OSPITAL NA TATANGGI SA PASYENTE IPATATAWAG SA SENADO

IKINABABAHALA ng isang senador ang pagsasawalang bahala ng ilang ospital sa itinatakda ng Republic Act No. 10932 o ang “Anti-Hospital Deposit Law”. Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na paalala at pag-apela sa mga ospital na huwag tumanggi sa mga pasyente sa gitna ng patuloy na pag-aalsa ng coronavirus (COVID-19) sa bansa. Dahil dito, hiniling ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magsagawa ng agarang pagsisiyasat sa pagtaas ng bilang ng mga kasong ito at papanagutin ang mga opisyal ng lumalabag na ospital. “Ilang beses na akong umapela sa mga…

Read More

NANUHOL NG PULIS, KALABOSO

SA piitan bumagsak ang isang truck driver nang tangkain suhulan ang mga pulis na sumita sa kanya at sa kanyang helper sa checkpoint sa Valenzuela City Ayon sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw, minamaneho ni Roldan Otadoy, 36, ng Unit 33, Temporary Housing Building 12, Vitas, Tondo, Manila, ang Isuzu Elf truck (UKS-430) kasama ang helper na si Roderick Bunso, nang parahin sila sa isang police checkpoint sa kanto ng Gov. I. Santiago at Daffodil Streets sa Brgy. Malinta. Ipinaliwanag nina P/MSgt. Gilbert Soriano at P/Cpl. Boui Gamueda, kapwa nakatalaga…

Read More

WELDER PATAY SA KURYENTE

ILOCOS Norte – Basag ang bungo ng isang lalaki makaraang makuryente habang nagwe-welding sa kanilang bahay sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Jerry Baga, 43-anyos, residente Brgy. 22, San Guillermo sa bayan ng San Nicolas. Batay sa report ng pulisya, nagwe-welding ang biktima sa kanilang bahay nang makuryente dahilan para matumba ito at tumama ang ulo sa semento. Agad dinala sa Black Nazarene Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. ANNIE PINEDA 129

Read More

DAYUHAN PATAY SA SELF-QUARANTINE

BATANGAS – Natagpuang patay ang isang Arabo sa loob ng tinutuluyan niyang kuwarto sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ng San Juan police ang biktimang si Juma Abdulla Ramadhan Al Suwaidi, 66, United Arab Emirates (UAE) national at pansamantalang nanirahan sa Barangay Bataan. Batay sa report ng mga pulis, noong Martes ng umaga nang makitang wala nang buhay ang dayuhan habang nakahiga sa kama. Ayon sa mga awtoridad, dumating sa bansa ang naturang dayuhan noong nakaraang buwan galing sa UAE at kasalukuyang naka-self…

Read More

250 BAHAY SA DAVAO, NATUPOK

DAVAO City – Umabot sa 250 kabahayan ang natupok nang sumiklab ang sunog sa New Society Village sa Barangay Ilang sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon kay Davao City Fire District Spokesperson Senior Fire Officer 3 Ramil Gillado, nagsimula ang sunog sa Purok 3-B at 3-C, alas 2:30 ng umaga. Sinabi ni Gillado, nagsimula ang sunog mula sa kisame ng bahay ni Ronaldo Barrio at agad na kumalat sa iba pang mga istruktura. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), halos pawang yari sa light materials…

Read More

DISENTENG TIRAHAN SA MGA OFW HINIRIT SA OWWA

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbigay ng mas maraming disenteng tirahan para sa pagbabalik ng overseas Filipino workers (OFW) upang matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa panahon ng COVID-19. Tugon ito ng senador sa nakakaawang kalagayan ng mga OFW na nagsisiksikan sa maliit na OWWA shelter house tulad ng ibinahagi ng isang lalaking OFW sa pamamagitan ng social media. “We are placing all OFWs arriving under quarantine in government-sponsored facilities in order to prevent the possibility of wider coronavirus infection in the…

Read More

P45.8-B VS COVID-19, APRUB SA DBM

PUMAYAG na ang Department of Budget and Management (DBM) na maglabas ng P45.717 bilyong gagamitin ng Department of Health (DOH) laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19). Iniulat ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kung saan sinabi nitong kailangan ng DOH ang P45.717 bilyon upang mapaghusay pa ng kagawaran ang pagsugpo sa COVID-19. Bahagi ang perang ito ng P275 bilyong pondo ng pamahalaan na nakasaad sa “Bayanihan to Heal as One” Law na gagamitin laban sa COVID-19. Isa sa paglalaanan ng DOH sa P45.717 bilyon nito ay ang pagbili ng P1.35…

Read More

195 PDLs AT 33 JOs NG BJMP, PATULOY NA NAKIKIPAGLABAN SA COVID-19

INAMIN ng pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Martes sa komite ng mababang kapulungan ng Kongreso laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) na hindi pa gumagaling ang kanilang 195 persons deprived of liberty (PDLs) at 33 jail officers (JOs) mula sa notoryus pandemya. Sabi ni Chief Supt. Allan Iral sa virtual meeting sa pinuno at mga kasapi ng DEFEAT COVID-19 Committee ng mababang kapulungan na 195 PDLs ang nagpositibo sa COVID-19, mula sa 373 PDLs na isinailalim sa test. Wala pang gumagaling sa kanila, tugon ni Iral.…

Read More

IMEE: CONTRACTUAL WORKERS TIYAKING BALIK-TRABAHO

HINIKAYAT ni Senador Imee Marcos ang lahat ng employers na tiyaking makababalik sa kani-kanilang trabaho ang mga contractual worker sakaling tuluyan nang payagan ng pamahalaan ang pagbubukas ng mga pribadong kumpanya kabilang na ang mga pagawaan o pabrika. Kaugnay sa paggunita ng Araw ng Paggawa sa darating na Mayo 1, ang panawagan ay ginawa ni Marcos sa pangambang ang mga contractual worker ay hindi na pabalikin ng mga employer sa kanilang trabaho at gawing dahilan ang patuloy na pananalasa ng COVID-19. “Matagal nang exploited ang mga contractual worker kaya sana…

Read More