MGA OSPITAL SA METRO PUNUAN NA NALALAGPASAN na ang bilang ng bed capacities ng health care facilities sa Metro

Manila dahil sa dami ng gustong magpatingin kaugnay ng sakit na COVID-19, ayon sa
Department of Health (DOH).

Sa isang panayam kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, napupuno na ang mga ospital sa Metro dahil sa dagsa ng mga tao.
“Hindi natin sinasabi na ganoon na karami ang may sakit ng COVID-19, kaya lang marami lang nagso-show ng signs and symptoms,” ani Vergeire.

Binigyang-diin ng opisyal na ang direktiba ng health authorities sa publiko na ‘yung mga may mild symptoms at ‘yung mga walang sintomas ay manatili na lamang sa
kanilang bahay at sumailalim sa home quarantine.

“Mas mataas ang risk ng pagkahawa-hawa ng populasyon kung pati po yung mild at asymptomatic ay nasa ospital din at naghihintay kasama ang mga posible na may
COVID-19,” ayon pa kay Vergeire.

Sa kasalukuyan ay may 142 nang kumpiramadong kaso ng COVID-19 sa bansa na pumasok na sa sustained community transmission, ayon sa DOH.

Sa ngayon ay limitado pa rin ang testing capacity ng bansa ngunit, tiniyak naman nila na paparating na ang mga test kit na manggagaling sa Japan at China. D. ANIN

Read More

HEALTH WORKERS PINABIBIGYAN NG SASAKYAN

HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Transportation (DOTr) na magpadala ng sasakyan para sa mga health worker mula at patungo sa kanilangpinapasukang pagamutan o health facilities.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na walang masakyan ang mga health worker dahil sinuspinde ng pamahalaan ang lahat ng uri ng mass transporation sa buong Kamaynilaan. “It is essential that vehicles are provided to ferry our health workers from their localities to their respective health facilities. Hindi pwedeng ma-paralyze angserbisyo ng ating mga health facilities just because our health workers are unable to report to work because of the lack of transportation options,” ayon kay Hontiveros sa pahayag nitong Martes.

Hinikayat ni Hontiveros ang DOTr na makipag-ugnayan sa pribadong kumpanya na makakuha ng mas maraming sasakyan sa lansangan upang pagsilbihan ang mga health worker.

“We need buses, coasters, and other spacious vehicles that can accommodate the most number of health workers within the frame of social distancing,” ayon pa kay Hontiveros.

“This should be free service to all our unsung heroes working at the frontlines in our fight against the COVID-19 pandemic,” aniya.

Nauna nang ipinanawagan ni Hontiveros na bigyan ng hazard pay ang lahat ng health workers at iba pang frontline workers na inatasang magtrabaho.

Iminungkahi rin ng senador na italaga ang mga major point sa mga lungsod at munisipalidad bilang point-to-point or P2P Stations para sa mga sasakyan na ito.

“Hindi na kayang problemahin ng mga ospital at health facilities ang mobility ng kanilang mga health workers, sa dami na ring nakaasa sa kanila,” paliwanag ni Hontiveros. “The government needs to step in and make sure that our health workers are not stranded outside because of the suspension of public transportation,” giit niya. ESTONG REYES

Read More

BALIWAG MAYOR NAGPOSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Mayor Ferdie Estrella ng Baliwag, Bulacan.

Ito ay ayon mismo sa Facebook post ng alkalde na kinumpirma rin ng kanyang staff ngayong araw.

Base sa FB post ng alkalde, lumabas ang resulta ng pagsusuri mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kaninang umaga.

Base sa kuwento ng alkalde, nitong nakaraang Linggo, nakaranas umano siya ng panghihina ng katawan at sipon at dahil katulad ito ng mga sintomas ng isang
affected ng COVID-19 ay minabuti niyang sumangguni sa doktor.

Minabuti ng alkalde na ipaalam agad ang kanyang sitwasyon dahil nararapat lamang na malaman ito ng lahat partikular ng mga Baliwagenyo.

Si Estrella ay naka-confine sa hindi nabatid na pagamutan kung saan, ayon sa kanyang staff ay nasa mabuti naman itong kalagayan.

“I may not be physically present at the moment, but rest assured that you have a working government,” ayon pa sa post ng alkalde.

Sa ngayon, ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Cris Clemente at ang Task Force Covid-19 ang aayuda sa mga mamamayan ng naturang bayan. Base sa record,
si Estrella ang ikalimang Bulakenyo na tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan. ELOISA SILVERIO

Read More

MRT AT LRT IPINASASAILALIM SA FULL MAINTENANCE

mrt20

SA gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine, iminungkahi ni House Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento ang pagsasailalim safull maintenace ng buong linya ng MRT 3 at LRT.

Ayon kay Sarmiento, ngayon ang pinakamagandang pagkatataon para iutos ng Department of Transportation ang full maintenance ng mass transit.

Aniya, may sapat na panahon ngayon para maisaayos ang mga problema ng MRT at LRT dahil sa matagal-tagal na paghinto ng operasyon nito.

Dagdag ng kongresista, dapat ding samantalahin ang pagkakataon para maglagay ng kinakailangang imprastraktura at isapinal ang detalye ng panukalang centralized atsynchronized bus dispatch system.

Kung magagawa umano ito ay malaking ginhawa sa mga pasahero sa oras na maging normal na muli ang sitwasyon.

Para naman sa mga manggagawang mangangasiwa sa gagawing repair at maintenance works, sinabi ni Sarmiento na dapat tiyakin na mahigpit na ipatupad ang biohazardprotocols para maiwasang kumalat ang COVID-19.

Naniniwala si Sarmiento na ang enhanced community quarantine ay hindi lang dapat gamitin para pigilan ang pagkalat ng virus kundi oportunidad din para atupagin angmga trabahong magpapagaan sa buhay ng mga Filipino gaya ng pagsilip sa mga problema ng mass transit ng bansa. ABBY MENDOZA

Read More

Euro, Americas at final boxing Olympic qualifiers NABIKTIMA NG COVID-19

KANSELADO na ang European, Americas at final world qualifying boxing tournaments para sa Tokyo Olympic Games dahil sa coronavirus outbreak sa buong mundo.

Ito ang napagdesisyunan ng International Olympic Committee (IOC), sa pamamagitan ng Boxing Task Force (BTF) nito na siyang namamahala sa mga narurang events matapos ang  suspensyon ng world body AIBA noong nakaraang taon, makaraang mag-lockdown ang maraming bansa dahil sa Covid-19.

Bagamat hindi pa nagsisimula ang Americas at final world tournaments, nasa third day competition na ang 10-day European event sa London’s Copper Box nang bigla itong suspendihin dahil sa pandemic virus.

Sa kabila nito, 16 na lalaking boxers sa flyweights at featherweights ang nakasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics bago ang shutdown noong Lunes ng gabi. Kabilang sa mga ito sina British flyweight Galal Yafai at Frenchman Billal Bennama.

Nauna rito, Linggo pa lang ay inutos na ng BTF na huwag magpapasok ng mga manonood o gawing closed doors ang European boxing event.

Natapos na ang Africa, Asia and Oceania boxing Olympic qualifiers habang ang  Americas event na naka-schedule aa Buenos Aires sa March 26-April 3 ay na-postpone noong nakaraang linggo.

Matatandaan na ang Asia and Oceania event, na dapat ay gagawin sa Wuhan, China na pinagmulan ng coronavirus, ay inilipat sa Amman, Jordan.

Ang huling worlds qualifier sa Paris ay magaganap sa May 13-20.

Tiniyak ng BTF na ilalabas nila ang mga detalye sa qualification process para sa ibang regions sa mga darating na araw.

Paliwanag ng task force, napilitan silang kanselahin ang European event sa gitna ng global travel restrictions at quarantine measures upang bigyang pagkakataon ang mga participant sa 60 bansa na makapag-adjust sa kanilang travel plans at makauwi sa kanilang mga tahanan.

Tiniyak pa ng BTF na araw-araw nilang e-evaluate ang sitwasyon upang makumpleto ang distribusyon ng mga natitirang Tokyo 2020 boxing quota places sa May at June.

“The BTF’s priority remains the qualification of athletes on the field of play, and it will inform all stakeholders as soon as more information is available,” giit ng IOC.

Read More

8 PATAY SA BUMALIKTAD NA TRUCK SA ZAMBOANGA

ZAMBONGA DEL SUR – Patay ang walo katao habang sugatan ang iba pa makaraang bumaliktad ang sinasakyan nilang elf truck na may kargang troso nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilalala ang mga namatay na sina Rey Alfornon, 24-anyos; Orlando Sabejon, 44; Noel Cabellon, 19; Berlindo Labador, 34; Edwin Delos Santos; Marvin Hemang, 30; Loui Jay Omandam, 34, at isang 15-anyos na lalaki.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng elf truck na kinilalang si Leolito Tam, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lalawigan.

Batay sa report, nangyari ang insidente sa Purok 1, Barangay Liguac, Pitogo, Zamboanga del Sur.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang driver sanhi ng mechanical brake failure at dahil mabilis ang takbo ay bumaligtad ang sasakyan.

Kaagad namang dinala sa ospital sa Margosatubig, Zamboanga del Sur ang mga biktima ngunit walo sa kanila ang nalagutan ng hininga.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries si Tam. (ANNIE PINEDA)

Read More

NEGOSYANTE ITINUMBA SA CARWASH

COTABATO – Patay ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang nagpapalinis ng sasakyan carwash, iniulat nitong Martes ng umaga sa probinsyang ito.

Kinilala ang biktimang si Nicanor Hadji Omar, residente ng Brgy. Central Malamote sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Batay sa report ng Matalam Police, nangyari ang insidente sa Canlas Carwash Station sa Purok Kamia, Brgy. Poblacion, Matalam.

Lumabas sa imbestigasyon, abala ang biktima sa carwash at hindi napansin ang pagdating dalawang lalaking armado ng .45 kalibreng baril at siya ay pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay na.

Nabatid na dating drug surrenderee si Omar.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente para alamin ang posibleng motibo sa krimen. (ANNIE PINEDA)

 

Read More

2 BATA NAHULOG SA ILOG, NALUNOD

LAGUNA – Nalunod ang dalawang batang lalaki makaraang mahulog sa ilog sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Jhon Robert Centeno Reyes at Stephen Leonardo de Luna, kapwa 10-anyos, estudyante at residente ng San Pablo Sur at Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Sta. Cruz Police, nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon habang naliligo sa gilid ng Sta. Cruz river si De Luna at ang isa pang 10-anyos na bata na si Vince Lebron Tolentino.

Bigla umanong nahulog sa ilog ang biktimang si Reyes ngunit nahawakan nito ang paa ni De Luna kaya magkasamang lumubog ang dalawa sa malalim na bahagi.

Itinakbo ang dalawa sa Laguna Medical Center matapos masagip ng mga rescuer ng MDRRMO at ng mga bystander ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

PINOY HINIKAYAT NI PDU30 NA MAGDASAL

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sambayanang Filipino na ipagdasal ang bawat isa lalo na ang mga tinatawag na frontliners laban sa COVID-19.

Aniya, tanging ang Panginoong Diyos ang may kapangyarihan na talunin o sugpuin ang bawat kalaban, nakikita man o hindi.

Mahalaga aniya na ipagdasal ang lahat ng doctor at health professionals at health workers, at ipagdasal din ang gobyerno at ang buong bansa.

At kahit pa aniya pinananatili ang distansiya sa bawat isa o ang tinatawag na social distancing measure, ay mahalagang manatiling malakas at nagkakaisa sa diwa para labanan ang mapanganib na COVID-19.

Aniya, sa bisa ng pagkakaisa ng mga Filipino at biyaya ng Panginoon, malalagpasan din ang lahat ng ito. CHRISTIAN DALE

 

Read More