KASO NG COVID-19, HIGIT 18K NA

SUMAMPA na sa 18,086 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kasunod ng nadagdag na 862 cases nitong Linggo. Ngunit paglilinaw ng DOH, sa bilang na 862, 16 lamang ang bagong kaso. Ito ay dahil ang ibang bilang ay mula sa resulta ng pagsusuri sa mga pasyente o COVID-19 test results na isinagawa sa mga nakalipas na linggo. Sampu sa fresh cases ay naitala sa iba’t ibang lugar, anim naman ang galing sa National Capital Region. Habang 846 ang late cases o test results na ni-release sa mga…

Read More

PAGBUBUKAS NG KLASE, HAHARANGIN NG SENADO

INAPRUBAHAN na ng Senado sa pangatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagbibigay ng awtoridad kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase na dapat ay sa buwan ng Agosto. Sinabi ni Senador Win Gatchalian, co-author at sponsor ng Senate Bill No. 1541, na nagawang maihabol ng Senado ang panukala bago ang sine die adjournment ng Kongreso. Aniya, sa oras na maipasa at maging batas ang panukala bago ang pagbubukas ng klase, magkakaroon ang Department of Education (DepEd) at si Pangulong Duterte ng sapat na panahon para…

Read More

MALAKANYANG TIWALA NA MAITUTULOY ANG BBB PROJECTS

TIWALA ang economic managers ng pamahalaan na kakayanin ng bansa na maitawid ang mga proyekto sa Build, Build, Build program para paganahin muli ang ekonomiya sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19. Ito’y sa harap ng posibilidad na hindi agad maibigay ng official development assistance partners tulad ng China at Japan ang kanilang suportang pinansiyal sa Pilipinas sapagkat matindi rin silang tinamaan ng pandemya. Ayon kay Finance Usec. Tony Lambino, pinanghahawakan ng pamahalaan ang magandang performance ng bansa sa debt management strategy o programa sa pangungutang. Ani Sec. Lambino,…

Read More

Pahaharapin sa Kamara GABBY LOPEZ GIGISAHIN SA PAGIGING KANO

MAGIGISA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang dating chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III matapos hilingin ng isang mambabatas na padaluhin ito sa susunod na pagdinig sa prangkisa ng nasabing network. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability o Blue Ribbon committee ng Kamara, hiniling ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na paharapin sa susunod na pagdinig si Lopez. Hindi kasama si Lopez sa mga opisyales na inimbitahan ng dalawang komite sa pagdinig ng mga ito sa…

Read More

URSABIA, BAGONG PCG COMMANDANT

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay George Villareal Ursabia, Jr. bilang commandant ng Philippine Coast Guard (PCG). Tinintahan ng Pangulo ang appointment paper ni Ursabia ngayong araw, Hunyo 1. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kumpiyansa sila na sa pagkakatalaga kay Ursabia bilang bagong commandant ng PCG ay mapaglalapit nito sa pananaw na ‘world-class guardian of the sea’ ang institusyon. “We wish the new Commandant good luck as he begins to lead the PCG in this challenging time,” ayon kay Sec. Roque.  CHRISTIAN DALE…

Read More

BUWIS SA DIGITAL ECONOMY, INAWAT NI IMEE

IPINASASANTABI ni Senador Imee Marcos ang mga panukala para sa pagpapataw ng buwis sa tinatawag na digital economy o ang mga negosyo sa online. Iginiit ni Marcos na maaantala lamang ang pagsulong ng edukasyon, tulong pangkalusugan, at paglikha ng negosyo at trabaho sa panahon ng COVID-19 kung isusulong ng gobyerno ang pagbubuwis sa lahat ng gamit at serbisyo sa digital economy. Tinukoy ng senador ang panukalang 10% tax sa lahat ng imported na gamit na isinusulong ng Department of Trade and Industry at ang tax sa mga negosyo at serbisyong…

Read More

VOTER REGISTRATION, GAWING ONLINE

ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva ang panukala upang gawing online ang voter registration sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic. Sa kanyang Senate Bill 1516, nais ni Villanueva na payagan ang Commission on Elections (COMELEC) na bumuo ng automated online system para sa voter registration upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Ipinaliwanag ng senador na hindi lamang nito mapadadali ang proseso para sa mga botante kundi maisasaayos din ang database ng COMELEC bukod pa sa posibilidad na mas dumami ang magnanais na makiisa sa eleksyon. Nilinaw…

Read More

102 QCPD, NCRPO PERSONNEL ISINALANG SA COVID TEST

ISINAILALIM sa swab test sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Debold Sinas at Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. RonnieMontejo at iba pang NCRPO key officers, sa COVID-19 noong Mayo 30 sa QCPD Grandstand, Camp Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City. Bukod kina sina P/MGen. Sinas at P/BGen. Montejo, ang miyembro ng NCRPO Command Group, district directors ng limang police districts, station commanders at iba pang mga pulis ay kinunan din ng swab samples. Ang nasabing samples ay dinala sa Red Cross para sa Real Time…

Read More