REGULASYON NG DOH SA SENIOR CITIZENS, STUPID IDEA – SOLON

0

TINAWAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na stupid idea ang regulasyon ng Department of Health (DOH) na nagbabawal sa mga senior citizen na lumabas ng kanilang mga tahanan kahit maging maluwag na ang pinaiiral na community quarantine.

Ayon kay Lacson, dapat magpa-eksamin muna ng kanilang utak kay National Center for Mental Health chief administrative officer Dra. Clarita Avila ang ilang mga opisyal ng DOH bago magpalabas ng mga regulasyon.

Sinabi ni Lacson na marami sa mga senior citizen ang mas malusog pa at may malakas na immune system kumpara sa mga bata.

“To indiscriminately prohibit them from going out of their homes is not only arbitrary; it is downright stupid,” saad nito.

“Just to give credence to my argument – ang ibang male Senate staff ko nga na di hamak na mas bata kesa sa akin, hindi makasabay sa akin pag gumagamit ako ng stairs paakyat sa 6th floor office ko. Yung iba naman, laging may sipon at laging uubo-ubo, samantalang ako, laging malakas ang immune system,” paliwanag ng senador.

Hindi rin sang-ayon sina Senador Ralph Recto at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa regulasyon.

“Most of our political and business leaders are seniors. They should be allowed to work and be mobile,” saad ni Recto.

“If that rule is enforced, Senate President (Tito) Sotto, Sens (Dick) Gordon, Lacson, (Lito) Lapid and myself cannot attend the senate sessions starting May 4.

And, PRRD (Pangulong Rodrigo Duterte), (Executive Secretary Salvador) Medialdea, (Finance Secretary Sonny) Dominguez, among others, should not leave their respective residences. Absurd? (Health Secretary Francisco) Duque himself should not leave his house under this rule,” diin naman ni Drilon. DANG SAMSON GARCIA

Read More

MGA LUGAR SA ILALIM NG ECQ BINAGO NG PALASYO

0

INANUNSYO ng Malakanyang ang revised coverage ng enhanced community quarantine na magsisimula na bukas, May 1 kung saan kasama ang Visayan cities of Bacolod at Iloilo.

Inilatag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga lugar na nananatili sa ilalim ng ECQ hanggang May 15.

Ito, ayon kay Sec. Roque ay ang Metro Manila, Central Luzon maliban sa Aurora, Southern Tagalog Region (CALABARZON), Pangasinan, Benguet, Iloilo kabilang ang Iloilo City, Cebu, Bacolod City at Davao City.

Ang iba pang bahagi ng bansa ay magsisimula na sa kanailang “new normal” o general community quarantine bukas. CHRISTIAN DALE

Read More

‘NEW NORMAL’ SA MGA MAGSASAKA, MANGGAGAWANG BUKID

Badilla Ngayon
0

SA kasalukuyan, mayroong 61.71 milyong manggagawa sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa bilang na ‘yan, 22 porsiyento  o 13,576,200 ang magsasaka at manggagawang bukid na matatagpuan  mula sa tuktok ng ulo ng Luzon hanggang sa talampakan ng Mindanao.

Alam nating lahat na tigil sa pagsasaka sila dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at community quarantine (CQ) sa maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Dahil diyan, sapul ang produksyon ng bigas.

Ngunit, higit na tinamaan ang kabuhayan ng mga magsasaka at manggagawang bukid dahil paglabag sa batas ang lumabas sa bahay habang ipinatutupad ang ECQ at CQ.

Inaasahang mapapalitan ang ECQ at CQ ng general community quarantine (GCQ) sa maraming bahagi ng Luzon pagkatapos sa Mayo 1, maliban sa ilang rehiyon at lalawigan na aabot pa ang ECQ

hanggang Mayo 15 dahil sa malaking bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019.

Ang rehiyon ng Central Luzon at lalawigan ng Pangasinan ay hanggang Mayo 15 ang ECQ kung saan napakaraming magsasaka sa mga lugar na ito.

Pagkatapos ng Mayo 15, inaasahang makababalik na sa mga bukid na kanilang pinagsasakahan at pinagtatrabahuan ang milyun-milyong magsasaka at manggagawang bukid  na malapit nang sumuong sa tinatawag na “new normal” sa pagsasaka.

Kung maisasabatas ng Kongreso ang panukala tungkol sa new normal na buhay, obligadong magsuot ng face mask ang lahat ng mga Filipino kung pupunta sa mga pampublikong lugar at obligado rin nilang pairalin ang ‘physical’ at ‘social distancing’ upang maging ligtas mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hindi rito pinuntirya ang pagkakaroon ng napakagandang buhay, ang buhay na walang nagsasamantala sa mga manggagawa, magsasaka, manggagawang bukid, mangingisda, maralitang lungsod, guro, journalists at iba pa.

Sa new normal na buhay ng mga magsasaka at manggagawang bukid, sinabi ni Magsasaka party-lisy Rep. Argel Joseph Cabatbat na suportado niya ang agarang pagbabalik ng mga ito sa mga bukirin dahil pagsasaka lang ang inaasahan nilang pagkukunan ng pagkain at pangtustos sa kani-kanilang pamilya.

Kaya nga dalangin pa ni Cabatbat na sana sa pagbabalik ng mga magsasaka ay huwag na nilang madatnan pa ang dekadang problema ng magsasaka gaya ng patubig, kakulangan sa kapital, pagpasok ng imported na mga produkto at iba pang mga problema.

Ang binanggit ni Cabatbat ay ang mga suliranin ng mga magsasaka at manggagawang bukid na naging bahagi ng kanilang “normal” na buhay sa nakalipas na dekada.
Maganda ang hangad ni Cabatbat para sa kanyang mga kasamahang magsasaka at manggagawang bukid.

Habang nagtatrabaho sa bukid, kailangang ipaglaban at igiit ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang kanilang bagong normal na buhay na binabanggit ni Rep. Cabatbat.

Syempre, sa bahagi ni Cabatbat bilang mambabatas ay obligadong sipagan at paghusayan niya ang kanyang trabaho sa mababang kapulungan, sapagkat maraming kasapi ng lehislatura ay hindi

kapakanan at kagalingan ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang ipinaglalaban.

Kung ano ang nasa isipan n’yo, palagay ko pareho tayo ng iniisip kung ano ang pangunahing ipinaglalaban ng mga kasapi ng Kongreso.

Read More

MAGLILIGTAS NG BUHAY?

DPA
0

NAGKUKUMAHOG tayong lahat para mailigtas ang buhay ng mga tao mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagsimula sa China na ikinamatay na libo-libong tao sa buong mundo kasama na ang a ting bansang Pilipinas.

Pero nakakagalit ng bagang na may mga hospital na dahilan ng pagkamatay ng ilan nating kababayan dahil ayaw nilang tanggapin ang pasyente dahil walang mag-aasikasong doktor at walang perang pang-downpayment.

Tulad ng kaso ni Katherine Bulatao ng Caloocan City na namatay matapos tanggihan ng 6 na hospital sa Caloocan at Quezon City dahil wala silang maibigay na P30,000 na dowmpayment.

Hindi lang si Bulatao ang biktima ng mga hospital na namatay dahil walang pang-advance payment, kundi maraming iba pa kahit umiiral ang Republic Act (RA) 10932 o “An Act Prohibiting the Demand of Deposits or Advance Payments for the Confinement or Treatment of Patients in Hospitals and Medical Clinics in Certain Cases”.

Matagal nang ginagawa iyan ng mga hospital lalo na kung wala kang kakilala sa pagamutan na pinuntahan mo pero parang walang napaparusahan kaya hindi na ako magtataka kung paulit-ulit itong nangyayayari. Kawawa talaga ang mga probre!.

Nangyari ang kaso ni Bulatao habang ang gobyerno ay abalang-abala sa pagliligtas ng buhay ng mga tao sa COVID-19.

Anong kaibahan ng buhay ni Bulatao sa mga pasyente ng COVID-19 na dapat iligtas?

Pare-pareho silang kailangang iligtas at may karapatang mabuhay.

Noong kalagitnaan naman ng buwan ng Abril, ang senior citizen na si Ladislao Cabling ng Cabanatuan City, Nueva Ecija ay namatay matapos tanggihan din ng 6 na hospital na pinagdalhan sa kanya.

Hindi pa nasusuri ang biktima na nahirapang huminga dahil sa kanyang sakit na asthma pero itinuring agad siyang COVID-19 positive kaya may mga hospital na hindi siya tinanggap.

Malinaw na malinaw ang instruksyon sa mga hospital, pribado man at lalo na sa gobyerno na huwag na huwag tanggihan ang mga pasyente, positibo man ng coronavirus o hindi.

Nakakagalit din ang nangyari sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City noong Linggo nang harangin ng mga nagbabantay sa checkpoint ang mag-asawang magdedeliver ng oxygen tank sa kanilang pasyente.

Nakasalalay ang buhay ng pasyente sa oxygen tank na kanilang ide-deliver pero ayaw silang papasukin kahit may mga permit na silang naipakita at makakarinig pa sa mga taong nasa checkpoint na “e di mamatay” nang tanungin kung anong mangyayari sa dedeliberan nila ng oxygen kapag hindi nai-deliver.

Hindi parang “mali” kundi maling-mali ang katuwiran na ito ng mga nasa checkpoint kung sino man siya.

Kaya sila nasa checkpoint ay para siguraduhin na walang mahawa at mamatay sa COVID-19 pero habang ginagawa nila yan, mayroon naman taong hahayaan nilang mamatay? Baka kung sino-sino lang kasi ang inilalagay ng mga barangay sa mga checkpoint.

Hindi kaya ang mga na ilagay sa checkpoint ay ginagamit lang na dahilan ang pag-duty para lang hindi manatili sa loob ng kanilang bahay? Umayos nga kayo!

 

Read More

6 PATAY SA TONDO FIRE

0
ANIM ang deklaradong patay nang sumiklab ang sunog sa Tondo, Manila kaninang umaga.
Ayon sa report ng Manila Fire District, ng Bureau of Fire Protection,  nagsimula ang sunog sa 1888 Tioco St. sa panulukan ng Tapuri St., sakop ng Barangay 89 Zone 8 sa unang distrito ng Tondo.
Sa ulat ng BFP, bandang 6:37 nang ireport ang sunog sa bahay ng isang Alfredo Estabillo.
Nadamay pa ang may 20 pamilya at dakong 7:52 ngayong umaga nang ideklarang fire under control.
Sa inisyal na ult, kinilala ang anim na namatay na sina Nathalie Nicole Sorbito, 17; Shane Bernadette Sorbito, 16 ; Elizabeth Mendoza, 48; Janet Rosales, 49: ang lolang si Remedios Pacia, 70-anyos at isang lalaki na si Eugenio Pacia, 48-anyos. (RENE CRISOSTOMO)
Read More

2 PULIS PATAY SA AMBUSH

0

NASAWI habang nilalapatan ng lunas ang dalawang kagawad ng Philippine National Police makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng hapon sa Barangay Proper, Polomolok, South Cotabato.

Nagawa pang maitakbo  sa  Howard Hubbard Memorial Hospital ang mga biktimang sina P/Cpl.  Witzel Russ Bitantos at Patrolman Bryan Costello, kapwa nakatalaga sa Polomok PNP subalit hindi na naisalba.

Ayon kay Police Col. Jemuel Siason, Provincial Director ng South Cotabato PNP, alas 2:00 ng hapon nang isagawa ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang pananambang.

Lumitaw sa pagsisiyast na nagsasagawa ng motorcycle patrol operation ang mga biktima at pagsapit sa  Barangay Koronadal Proper ng Polomolok ay dinikitan sila ng mga salarin at pinaulanan ng bala.

Nabatid na may ilang persons of interest na tinututukan ang mga imbestigador na posibleng makapagtuturo  sa mga salarin. JESSE KABEL

Read More

BJMP PERSONNEL SA LAS PINAS, ISINAILALIM SA COVID-19 TEST

0

SUMAILALIM sa COVID-19 test ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakatalaga sa Las Pinas City Jail kahapon.

Isa sa mga prayoridad ni Mayor Mel Aguilar na tiyakin ang seguridad pangkalusugan ng mga frontliner sa lungsod maliban pa ang food security at peace and order sa kanyang mga nasasakupan ngayong panahon ng krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Isa po sa ating prayoridad na ma-test ang ating BJMP personnel para masiguro ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng virus sa loob ng ating city jail,” pahayag ni Mayor Aguilar.

Ito ay hiwalay pa sa isinasagawang rapid testing ng Las Pinas city government para sa mga health frontliner sa iba’t ibang barangay.

Dakong 9:00 ng umaga nang isailalim sa swab testing ang dalawampu’t dalawang (22) BJMP personnel sa pamamagitan ng pagkuha ng mucus sample sa ilong at lalamunan sa pangangasiwa ni Dr. Rosarie Oca.

Ayon kay City Health Office Chief Dr. Ferdinand Eusebio, ang mga swab samples ng BJMP personnel ay dadalhin naman sa Philippine Red Cross (PRC) para doon suriin kung positibo o negatibo ang mga ito sa COVID-19.

Matatandaan nitong nakaraang linggo ay nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA ) sa pagitan ng Las Pinas government at ng PRC para sa 1,500 swabbing test kits na nagkakahalaga ng P5 milyon na inilaan sa pagtugon ng COVID cases sa lungsod.

Batay sa PRC, malalaman ang resulta ng swab test ng isang pasyente sa loob ng 48- oras. JHAY JALBUNA

Read More

COMMUNITY ISOLATION FACILITY BINUKSAN SA NAVOTAS

0

BINUKSAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas noong Martes ang isang community isolation facility (CIF) para sa mga hindi malalang kaso ng COVID-19.

Ang nasabing CIF ay ang “converted” na bagong four-story building ng Navotas National High School na ngayon ay may 100-bed capacity.

Ang unang palapag ay laan para sa mga buntis o nagpapasusong ina na suspect o probable cases; ang ikalawa at ikatlong palapag ay para sa ibang suspect o probable COVID-19 patients; at ang ikaapat ay eksklusibo sa mga positibong kasong may hindi malalang sintomas.

Ang mga pasyenteng malala ang sintomas ay ginagamot sa Navotas City Hospital, habang ang mga kritikal na kaso ay inire-refer sa itinakdang COVID-19 hospitals.

“The community isolation facility helps prevent further transmission of the virus. It reduces the risk of COVID-19 patients infecting their families or neighbors.

Each room has television and NavoConnect wifi to provide entertainment to our patients. We want them to be as comfortable as possible and given the best care we can provide,” ani Mayor Toby Tiangco.

“We also installed CCTV cameras for easy monitoring of the patients. Our medical staff do not have to check on them constantly. This helps minimize the risk to our staff and provide privacy to the patients,” dagdag ng alkalde. ALAIN AJERO

 

BINUKSAN na ang Community Isolation Facility sa Navotas City sa pangunguna ni Navotas Cong. John Rey Tiangco kasama ang mga city health official para mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod. AJ GOLEZ
Read More

BAGONG SISTEMA SA PARDON AT EXECUTIVE CLEMENCY, IKINATUWA NI NOGRALES

0

IKINATUWA ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang inilabas na resolusyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa bagong patakaran upang mapadali ang aplikasyon para sa parole at executive clemency sa mga People Deprived of Liberty (PDL) lalo na sa mga senior citizen.

Ito ay upang mapaluwag ang mga bilangguan bunsod ng COVID-19 pandemic.

“We welcome the DOJ’s move, which speaks highly of their compassion and reassures us that the ears of our legal authorities are not deaf to our pleas for humanity,” ani Nograles na isang Harvard trained lawyer.

Base sa bagong resolusyon ng Board of Pardons and Parole (BPP), sinemplehan ang proseso sa pag-a-apply ng executive clemency at pinalawak din ang coverage nito kaya inaasahan na makatutulong para mapaluwag ang mga bilangguan sa buong bansa.

Maaari nang mag-apply ng executive clemency ang mga PDL na edad 65-anyos kapag umabot na sa limang taon ang binuno nila sa kanilang sentensya at maging ang mga

may sakit na irerekomenda ng mga doctor ng Bureau of Corrections (BuCor) at inayunan ng Department of Health (DOH).

Hindi kasama sa makikinabang sa bagong rules ang high risk inmates at mga nasentensyahan sa mga karumal-dumal na krimen tulad ng ilegal na droga.

Inaasahang mapadadali na ang pagpapalaya sa mga PDL dahil maraming requirement ang sinimplehan na lamang na karamihan ay documentary requirement maliban sa “Court

Certifications of No Pending Case and No Pending Appeal, and a check on the records of the PDL at the National Bureau of Investigation” at inatasan din ang BPP na

doblehin ang kanilang caseload review upang mapabili ang pagpapalaya sa kuwalipikadong PDLs.

“We are confident that our authorities will be efficient in implementing this directive, since based on President Rodrigo Duterte’s latest report, the Bureau of Jail Management and Penology already has an initial list,” ayon pa kay Nograles.

Sa report aniya ng BJMP, umaabot sa 3,384 ang matatandang PDL na edad 60-anyos pataas na hindi kabigatan ang kasong kinakaharap, 1,927 ang may sakit at 804 ang “non-recidivists” na pawang kuwalipikadong mapalaya.

Nakatakdang ipatupad ang implementing rules sa Mayo 15 o pagkatapos ng 15 araw na publikasyon subalit habang inaantay aniya ito ay dapat ituloy ng DOH ang ,pagpapalabas ng PDLs gamit ang lumang sistema lalo na ngayong panahon ng coronavirus disease.

“Sana hindi tayo magpatali sa date ng implementation, otherwise it might be too late. We don’t want a scenario where instead of implementing a preventive measure, we would be dealing with a full-scale disaster instead,” ani Nograles.

Ayon sa mambabatas, kinumpirma ng BuCor na tatlong inmate na ang namatay dahil sa COVID-19 na kinabibilangan ng dalawa mula sa Correctional Institution for Women at isa mula sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prison habang 47 pa ang nagpositibo sa nasabing virus sa CIW.

Bukod ito sa siyam na PDL at siyam na staff sa Quezon City Jail at 126 inmates, at 20 personnel naman sa Cebu City Jail ang nagpositibo sa COVID-19.

“We hope that this is only the first of many other steps the government takes to address the threat of infection in our congested prisons. Dumarami na ang bilang ng  COVID positive sa ating mga selda, kaya kailangan ng agarang aksyon,” ayon pa kay Nograles, founder ng Lakbay Hustisya Foundation, isang legal aid trust fund na inorganisa upang suportahan ang legal aid activities sa bansa.

“Gumagawa tayo ng mga hakbang, sa pakikipag-ugnayan natin sa BJMP, para masigurong makakapanayam pa rin ng ating mga PDL ang kanilang mga abogado kahit suspended ang visitation rights,” ayon sa mambabatas na kamakailan ay nag-donate ng 25 sets ng computers sa BJMP at para sa e-dalaw program sa mga bilangguhan upang makausap ng mga PDL ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng skypes lalo na’t hindi sila nadadalaw dahil sa ECQ habang nakatakda ring magbigay ng 15 sets ng computer ang foundation ni Nograles sa Visayas at Mindanao.

“These consultations will come in handy especially in light of the implementationof the Interim Rules. Makakatulong ang e-dalaw na mabigyang-linaw ang mga PDL sa

kalagayan nila, lalo na sa isyu ng eligibility for parole or executive clemency,” ani Nograles.

Read More