SOCIAL DISTANCING SA BAHAY IBINIDA NI PANELO

Atty Salvador Panelo

SINABI ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may umiiral na social distancing sa loob ng kanilang bahay para makaiwas sa peligro ng coronavirus disease 2019. Aniya, hindi sila sabay-sabay kumakain ng kanyang asawa at isang anak para masiguro na iwas sa COVID-19. Subalit, kung sakali naman aniyang magkakasama silang kumakain sa mesa ay sinisiguro ng kanyang mag-ina na ang distansiya nila ay isa at kalahating metro. “Kami dito sa bahay may social distancing. Hindi kami sabay-sabay na kumain. Kung sabay-sabay man kami, talagang ang distansiya namin isa at kalahating metro,”…

Read More

RICE MILL, NFA WAREHOUSES SA BULACAN BANTAY-SARADO

MAHIGPIT na binabantayan at nagdagdag din ng security measures sa mga rice mill sa Golden City Business Park at Intercity Industrial Estate, kapwa major rice trading centers sa bansa na nakabase sa bayan ng Bocaue, Bulacan, Ayon kay Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Central Luzon regional police director, nakatanggap sila ng impormasyon sa sinasabing pag-atake ng mga robbery syndicate sa mga supermarket, grocery stores, warehouses, at iba pang food banks sa gitna ng nararanasang kakulangan sa essential food supply o basic commodities dulot ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa…

Read More

MALABON, MAY ISANG KASO NA NG COVID-19

MAY isang COVID-19 positive na sa Malabon City, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon. Ayon kay Malabon Public Information Office (PIO) head Bong Padua, ang naturang pasyente ay isang lalaki na naka-admit ngayon sa isang ospital sa labas ng lungsod. “Nananawagan ako sa bawat pamilyang Malabonian: Di baleng matakot, huwag lang mag- panic. Sundin natin ang mga patakaran ng enhanced community quarantine. Manatili sa inyong tahanan at ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon,” pahayag naman ni Mayor Lenlen Oreta. Tiniyak din ng alkalde na ginagawa ng pamahalaang lungsod,…

Read More

P5K-P8K KADA BUWAN SA 18 MILYONG PAMILYA

MAKATATANGGAP ng P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan ang may 18 milyong pamilya na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Kabilang ito sa Bayanihan Act of 2020 na inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, hatinggabi ng Lunes, Marso 23, na nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na galawin ang mga pondo ng gobyerno at gamitin sa kampanya laban sa COVID-19. sa ilalim ng nasabing panukala na inayunan ng 284 congressmen at 12 Senador sa ikatlo at huling pagbasa matapos…

Read More

KARAHASAN DULOT NG GUTOM IWASAN – MARCOS

NAGBABALA si Senator Imee Marcos na posibleng sumiklab ang kaguluhan o karahasan sa Metro Manila kung hindi kaagad matutugunan ang kakulangan ng supply sa pagkain na ngayon ay unti-unting nararanasan sa mga pamilihan. Ayon sa senador, hindi malayong magkagulo sa Metro Manila kung magpapatuloy ang nararanasang kagutuman sa mga pamilyang walang pinagkakakitaan dahil sa pinaiiral na extreme quarantine. Kaugnay nito, nanawagan si Marcos na agad ipamigay nang libre ang tone-toneladang sakong bigas na nasa mga bodega ng National Food Authority (NFA) kabilang na ang mga frozen assorted fish sa Bureau…

Read More

1 PANG DOKTOR NG HEART CENTER, PUMANAW SA COVID-19

ISA na namang doktor ng Philippine Heart Center ang namatay matapos dapuan ng COVID-19. Ang pagpanaw ni Dr. Raul Diaz Jara, dating PHA President at isang cardiologist, ay inanunsyo Sa Facebook ng anak na si Paolo Cecilio A. Jara. Sa post ng batang Jara nakasaad na “My dad died 2:16 am March 24, 2020 fighting Covid-19, he is a Doctor in Philippine Heart Center”. Nagluluksa ang buong medical team sa bansa sa pagpanaw ni Dr. Jara. Nauna nang nagpahayag si Philippine Medical Association (PMA) president Jose Santiago, Jr. na sana…

Read More

DILG: ‘Mga PDL NG BJMP LIGTAS SA COVID-19’

TINIYAK ni Interior Secretary Eduardo Año na ligtas ang persons deprived of liberty (PDL) na nakakulong sa mga bilangguang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa pandemyang novel coronavirus-2019 o COVID-19 dahil sa pagpapatigil ng pagdalaw sa kanila ng kani-kanilang mga mahal sa buhay simula noong Marso 11. “With the suspension of visitation rights, the PDLs have no way of contacting the virus and are therefore much safer than all of us who are out in the open and exposed to the movement of people and…

Read More