KATATAGAN SA PAGHARAP SA PANDEMYANG COVID-19 

Sa Ganang Akin

TILA sinusubok talaga tayo ngayong taong 2020. Marso pa lamang ngunit napakarami nang nangyari at isa nga dyan ang pagdating ng ­pandemyang COVID-19 na nagmula sa China.

Libo-libo na ang nagkakasakit at marami na rin ang namatay dahil sa nasabing virus, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Halos dalawang linggo pa lamang ang lumipas mula nang lumabas ang balita na dalawang turista na Taiwanese at ­Australyano ang nag-positibo sa ­COVID-19 matapos nilang bumisita sa bansa. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagsulpot ng mga kaso nang nag-positibo sa nasabing virus. Mula sa tatlong kaso lamang noong Enero, pumalo na sa higit sa 100 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Karamihan sa mga dinapuan ng virus na ito ay mga matatandang may edad 50 pataas.

Ang patuloy na pagdami ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila, ang nagtulak sa ating pamahalaan na ideklara ang Alert level sa Red Alert sublevel 2 at magsakatuparan ng community ­quarantine sa Metro Manila. Ito ay sinimulang isakatuparan kahapon, ika-15 ng Marso.

Ang community ­quarantine ay nangangahulugan na hindi na ­basta-basta makalalabas at makapapasok sa Metro Manila mula ika-15 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril. Ito ay para maiwasan na ang pagkalat ng virus sa ibang bahagi ng bansa.

Bagaman sa opisyal na pahayag ng Pangulo noong ika-12 ng Marso ay nagamit niya ang terminong “lockdown”, nilinaw naman ng kanyang mga gabinete na ang ipapatupad ay isang community quarantine at hindi lockdown.

Sa ganitong panahon, normal na mangamba at matakot ngunit mahalagang huwag natin ito hayaang manaig sa ating mga puso at isip. Bilang mamamayan, hindi tayo maaaring umasa lamang sa pamahalaan. Kailangan ay gawin din natin ang ating mga responsibilidad.

Ugaliin nating sundin ang mga payo ng Department of Health (DOH) upang maiwasan ang pagkakasakit ng COVID-19. Suriin ding mabuti ang mga impormasyong nakikita at nababasa mula sa social media upang hindi mabiktima ng fake news. Iwasan ang panic buying at bumili lamang ng sapat.

Upang mas mabilis na mapagtagumpayan ang dagok na ito sa ating bansa at sa mundo, mahalagang makiisa sa ating pamahalaan. Sumunod tayo sa mga bagong patakarang ipinatutupad nito at ng lokal na pamahalaan upang mapigilan na ang pagkalat ng virus. Pasasaan pa’t malalagpasan din natin ito. Sa pamamagitan ng ­pagkakaisa, mas magiging madali ang pagharap sa COVID-19.

COVID-19, virus ka lang, Filipino kami!

 

Read More

“COMMUNITY QUARANTINE” SA NCR: MANGYARING SUMUNOD SA MGA AWTORIDAD

FORWARD NOW

NAKIKIUSAP tayo sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Rizal na makipagtulungan tayo sa mga hakbang ng ­gobyerno at sumunod tayo sa mga patakaran kaugnay sa ­ipinaiiral na “community quarantine” sa Metro Manila simula kahapon ­(Marso 15) hanggang Abril 14.

Hindi lingid sa ating kaalaman na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kung kaya sinasang-ayunan natin ang naging hakbang ng inter-agency task force na gawin ang nararapat upang hindi na lumala pa ang sitwasyon at mas ­lumaganap ang COVID-19 sa mga karatig lalawigan.

Batay sa resolusyon ng Inter-agency Task Force for the Management of ­Emerging Infectious ­Disease (IATF-MEID), hindi na rin muna papayagan ang lahat ng uri ng biyahe papasok at palabas ng Metro Manila ngunit dadaan ito sa araw-araw na pagsusuri ng inter-agency task force.

Nais nating linawin na ang pagbibyahe ng mga kalakal papasok ng Metro Manila at paluwas sa mga probinsiya ay tuloy-tuloy. Nangangahulugan ito na walang dapat na ipangamba ang ating mga nasasakupan sa Rizal hinggil sa suplay ng mga produkto, pagkain, at iba pang mga kalakal sa ating mga merkado, mga pamilihan at mga nagtitinda ng tingi.

Sa NCR, mananatili ang operasyon ng LRT, MRT at PNR pero ipatutupad ng Department of Transportation ang stringent social ­distancing measures habang ipinaiiral ang isang buwang quarantine para sa lahat. Kaya walang dapat na ipag-alala ang ating mga manggagawa dahil mananatiling normal ang daloy ng mga pampublikong sasak­yan upang may masakyan sila papasok sa trabaho gayundin sa pag-uwi ngunit kailangan nilang sundin ang social distancing guidelines.

Hindi tuwirang pagbabawalan ang mga taga-Rizal na pumasok at lumabas sa Kamaynilaan basta may maipakita lamang silang katibayan o patunay na sila’y nagtatrabaho sa kumpanyang nakabase sa Metro Manila.

Maliban sa pagpapalawig ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila hanggang ika-12 ng Abril, ipinagbawal din ang “mass ­gatherings” sa panahong ito, ipatutupad ang ‘barangay-wide quarantine’ oras na may dalawang nagpositibo sa COVID-19 mula sa magkaibang bahay sa iisang barangay at ‘municipality/city-wide quarantine’ oras na makakita ng dalawang kaso ng COVID-19 sa magkaibang baranggay na nasa iisang munisipalidad.

Nais nating pawiin ang agam-agam ng ating mga manggagawa at mga mamumuhunan sa lalawigan ng Rizal dahil ang community quarantine sa NCR ay pansamantala lamang. Hinihikayat din natin ang lahat na maging mapagmatyag at kalmado dahil hindi makakatulong kapag nangamba at nataranta. Kailangan nating magkaisa para mabilis na masugpo ang COVID-19, malalampasan din natin ito.

 

Read More

EXTRA ELIGIBILITY YR SA SENIOR ATHLETES Kapag tuluyang kinansela ang NCAA 95

NAKATAKDANG pagkalooban ng ‘extra year of eligibility’ ang senior o graduating athletes na kalahok sa mga hindi matatapos na sports events sa sandaling tuluyang makansela ang NCAA Season 95.

Sa pamamagitan ni league’s Management Committee (ManCom) chairman Peter Cayco ng host school Arellano, nagsumite sila ng rekomendasyon sa Policy Board na kanselahin na ang nalalabing season ng liga. Kung mangyayari ito, ang mga senior athletes na walang problema ay daragdagan ng isang taon ang eligibility status.

“If it’s your final year, you still have one more year to play. Pero that is for those who have not completed their events,” pahayag ni Cayco sa panayam ng programang ‘FastBreak’ nina Freddie Webb at Boyet Sison sa DZMM.

“You can still play but we still have to clarify about the age. If you are still within the range, you can still play your final year,” dagdag niya.

Ang bawat student-athlete ay may limang taon para makapaglaro sa collegiate team at hanggang edad 25 lamang.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng suspension ay: indoor volleyball, football, lawn tennis, soft tennis, track and field, under-15 basketball at beach volleyball at maging ang cheerdance competition.

“Actually, we proposed to the policy board to cancel na the rest of the season. We are still awaiting approval. But in the meantime, we were overtaken by the declaration of a lockdown. So we still have enough time to contemplate what to do,” paliwanag ni Cayco.

“But for us in the Management Committee, we have decided to recommend the cancellation for the rest of the season because it will eat up to Season 96.”

Dahil sa coronavirus outbreak, ilang beses nang nakansela ang mga event ng NCAA Season 82 at nitong nakaraang linggo ay muling sinuspinde ang mga laro matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila lockdown. (VT ROMANO)

 

Read More

PILIPINAS 3X3, WORLD TOUR MANILA MASTERS KINANSEL

NAGDESISYON ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 at International Basketball Federation (FIBA) na i-postpone ang 2020 President’s Cup.

Kanselado na rin ang World Tour Manila Masters dahil pa rin sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
“We have decided to move the opening of our first conference to a later date because of the on-going COVID-19 pandemic,” sabi ni Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas.

“As Filipinos, the health and safety of our players, officials, staff, and, most importantly, our fans are the most important thing to us,” dagdag niya.

Ang anim na leg na President’s Cup ay magsisimula sana sa March 29 sa events center sa SM Fairview. Tampok sa liga ang 12 koponan, siyam ay galing sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Samantalang ang Chooks-to-Go FIBA 3X3 World Tour Manila Masters ay nakatakda sana sa Mayo 2-3, 2020 sa SM Megamall fashion hall.

Inilipat ang Manila Masters sa Agosto 15-16 sa parehong lugar.

Ang Manila Masters ay isang maximum-level FIBA 3×3 event na tampok ang mga pambansang koponan at mga pinakamahuhusay na clubs sa buong mundo.

Ang iba pang FIBA 3×3 events na na-postpone ay ang Olympic Qualifying Tournament na dapat gagawin sana sa Marso 18-22 sa Bengaluru, India, at Asia Cup sa Mayo 13-17 sa China.

Hindi pa naitatakda ang araw para sa OQT subalit ayon sa FIBA, kailangan itong agad na maisagawa bago ang Universality OQT sa Abril 24-26 sa Budapest, Hungary. Ang Asia Cup ay gaganapin na sa Setyembre 9-13.

“We at Chooks-to-Go Pilipinas are closely monitoring the situation on a daily basis. But for now, we are calling on everyone to make personal safety as the utmost priority,” sabi pa ni Mascarinas. (ANN ENCARNACION)

Read More

Para iwas-coronavirus, NO TO SPITTING IN PUBLIC—PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

UPANG maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, ipinanukala ni eight-division world boxing champion Manny Pacquaio ang pagdura sa kung saan-saan lang.

Sinabi ni Pacquiao, ang kanyang Senate Bill No. 1406 o “Anti-Spitting Act of 2020” ay naglalayong pigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naapektuhan ng coronavirus.

Sa panukalang batas ng Fighting Senator, ang mga mahuhuling dumudura sa mga pampublikong lugar ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P50,000 at ilan buwang pagkakulong.

“Considering the gravity of the situation, there is an urgent need to institute a concrete preventive measure to stop the spread of the disease that has become a global health emergency,” sabi ni Pacquiao.

“This shall not only prevent the spread of the coronavirus and (but also) other contagious and airborne diseases,” dagdag niya.

Sa proposed bill ng Pambansang Kamao, ang first offender ay pagmumultahin ng P5,000 at sa ikatlong offense ay P50,000 multa at kulong ng mahigit anim na buwan.

Nauna nang ideneklara ng World Health Organization ang Covid-19 na pandemic at pandaigdigan nang problemang pangkalusugan. (ANN ENCARNACION)

Read More

Public Health Emergency na kaya UAAP HS TIGIL NA

NASA ilalim ng Public Health Emergency (PHE) ang National Capital Region kaya’t minabuti ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na kanselahin na ang high school tournaments nito.

Kaugnay ng PHE, nagsimulang ipatupad ang ‘social distancing’ kahapon (Marso 15) at magtatagal hanggang Abril 14, 2020, kung saan ipinagbabawal ang pagtitipon ng mga tao, kasama na rito ang “sporting events and other entertainment activities.”

Suspendido rin ang lahat ng antas ng klase hanggang Abril 14, 2020, ayon naman sa Department of Education.

Apektado ng suspensyon ng klase ang academic calendar para sa high school unit, na sa panahong iyon ay patapos na dapat ang klase pati na rin ang sporting season.

Ang girls’ basketball at beach volleyball ang nasakop ng nasabing suspensyon.

Kanselado naman ang athletics, demo sport lawn tennis at exhibition sport streetdance.

Dapat sana’y maghaharap noong Marso 6 sa winner-take-all Game 3 ang Adamson University at UST sa girls’ basketball, sa halip ang Baby Lady Falcons at Junior Growling Tigresses ay idineklara na lamang bilang co-champions para sa nasabing demonstration event.

Nabitin din ang beach volleyball tournament regular season, kung saan sa girls’ division ay umabante na ang Nazareth School of National University (5-0) at UST (5-1) sa semifinals. Habang nasa ikatlong puwesto ang De La Salle-Zobel (3-2), at tabla naman ang UE at Adamson sa fourth (2-3). Talsik na ang FEU-Diliman (1-4) at Ateneo High School (0-5).

Habang sa boys’ side, swak sa semis ang UST (6-0) at FEU-D (5-1) at magkakatabla sa 3-3 ang UE, Adamson at NSNU. Laglag na ang DLSZ, AHS at UPIS. (VT ROMANO)

Read More

IBF super-flyweight bout: ANCAJAS vs RODRIGUEZ MATUTULOY SA ABRIL

TULOY ang laban ni Jerwin Ancajas sa US sa April 11, kaya’t hindi siya nagpapaawat sa training kahit pa may coronavirus scare.

Nakataya ang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title ni Ancajas sa laban niya kontra Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa Cosmopolitan Resort & Casino sa Las Vegas.

“Tuloy daw po ang laban,” ito ang pagtitiyak ng trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez.

“March 20 kami aalis,” dagdag ni Jimenez.

Sinegundahan naman ni MP Promotions president Sean Gibbons ang pahayag ni Jimenez. “All good so far.”

Ang naturang 12-round bout ang kauna-unahang laban ni Ancajas sa Las Vegas.

Una nang ineskedyul noong November 2, 2019 sa California ang laban nina Ancajas at Rodriguez ngunit hindi natuloy nang mabigo ang huli na makakuha ng US visa.

Sa halip ay nilabanan ni Ancajas si Miguel Gonzalez ng Chile noong December sa Mexico kung saan nanalo ang Pinoy pug via sixth-round stoppage.

Bago ang Metro Manila lockdown kahapon ay sa Dipolog ang training camp ng 28-anyos na tubong Panabo, Davao Del Norte, at swerteng nakabalik sa Maynila noong Biyernes.

“March 15 yung ticket namin, pero nung nagpunta kami para magpa-rebook Friday, na-suwertehan na meron pang bakante kaya nakaalis kami,” sabi ni Jimenez.

Sa ngayon ay nagte-training si Ancajas sa isang hindi pinangalanang gym sa Maynila.

“Kailangang ingat na ingat at tago na tago,” ayon kay Jimenez.

Read More

NEWS ROUNDUP: BATANGAS MAY 4 KASO NG COVID-19

UMAKYAT na sa apat ang bilang ng kaso ng novel coronavirus (COVID-19)  sa Batangas.
Ito ay makaraang magpositibo sa virus ang isang residente mula sa Lipa City.

Wala pang nilalabas na anomang impormasyon ang health officials ng lalawigan hinggil sa panibagong kaso maliban sa kumpirmasyon ni Lipa City Mayor Eric Africa na ito ay ginagamot na ngayon sa isang ospital sa labas ng lalawigan.

Sinabi rin nito na hindi ito na-confined sa alinmang ospital sa Lipa City.
Sa impormasyon naman mula kay Laguna health officer Rene Bagamasbad, isang pasyenteng positibo sa COVID-19 ang in-admit sa isang ospital sa Sta Rosa City.

Pero niliwanag nito na ang pasyente ay nagmula sa Batangas at pinaniniwalang siyang pang-4 na kaso sa Batangas na taga Lipa City. NILOU DEL CARMEN

UNANG KASO SA LAGUNA
NAGTALA na rin ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Ito ay opisyal na ipinahayag ni Gov. Ramil Hernandez sa kanyang Facebook page, hatinggabi ng Linggo.
Pumunta  ang pasyente sa isang ospital sa Sta. Rosa City upang magpatingin at kinuhaan ito ng sample na ipinasuri sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM. Pinaghahanap na ng lokal na pamahalaan ng  Sta. Rosa ang mga nakasalamuha nito.

Kaugnay nito, nagtayo na ng tinawag na Triage area ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa mga ospital sa Nagcarlan, Majayjay, Pakil at Sta. Cruz na siyang magmo-monitor at mangangalaga sa seguridad ng mga pupunta sa ospital. CYRILL QUILO

1 RIN SA ANTIPOLO
KINUMPIRMA ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares na may una na ring kaso ng coronavirus sa siyudad.
Ayon sa alkalde, isang 60-taong gulang na lalaki ang nagpositibo sa COVID-19 sa Antipolo.

Dinala ang pasyente sa ospital noong Marso 9, 2020 at ang unang findings ay mayroon itong pulmonary infection. Kinalaunan ay nalaman na positibo ito sa COVID-19.

Kasabay nito, pinaiiral na sa siyudad ang curfew sa mga minor simula alas-8 ng gabi hanggang 5 ng umaga maliban kung may kasamang magulang o guardian. KIKO CUETO

IKA-2 KASO SA CAVITE
KINUMPIRMA ng tanggapan ng bise alkalde ng Silang, Cavite na nagpositibo sa COVID-19 ang isang pasyente na naunang sumailalim sa pagsususri.

Sa Facebook account ni Silang, Cavite Vice Mayor Aidel Paul Belamide, sinabi nito na nakumpirma ng Department of Health (DOH) na positibo ang lalaking medical practitioner.

Dagdag pa ni Belamide, ipinag-utos na rin ni Silang Mayor Corie Poblete ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente at ang disinfection sa buong bayan.

Matatandaan na isang 50-anyos na seaman mula sa Japan ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Cavite. Patuloy itong nilalapatan ng lunas sa RITM. SIGFRED ADSUARA

CURFEW SA MAYNILA
INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na susunod ang lungsod sa pagpapatupad ng curfew mula alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.

Sa kanyang facebook live, sinabi ng alkalde na kasama ito sa programang Code Covid-19 Contain and Delay response plan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Moreno, ang isang residente ay makalalabas lamang sa oras ng curfew kung mayroong emergency, tulad kung bibili ng mga pangunahing pangangailangan at kung may work related requirements. D. ANIN

Read More

‘CONTROL POINTS’ SA METRO DINAGDAGAN

MAS dinagdagan ang tinatawag na “control points,” kung saan makikita ang mas maraming pulis sa Metro Manila kasunod ng paglalagay ni Pangulong Duterte sa National Capital Region sa community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Mas matinding police visibility at traffic management ang gagawin sa “control points,” habang ang checkpoints, na matatagpuan sa borders ng Metro Manila at kalapit na mga probinsya, ay may guidelines na ipinatupad ang Department of Transportation, ayon kay Southern Police District spokesperson Major Jaybee Bayani.

Titignang maige ng mga pulis ang mga maglalabas-masok sa Metro Manila, aalamin o titignan kung may trabaho sila sa Maynila bago payagang pumasok at kailangang magpakita ng ID. Kukunan din sila ng temperature gamit ang thermal scanner gun.

Kabilang sa mga lugar na may control points sa ilalim ng Northern Police District:

1. Caloocan City

PCP4 AREA- Quirino Highway Cor. Malaria Rd Boundary of Caloocan and Bulacan

PCP 3- Phase 7C Dela Costa Homes Boundary of Caloocan and Musan Bulacan

PCP 3- Phase 9 Boundary of Evergreen Vill. Brgy Gaya-Gaya SJ Bulacan

PCP 3- Phase 10 Caloocan and Bulacan Bridge

PCP 6- Bankers Vill. Gate 3 Boundary of Caloocan and Meycauyan

PCP 6- Sierra Nova Subd 1 Boundary of Caloocan and Meycauyan

PCP 6 Sierra Nova Subd 2 Boundary of Caloocan and Meycauyan

PCP 6 – Sierra Nova Subd 3 Boundary of Caloocan and Meycauyan

PCP 6- Gubat Sa Siudad Boundary of Caloocan and Meycauyan

PCP 6- Shelterville Brgy 171 Boundary of Caloocan and Meycauyan

2. Malabon City

Don Asilio Blvd Brgy. Dampalit Malabon

Panghulo Road Malabon

3. Valenzuela City

NLEX (Entrance)

MC Arthur Highway Malanday Boundary of Valenzuela and Meycauyan (Exit)

4. Valenzuela City

Punturin Boundary of Libtong Meycauyan (Primary)

NLEX Harborlink (Mindanao Ave MM Exit)

Lawang Bato Emergency Exit to Nlex

Viente Reales Skyline Exit 10 Meycauyan, Bulacan

Viente Reales Tugatog Exit to Meycauyan, Bulacan

Lingunan Ciudad Grande Exit to Meycauyan

NLEX Linguhan Exit Going to Valenzuela

Lawang Bato NLEX Overpass Near Memorial Gardens

NLEX Paso De Blas Entrance

Wawang Pulo Boundary of Obando Bulacan.

Habang sa Southern Police District ang:

1. Muntinlupa

Susana Heights

2. Las Piñas

Daang Hari

Zapote Road

3. Parañaque

Roxas Blvrd Cor. Mia Road

Macapagal Blvrd. Cor. Pacific Ave.

4. Muntinlupa City

Tunasan- San Pedro Boundary, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City

Tunasan- Cuyab Boundary, Arandia St., Brgy Tunasan, Muntinlupa City

In front of Parce Bello, Victoria Homes, Brgy Tunasan, Muntinlupa City

Biazon Road Corner MCX Road, Brgy Poblacion, Muntinlupa City

SLEX Tollgate Exit (Westbound), East Service Road, Brgy. Alabang Viaduct, Muntinlupa City.

Sucat- Taguig Boundary, Dr.A Bunyi St, Brgy. Sucat, Major J Posadas Ave., Cor., West Service Road, Brgy. Sucat, Muntinlupa City

Habang sa Eastern Police District naman:

1. Marikina City

Makabayan St., Cor JP Rizal Brgy Nangka

Pambili St., Cor Marcos Highway (U-Turn) Brgy San Roque

Armscor Ave. Cor Sampaguita St. Fortune (To San Mateo)

Delos Santos Ave. Monterey Hills, Fortune (To San Mateo)

Lilac St., Cor. Olive St., Concepcion Dos (To Antipolo)

Olive Ext. Footbridge, Concepcion Dos (To Antipolo)

Sumulong Hi-way Cor Katipunan Access Road, Sto. Niño (To Antipolo

Marcos Highway in front of Buenaviahe Bldg Brgy San Roque

San Miguel PH 3 Brgy Fortune

Champaca St., Cor Ponteverde Drive Brgy Concepcion Dos

Panorama St., Cor Waco St., Brgy.Concepcion Dos

Panorama St., Cor Ignatius St., Brgy. Concepcion Dos

Katipunan St., Cor Tangerin St., Concepcion Dos

Chestnut St., Cor Gospel St., Brgy San Roque

East Bank Road, Brgy. Sta Lucia (To Taytay)

Ortigas Ave. Ext., Brgy Sta. Lucia ( To Antipolo/Taytay)

2. Pasig City

Kaginhawaan St., Cor. Lexi Ave., Maggahan

Green Park Gate Felix Ave Dela Paz

Greenwood Ave., Pinagbuhatan

R Thadeus St., MRV, Sta Lucia

West Bank Road, Brgy Maybunga (To Taytay)

A. Sandoval Corner Eusebio Ave., Brgy Pinagbuhatan ( To Taytay)

Eusebio Ave Cor C6 Road Brgy Pinagbuhatan (To Taytay)

Tramo Road., Sta Lucia. KIKO CUETO

Read More