DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 6.5 MAGNITUDE EARTHQUAKE

INAALAM na ng National Disaster Risk Reduction Management Council kung may pinsalang dinulot ang naitalang 6.5 magnitude earthquake kahapon sa Davao Oriental. Unang napaulat na magnitude 6.6 ang tumama sa Davao Oriental, Huwebes ng hapon. Naitala ang pagyanig 437 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso bandang 4:49 hapon. May lalim na 177 kilometro at tectonic ang origin ng pagyanig na naramdaman din sa Kiamba at Glan, Sarangani (Intensity 3); Tupi, T’boli at Lake Sebu, South Cotabato; General Santos City (Intensity 2) habang Intensity 1 sa Zamboanga City. JESSE KABEL…

Read More

PDU30 BINALAAN ANG PUBLIKO SA PAGBILI NG FACE MASK SA ONLINE

DUTERTE13

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko sa pagbili ng mga produkto sa online partikular na ang face mask. Kumbinsido kasi ang Pangulo na ang mga nagtitinda sa online ng face mask ay mga scammer na nagsasamantala sa COVID-19 pandemic para makapangbiktima ng mga mamimili. “Do not fall for that thing , online-online. Nobody has perfected this thing,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address. “They are perpetrating this on the public,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. Ayon sa Chief Executive, sa ilalim ng kasalukuyang protocol sa gitna…

Read More

DUQUE ITINURO ANG MGA TAUHAN SA NAANTALANG AYUDA SA HEALTH WORKERS

SA harap mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sinisi ni Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga subordinates sa Department of Health (DOH) sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng financial assistance sa mga health worker na tinamaan ng COVID-19. Sa public address ni Pangulong Duterte ay sinabi ni Sec. Duque na hindi talaga katanggap-tanggap ang pagkakaantala sa proseso ng benepisyo para sa mga health worker na namatay habang nakikipaglaban sa COVID-19 outbreak. “Nakakahiya talaga, sir eh. Namatayan na nga tapos nagpa-wardi-warde yung mga tao ko na parang walang sense of…

Read More

P5.1-B SHABU NASAMSAM SA BULACAN WAREHOUSE

AABOT sa humigit kumulang 828-kilos ng imported high-grade shabu na nagkakahalaga ng P5,630,400.00 ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Special Operation Unit (SOU) ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang warehouse sakop ng Meralco Village sa No. 2, Raley St., Barangay Lias sa bayan ng Marilao nitong Huwebes, dakong alas-3:00 ng hapon. Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, isang Chinese national at dalawang Pinay ang naaresto sa naturang operasyon sa warehouse na bagsakan umano ng mga imported na shabu na…

Read More

COVID-19 SA PINAS MATULAD KAYA SA S. KOREA?

PUNA

NAKAAALARMA ang nangyari noong nakaraang Lunes, Hunyo 1, matapos dumagsa ang maraming tao sa kalye sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila. Hindi na naipatupad ang physical distancing na sinasabi dahil sa pagdagsa ng mga tao na nag-aabang ng kanilang masasakyan. Kitang-kita sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City na halos kalahati ng kalsada ay sinakop na ng mga taong nag-aabang ng kanilang mga masasakyan. Kaya hindi na nakontrol ng mga awtoridad ang pagdagsa ng tao at sala-salabat na hindi na malaman kung paano gagawin ng…

Read More

ORAS NANG PANININGIL SA BALASUBAS NA FOREIGN EMPLOYERS

AKO OFW

HALOS tumigil ang ikot ng mundo ng mga OFW simula pa lamang ng buwan ng Marso ngayong taon dahil sa kaliwa’t kanang pagdedeklara ng lockdown sa buong mundo. Maraming mga reklamo at paghingi ng saklolo ang hindi mabigyan ng aksyon kahit pa paulit-ulit ang panawagan ng mga OFW. Dahil ito sa maraming bansa sa Middle East ang nagdeklara ng lockdown kung kaya hindi makalabas at makakilos ang mga opisyal ng Philippine Oveseas Labor Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Philippine Embassy. Isa nga sa mga welfare office…

Read More