KULONG, MULTA SA MAGKAKALAT NG FAKE NEWS

MAKUKULONG na ng dalawang buwan, pagmumultahin pa ng hanggang isang milyong piso ang mga magpapakalat ng fake news sa social media sa gitna ng laban kontra sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ang isa sa mga ipinasok na amendment sa Bayanihan To Heal As One Law na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay sa kanya ng karagdagang kapangyarihan sa paglaban sa COVID-19.

Sa Section 6 ng nasabing batas, maging ang mga indibidwal, grupo na nagpapakalat ng fake news sa COVID-19 sa pamamagitan ng social media at iba pa, na walang basehan at nakaapekto sa mga mamamayan, ay kasama sa parurusahan ng dalawang buwang pagkakakulong at multa na mula P10,000 hanggang P1 Million.

Magugunita na maraming fake news ang kumalat sa gitna ng kampanya ng gobyerno para makontrol ang pagdami ng mga mabibiktima ng COVID-19 na labis na ikinaalarma ng mamamayan.

Kasama rito ang kumalat na impormasyon sa social media na diumano ay magkakaroon ng nationwide lockdown na naging dahilan para lalong mag-panic ang mga tao.

Labis namang ikinabahala ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil posibleng gamitin umano ang batas na ito para patahimikin ang netizens na ilabas ang kanilang saloobin sa istilo ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19.

PASAWAY NA LGUs
SAPUL DIN

Kasama sa maparurusahan sa nasabing batas ang mga pasaway na Local Government Unit (LGUs) lalo na ang mga mayor at

barangay captain na ayaw sumunod sa national government o may sariling sistema sa paglaban sa COVID-19.

Base sa nasabing batas, ididiskuwalipika sa public office ang mga local official na ayaw sumunod sa mga alintuntunin ng national government sa paglaban sa nasabing virus.

“Under such emergency power, local government officials risk being booted out from their post for merely adjusting their COVID-19 response to the specific needs of their jurisdiction. Hindi na lang parinig kundi parusa at pagpapatalsik ang maaring abutin ng LGU officials. Lalong hihigpit ang hawak ng Pangulo sa leeg ng mga LGU,” ani Brosas. BERNARD TAGUINOD

Read More

HOME GARDENING PARA IWAS BURYONG

IMINUNGKAHI ni Senador Cynthia Villar sa sinomang nababagot sa bahay habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na magsagawa ng home gardening na bukod sa magiging produktibo ang panahon, may inaasahan pang aanihin pagdating ng oras.

Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food and on Environment and Natural Resources, na magandang oportunidad ang work suspension at mandatory home stay para makapagsimula ng makabuluhang gawain sa bahay.

“Sa atin na nasanay na laging may ginagawa, nahihirapan tayo paano papalipasin ang oras. Planting is something you can start alone or with your family. It’s a way of introducing agriculture to our children,” ayon kay Villar.

Ayon kay Villar, may tutorials sa internet tungkol basic instructions sa home garden.

“Hindi kailangan ng malaking lupain. You can plant in small spaces or containers and start with crop varieties that are easy to grow like pechay, sili, tomato, eggplant, okra, calamansi, among others,” aniya.

Idinagdag pa ni Villar na dapat isulong ang urban agriculture at vertical gardening para manatili ang mga tao sa kanilang bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. ESTONG REYES

Read More

Barangay officials binalaan “NO VOTER’S ID, NO FOOD PACKS” BAWAL – DILG

NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang sinomang kapitan o opisyal ng barangay na humihingi muna ng voter’s ID sa kanilang mga nasasakupan bago mabigyan ng rasyong food packs.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, walang ganoong patakaran na dapat ipatupad lalo na’t lahat aniya sa mga panahong ito ay nangangailangan.

Hindi aniya dapat pairalin ang anomang anyo ng pulitika sa ganitong klase ng sitwasyon at krisis na kung saan ay pawang apektado ang lahat.

Sa kabilang dako, nanindigan naman si Usec. Malaya na per household ang pagbibigay ng food packs na tatagal ng 3 araw at wala nang kailangan pang i-presenta sa mga opisyal ng barangay na anomang dokumento bago sila mabiyayaan ng rasyon.

Kaya’t ang apela ni Usec. Malaya, huwag mag-atubiling isumbong sa kanila ang mga nagpapatupad ng No voter’s ID, No food pack policy at agad nila itong aaksiyunan. CHRISTIAN  DALE

Read More

COVID-19 UPDATE

636 – nagpositibo
26 – nakarekober
38 – nasawi

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 636 ang kabuuang bilang ng mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng DOH, hanggang alas-4:00 ng hapon ng Miyerkoles, Marso 25, ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 84 na bagong kaso ng sakit, mula sa dating 552, kaya umakyat sa 636 ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Nadagdagan din ng tatlo ang mga namatay sa sakit na mula sa dating 35 lamang ay umakyat na ngayon sa 38.

Kabilang sa binawian ng buhay sina PH319, na isang 56 year old male na mula sa Quezon City; PH326 na 57 year old male mula sa Caloocan City at PH29 na 82 year old female na mula sa Marikina City at may travel history sa Amerika.

Nadagdagan din ng anim ang mga pasyenteng nakarekober sa sakit kaya mula sa 20 nitong Martes ay naging 26 na ito ngayon. D. ANINA

Read More

Kinondena ng Makati Med sa paglabag sa home quarantine protocol KOKO NAGDULOT NG PELIGRO

KINONDENA ng pamunuan ng Makati Medical Center ang paghahatid ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa kabiyak na si Kath sa nasabing ospital sa kabila na sumasailalim siya sa home quarantine lalo na nang mabunyag na positibo sa COVID-19 ang senador.

Nabatid na inihatid ni Pimentel sa MMC ang kanyang maybahay dahil nakatakda na itong manganak.

Naka-home quarantine ang senador matapos kunan ng swab sample noong Marso 20, 2020.

Sa pahayag, inamin ni Pimentel na positibo siya sa COVID-19 na kanyang nalaman umano hatinggabi ng Marso 24 mula sa tawag ng Research Institute for Tropical Medicines (RITM). Agad din aniya siyang umalis sa pagamutan nang malaman ang resulta ng kanyang swab test.

“Yes, (I was with Kath yesterday) as she was scheduled to give birth this morning. I receieved the call from RITM when I was already in the hospital last night (March 24, 2020) hence I left immediately,” aniya.

Aniya, naka-self quarantine pa rin siya at maganda ang kanyang pakiramdam.

“Since the last day of session, March 11, 2020, I had already tried my best to limit my movement. I will call (to the best of my ability) those I remember meeting during those crucial days so that I can inform them of my test result,” ayon sa senador.

Gayunman, binatikos ng MMC ang anila’y paglabag ng senador sa strict infection and containment protocols.

Sa ginawa umano ni Pimentel ay inilagay nito sa peligro ang mga healthcare worker na posibleng mahawa sa impeksyon.

“We denounced the irresponsible and reckless action of the senator. He added to the burden of a hospital trying to respond in its most competent and aggressive manner to come with the daunting challenges of this COVID-19 outbreak,” saad pa sa statement na inilabas ng MMC.

Dagdag pa ng pagamutan, kinailangan nilang isailalim sa decontamination at disinfection ang buong delivery room bago ito muling gamitin upang masigurong ligtas ang mga gagamit nito.

Tinawag din ng MMC na rhetoric ang babala ng senador sa publiko para sumunod sa social distancing, enhanced community quarantine measures, paghuhugas ng kamay at pagpapanatiling malinis sa katawan dahil siya mismo ay hindi umano sinusunod ang mga ito.

“By his actions, he contributed no solution. In fact, he created another problem – for Makati Medical Center, the very institution which embraced his wife for obstetric care,” pahayag pa ng MMC.
Maging sa social media ay binatikos ng netizens ang anila’y kawalan ng ingat at pagiging arogante ng senador dahil sa kanyang paglalagay sa peligro sa buhay ng mga nakasalamuha niya sa kanyang paglabag sa home quarantine.

Ikalawa si Pimentel kay Senate Majority Leader Juan Miguel”Migz” Zubiri na naging positibo sa COVID-19 matapos makaharap ang isang biktima sa ginanap na pagdinig ng Senado.

Kasalukuyang naka-self quarantine sina Senador Sonny Angara, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros dahil may kontak sila sa COVID-19 positive. Negatibo naman ang ilang senador kabilang sina Senador Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Richard Gordon, Christopher Lawrence “Bong” Go at Senate Minority Leader Franklin Drilon. DAVE MEDINA, ESTONG REYES

Read More

LATIGO SA MGA PASAWAY

PRO HAC VICE

Dapat  siguro magkaroon ng kaunting kamay na bakal ang pamahalaan upang mabigyan ng mabigat-bigat na kaparusahan ang mga pasaway partikular na ang mga kabataan na siya ngayong pangunahing sakit ng ulo ng mga local governments units (LGUs).

Kung kailangang maparusahan ng mas mabigat upang matauhan o matuto ang mga pasaway nating mga kababayan partikular na ang mga kabataan ay dapat gawin na ito ng pamahalaan.
Sobrang abuso na po ang ginagawa ng mga pasaway na mga yan! Wala na ngang naitutulong sa pamahalaan ay nagpapasaway pa.

Alam naman nila na kaya ipinababawal na ang magpagala-gala sa lansa­ngan ay upang makaiwas sa posibleng pagkahawa sa nakakamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Siguro kailangan ng pamahalaan ng kaunting kamay na bakal para doon sa mga taong nanadyang magpasaway!

Gaya na lamang doon sa napabalita sa mga TV Station na mga kabataan sa bahagi ng Laguna na tinatawanan pa ang mga barangay tanod na nagpapaalala sa kanila na mayroong umiiral na curfew hours na sa halip na umuwi sa kani-kanilang pamamahay ay nakikipagpatin­tero  pa sa mga tanod kaya nang mahuli sila ng mga barangay tanod hayon inilagay sila sa kulungan ng aso.

kung ako po ang tatanungin ay kulang pa nga yon dapat sa mga ganoong ka bastos na kabataan latiguhin sa plaza kasama ang kanilang mga magulang upang magtanda..
Ang mga magulang ng mga batang iyon may gana pang umanoy ­magreklamo dahil sa ginawa sa kanilang mga anak. Ang kapal naman ng pagmumukha ninyo may gana pa kayong mareklamo eh dapat nga sa inyo isinamang ikulong doon sa kulungan ng aso upang maintindihan ninyo ang inyong kapabayaan. Mga tinamaan kayo ng lintek!!!

Hirap na nga ang pamahalaan natin sa ­paghanap ng mga paraan upang mabawasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 kayo naman ay nagpapasaway pa!!!
Kaya tama lang ang naging panukala ng Philippine National Police (PNP) na kasuhan na ang mga pasaway at nang maintindihan ng mga yan kung gaano kaseryoso ang a­ting pamahalaan sa paglaban sa nakakamatay na ­COVID-19.

Read More

MGA BAGONG BAYANI NG PANAHON

Sa Ganang Akin

SA maraming parte ng mundo ay tila COVID-19 ang pangunahing ­usapin at laman ng balita. ­Maging dito sa Pilipinas, wala nang ibang ibinabalita kundi mga impormasyon at balitang ukol sa pandemyang ito. Maitutu­ring na isang matinding dagok ito hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Hindi lamang ang mga tao sa Luzon ang ­nakararanas ng kasalukuyang ipinapatupad na enhanced community lockdown. Ito kasi ang  natukoy na mabisang hakbang upang mabilis na mapigil ang pagkalat ng nasabing virus.

Bunsod nang mabilis na pagkalat ng COVID-19, napakara­ming mga health worker at health ­professional sa iba’t ibang parte ng mundo ang ­humihingi ng tulong sa taumbayab. Iisa ang kanilang pakiusap – ang manatili sa bahay ang mga tao at ­iwasang lumabas kung ­hindi naman kinakailangan.

Nais kong magbigay pugay sa mga doktor, nars, at iba pang mga health worker na patuloy na ­pumapasok sa mga ­ospital upang makapagbigay ng serbisyong medikal. Sa ganitong panahon ay lalo kong ­ipinagmamalaki ang maging ama ng isang ­doktor.

Kasama rin sa dapat bigyan ng pagkilala sa panahong ito ay ang serbisyo ng industriya ng pagkain pati na rin ang mga taong nagpapanatili ng seguridad ng bawat isa gaya ng mga security guard, pulis, at militar.

Sa lokal na pamahalaan naman ay tila ­nabihag na ni Pasig Mayor Vico Sotto ang kalooban ng marami. Kahit hindi Pasigueno ay nagpapahatid ng paghanga at pagsuporta sa kanya dahil sa napakahusay na pangangasiwa niya sa Pasig ngayong panahon ng quarantine. Kagaya ng hakbang ng bise ­presidente at ng Department of ­Transportation, nagbigay din siya ng shuttle service para sa mga health worker na naninirahan sa Pasig. Kasama kasi sa enhanced community quarantine ang pagsuspinde ng serbisyo ng mga pampublikong sasakyan kaya’t marami ang wala nang masakyan at naglalakad na lamang makapasok lamang sa trabaho.

Nagtutulong-tulong ang iba’t ibang sektor ng ­pamahalaan upang ­matulungan ang mga ­apektado ng quarantine. Kasama rito ang Department of Energy sa pamununo ni Secretary Alfonso Cusi. ­Suportado ito ng ­Meralco kaya’t upang masigurong hindi maaantala ang serbisyo ng ­kuryente, ­binibigyan nito ang mga customer ng 30 araw na palugit mula sa due date ng mga bill nito mula ika-1 ng ­Marso hanggang ika-14 ng Abril at ipinagpapaliban din ng M­eralco ang mga ­scheduled maintenance maliban na lamang kung talagang kailangan.

Maging ang mga pinuno sa pribadong sektor ay tumutulong din sa mga mamamayan na ­naapektuhan ng ­pandemyang ito, simula sa kanilang mga empleyado. Nag-anunsyo si Chariman Manuel V. ­Pangilinan sa kanyang mga ­empleyado mula sa PLDT, Smart, at Meralco ukol sa ­maagang pagbibigay ng 13th month bonus ng mga ito. ­Padadalhan din sila ng supply ng ­vitamin C upang masigurong may sapat na kakayanan at maayos na kalusugan ang mga ito ngayong ­ipinapatupad ang enhanced ­community ­quarantine sa Luzon. ­Bukod dito ay tutulong din ang Metro ­Pacific ­Investments Corporation (MPIC) sa pagdaragdag ng supply ng alcohol sa pamamagitan ng paunang supply ng 4,000 litro nito mula sa Roxas Holdings para sa mga ospital na pag-aari ng estado.

Napakalaking bagay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng ating ­lipunan sa paglaban natin sa pandemyang ito. Kung lahat tayo ay susunod sa ­pamahalaan, magiging mas mabilis ang ­pagsupil natin sa COVID-19. ­Patuloy tayong manalig sa Panginoon. Ayon nga sa Jeremiah 30:17, “For I will restore Health to you and heal you of your wounds, says the Lord.”

Read More

LGUs, BRGY. OFF’LS NA PASAWAY KASTIGUHIN

PUNA

ITINUTURO ng ilang delivery trucks, health workers at mga manggagawa na kaya hindi sila nakakarating sa kani-kanilang patutunguhan dahil sa mga pasaway na Local Government Units (LGUs) at barangay officials.

Hindi raw po kasi sila pinadadaan ng mga ito sa kani-kanilang ipinatutupad na sariling lockdown sa kanilang lugar.

Kung anu-ano raw pong mga dokumento ang hinahanap ng mga ito sa mga dumadaan sa kanila.

Kaya hindi tayo magtataka kung bakit nauubusan na ng stocks na paninda sa mga groceries at supermarkets.

Duda tuloy ng mga delivery truck na gustong manghingi ng lagay ng LGUs at barangay officials na kanilang dinadaan kaya ganoon na lang sila higpitan ng mga ito.
Maraming beses nang nagbabala si Department of Interior and Local ­Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na paparusahan ang mga pasaway na LGUs at barangay officials subalit balewala pa rin sa mga kumag na ito.

Ganoon din si P­hilippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa na maraming beses nang nagsabi sa mga checkpoint ng PNP na kailangan padaanin ang delivery trucks, health workers,
manggagawa sa pabrika ng pagkain, ­telecommunications, media at iba pang may kinalaman sa paglaban sa COVID-19.

Ganoon pa rin, hinaharang pa rin!

Maging si Dr. Antonio Ramos ng Lung Center of the Philippines inamin na ang kanilang ibang medical workers ay hindi makadaan sa mga checkpoint.

Marami sa kanila ang hindi na nakakapasok kung kelan kailangan pa naman dahil sa dami ng kanilang mga pasyente.

Ginagawa na lang nila ay hindi na nila pinauuwi ang kanilang mga kasamahan at sa hospital na nila mismo pinatutulog.

May mga barangay chairman din na nagpapabayad ng kanilang quarantine pass.

Pasaway talaga kayo buwisit!

Hala, sige antayin nyo ang HAGUPIT ng DILG ang titigas ng ulo nyo!

oOo

Humingi ng saklolo si Dr. Ramos ng Lung Center of the Philippine

kakapusin na raw po sila ng kanilang Personal Protective Equipment (PPE).

Sana raw po sa may mabubuting loob na mag-donate sa kanila ng PPE.

Ito ay ang parang PPE na ginagamit nilang parang kapote para hindi sila mahawaan ng COVID-19 habang ginagampanan nila ang kani-kanilang mga trabaho.

Sa buong medical ­workers lang ng Lung Center of the Philippines ay gumagamit sila ng 80 hanggang 100 PPE kada araw.

As of March 23, 2020, Lunes  mayroon na lang silang 88 piraso ng PPE.
Ayon pa kay Dr. Ramos kailangan din nila ng ‘isolation gowns’.
Maaaring tumawag sa cell#  0917-582-48-47 ang gustong mag-donate ng PPE at isolation gowns yan po ang celphone ni Dr. Ramos.

Sana po matulungan natin sila kawawa naman sila, 4 na doktor na po ang namatay matapos mahawaan ng COVID-19 mula sa kani-kanilang mga ­pasyente.

Sila ang mga bayani natin kaya ‘wag natin sila pabayaan.
Mayroon naman daw mabibili pang PPE pero halos limang beses na raw po ang presyo nito mula sa dating P500 ay tumaas na ito ngayon sa P3,000 bawat piraso.

Sus Mio! Grabe ang itinaas wala talagang puso ang mga negosyanteng may hawak nito.

‘Wag kayong ganyan, hindi natutulog si Lord alam niya ang pananamantala ­  n’yo.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

Read More

CONTACT TRACING SA MGA NAKASAMA NG YUMAONG JUDGE IKINASA

TINUTUNTON na ng mga awtoridad ang mga nakasalamuha ng yumaong judge ng Laguna na hinihinalang tinamaan ng COVID-19.

Nasa 33 katao na ang nasa talaan ng Laguna police office na direktang nakasalamuha ng judge mula noong buwan ng Pebrero hanggang sa bawian ito ng buhay.

Noong Linggo, Marso 22, pumanaw si Judge Virgilio Gesmundo, Regional Trial Court Branch-8 Family Court ng Calamba City dahil sa hinihinalang COVID-19.

Kabilang sa nasa talaan ang 18 personnel ng naturang trial court, at ang 14 na mga person under custody mula sa Calamba detention cell na nagkaroon ng hearing mula noong Pebrero 7 hanggang
Marso 11 bago nagkasakit ang judge.

Kabilang din sa isasailalim sa person under monitoring (PUM) ang pitong pulis na nag-escort sa mga inmates patungo sa korte.

Ang contact tracing ay personal na ipinag-utos ni Laguna police director PCOL Serafin Petalio II. NILOU DEL CARMEN

Read More