PRESO INATAKE SA PUSO, NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 38-anyos na preso nang atakehin sa puso at makuryente sa loob ng piitan sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Rosario Maternity and Medical Center ang biktimang si Bryan Peji Dela Cuz ng Brgy. Sapa 4, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Doantilla Quinton ng Rosario Municipal Police Station, may sakit sa puso ang biktima bago nakulong sa Rosario Custodial Center.

Napag-alaman, alas-12:30 ng madaling araw nitong Sabado nang makaramdam ng hirap sa paghinga ang biktima hanggang sa atakehin sa puso naging dahilan upang siya ay matumba.

Sa kanyang pagbagsak, nahawakan niya ang isang kawad naging dahilan upang siya ay makuryente.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa datos, nabatid na si Dela Cruz ang naitalang pangwalo sa bilang ng mga namatay na preso

sa Cavite Custodial center sa taong kasalukuyan. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

CPP-NPA LADY CADRE NAPATAY SA SORSOGON

SORSOGON – Isang babaeng kasapi ng local communist terrorist group ang napatay ng military habang ilang mataas na kalibreng baril at mga bala ang nasamsam sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Army sa nadiskubreng kuta ng mga rebelde sa lalawigang ito.

Ayon kay Army Capt. John Paul Belleza, DPAO-9TH Infantry Division spokesman, isang babaeng mandirigma ng CPP-New People’s Army ang napatay nang makubkob ang kanilang pinagkukutaan matapos ang 45 minutong sagupaan sa Barangay Daganas, bayan ng Bulan bandang alas-5:28 ng hapon noong Biyernes.

Sinasabing aabot sa 40 communist NPA terrorists (CNTs) mula Komiteng Probinsya 3 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC), sa ilalim ng pamumuno ng isang Arnel Estiller alyas “Mando” ang nakasagupa ng mga elemento ng 22nd Infantry Battalion (22IB) at 31st Infantry Battalion (31IB).

Sa ulat, nagsagawa ng security operations ang mga sundalo kasunod ng sumbong mula sa local residents hinggil sa presensiya ng 40 NPA sa area.

Napatay sa nasabing sagupaan ang isang babaeng communist NPA terrorist (CNT) ngunit inabandona umano ng kanyang mga kasamahan matapos na makubkob ng government troops ang
kanilang kuta.

Sa clearing operation, nasamsam ng mga sundalo ang isang M60 machine gun, isang M16 rifle, anti-personnel mine, cellphone, assorted ammunitions, rolyo-rolyo ng electric wire, propaganda
materials at iba pang mga personal na kagamitan.

Ipinag-utos ni Maj. Gen. Henry Robinson ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB), sa kanyang mga tauhan na huwag lubayan ang pagtugis sa mga tumakas na mga rebelde.

Pinasalamatan naman ni Maj. Gen. Robinson ang mamamayan kasabay ng pahatid na papuri sa mga taong nagbibigay ng impormasyon hingil sa presensiya ng mga kalaban.

“The encounter was another success on our part — the military and the Bicolano people. Your continuous support even by way of simple sharing of information about the presence of the
terrorists, contributes a lot in our fight against insurgency. Our fight against this terrorist group will soon be over, as the enemy armed elements are now on continuous declining strength,” ani Maj. Gen. Robinson. (JESSE KABEL)

Read More

3 AMASONA ARESTADO SA NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS Occidental – Tatlong kababaihang kasapi ng communist terrorist group ang inaresto ng mga pulis sa bayan ng Calatrava sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Calatrava Police Station, nahuli sa aktong nagsasagawa ng lectures sa kanilang mga supporter sa Barangay Minapasok ang tatlong amasona.

Ayon kay P/Maj. Roberto Indiape Jr. ng Calatrava Police Station, na-recover sa mga arestado ang isang M-14 rifle, tatlong revolver at apat na rifle grenade.

Bukod dito, nasamsam din kanila ang walong cellphones, mga gamot at subersibong mga dokumento.

Ksalukuyang pang beneberipika sa imbestigasyon ang tunay na pagkakakilanlang ng tatlong hinihinalang NPA cadre kaya hindi muna nila pinangalanan ang mga ito.

Inalerto rin ng Calarava PNP ang kanilang counterpart sa Philippine Army na maghanda sa posibleng retaliatory action ng mga rebeldeng New People’s Army dahil sa pagkakabihag sa tatlong
amasona. (JESSE KABEL)

Read More

SNIPERS IKINALAT NG ARMY 2ND ID VS NPA

“THE more you sweat in training, the less you bleed in battle.” Ito ang  unang paalala ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng  Philippine

Army’s 2nd Infantry Division, nang ipag-utos ang deployment ng 53 snipers na sasabak sa giyera kontra New People’s Army sa iba’t ibang lugar na kanilang nasasakupan, bukod pa sa mga ipadadala sa Metro Manila, MIMARO provinces, Davao, Zamboanga, at Basilan.

Nabatid na kasama sa deployment ng Army snipers ang 178 privates na katatapos lamang sumailalim sa matinding pagsasanay sa jungle fighting and survivals.

Ayon kay kay Major Jayrald Ternio, ng Army 2nd  ID DPAO, sumailalim muna sa matinding pagsasanay sa loob ng 45 araw ang mga sundalo para mabihasa sa Jungle Warfare and Mountain

Operation Course upang makabisa ang treacherous terrains ng  Sierra Madre mountain range na siyang ginagalawan ng CPP- NPA terrorists.

Paaalala pa ni Maj. Gen. Burgos … “to be mindful of your actions because beyond our ability to fight and win wars, we have the responsibility to the Philippine Army as an organization in promoting a positive image of the Filipino soldiers so that we may be able to attain our transformation objective of becoming a world-class Army that is loved and respected by the very people whom we have sworn to serve.”

Pahayag pa ni Burgos, ang pagpapakalat ng sniper teams ay upang matulungan ang mga sundalong nasa frontline units sa pagtunton at pag neyutralisa sa iilang NPA na nalalabing nagtatago sa mga kabundukan.

Samantala, dahil sa kakaibang pagtuturo at doktrinang itinatanim ng Army Jungle Fighter Division, ibinigay rin sa kanila ang responsabilidad na sanayin ang 86 tauhan ng Philippine Coast Guard sa Jungle Warfare and Mountain Operations Course. (JESSE KABEL)

Read More

3 SUNDALO, 6 TERORISTA PATAY SA ENCOUNTER

SULU – Patay ang tatlong sundalo at anim na local terrorists sa sagupaan sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng military nitong Sabado.

Ayon kay Army Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, anim na terorista at tatlong sundalo ang namatay sa nangyaring sagupaang sa bayan ng Patikul sa lalawigan ng Sulu na nagsimula noong Biyernes ng umaga.

Sa report na isinumite kay Western Mindanao Command at incoming Chief of Army Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nagsasagawa ng security operations ang mga tauhan ng Philippine Army 32nd Infantry Battalion nang paputukan sila ng isang malaking grupo ng mga bandido sa Barangay Taong bandang alas-11:00 ng umaga.

Agad na nauwi ito sa matinding bakbakan na ikinasugat din ng tatlong sundalo, ayon kay Maj. Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force Sulu.

Tatlo sa napatay na local terrorists ang na-recover ng mga sundalo sa isinagawang clearing operation sa lugar na pinagyarihan ng bakbakan.

Pansamantalang hindi muna inihayag ang pangalan ng napatay na mga sundalo habang hindi pa napapasabihan ang pamilya ng mga ito.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, “The men and women of WestMinCom commiserates with the bereaved families of our fallen heroes who dedicated their life serving their beloved country.  Our forces from the JTF Sulu are determined to pursue the fleeing enemies in honor of their fallen comrades.”

“It is with deep sadness to report that three of our brave soldiers succumbed to death while defending the people of Sulu,” ani Maj. Gen. Corleto Vinluan.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital ang sugatang mga tropa ng Philippine Army. (JESSE KABEL)

Read More

2 LALAKI PATAY SA KIDLAT

NORTHERN SAMAR – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang dalawang lalaki makaraang tamaan ng kidlat sa bayan ng Gamay sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Gamay Police Station, nasunog ang katawan ng mga biktimang sina Alex Rapada, 60, ng Brgy. Lapinig Del Sur, sa bayan ng Lapinig, at Lope Morallos, 40-anyos, residente ng Brgy.
Oriental ng Gamay municipality, kapwa sa lalawigan ng Northern Samar.

Ayon kay P/Major Arnaldo Gomba Jr., acting chief of police ng Gamay PNP, lulan ng pumpboat ang mga biktima kasama ang tatlo pa nilang kaibigan nang biglang humagupit ang matalim na kidlat at tinamaan sina Rapada at Morallos.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima sanhi ng third degree burn ngunit hindi umabot nang buhay. (JESSE KABEL)

Read More

6 CHINESE KALABOSO SA 1 KILONG SHABU

OLONGAPO City – Arestado sa mga awtoridad ang anim na Chinese national makarang makumpiskahan ng P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Subic Bay Metropolitan Authority
sa lungsod na ito, noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, pinara ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga Chinese dahil wala silang validating sticker.

Bukod sa kahinahinalang kilos, napuna rin na hindi sila naka-seatbelt at walang lisensya ang driver ng sasakyan.

Sa pagsusuri sa mga sakay at sa kanilang sasakyan ay nadiskubre ang isang kilo ng shabu, baril at mga personal na gamit.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at batas trapiko. (JESSE KABEL)

Read More

MAFIA SA PHILHEALTH ILALANTAD SA SENATE PROBE

INIHAYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kanilang ilalantad ang lahat ng miyembro ng tinaguriang “PhilHealth Mafia” sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot
ang ilang opisyal sa malawakan at malalim na korapsiyon sa ahensiya sa gaganaping imbestigasyon ng Senado sa susunod na linggo.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nagbalik ang “mafia” sa PhilHealth na mas masugid at matinding kumurakot sa ahensiya na ilan ay nailantad noon nakaraang Hulyo sa ginanap na imbestigasyon ng Senado.

“We have witnesses who are willing to testify and detail the pervasive and deep-rooted corruption in the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth),” ayon kay Lacson.
Sinabi ni Lacson na muling ilalantad sa imbestigasyon ang parehong mga karakter na nagsamantala sa ahensiya na ibinulgar noon sa isinagawang imbestigasyon base sa kanyang privilege speech na

pinamagatang “PhilHealth and the Department of Wealth.” “At the outset, I can say that this new Senate investigation will reveal the same cast of characters, or at least a number of them, that we already exposed in a Senate inquiry in August last year after my “PhilHealth and the Department of Wealth” privilege speech on July 29, 2019.

Aniya, nagbalik ang sindikato, at hindi umalis o tinanggal ang puno’t dulo ng grupo.

“I would say, the syndicate is back with a vengeance – or at least its core group has never left,” giit ni Lacson.

“It is revolting to see the PhilHealth mafia very much active and still in control of the already depleted resources of agency, made worse by blatant manipulation of its financial statements. They

must have mastered the art of influence peddling as they seem to continue to gain access to the “corridors of power,” paliwanag pa ni Lacson.

Kamakailan, nabulgar ang P1 bilyong questionable transaction sa PhilHealth kabilang ang mga overpriced na IT equipment at PPE at test kits na ginagamit sa mga biktima ng corona virus 2019
(COVID-19).

Bukod kay Lacson, magkasamang naghain ng resolusyon si Senate Preident Vicente Sotto III upang imbestigahan ang katiwalian sa PhilHealth at may hiwalay na resolusyon si Senador Risa Hontiveros para sa isang special audit sa pondo ng pamahalaan vs COVID-19. (ESTONG REYES)

Read More

BATO SA DEATH PENALTY BILL: “STAND WITH YOUR OWN B—-“

MISTULANG pinasaringan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si Senate Committee on Justice chairman Richard Gordon sa pagsasabing magiging “objective” ito sa pagdinig sa mga panukala na
nagsusulong ng pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ayon kay dela Rosa, sa usapin hinggil sa death penalty, kailangang may paninindigan at hindi ka maaaring nasa gitna lamang.

“Buhay pinag-uusapan dito, hindi pwedeng walang paninindigan, dito kailangan may ‘bayag’ ka ditong tumayo kung gusto mo, fight! Kung ayaw mo, umalis ka. Hindi mo pwedeng sabihing
objective-objective. Kaplastikan yan. You stand with your own bayag,” saad ni dela Rosa.

Nauna rito, nanindigan si Senador Richard Gordon na pangungunahan niya ang mga pagdinig sa mga panukala at magiging patas sa pagsasagawa nito. “I told them already I will chair it. I will go on the floor. Magdedebate tayo.

It’s against my principle pero I can chair fairly,” saad ni Gordon. Kinontra rin ni Bato ang mga kumukwestyon sa timing ng pagsusulong ng panukala dahil nataon ito
sa pandemic.

“Hindi dapat sabihin na hihinto pag-ikot ng mundo ng Senado sa COVID-19. Paano ang ibang concerns? pwede naman tayong magmulti-tasking,” giit ni dela Rosa.
“Itong drug addiction is also global pandemic,” diin pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More