TOTAL lockdown daw ang sagot para mabawasan ang mahawaan ng COVID-19, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda. Sa pahayag ni Salceda, sa total lockdown sa Metro Manila ay mangangahulugang tigil lahat sa trabaho. Ang papayagan lamang na makapagtrabaho ang media, medical workers, sundalo, pulis at iba pang may kinalaman sa pagtulong sa isyu ng COVID-19. Pero, dapat suportahan daw ng gobyerno ang kanilang pangangailangan tulad ng kanilang pagkain at iba pang bayarin at kwentado na rin daw ni Cong. Salceda kung magkano ang gagastusin ng gobyerno at kakayanin naman daw…
Read MoreDay: March 18, 2020
KRIMEN MAWAWALA SA LOCKDOWN
KUNG mayroong mawawala o kaya mababawasan ng malaking porsyento ay ang mga krimen dahil sa pagsasailalim ng gobyerno sa community quarantine sa buong Metro Manila. Visible na ang mga pulis at militar sa mga lansangan ngayon sa Metro Manila lalo na sa mga borders upang ipatupad ang community quarantine at maiwasan na dumami pa ng husto ang magkakasakit ng COVID-19 Kung may gagawa pa ng krimen, tiyak na hindi na sila makakalusot sa mga awtoridad kaya malamang ay magtatago muna ang mga kriminal habang nasa lansangan ang mga pulis at…
Read MoreYASSI AT SAM “NAG-LOCK-IN” SA BAGUIO
MAPAPANOOD na sa iWant simula March 18 ang ‘The Tapes’ na pinagbibidahan nina Yassi Pressman at Sam Milby. Sa Baguio kinunan ang mga eksena para sa naturang digital series. Ayon sa aktres ay malaki ang naitulong ng kanilang lokasyon para sa tema ng bagong proyekto. “Mararamdaman mo ‘yung eeriness and ‘yung creepiness. At the same time, meron ding lightness kasi si Alice at Cruz (karakter nina Yassi at Sam) very close sila. Para silang best friends pero hindi. So nagba-balance siya do’n sa contrast ng story,” pagbabahagi ni Yassi. Matatandaang…
Read MoreBIYAHE PALABAS NG BANSA TULOY
MAAARING bumiyahe ang mga Filipino migrant workers at turista patungong ibang bansa mula Luzon habang nakataas ang “enhanced community quarantine” sa lugar, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles. “OFWs and foreign nationals leaving for abroad shall be allowed to leave the Philippines anytime for the duration of the enhanced community quarantine, provided that proof of international travel itinerary scheduled within 24 hours must be presented,” ani CabSec Nograles sa press briefing nitong Martes. Aniya, may mga kondisyon ang polisiya. Isang tao lamang ang papayagan na makasama ng isang biyahero o…
Read MoreMULTA SA BUWIS AWAT MUNA – NOGRALES
SA gitna ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng COVID-19, itinutulak ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles na huwag nang patawan ng multa ang mga mahuhuling maghain ng kanilang income tax returns. Ayon sa mambabatas, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mahirap na sitwasyon sa kasalukuyan para makapagtransaksyon kaya nagkaisa sila ng kapwa mambabatas na si Albay Rep. Jose Clemente Sarte Salceda, na ipanukala ang nasabing hakbang at ang pag-aalis ng tax filing requirements sa mga maghahain ng ITR. Sinabi pa ni Nograles, na siya ring…
Read MoreOPERASYON NG POGO SUSPENDIDO
HINDI pinapayagan ng pamahalaan na mag-operate ang Philippine Online Gaming Operators (POGO) base sa guidelines na ipinalabas nito para sa implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa buong rehiyon ng Luzon. Ang probisyon ay bahagi ng guidelines na isinapubliko ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, nitong Martes. Ang operasyon ng POGO sa bansa ay malawak na tinalakay ng pamahalaan at mga mambabatas dahil na rin sa karamihan ng empleyado nito ay mga Intsik. Sa presentasyon sa Senado, isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros na laganap umano ang illegal recruitment, illegal detention, at sexual…
Read MoreBAYANIHAN BUHAYIN SA COVID-19 CRISIS
PINABUBUHAY ng isang mambabatas sa Kamara ang kultura ng mga Filipino na “bayanihan” sa gitna ng paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19 upang hindi na lumala ang sitwasyon. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran ang nasabing mungkahi dahil kooperasyon o bayanihan ang isa sa mga epektibong solusyon para malagpasan ang problemang ito. Kailangang kumilos din aniya ang lahat ng mga barangay official sa buong Luzon at buhayin ang Barangay Emergency Response Teams (BERT) upang matulungan ang mga kabarangay ng mga ito na karapat-dapat mabigyan ng economic aid. Dapat din…
Read MoreDefensor kinalampag ang DOH FATALITY RATE NG PINAS MATAAS
PINAGPAPALIWANAG ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) kung bakit ang Pilipinas ang may pinakamataas na mortality rate o namatay sa COVID-19. “We still have small numbers of infection cases and deaths, but a quick glance at the data would show that in terms of percentage, there are more Filipinos than there are Thais, Indonesians or Indians dying of this disease,” ani Defensor, vice chairman ng House committee on health. Noong Lunes ay umabot na sa 140 ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kung saan 12 ang…
Read MoreBASIC NEEDS NG MAHIHIRAP UNANG TUGUNAN
HINILING ni Senador Edgardo “Sonny” Angara sa local government units at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na unahin ang pagbibigay ng ayuda sapangunahing pangangailangan ng quarantined families sa kanilang nasasakupan. Sa pahayag, sinabi ni Angara na kailangan tiyakin ng pamahalaan na may makakain ang mahihirap nating kababayan ngayon pinaigting ang community quarantine sa buongLuzon. “Ngayon na nakakulong sa bahay ang marami sa ating kababayan dahil sa enhanced community quarantine dapat siguraduhin ng ating pamahalaan na meron silang makakainaraw-araw,” ayon kay Angara. Sinabi ni Angara na mas makabubuti sa…
Read More