap ng COVID-19, batay na rin sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Sinabi pa ni Marcos na kailangang itigil na muna ng dalawang water company ang paputol-putol nilang serbisyo sa halos lahat ng lugar sa Metro Manila pati na rin sa mga kalapit na bayan at lungsod sa panahong ipinatutupad ng pamahalaan ang ‘lockdown’.

“Marami nang problema ang taumbayan, at sana naman maging bahagi ng solusyon ang Maynilad at Manila Water laban sa COVID-19. Pero sa nangyayari, mukhang tubo lang ang inaatupag nila,” pahayag ng senador. NOEL ABUEL

Read More

Pahayag ng spokesman ng dating senador “BBM NASA MAAYOS NANG KONDISYON”

BONGBONG MARCOS-3
0

“GUMAGANDA na ang kondisyong pangkalusugan ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. makaraang ihayag sa resulta ng clinical test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na siya’y positibo sa COVID-19,” pahayag ito ngayon ng spokesman ng dating senador na si Atty. Victor Rodriguez.

Ayon kay Atty. Rodriguez, isa lang si BBM sa libong Filipino na nakikipaglaban sa mapanganib na mikrobyo at kasalukuyan ay nilalapatan ng lunas sa isang ‘isolation area.’

“Pagkagaling ko sa Europa, tumungo agad ako noong sumunod na araw, Marso 14, 2020 sa isang ospital upang magpasuri dahil sa medyo may pananakit ang aking dibdib at upang matiyak ang aking kondisyong pangkalusugan dahil sa mga panahong ‘yon ay lumalaganap na ang corona virus,” sabi umano ng dating senador, ayon sa paglalahad ni Rodriguez.

Pahayag pa ng dating senador ayon sa kanyang tagapagsalita: “Pero umuwi na lang ako kasi sobrang dami ng pasyente noon sa pinuntahan kong ospital kaya hindi na ako nagpumilit na magpaasikaso upang mabigyan ng tamang atensiyon ang mga pasyenteng nauna sa akin… na maaaring mas masama ang pakiramdam.”

Ayon pa kay Rodriguez, ang tanging pagkakataon na lumabas si dating Senador Marcos mula noon sa kanyang kwarto ay noon lang Marso 22, 2020 para magtungo sa emergency room ng parehong ospital makaraang siya’y makaranas ng hirap sa paghinga, kung saan isinagawa ang ‘COVID-19’ test sa kanya at pinayuhang mag-self quarantine.”

“Simula noong Marso 13, 2020 hanggang sa ngayon ay sinusunod ng dating senador ang health protocol sa mga PUI at taimtim at tahimik nyang tinupad ang ipinaiiral na proseso ng gamutan, ‘tulad ng safety mask at self-quarantine, at walang ingay na inilayo ang kanyang sarili maging sa kanyang pamilya ‘gaya ng isang simple, responsable at ordinaryong pasyente,” pagtatapos na pahayag ni Rodriquez.

Ang resulta ng COVID-19 test sa senador ay inilabas ng RITM noong hapon ng Marso 28, 2020 kung saan sinasabing siya’y nagpositibo sa naturang virus. SAKSI NGAYON NEWS TEAM

Read More

IMBAKAN NG ARMAS NG NPA NADISKUBRE  

0

SARANGANI – Nasamsam ng mga tropa ng 73rd Infantry Battalion (IB) ang nakaimbak na mga armas ng New People’s Army (NPA) sa araw mismo ng kanilang ika-51 anibersaryo noong Linggo, Marso 29.

Sinabi ni Lieutenant Col. Ronaldo Valdez, 73rd IB commander, nadiskubre ang nakatagong mga armas sa Sitio Salyan, Brgy. Sapu Masla, Malapatan, Sarangani, sa tulong ni alyas Willie, isang dating miyembro ng komunistang grupong nag-o-operate sa lugar.

Ang nasabing imbakan ang pangalawang nadiskubre ng militar sa nakaraang linggo, na kinabibilangan ng isang kalibre 5.56 mm, M16 rifle, apat na magazines, at 82 bala.

Ayon kay Valdez, noong Marso 28, 2020, nadiskubre rin ng kanilang tropa ang isang imbakan ng armas sa Sitio Mahayag, Upper Suyan, sa nasabing lugar at nakuha ang isang 490 7.62mm ammunition.

Dagdag ng opisyal, malaking tulong sa kanilang operasyon ang ibinibigay na mga impormasyon ng mga dating NPA at nagpapatunay na seryoso ang mga ito na tumulong sa kampanya ng gobyerno na labanan ang insurhensiya sa bansa. (DONDON DINOY)

Read More

LOLO NATUSTA SA POSPORO  

0

TACLOBAN City – Nalitson ang isang lolo na may problema sa pag-iisip dahil sa pinaglaruang posporo na tumupok sa tatlong kabahayan, iniulat nitong Linggo ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Clemente Butal, 65-anyos, residente ng Barangay Daja Diot, San Isidro, Leyte.

Ayon kay SFO2 Marlo Arisa Buranday, officer-in-charge ng Fire Marshal ng San Isidro Fire Station, nagmula ang apoy sa loob ng kuwarto ng biktima na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Kuwento ng kaanak, tuwing umaatake ang sakit ng biktima ay naglalaro ito ng posporo sa kanyang kuwarto na tinuturong dahilan ng sunog.

Dahil yari sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang katabing dalawang bahay.

Naapula ito nang nagrespondeng mga bumbero ngunit tuluyang naabo ang tatlong bahay at pagkaraan ay natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima

Tinatayang P3.5 milyon ang halaga ng mga ari-arian tinupok ng apoy. (ANNIE PINEDA)

Read More