MODULAR TESTING LAB PARA SA COVID-19, BINUKSAN

BINUKSAN na ang COVID-19 modular testing laboratory sa loob ng Veterans Memorial Medical Center compound sa Quezon City ngayong patuloy na lumolobo ang bilang ng mga taong infected ng coronavirus. Target ng nilikhang modular o gawa sa isang container van na laboratoryo na 21 araw ipinatayo, na makatulong sa pagtugon sa lumolobong backlog sa bilang ng COVID-19 testing. Dumaan sa training at proficiency exams ang mga health worker ng VMMC na gagamit nito na haharap at susuri sa mga frontliner, senior citizens at maging sa mga residente ng Quezon City.…

Read More

AYUDA SA MIDDLE CLASS WORKERS TATAPUSIN SA JUNE 25

TARGET ng Department of Finance na matapos ang pamimigay ng cash assistance sa middle class workers na nagtatrabaho sa Micro, Small and Medium Enterprises pagsapit ng June 25. Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na sa ngayon ay nasa 97.4% na sila o kabuuang 3.3 milyong middle class workers na ang napagkalooban nila ng lima hanggang walong libong tulong pinansyal. Wala pa aniyang 2 buwan at matatapos na nila ang pamimigay ng ayuda sa middle class workers na naapektuhan o hindi sumuweldo nuong…

Read More

42 LABOR GROUPS, UNIONS TULOY ANG PAGTUTOL SA ANTI-TERROR BILL

KAHIT itinambol sa media ng opisyal ng Malakanyang na ‘pabor’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas laban sa terorismo, tiniyak ng mahigit 42 organisasyon at unyon ng mga manggagawa sa bansa na hindi nila ititigil ang kanilang ‘solidong pagtutol’ sa panukalang batas na ang layunin ay sikilin at gipitin ang mga manggagawa sa kanilang pagtatayo ng unyon at paglulunsad ng welga laban sa mga abusadong kapitalista. “Tuloy ang laban,” ang siyang paninindigan ng NAGKAISA Labor Coalition, banggit ng tagapangulo nito na si atty. Jose Sonny Matula. Ang pahayag ng…

Read More

TEENAGE PREGNANCY, TATAAS PA SA COVID-19 PANDEMIC

NANGANGAMBA si Senador Win Gatchalian sa posibilidad ng paglobo ng mga kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa gitna ng COVID 19 pandemic. Ito anya ay kung ibabatay na rin sa mga nagdaang kalamidad at sakuna sa Pilipinas at ibang bansa kung saan isa sa mga naging epekto ang pagtaas ng kaso ng maagang pagbubuntis. Isa sa halimbawa nito ang epekto ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas noong 2013 kung saan 23.5% ng kabataan ang nabuntis habang 14.8% ng mga batang inang nanganak ang muling nabuntis nang sumunod na…

Read More

MyPhone to give away tablets for students

The first Filipino phone brand is all set to give away tablets to its loyal customers in line with their newly launched Balik-Aral sa Tahanan campaign which aims to support modern and online learning through the use of available e-learning devices such as tablets being one of the products the phone brand is currently offering. MyPhone has officially announced the complete mechanics of Balik-Aral sa Tahanan – Tablet Giveaway on its social media pages on Facebook and Instagram, and it has garnered over 2,000 entries after 4 hours since it…

Read More

PATIBAYIN ANG RESISTENSYA KONTRA SAKIT

Ni Ann Esternon Terible ang dinaranas ng mga tao ngayon dahil sa epektong hatid ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ang mga epektong ibinibigay nito ay ramdam at kalat sa mundo kaya naman ito ay lumalatay sa takbo ng ekonomiya at higit sa ating kalusugan. Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19, maraming paraan para tayo ay makaiwas dito tulad ng pagpapatibay ng ating resistensya. Para may depensa ang ating katawan laban sa iba’t ibang uri ng sakit, sundin ang mga sumusunod: – Palagiang hugasan…

Read More

DUQUE, IBA PANG HEALTH OFFICIALS IIMBESTIGAHAN

INIHAYAG ng Office of the Ombudsman na iniutos nitong imbestigahan si Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) kaugnay sa naging pagtugon nito sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019(COVID-19). Nabatid na iniutos ni Ombudsman Samuel Martires ang pagbuo ng dalawang grupo na mag-iimbestiga kung paano tinutugunan ng nasabing mga opisyal ang pandemya. Kabilang na rito ang delayed na pagbili ng mga personal protective equipment o PPE para sa mga health personnel at iba pang kailangang medical gears upang proteksyunan ang…

Read More

ANTI-TERRORISM BILL, ‘DI PA NABABASA NI PDU30

duterte12

PINAG-AARALAN pa ng Office of the Executive Secretary (OES) ang isinumite sa Malakanyang na anti-terrorism bill ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, bagamat nasa Malakanyang na ang panukalang batas, hindi pa rin ito naita-transmit sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito marahil aniya ang dahilan kung kaya’t hindi pa nakapagdedesisyon si Pang. Duterte kung ibi-veto o lalagdaan nito ang anti-terrorism bill. Sinabi ni Sec. Roque na posibleng may hinihintay si Pang. Duterte na mga paglilinaw mula sa mga mambabatas partikular na kay Sen. Panfilo…

Read More

5G WALANG MASAMANG EPEKTO SA KALUSUGAN — EXPERTS

HABANG gumagamit ang mundo ng teknolohiya upang harapin ang ‘new normal’, matindi rin ang pagsisikap na siraan ito at maghasik ng takot sa mga tao. Ang mga sumusulpot na teknolohiyang ito ay laging paboritong paksa ng mga malisyoso at walang batayang pahayag. Kamakailan, ang 5G ay naging paksa ng naturang mga pahayag sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang United States at sa Europa. Ang 5G ang pinakabagong wireless internet connectivity na nangangako ng mas mabilis, mas mataas na bandwidth, at mas matatag na internet connections kumpara sa 4G.…

Read More