8 HEALTH WORKERS SA DIGOS CITY, NAHAWA SA COVID

DIGOS City – Walo sa siyam na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ay health workers, ito ang ibinunyag ni Mayor Josef Cagas nitong Linggo. Ayon kay Cagas, ang nasabing health workers ay mga empleyado ng Davao del Sur Provincial Hospital. Mula sa dalawa, nakapagtala ang City Health Office (CHO) ng pag-akyat ng kaso ng COVID-19, sa siyam noong Biyernes. Sinabi naman ni Dr. Ronald Jumilla, Digos City health officer, ang walo ay hindi nagpakita ng nga sintomas sa sakit ngunit kasalukuyang inilagay na sa isolation ng provincial…

Read More

LGUs ‘BIG NO’ SA BALIK PROBINSIYA PROGRAM

PUNA

MARAMING local go-vernment unit chief executives ang malaki ang tumututol sa “Balik Probinsiya Program” ng Gobyerno. Bakit kamo? Kasi nanganganib daw ang kanilang mga kababayan na mahawaan ng coronavirus disease 2019. Tama nga naman dahil hindi nga sila nakasisiguro na ang mga benepisyaryo ng programang ito ng pamahalaan ay hindi kinapitan ng salot na virus. Noong Mayo 20, 2020, nagkaroon ng ‘send off’ ng 112 katao na benepisyaryo ng Balik Probinsiya Program sa may Manila Seedling, Agham Road, Quezon City na sumakay sa limang bus patungongng Leyte kung saan ay…

Read More

CALIDA, IPAPAPATAY NG TERORISTANG CPP/NPA/NDFP?

SIMULA nang itatag ang Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1968, New People’s Army (NPA) noong 1969 at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong 1964 ay marami ng kapwa nating Filipino ang napatay at namatay dahil sa pangmatagalang armadong pakikibaka ng grupong ito. Iyong napatay ay mga taong sinadyang ipapatay ng pamunuan ng CPP/NPA/NDFP, samantalang pumapatungkol naman sa mga taong natodas sa gitna ng labanan ng mga “mandirigma” ng NPA at mga sundalo at pulis ng pamahalaan ang namatay. Ang masama ay mayroong mga kapitalista, opisyal ng…

Read More

OPERASYON NG SALON, BARBER SHOPS LIMITADO PA RIN

LIMITADO pa rin ang magiging operasyon ng mga barbero at mga salon sa muli nilang pagbubukas sa susunod na linggo. Hanggang gupit lamang at wala pa ring facial, manicure/pedicure, wala pa ring pagtanggal o pag-aayos ng mga kilay. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bagama’t bahagyang magbabalik- operasyon na ang mga beauty parlor at barber shops sa pagpasok ng ilang parte ng bansa sa general community quarantine (GCQ) sa Lunes, ay hanggang pagpapagupit lang muna ang mga serbisyong papayagan dito. “Huwag po kayo masyadong ma-excite dahil limitado po ang…

Read More

TINAMAAN NG COVID-19 SA MUNDO, 6 MILYON NA

MAHIGIT anim na milyon na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Sa huling ulat, umakyat na sa kabuuang 6,031,023 ang tinamaan ng nasabing virus sa iba’t ibang bansa. May pinakamarami pa ring kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na nakapagtala na ng 1,793,530 cases. Sinundan ito ng Brazil na may 468,338 kaso. Ang Russia naman ay may 387,623 habang ang Spain ay may 285,644. May 2,659,270 naman ang kabuuang bilang ng mga naka-recover sa sakit sa buong mundo habang ang mga nasawi ay umakyat na sa 366,812. Umabot…

Read More

OFWs tinuring na basura MALAKANYANG RUMESBAK SA MIGRANTE

NIRESBAKAN ng Malakanyang ang Migrante International sa pahayag nito na ang mga Overseas Filipino worker ay itinuring na parang basura nang bumalik sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ani Presidential spokesperson Harry Roque, tinratong VIPs ang mga OFW. “Inuwi po natin ang lahat ng manggagawa natin. Binigyan ng libreng PCR [polymerase chain reaction] testing. Binigyan ng libreng pamasahe sa eroplano, sa bus at sa barko,” ayon kay Sec. Roque sa Laging Handa public briefing. “Hindi po ‘yan garbage-like treatment. VIP treatment po ‘yan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.…

Read More

MGA LUGAR SA ILALIM NG GCQ, INILABAS NG PALASYO

INILABAS ng Malakanyang ang updated roster ng mga lugar na ilalagay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) mula Hunyo 1 hanggang 15. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Pangasinan; Region 2 (Cagayan Valley); Region 3 (Central Luzon); Region 4-A (Calabarzon); National Capital Region (NCR), kabilang na ang Pateros; Region 7 (Central Visayas); Zamboanga City; Davao City; Cebu City; at Mandaue City ang mga lugar na kabilang sa bagong listahan ng mga lugar na sasailalim sa GCQ. “Ang lahat po ng ibang lugar pa sa Pilipinas na hindi…

Read More

Ikakasa sa Lunes ng mga tsuper, operator NOISE BARRAGE KONTRA JEEPNEY PHASEOUT

MAGLULUNSAD ng noise barrage ang iba’t ibang transport organization bukas sa takot na tuluyan nang hindi sila makabiyahe kahit sumailalim sa new normal ang sitwasyon sa bansa oras na makontrol ang paglaganap ng coronavirus. Ito ay dahil sa posibilidad na mga modernong jeep na lamang ang papayagang makabiyahe dahil sa ipatutupad na sistema ng pagsasakay at singilan. Ayon sa ilang kasapi ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO, nangangamba silang igiit ng gobyerno ang isinusulong na transport modernization ngayong nasa General Community Quarantine ang malaking bahagi ng bansa…

Read More

Bawal pa ring lumabas sa GCQ PULIS IKAKALAT LABAN SA PASAWAY

DARAGDAGAN ng Philippine National Police (PNP) ang pwersa ng kanilang mga tauhang ikakalat sa mga lansangan simula sa Lunes kasabay ng pag-iral ng general community quarantine sa malaking bahagi ng bansa. Ito ay upang tiyakin na hindi masasayang ang 72 days lockdown na sinakripisyo ng lahat para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease ngayong inilagay na ang Metro Manila sa GCQ. Kasabay nito ay nilinaw ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, na tanging ang mga APOR or Authorized Person Outside Residence ang maaaring lumabas sa…

Read More