MGA PEDICAB SA PASAY, HINDI PAPASADA HANGGANG KATAPUSAN

HINDI na muna bibiyahe ang mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association ng Pasay City hanggang Mayo 31, 2020. Una rito ay nagpatawag si Tricycle and Pedicab Franchising and Regulatory Office (TPFRO) Chief Ace Sevilla ng pulong sa naturang mga opisyal sa pangunguna ni Pasay Alliance of PODA Inc. President Eliazar Dayrit hinggil sa mga panuntunan o guidelines na dapat sundin ng mga tsuper ng pedicab gayundin ng mga tricycle na mamamasada sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ). Ang naturang guidelines ay alinsunod sa health protocols na…

Read More

ONLINE PAYMENT FEE, IRE-REFUND NG MERALCO

MAGRE-REFUND ang power utility firm na Manila Electric Company (Meralco) sa ibinayad na online payment fee ng customers nito. Nag-sorry rin ang Meralco dahil dapat ay sila ang sumalo ng nasabing fee dahil na rin sa COVID-19 lockdown. Ang Meralco ang pinakamalaking power distributor sa Pilipinas. Ang “convenience fee,” ang binabayaran sa online payment platform PayMaya. Ang Meralco at PayMaya parent PLDT Inc. ay kapwa pag-aari ng Metro Pacific Investments Corp. “I sincerely apologize for this lapse. Meralco will shoulder the convenience fee charged during the aforesaid ECQ (enhanced community…

Read More

AYUDA NG DA SA MAGSASAKA, KUWESTIYONABLE

KINUWESTYON ng isang mambabatas ang report ng Department of Agriculture (DA) na gumastos na umano ang mga ito ng P432 Million sa 4,751 magsasaka at mangingisda na binigyan ng ayuda sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat, hindi tugma ang dami ng nabigyan ng tulong sa ilalim ng Expanded SURE Aid and Recovery Project sa pondong ginastos ng ahensya. Sinabi ng Katutubong mambabatas na base sa nasabing programa, P25,000 lang ang ibibigay na ayuda sa mga magsasaka subalit gumastos na umano ang ahensya ng…

Read More

WRESTLER NALUNOD

NATAGPUAN na ang katawan ng nawawalang wrestler mula sa World Wrestling Entertainment (WWE) na naunang ini-report na nawawala dahil sa malakas na alon. Huling nakita si Shad Gaspard, na kilala sa WWE na bahagi ng tag-team na Cryme Time kasama si JTG, na lumalangoy sa Venice Beach sa Los Angeles. Natagpuan ang labi niya sa dalampasigan. Sinabi ng mga lifeguard na si Gaspard, 39, ay tinangay ng malalakas na alon. Sinagip niya ang 10-taong gulang na anak noon at sinabihan ang rescuers na unahin ang kanyang anak. Nang balikan siya…

Read More

DOMINGUEZ KINASTIGO NI MARCOS

BINATIKOS ni Senador Imee Marcos si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III kaugnay ng alegasyon nito na hindi kailanman nakapag-export o nakapag-supply ng bigas ang Pilipinas noong panahon ng 70s sa mga karatig bansa nito sa Asya. Ayon kay Marcos, naging self-sufficient ang Pilipinas sa rice production at patunay ang pag-e-export na umaabot sa 89,000 metriko toneladang bigas noong 1977 hanggang 1978 sa ilalim ng programang Masagana 99. “Wawa naman si Lolo Sonny, nag-uulyanin na yata?  Ang linaw ng data, kaya nga nagtataka ako bakit ayaw tanggapin…

Read More

Cayetano nagmaldita, isip nagbago ‘BALLS’ ISINUKO SA ABS-CBN

cayetano22

MAIHAHAMBING sa halamang Makahiya ang bilis na ipinamukha ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagtiklop sa 301 kapwa niya kongresista nang ‘supalpalin’ ng ilang mambabatas ang panukalang “pansamantalang prangkisa” na ibibigay sa ABS-CBN Broadcasting Corporation. Mistulang maldita, matinik at matikas ang itsura ng Makahiya habang nakatanim sa damuhan, ngunit kapag ginalaw, lalo na kung supalpalin ng kamay, ay napakabilis titiklop ang mga dahon nito. Kung sisipating mabuti, si Cayetano ay mistulang nagmaldita at napakabilis ding nagbago ang isip at desisyon tungkol sa pansamantalang prangkisa (provisional franchise). (‘Maldita look’ inilantad,…

Read More

SINDIKATO SA PHILHEALTH, BUHAY NA NAMAN?

NANINIWALA ang isang mambabatas sa Kamara na kumikilos na naman ang sindikato sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) hindi upang makatulong sa mamamayan kundi para sa kanilang pansariling kapakanan. Kasabay nito, isiniwalat ni Iloilo Rep. Janette Garin na kung mayroong pinakamahal na coronavirus disease 2019 o COVID-19 test sa mundo ay wala na umanong tatalo sa Pilipinas. Binanggit ito ng mambabatas Sa kanyang privilege speech dahil sa mataas na package na itinakda ng PhilHealth na siyang pinagbatayan ng mga pribadong kompanya sa itatakda nitong presyo. “Ito po, makikita po natin…

Read More

VACCINATION PLAN, IPINOPORMA NA NG PAMAHALAAN

MAYROON nang nalikhang National Vaccination Plan laban sa COVID-19 ang pamahalaan sakaling magkaroon na ng gamot kontra virus. Ito ang tiniyak ni presidential spokesperson Harry roque sa ginanap na virtual press Briefing sa Malakanyang. Ani Sec. Roque, binuo ang planong ito hindi lamang para sa mga existing vaccines kundi para paghandaan din ang inaasahang pagkakatuklas ng vaccine laban sa COVID-19. Bunsod nito, handa umano si Sec. Roque na ipaabot sa DOH ang request ni Senior Citizen Party-list Representative Francisco Datol na unahin ang mga senior citizen sa gagawing vaccination kapag…

Read More

Mga tumugon sa Balik-Probinsya TAKOT NANG BUMALIK SA MAYNILA

TIWALA si Senador Christopher Lawrence Go na hindi na babalik sa Metro Manila ang   mga pamilyang tumugon sa Balik-Probinsiya program ng pamahalaan sa gitna ng   COVID-19 pandemic para ma-decongest ang Kamaynilaan. Ipinaliwanag ni Go na marami sa mga nag-avail ng programa ay nagsabing nadala na ang mga ito sa mga naranasan sa gitna ng lockdown dahil sa COVID-19. Binigyang-diin nito na kung sustainability ang pag-uusapan, tutulungan ng 17 government agencies ang mga pamilyang  uuwi sa mga lalawigan para maging maayos ang pagsisimula ng kanilang buhay sa lalawigan. Bukod sa mga…

Read More