PASYAL BAWAL PA RIN SA GCQ – JTF COVID SHIELD

0

MULING nagpaalala ang mga awtoridad upang hindi abusuhin ng publiko ang pagsisimula ng general community quarantine na paiiralin sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa mula bukas.

Base sa direktiba ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nagtakda ng mga alintuntunin ang Joint Task Force COVID Shield kaugnay sa galawan ng mga tao sa ilalim ng GCQ.

Ito ay makaraang aprubahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang pagluluwag sa mga pinaiiral na community quarantine restrictions simula bukas (June 1).

Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang mga patakaran ay layunin na paalalahanan at gabayan ang sambayanan hinggil sa health safety protocols na mananatiling pinaiiral.

Sa likod ito ng maling akala na ang implementasyon ng GCQ ay nangangahulugan na libre na ang mga tao na mamasyal at maglakbay gaya ng ginagawa noong wala pang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“As President Duterte repeatedly said, our lives will never be normal again unless the COVID-19 vaccine is discovered and be made available to the public. While the Filipinos and the people around the world are waiting for that vaccine, we appeal for understanding if we still have to restrict some of the freedoms that our people enjoyed before,” paliwanag pa ni PLt. Gen. Eleazar.

Base sa inilabas na guidance ni SILG Año, maaaring lumabas at magbiyahe ang mga tao para sa medical and family emergencies at hindi na nangangailangan ng Travel Authority mula sa JTF COVID-19 Shield sa ilalim ng GCQ kung ang biyahe ay saklaw ng lalawigan o nasa loob ng Metro Manila.

Nilinaw rin nito na ang pagbibiyahe na sangkot ang dalawang lalawigan ay nangangailangan ng Travel Authority mula sa JTF COVID Shield. JESSE KABEL

Read More

SAKRIPISYO NG MAGSASAKA, KILALANIN

MAGSASAKA-5
0

NAIS ng isang senador na bigyang halaga ang kontribusyon at sakripisyo ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan.

“Isa sa mga napatunayan ng pandemya ang napakahalagang papel ng mga nagpapakain sa atin. Nabuksan ng pandemya ang mga mata natin na hindi tayo mabubuhay kung wala sila. Sana’y maging unang hakbang ang pagkilalang ito sa pagbibigay-halaga sa kanila,” sabi ni Senador Francis Pangilinan na dati ring nanungkulan bilang Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization.

“Mapapakita natin ang ating pasasalamat kung patuloy nating direktang tatangkilikin ang kanilang mga produkto katulad ng nangyari nitong quarantine,” dagdag nito.

Tinutukoy nito ang halaga ng pagkain na P2.2 bilyon na binili ng local government units (LGUs) sa mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi pa ni Pangilinan na ang Sagip Saka Act ay malaking tulong hindi pa lamang sa mga magsasaka kung hindi sa lahat ng tao.

“Kapag mas na-engganyo na silang magtanim, mas maraming agricultural products ang nasa merkado, mas bababa ang presyo nito, mas maigi para sa mamimili,” sabi nito.

“Batas na itong Sagip Saka. Kailangang malaman ng mga magsasaka at mangingisda kung paano ito gamitin para mapakinabangan nang husto,” ayon pa kay Pangilinan. NOEL ABUEL

Read More

KAPALPAKAN NI PDUTERTE SA OFWs, KINASTIGO

0

TODO-TODONG binanatan ni Senadora Leila de Lima ang tingin niyang mga kapalpakan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suliranin ng overseas Filipino workers (OFWs) makaraang magkaroon ng lockdown sa maraming bahagi ng mundo, kabilang na sa Pilipinas dulot ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

“Pinapaapura na ni Duterte ang pagpapauwi [sa] mahigit 24,000 OFWs sa kani-kanilang [mga] bahay. Ito ay matapos ang halos dalawang buwang pagkatengga nila sa mga quarantine facility sa Metro Manila. Ito ay matapos maglabasan ang sanlaksang reklamo ukol sa napakatagal na paglabas ng resulta ng kanilang COVID-19 tests. Ito ay matapos ang maraming puna sa hindi maayos na kondisyon ng mga pasilidad na pinaglagyan sa kanila,” kastigo ni De Lima.

“Napanis na ang laway ng ating stranded OFWs bago nagsalita at kumilos sa isyu si Duterte. Haay… ano nga bang bago?,” patuloy na paghagupit ng mambabatas sa pangulo.

Ito’y makaraang biglang nagdesisyon si Duterte hinggil sa sobrang tagal na pagkakakwarantina ng 24,000 OFWs sa iba’t ibang hotel.

Nang magpasya ang pangulo, biglang nagdesisyon na rin si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na pabalikin na sila sa kani-kanilang lalawigan.

Ang ibang pamahalaang lokal ay hindi agad sila tinanggap, sapagkat sumailalim uli sila sa 14-araw na kuwarantina upang makasigurong hindi sila nagkaroon ng COVID-19 o anomang sintomas nito.

“Nawalan na nga ang napakaraming OFWs ng trabaho dahilan sa pandemyang ito, mawawalan pa sila ngayon ng ipon para sa kanilang pamilya at sarili. Kalunos-lunos!,” patuloy ng senadora.

Ayon sa DOLE, 250,000 OFWs lamang ang nabigyan ng tig-P10,000 bilang ayuda sa pagkawala nila ng trabaho dahil ito lang ang kayang bigyan ng DOLE, banggit ni Bello.

Walang desisyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bawasan ang P20 bilyong Trust Fund nito upang maayudahan din ang mga OFW na nawalan ng trabaho ngayong panahon na hindi pumasa sa kuwalipikasyon ng programang “Abot Kamay ang Pagtulong” (AKAP) ng DOLE.

Ang Trust Fund ay mula sa perang pinaghirapan ng mga OFW.

Si Hans Leo Cacdac ang hepe ng OWWA simula noong Oktubre 2016.

Si Cacdac ay administrador ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong termino ni Pangulong Beningno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III.

Ipinaliwanag ni De Lima na “Delays such as these are utterly unacceptable! OFWs should be treated as no less than heroes who have sacrificed so much for their families and done so much for our economy.”

“Mr. Duterte: you had weeks to act on this, but you opted to issue the ultimatum only now. Paghuhugas-kamay ba ito?

Pagpasa na naman ng sisi? O senyales lang talaga ng nakagawiang mabagal na pagresponde? The same goes to the agencies tasked with the OFW repatriation program. Kinakailangan ninyo pa bang antayin ang utos ng amo niyo para ayusin ang trabaho? Wala ba kayong kusa o sadyang walang pakialam?,” susog ni De Lima. NELSON S. BADILLA

Read More

SOLON, NAGBABALA SA NEGATIBONG EPEKTO NG PAGPAPALIBAN NG KLASE

0

NAGBABALA si Senador Win Gatchalian na posibleng magdulot ng mas matinding pinsala sa kinabukasan ng mga estudyante kung ipagpapaliban pa nang matagal ang pagbubukas ng klase ngayong school year 2020-2021.

Sinabi ni Gatchalian na dapat magpatuloy pa rin ang pag-aaral ng kabataan sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya.

Ibinahagi ni Gatchalian ang isang ulat ng World Bank na pinamagatang “The COVID-19 Pandemic: Shocks to Education and Policy Responses,” kung saan binigyang-diin na mas nanganganib na mag drop-out ang mga nangangailangang mag-aaral o yung tinatawag na ‘vulnerable’ at ‘struggling’.

Batay pa sa ulat, ang mga humihinto sa pag-aaral kalaunan ay may malaking epekto sa kanilang kakayahang magkaroon ng maayos na hanapbuhay at kinabukasan.

Ibinabala ni Gatchalian kung humaba pa ang panahon na hindi papasok ang mga bata sa pampublikong paaralan, mapag-iiwanan sila ng mga ka-edad nilang mas nakaaangat sa buhay at nag-aaral sa mga pribadong eskwelahan.

Sa kabilang dako, nanindigan din si Gatchalian na ang panganib na dulot ng COVID-19 sa bawat rehiyon o ‘risk-based’ ang dapat maging basehan sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Binigyang-diin ng chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na bagama’t may mga probinsyang walang kaso ng COVID-19 at maaaring magsagawa ng physical o face-to-face classes, dapat panatilihin pa rin aniya ang minimum health standards tulad ng pagbabawal sa iba’t ibang uri ng pagtitipon upang maprotektahan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, mga magulang at iba pang kawani ng paaralan.

“Kailangang alalahanin natin na layon ng pagpapatuloy ng edukasyon ay ang pag-angat natin sa kinabukasan ng ating mga kabataan, lalo na para sa mga nangangailangang mag-aaral,” diin pa ni Gatchalian. DANG SAMSON-GARCIA

Read More

ARMADO PATAY, 7 PA HULI SA BUY-BUST

0

BULACAN – Patay ang isang armadong lalaking nagtangkang buksan ang isang remittance center ngunit nakorner ng mga awtoridad habang tumatakas lulan ng tricycle sa Brgy. Maasim, San Indelfonso habang habang pitong umano’y drug peddler, kabilang ang isang mag-asawa at anak, ang natimbog sa Meycauayan City, Guiguinto at San Jose del Monte City sa lalawigang ito, noong Sabado.

Base sa report ni P/Major Russel Dennis Reburiano, chief of police ng San Ildefonso Municipal Police Station, kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, kinilala ang napatay na si Aaron Kliatchko y Leonardo.

Samantala, kinilala naman ni P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, Meycauayan City police chief, ang arestadong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga na sina Rolando Pangan Jr., 38; Joseph Partido, 21; Angelica Abacan, 47; mag-asawang sina Emma Ramirez, 43, at Ernesto Ramirez, 45, at kanilang anak na si Manuel Ramirez, 19-anyos.

Nasa pangangalaga naman ng tanggapan ni P/Major Rolando Geronimo, chief of police ng Guiguinto Municipal Police Station, ang isang 16-anyos na binatilyo na nakumpiskahan ng ilegal na droga sa Barangay Tabang, Guiguinto. (GINA BORLONGAN)

Read More

IKAPITONG PRESO, NAMATAY SA SELDA SA CAVITE

0

CAVITE – Hindi naisalba ang buhay ng isang 43-anyos na preso makaraang mahirapang huminga, ito ang pang-7 na naitalang namatay sa loob ng Cavite Custodial Center.

Sa ulat ng Cavite City Police Station, dakong alas-12:05 ng madaling araw noong Sabado nang makaranas ng hirap sa paghinga si Alexander Taguinod, ng Gen. Luna St., Brgy. 56, Cavite City kaya isinugod sa Bautista Hospital ngunit dakong alas-6:20 ng umaga nitong Linggo ay binawian ng buhay.

Si Taguinod ay inaresto  sa Cavite City at nakulong dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

MOTORCYCLE RIDER NATUMBOK TIGOK

0

CAVITE – Patay ang isang 31-anyos na mekaniko nang banggain siya sa kanyang likuran ng isang sasakyan habang nagmomotorsiklo sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.Isinugod sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Da Vinci Reblora, binata, ng #246 Silangan St., Halayhay, Tanza ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Kusa namang sumuko sa Tanza Municipal Police Station ang driver ng Toyota Corona Sedan (USG-731) na si Julius Villamor, 35, binata, ng Block 8, Lot 17, Amaya Residence, Amaya 4, Tanza. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

BINATILYO PATAY SA MOBILE LEGEND

0

GEN. SANTOS City – Isinisi ng ama ang pagkamatay ng kanyang anak na binatilyo sa pagkalulong nito sa online game na Mobile Legends, noong Sabado ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Ashton Kyle Alferez, 15-anyos, residente ng Purok 5, Brgy. Katangawan sa nabanggit na lungsod.

Batay sa report, isinugod ang biktima sa ospital nang makaramdam ng matinding pananakit sa katawan at lumabas sa pagsusuri ng doktor na mayroon itong sakit na leukemia at malala na, na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa ama, naging libangan na anak ang paglalaro ng Mobile Legends mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa lungsod dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), naging dahilan ng palaging pagpupuyat ng biktima at nakalilimutan na ring kumain sa tamang oras. (ANNIE PINEDA)

Read More

TSERMAN, TANOD PATAY SA AMBUSH

0

GEN. SANTOS City – Binawian ng buhay ang isang barangay chairman at tanod makaraang magkasunod na pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek noong Linggo ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Brgy. Chairman Diony Seromenes, 38-anyos, at Salvador Ulog, 59, kapwa residente ng Barangay Kawas, Alabel, Sarangani Province.

Lumabas sa imbestigasyon, unang binaril si Ulog ng mga suspek dahilan para magresponde si Seromenes kasama ang mga pulis at mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)-PNP sa lungsod.

Gayunman, nakaramdam ng gutom si Seromenes kaya umuwi sa kanilang bahay para kumain ngunit habang minamaneho ang kanyang motorsiklo ay sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril siya sa ulo. (ANNIE PINEDA)

Read More