LABORERS NG ISANG CHINESE CONTRUCTION FIRM NAGPASAKLOLO

0

PERSONAL na binisita ng PUNA sa kanilang barracks ang mga manggagawa ng isang Chinese contractor para sa Sewerage System na magmumula sa Pasig hanggang sa Taytay, Rizal.

Humingi sila ng tulong sa PUNA para makuha nila ang kanilang mga benepisyo sa kanilang kumpanya. Ang tinutukoy po natin ay ang Qingdao Municipal Construction Group Co. Ltd namatatagpuan ang kanilang tangggapan sa B68 Ph3 Brgy. San Juan, San Lorenzo Ruiz. Taytay, Rizal.

Tapos na raw ang kanilang ginagawang manhole para sa sewerage system pero hanggang ngayon ay hindi pa raw ibinibigay ng kumpanya ang kanilang mga benepisyo.

Kabilang sa kanila sanang matatanggap ay ang separation pay, allowance, 13th month at iba pang benepisyo.

Natuklasan din natin na tatlumpu (30) sa kanila ay nagtatrabahong buwis buhay dahil pinapasok nila ang manhole ng sewerage system na halos ­kasing laki lang ng kanilang mga katawan.
Pagkatapos nilang maikabit ang mga tubo ng manhole na ito ay kanilang pinapasok para linisin ang loob nito.

Ang pinakamatinding ­inamin sa atin ng mga manggagawa na ito ay ang ampaw na pagkakagawa ng paglalagay ng mga manhole. Hindi raw maayos ang mga pinagkadugtungan nito sa bawat isa. Kaya siguradong hindi tatagal ang mga ito at malamang ay agad na magkahiwa-hiwalay.

Iisa lang ang ibig sabihin nito tinipid ang kontratang ito para malaki ang ganansiya ng contractor, galing ng ginawa ng tsekwang may-ari ng kumpanyang ito.
Paano kaya ito nakakuha ng kontrata sa Pilipinas?

Sa Manila Water daw ito nakakuha ng kontrata. Paging, Manila Water anyare sa inyong mga inspector hindi nyo ba sinilip ang pinagkakadugtungan ng mga manhole?
At bakit hindi rin nakita ng MWSS yan? Pag nasilip ni ­Pangulong Duterte yan may paglalagyan kayo.

Ayon pa sa mga manggagawa na na-interview ng PUNA maging ngayong may ­Covid-19 ay hindi man lang sila binigyan ng ayuda ng kanilang kumpanya.

Hindi rin pare-parehas ang ibinibigay nitong suweldo sa kanyang manggagawa dahil  mayroong P380 at P400 ang isang araw.

Hindi rin nakakasiguro ang mga manggagawa kung inihuhulog ng kanilang kumpanya ang kanilang hulog sa SSS at PhilHealth na kinakaltas sa kanila.

Bilib naman ang PUNA sa lakas ng contractor na ito na sa dami ng Filipino contractors sa bansa, bakit siya pa ang nakakuha ng kontrata sa ­sewerage system?

Hanapin natin sa susunod kung sino ang padrino nito sa Pinas.

Buti sana kung maayos ang kanilang trabaho at mabait siya sa lahi ni Juan.

Hindi lang yun, hindi pa naibibigay ang mga benepisyo ng mga manggagawa ay pinapipirma na sila ng ‘quitclaim, release and waiver’.

Isa lang sa mga nakalagay sa pinapipirmahan sa mga mangagawa ay ang nasa page 2. I hereby declare that my ­separation from the said Company is valid, having been brought about by my voluntary resignation or end of contract effective________________, 2020.

Ngayon kahit wala pang mga biyaheng pauwing probinsiya ay pilit na pinaalis ang mga manggagawa sa kanilang barracks sa Taytay, Rizal.

Malaking problema ang kanilang kinakaharap dahil wala silang mga pera dahil hindi naman ibinibigay ang kanilang mga benepisyo. Pinaaalis pa sila munti nilang pansamantalang tinutulugan.

Tinatawagan natin ng ­pansin sina Department of Labor Secretary Silvestre Bello III at Mayor ng Taytay, Rizal mga sir may nangangailangan ng tulong nyo ngayong may Covid-19.

Sinikap natin na makausap si Mr. Li Yun Fei ng Qingdao Municipal Construction Group Co. Ltd. subalit hindi pa natin siya makontak para makuha ang kanyang panig.

            oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo at operarioj45@gmail.com.

 

PUNA Ni JOEL AMONGO
Read More

SUNGCHANG AL SHAIKH ENGINEERING DAPAT KASTIGUHIN NG POEA

0

BIBIGYAN ko muna ng puwang ang isang liham o e-mail na aking natanggap mula kay Marlon Arguelles na isang dating OFW mula sa Jubail, Saudi Arabia. Nauna na silang lumapit sa ­Philippine Embassy sa Riyadh nuong Nobyembre 6, 2019 dahil sa reklamong hindi pagbabayad ng ­kumpanya ng kanilang sweldo at hindi pagre-renew ng kanilang Iqama o residence visa.

“Magandang buhay po. Ako po si MARLON ARGUELLES, isa po sa kumakatawan sa 292 na pinoy worker na pinauwi at pinangakuan na ibibigay ang natitirang huling sahod at benepisyo ng kumpanyang SUNGCHANG AL SHAIKH ENGINEERING AND CONSTRUCTION na pinamumunuan ng koreanong lokal. Ang SUNGCHANG po ay nagsabi na pagkauwi namin after 2 months ay makukuha na namin ang aming huling sahod ngunit pang-pitong buwan na po namin dito, wala pa rin po kaming natatanggap.

Kami pong lahat ay nakauwi ng buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon at labis na umaasa sa pagaakalang maiibibigay nila ang aming ­balanseng sahod. Dumulog na rin po kami sa himpilan ni sir Engr. Frank Naval at nirekomenda nya po ang inyong tanggapan.

Nais ko po sanang pumunta sa inyong opisina ng makausap kayo at maayos po ang mga dapat na hakbang sa tulong nyo po,o di kaya samahan nyo ako sa opisina ni Administrator Hans Cacdac para po sa agarang pagpapatupad.

Desperado na po ang karamihan sa amin lalo na po na inabot po ng pandemya at wala pa pong tulong ng ­gobyerno. Nais ko din pong ipaalam na ang SUNGCHANG COMPANY ay meron pong proyekto dito po sa Batangas baka po puwede pong kastiguhin para sa balanse.

Sana po magkaroon ng kasagutan ang mensaheng ito at nawa’y makuha na po namin ang aming matagal ng minimithi.

Nakalakip po rito ang ilang dokumento ko po na nagpapatunay sa aming agreement at mga picture during strike and camp standby. Maraming Salamat po.

Ang hinaing ng grupo ni Marlon Arguelles ay agad kong ipinarating kay Administrator Bernard Olalia ng Phillippine Overseas Employment Administration (POEA) upang hilingin na maisakatuparan ang ipinangako na pagbabayad ng kulang na sahod ng SUNGCHANG COMPANY. Dapat lang na kastiguhin ng POEA ang kumpanyang ito dahil sa hindi pagtupad sa kanilang pangako sa mga manggagawang Pinoy sa kanilang kumpanya.

Umaabot sa halos 292 ang OFW na apektado sa kumpanyang ito na hindi pa binabayaran ng kumpanya. Kung susumahin ang halaga na dapat pagbayaran ay aabot sa 416,416 Saudi Riyal o katumbas na 55 milyong piso.

Hindi biro ang dami ng mga mga OFW na naapektuhan sa kumpanyang ito. Hindi ­maaring ikatwiran ng kumpanya na sila ay apektado ng Covid-19 pandemic dahil Nobyembre pa lamang ay hindi na sila nakakatangap ng kanilang kaukulang sahod.

Patuloy akong makikipag-ugnayan sa POEA at sa DOLE upang kastiguhin ang ­kumpnayang ito upang maibigay sa kanila ang karampatang sahod na dapat nilang matanggap.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail addres drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa  (02)84254256

 

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP
Read More

SPECIAL TASK FORCE SA MGA ABOGADONG BIKTIMA NG KARAHASAN

0

IKINALULUNGKOT natin ang biglaang pagpanaw ng isang tagausig ng Maynila kamailan sa marahas na paraan – ang ika-50 biktima ng nakamamatay na pag-atake sa mga nagpapatupad ng batas mula noong 2016.

Muli, nais kong manawagan sa mga kinauukulan na gumawa ng imbestigasyon at bigyang-pansin ang pangangailangan para sa paglikha ng special task force na binubuo ng Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), Commission on Human Rights (CHR) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang tugunan o matuldukan ang mga pagpatay sa mga abogado.

Mariin nating kinukondena ang pagpaslang sa ating kapwa abogado na si Jovencio Senados, ang pinuno ng inquest division ng Manila City Prosecutor’s Office, kung saan siya ay pinagbabaril habang papunta siya sa trabaho.

Hinihikayat ko ang ating mga awtoridad na gawin ang lahat ng paraan upang matiyak na ang karumal-dumal na pagpatay ay mabigyan ng katarungan. Hindi namin mapapahintulutan ang mga walang kagatol-gatol na pangyayari ay ipagwawalang-bahala sa ­ating mga batas.

Marahil inyong natatandaan na noong nakaraang taon, inihain natin sa Kamara ang House Resolution No. 185 na nananawagan para sa isang pagsisiyasat ang pagkamatay ng mga nagpapatupad ng batas.

Sa nasabing resolusyon ay hinihikayat din natin ang DOJ at PNP, sa pakikipagtulungan ng CHR at IBP, na lumikha ng special task force na magpapatupad ng legal na aksyon upang mahuli ang mga may pananagutan sa mga pagpatay at mabigyan ng kata­rungan ang mga biktima.

Ang pagpatay sa mga abogado, tagausig, at mga hukom ay may chilling effect para sa tamang dispensasyon ng hustisya sa ating bansa. Ang pagkabigong protektahan ang ating mga taga­paglunsad ng batas ay magpapahina ng loob sa mga ordinaryong mamamayan mula sa pagkamit ng katarungan.

Kung pati ang mga tagapagtanggol ng batas ay kayang ­paslangin ng makapangyarihan, paano na lang ang karaniwang tao. Naniniwala ako na hindi pinahihintulutan ng gobyerno na mamuhay tayo sa gayong kaisipan.

Kailangan natin ng agarang pagkilos at ipresenta ang magandang resulta upang matiyak ng ating mga kababayan na maaari silang maghangad ng pantay na hustisya sa ating legal system nang walang takot sa banta ng paghihiganti.

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES
Read More

14M TAGA-METRO MANILA ISASALANG SA COVID-19 TESTING

0

TINIYAK ni Testing czar Vince Dizon na 14 million katao mula sa Metro Manila ang maisasailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) pooled testing.

“Kakayanin po kung gagamitin natin ang pooled testing at tingin ko po ay lalabas na yan sa review ng Department of Health,” ayon kay Dizon.

Ang pooled testing, ani Dizon ay ginagamit kapag sa isang grupo halimbawa ng mga OFW ay pwedeng pagsamahin ang mga sample ng sampu o kahit dalawampung OFW.

Kapag negative aniya ang isang test mula sa sampu o dalawampu ay negative na aniya lahat.

At kapag positive naman aniya ay papaliitin ang pool.

“So magmula dalawampu gagawing sampu. At kung yung isa sa sampu ay negative, negative na lahat yung sampu. Kapag yung isang pool may positive hahanapin po, papaliitin nang papaliitin yung pool hanggang mahanap yung positibong pasyente,” ayon kay Dizon.

Matatandaang sinabi ni Dizon na target nila ang isang milyong tests sa katapusan ng Hulyo subalit nakapagtala na aniya kaagad sila ng 1.3 million bago pa matapos ang buwan.

Sa ngayon, ang target nila ay 10 million tests at mahigit sa 28,000 tests kada araw.

Kumpiyansa naman si Dizon, na ang kanilang target na 32,000 tests ay mapagtatagumpayan nila ngayong buwan.

“Ngayon po ay halos doble na tayo ng ginagawa ng South Korea. Ang South Korea po ay nagte-test ng 15,000 per day so halos doble na tayo. Isa po sa pinakamaraming tine-test ang South Korea sa

TINIYAK ni Testing czar Vince Dizon na 14 million katao mula sa Metro Manila ang maisasailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) pooled testing.

“Kakayanin po kung gagamitin natin ang pooled testing at tingin ko po ay lalabas na yan sa review ng Department of Health,” ayon kay Dizon.

Ang pooled testing, ani Dizon ay ginagamit kapag sa isang grupo halimbawa ng mga OFW ay pwedeng pagsamahin ang mga sample ng sampu o kahit dalawampung OFW.

Kapag negative aniya ang isang test mula sa sampu o dalawampu ay negative na aniya lahat.

At kapag positive naman aniya ay papaliitin ang pool.

“So magmula dalawampu gagawing sampu. At kung yung isa sa sampu ay negative, negative na lahat yung sampu. Kapag yung isang pool may positive hahanapin po, papaliitin nang papaliitin yung pool hanggang mahanap yung positibong pasyente,” ayon kay Dizon.

Matatandaang sinabi ni Dizon na target nila ang isang milyong tests sa katapusan ng Hulyo subalit nakapagtala na aniya kaagad sila ng 1.3 million bago pa matapos ang buwan.
Sa ngayon, ang target nila ay 10 million tests at mahigit sa 28,000 tests kada araw.

Kumpiyansa naman si Dizon, na ang kanilang target na 32,000 tests ay mapagtatagumpayan nila ngayong buwan.

“Ngayon po ay halos doble na tayo ng ginagawa ng South Korea. Ang South Korea po ay nagte-test ng 15,000 per day so halos doble na tayo. Isa po sa pinakamaraming tine-test ang South Korea sa Asya.”

Ani Dizon, ang test results mula sa mega swabbing centers ay tatagal lamang ng tatlong araw at ipadadala sa email, text message, o sa pamamagitan ng local government unit.

Sa kasalukuyan, may apat na mega swabbing centers na ang ginagamit sa bansa. Ito’y ang SM Mall of Asia Arena, isa sa Palacio de Maynila, isa sa Philippine Arena, at isa sa Taguig City. (CHRISTIAN DALE)

 

Read More

PUBLIKO HINIMOK SUMUNOD SA HEALTH PROTOCOLS

0

PINAALALAHANAN ni Senador Cynthia Villar ang publiko na huwag masyadong maging kampante ngayong  pinagaan ang quarantine restrictions sa maraming lugar sa bansa, sa halip dapat ipagpatuloy ang mahigpit na pagsunod sa health protocol na inilatag ng health department upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Villar na kayang depensahan ng sinoman ang kanilang sarili laban sa virus habang naghihintay pa ng lunas para rito sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask at iba pang cloth face coverings.

“As we begin to adjust to the new normal way of life, we should not put our guards down.

Alalahanin natin na nandyan pa rin ang virus at wala pang bakuna laban sa COVID-19 kaya kailangang sumunod sa health protocols,” pahayag ni Villar.

Kasama ang anak na si Camille, kinatawan ng lone district ng Las Piñas, namahagi si Villar ng 2,000 tarpaulin sa iba’t ibang barangay sa lungsod para paalalahanan ang mga residente hinggil sa health protocol tulad ng pagsusuot ng  face mask, pagpraktis ng physical distancing at madalas na paghugas ng kamay.

“We have to be reminded that stopping the spread of the disease is not just the work of the medical workers and our frontliners. It is the duty of everybody to help fight COVID-19 by wearing face masks properly and observing 1-meter physical distancing when outside our homes.

Lapses in health protocols endanger the well-being of our families and co-workers,” ayon kay Villar.

Binanggit din ng mambabatas ang palantandaan ng economic recovery na nagresulta sa parsiyal na pagbubukas ng mga negosyo at mga establisimiyento.

Umaasa rin itong magpapatuloy ang progreso nang sa gayon ay makabuo ng trabaho para sa tinatayang 7.5 milyon Pilipinong nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. (ESTONG REYES)

Read More

EMPLOYERS NG MGA TATAMAAN NG COVID-19, ‘DI DAPAT KASUHAN

0

IPINALILIGTAS ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa anomang kaso ang mga private employer na magkakaroon ng empleyado na magpopositibo sa COVID-19 sa kanilang trabaho.

Nilinaw naman ni Sotto sa kanyang Senate Bill No. 1515 o ang proposed “Employer’s Liability Protection from Covid-19 Act” na hindi ito “absolute blanket shield” sa anomang pananagutan para sa mga employer dahil hindi saklaw ng panukala ang kasong krimen.

Binigyang-diin ni Sotto na kailangan nang muling palakasin ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng krisis na dala ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng senador na alam naman ng mga employer at mga may-ari ng negosyo ang panganib sa kanilang mga empleyado at ang kanilang responsibilidad sa mga manggagawa.

Naniniwala si Sotto na sa pamamagitan ng panukala, mas maraming maliliit na negosyo ang magiging kampante sa pagbubukas at makababawas sa pagbagsak pa ng ekonomiya.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ni Sotto ang mga employer na sumunod sa mga batas at community safety protocols ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng virus. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

DIGONG AT LENI, MAGSANIB SA PROMOSYON NG BAKUNA

0

HINIMOK ni Senador Ralph Recto sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo na magsanib pwersa sa promosyon ng pagpapabakuna upang mas marami ang mahikayat.

Sinabi ni Recto na malaking tulong ang high profile endorsers upang masolusyunan ang mababang bilang ng mga tumatangkilik sa vaccine program ng gobyerno.

Ang Public Service Announcement anya na dapat ilabas nina Pangulong Duterte at Vice President Robredo ay maglalaman ng pagkalinga at pagmamahal ng gobyerno sa mga bata at seniors. Sa datos, ang Expanded Program ng Immunization ay pinondohan ng P7.5 bilyon ngayong taon para sa 12 milyong indibidwal.

Subalit hanggang noong Hunyo, 2.8 milyong indibidwal pa lamang ang nabigyan ng bakuna.

Sa 2.12 milyong bata na may edad isang taon pababa, 332,000 pa lamang ang nabigyan ng bakuna hanggang noong Marso.

Sa 8.6 milyong school children, nasa 2.458 milyon pa lamang ang nabakunahan batay sa datos ng Department of Health o 3 sa bawat 10 bata.

Sakop din ng immunization program ang 1.285 milyong seniors na dapat mabigyan ng influenza at pneumococcal polysaccharide vaccine. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

NON-ESSENTIAL OUTBOUND TRAVEL MULING PINIGIL

0

MULING ipinatupad ng Pilipinas ang restriksyon sa non-essential outbound travel para sa mga Filipino.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nagdesisyon ang COVID-19 task force dahil isang ‘health and travel insurance company’ lang ang pumayag na magbigay ng serbisyo.

Sa kabilang dako, sa mga nagkumpirma naman ng bookings ‘as of July 20, 2020’ papayagan ang mga ito na makaalis ng bansa sa kondisyon na ipinatupad ng pamahalaan.

Nauna rito, matatandaang inalis ng task force ang ban sa non-essential overseas travel noong Hulyo 6.

Sa ilalim ng guidelines, ang isang traveler ay kailangan na may sapat na ‘travel and health insurance’ para i- cover ang rebooking at accommodation expenses ng pasahero kapag na- stranded at hospitalization kapag naimpeksyon.

Ang isang traveler ay kailangan na magsumite ng ‘confirmed roundtrip tickets’ para sa mga bibyahe na gamit ang tourist visas.

Ang ‘country of destination’ ay kailangan na mayroong ‘no entry ban’ para sa mga Filipino at ang traveler ay kailangan na magpakita ng deklarasyon na nagsasabing batid nila ang panganib ng
pagbyahe at sundin ang COVID-19 guidelines para sa mga magbabalik na Filipino gaya ng mandatory RT-PCR testing at quarantine.

Inanunsyo ni Sec. Roque na papayagan lamang ng pamahalaan ang pagbabalik ng essential outbound travel para sa mga Filipino kapag nasunod ang mga kondisyon gaya ng ‘declaration signifying knowledge and understanding of the risks involved and compliance with the guidelines for returning Filipinos’. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Inupakan ng Malakanyang sa pamumulitika sa gitna ng pandemya DRILON WALANG PATAWAD

0

NIRESBAKAN ng Malakanyang si Senate Minority Leader Franklin Drilon nang sabihin nito na nabigo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na hawakang mabuti ang public health crisis dahil sa hindi maawat na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Malinaw ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinupolitika lang ni Drilon ang COVID-19 pandemic sa naging pahayag nito.

“As of July 21,” ang Pilipinas ay nakapagtala ng 70,764 kaso ng COVID-19 na may 23,281 ang gumaling at 1,837 naman ang namatay.

Tila ipinamukha ni IATF spokesperson Harry Roque kay Drilon na ang Pilipinas ay mayroong mababang mortality rate, nananatiling “good” ang critical care at karamihan sa kaso ay “mild at asymptomatic.”

“I don’t think we failed; for as long as we did not meet the 3.5 million cases projection of the UP [University of the Philippines]. And UP has been very good in their forecast,” ayon kay Sec. Roque.

“For as long as we’re minimizing death rates, I think we have succeeded. And there’s no way I can change that position because one life loss is too much,” dagdag na pahayag nito.

Inulit naman ni Sec. Roque ang apela ni Pangulong Duterte na isantabi na muna ang pulitika sa gitna ng krisis.

“We will always have different points of view, particularly those coming from the opposition, and I think they’re resorting to politicking stories. The appeal of the President is to concentrate on the COVID-19, set aside politicking for the time being which I think is a very wise policy,” aniya. (CHRISTIAN DALE)

Read More