Nadagdagan muli ng 2 COVID DEATH TOLL SA QC: 237

NAKAPAGTALA ng dalawang bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon City. Ayon sa report ng Department of Health (DOH) hanggang nitong Hulyo 3, ang lungsod ay nagkaroon ng dalawang bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 na nagdala ng kabuuang bilang ng mga namatay sa 237. Base pa sa report ng DOH hanggang nitong Hulyo 3, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 3,622. Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kasong may kumpletong addresses sa nasabing siyudad ay kasalukuyan nasa 3,545. Ang kabuuang…

Read More

BAGONG PRC MOLECULAR LAB SA BATANGAS, APRUBADO SA DOH

INAPRUBAHAN ng Deparment of Health ang accreditation ng bagong molecular laboratory laban sa corona virus 2019 (COVID-19) ng Philippine Red Cross (PRC) sa Batangas, inihayag ni Senador Richard Gordon. Sa pahayag, sinabi ni Gordon, chairman at CEO ng PRC na nakapasa ang laboratory sa proficiency test ng Research Institute for Tropical Medicine at sertipikado bilang accredited COVID-19 testing center, kaya aabot na sa 32,000 tests kada araw ang puwedeng gawin ng organisasyon. Inulit ni Gordon ang panawagan na magsagawa ng malawakang testing sa mga economic zone sa buong bansa upang…

Read More

DIGITALIZATION NG DISTRIBUTION UTILITIES PINABIBILISAN

PINABIBILISAN ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa distribution utilities ang digitalization ng kanilang serbisyo upang protektahan ang consumers sa panahon ng “new normal” partikular sa pagbabayad ng bills. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy, na mahalaga ang digitalization na may kaugnayan sa kaligtasan at kagalingan ng consumer dahil patuloy na nananalasa ang corona virus 2019 (COVID-19) pandemic. Ipinunto ito ni Gatchalian sa ginanap na Energy and Sustainable Development Webinar, na inorganisa ng Ateneo School of Government kamakailan. “The current bill shock that many households have…

Read More

TRO HINIRIT VS ANTI-TERROR LAW

HUMIRIT ng temporary restraining order (TRO) ang grupo ng mga abogado laban sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Anti-Terrorism Act of 2020. Sa pamamagitan ng e-filing ay inihain ang petisyon ng grupo sa pangunguna ni Atty. Howard Calleja sa Supreme Court. Bukod sa TRO, hiniling din ng mga ito ang writ of preliminary injuction para mapigilan ang implementasyon ng naturang batas sa Hulyo 19. Nais din ng mga petitioner na mapawalang bisa ang 10 sections ng naturang batas dahil may mga nilalabag umano ito sa karapatang pantao. Samantala, ikinatuwa…

Read More

JOLO PNP MASAKER, KINONDENA NG FFW

TAHASANG kinondena ng Federation of Free Workers (FFW) ang pagmasaker ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa apat na intelligence officer ng Philippine Army (PA) sa Jolo nitong Hunyo 29. Binatikos din ng FFW ang “unprofessional police attitude” matapos maganap ang krimen dahil hindi sinunod ng siyam na pulis ang alituntunin matapos ang isang krimen. Nitong Hunyo 29, tinutugis nina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco at Corporal Abdal Asula ang dalawang suicide bombers ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang harangin at pagbabarilin sila ng…

Read More

SAP 2 KAPOS SA 18M PAMILYA

HINDI 18 milyon kundi mahigit 12.5 milyong pamilya lamang ang mabibiyayaan sa second tranche ng Social Amelioration (SAP). Ito ang lumabas sa ika-14 report ng Palasyo ng Malacañang sa Kongreso na ayon sa Makabayan bloc ay paglabag sa Bayanihan to Heal as One Law dahil nakasaad umano sa nasabing batas na dalawang beses bibigyan ng pinansyal na ayuda ang 18 milyong pamilya na apektado sa COVID-19 pandemic. Kinastigo rin ng nasabing grupo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mabagal pa rin umanong pamamahagi ng second tranche ng…

Read More

Kano magpapadala ng battleship DND, DFA KABADO SA CHINA WAR GAMES

NABABAHALA ang Department of National Defense at Department of Foreign Affairs sa nakatakdang war games ng China sa South China Sea malapit sa mga pinag-aagawang teritoryo. Ito ay kasunod na rin ng ulat na nakatakdang magpadala ng dalawang battleship ang United States sa area na bahagi rin umano ng kanilang pagsasanay malapit sa pagdarausan ng Chinese war exercises. Nagpahayag ng pagkaalarma sina DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa dalawang war games na ito. Pangamba ng Defense Department, posibleng ang ginagawa ng China ay lalong magpalala…

Read More

MOST WANTED SA MAYNILA NAARESTO SA CAINTA

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District sa Cainta, Rizal noong Biyernes ng tanghali ang isang 34-anyos na factory worker na suspek sa panggagahasa. Kinilala ang suspek na si Jeffrey Garcia y Concepcion, ng Barangay San Juan, Valley Golf, Cainta, Rizal. Batay sa ulat ni P/Capt. Manuel Calleja, hepe ng Intelligence and Warrant Section ng MPD – Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 12:30 ng tanghali nang makipagkoordinasyon sila sa Cainta Police District. Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Ma. Celestina Mangrobang ng Manila Regional Trial…

Read More

TULAK, KASABWAT TIMBOG SA BUY-BUST

MAKARAAN ang surveillance operation, nahulog sa kamay ng batas isang drug suspect na kabilang sa drug watchlist ng pulisya, at kasabwat nito sa buy-bust operation sa Parola Compound, Binondo, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Joaquin Nacional y Valera, 26, ng Gate 46, Area C, Parola Compound, Brgy. 275 sakop ng Binondo. Samantala, timbog din ang umano’y kasabwat nitong si Jerry Boy Dosal, 19, binata, ng Gate 54, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, bumili ng P500 halaga ng shabu ang…

Read More