5M PANG PAMILYA IPINASASAMA NI PDU30 SA CASH AID PAYOUT

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa inter-agency task force na isama ang 5 milyong households bilang recipients ng emergency cash aid mula sa pamahalaan. Sa ipinalabas na memorandum araw ng Sabado, May 23, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay inatasan na isama ang “additional five million eligible households” para sa second tranche ng Social Amelioration Program. Ang limang milyong eligible households ay idaragdag sa 12 million beneficiaries sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development…

Read More

HOUSE AND LOT SA VALEDICTORIAN NG PMA AT PNPA, IBIBIGAY NI PDU30

MAKATATANGGAP ng house and lot ang bawat valedictorian ng mga nagsipagtapos mula sa Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) sa taong kasalukuyan. Ang recipients ng house and lot ay sina Cadet First Class Gemalyn Sugui ng PMA Masidlawin Class of 2020 at Fire Cadet Lei Anne Banico Palermo ng PNPA Mandayug Class of 2020. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang talumpati sa virtual commencement exercises na idinaos sa Malakanyang na ang house and lot ay donasyon ng Villar-led Vista Land & Lifescapes Inc. Samantala,…

Read More

KASO NG COVID-19 SA BULACAN,165; 10 NAKAREKOBER

UMAKYAT na sa 165 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan ng Bulacan matapos makapagtala ng labing-tatlo na bagong kaso kabilang ang dalawang tatlong taong gulang na bata, ayon sa Bulacan Provincial Health Office (PHO). Base sa pinakahuling datos na inilabas ng PHO nitong Biyernes ng hapon, labing-tatlo ang bagong tinamaan ng nasabing virus habang sampu naman ang nakarekober. Tatlumpu naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang animnapu’t walo na ang kabuuang nakarekober. Ang bagong Covid cases ay kinabibilangan ng kapwa 3-taon gulang mula sa bayan ng Plaridel…

Read More

AURORA NIYANIG NG 5.4 MAGNITUDE NA LINDOL

NAKARAMDAM ng intensity 6 na lindol ang mga residente ng Aurora provice kahapon ng umaga. Sa earthquake information No. 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 16 kilometers southwest ng bayan ng San Luis, bandang alas-10:10 Sabado ng umaga na may magnitude na 5.4. Naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila. Sa report ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 6 earthquake sa Baler, Aurora, habang Intensity 5 naman sa San Luis, Dipaculao at Maria Aurora, Aurora. Intensity 4 naman sa  Casiguran at…

Read More

Sa kapalpakan ng DOH – solon COVID SA PINAS, LULUBHA

NANGANGAMBA si Senador Ping Lacson sa posibleng paglala pa ng sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kung hindi isasaayos ng Department of Health (DOH) ang kanilang sistema. May kinalaman ito sa hindi anya tamang datos na ibinibigay ng DOH kaugnay sa mga tinamaan ng virus. “Sa akin, nakakatakot at nakakapangamba. Sa tingin ko pag ganyan at ganyan ang takbo di tayo magtatagumpay, marami pang madidisgrasya. Hindi accurate ang binibigay na datos,” saad ni Lacson. Pinuna ni Lacson ang 14 araw na backlog ng DOH sa mga isinasagawang test na minsan…

Read More

Hindi pa rin bumabangon makalipas ang tatlong taon TERORISMO SA MARAWI, MAUULIT?

NABABAHALA si Senador Imee Marcos na posibleng muling sumiklab ang panibagong insidente ng terorismo sa Marawi City dahil sa pagkabalam ng mga ipinangakong rehabilitasyon ng gobyerno sa lugar sanhi ng krisis at lockdown ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Inihayag ito ni Marcos sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Marawi Siege kasabay ng pagtatapos ng Ramadan ngayong weekend. “Mahirap ang ginagampanang tungkulin ng military ngayon, bukod sa pagbibigay ng seguridad, nagsisilbi rin silang mga frontliner sa gitna ng problema sa COVID-19 para masiguro na maayos na madedeliber ang serbisyo. At hindi…

Read More

BULKANG TAAL NAG-AALBURUTO NA NAMAN

NAGPAKITA na naman ng aktibidad ang bulkang Taal makaraang makapagtala ng anim na volcanic earthquake sa paligid nito ngayong Sabado ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig, nakapagtala rin ng fumarolic activity sa paligid ng bulkan na may taas na 50 meters sa nakalipas na 24-oras. Nabatid din na naitala ang paulit-ulit na mahinang pagputok at pagyanig sa paligid ng bulkan. Naitala rin ang pagbuga ng mahinang ashfall sa paligid ng bulkan at expulsion ng volcanic gas. Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit…

Read More

Ika-7 sa ‘best places’ sa 80 bansa PH, BABANGON MATAPOS ANG UNOS

AMINADO ang administrasyong Duterte na napakalaki ng dagok ng iba’t ibang mukha ng “community quarantine” (CQ) sa halos lahat ng panig bansa, kundi man lahat. Luzon ang nakatikim ng matinding tama nasabing unos, sapagkat 75 porsiyento ng mga pang-ekonomiyang gawain ay dito  matatagpuan. Mauunahan GDP ng Tsina BAGO magkaroon ng CQ, kumbinsido ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na matayog ang mararating ng Pilipinas ngayon taon dahil sa agresibong pagkilos ng marmaing gawaing pang-ekonomiya ng bansa. Katunayan, paniwala nila ay posibleng maungusan ng Pilipinas ang “gross domestic product” (GDP)…

Read More

MALI SI ROQUE SA ‘MASS TESTING’

Badilla Ngayon

MALINAW ang idiniin ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque Jr. na walang ‘mass testing’ na ilulunsad ang pamahalaan para malaman at matukoy sinu-sino na ang mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ipinunto at iginiit ni Roque na mali ang konsepto o salitang mass testing. Aniya, imposible naman ang mass testing dahil wala namang bansa na kayang suriin at alamin kung ang buong mamamayan nito ay mayroong COVID-19 o wala. Kahit ang China ay milyun-milyong mamamayan nito ang kaya tulad nang ginawa sa Wuhan City, ngunit hindi…

Read More