DOJ CHIEF BINANATAN SA SABLAY NA ‘LATE’ FILING NG MOTION FOR BAIL

INIHAYAG ni Senador Leila de Lima na sumablay si Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagsasabing “late” na umano ang paghahain nito ng Motion for Bail sa kanyang kasong Conspiracy to Commit Illegal Drug Trade na wala naman sa alinmang batas. Sa pahayag, sinabi ni De Lima, dating justice secretary na walang nakalagay sa alinmang batas o Konstitusyon na ipinagbabawal ang akusado na maghain ng Motion for Bail hanggang walang hatol ang korte. Sinabi ni De Lima na sinabi umano ng government prosecutor at ng DOJ secretary na “late” daw ang…

Read More

Medical frontliners pagod na, time out muna NCR IBALIK SA ECQ

(NELSON S. BADILLA) BIGLANG kumilos ang Department of Health (DOH) ngayong hapon ng Agosto 1 hinggil sa kahilingan ng Philippine Medical Association (PMA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Mega Manila mula Agosto 1 hanggang 15 upang “makabalangkas” ng mas epektibong estratehiya ang mga doktor at iba pang frontliners laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Inanunsiyo ito ni Dr. Jose Santiago, pangulo ng PMA, sa media ilang oras mula nang iparating ng nasabing samahan ang kanilang liham sa pangulo. Sa kanyang liham kay Duterte,…

Read More

2 BRGY., OSPITAL SA CALOOCAN NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM sa total lockdown ang dalawang barangay sa Caloocan City dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang mga lugar. Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, napagpasyahan nilang isailalim sa total lockdown ang Barangay 142, simula alas-12:01 ng madaling araw nitong Agosto 1 hanggang alas-11:59 ng gabi sa Agosto 7 dahil sa paglobo ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lugar. Sa kasalukuyan aniya, nasa 28 katao na ang naitalang positibo sa lugar, ayon sa datos mula sa City Health Department. Ila-lockdown din ang barangay 132 simula Agosto 2, alas-12:01…

Read More

5 PANG COVID DEATHS NADAGDAG SA QC

MULING nakapagtala ng limang bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City. Ayon sa media bulletin na inilabas ng Quezon City Local Government hanggang Hulyo 31, may nai- report na limang bagong kaso ng pagkamatay sa coronavirus sa lungsod. Bunsod nito, ang kabuuang bilang ng mga namatay sa nasabing sakit ay umabot na sa 302. Ayon sa report ng DOH hanggang Hulyo 31, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 6,646. Ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso na may mga address sa…

Read More

AKTOR NA SI MATT EVANS, INARESTO

BINITBIT ng Manila Police District ang actor na si Matt Evans sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” kaugnay sa kasong isinampa ng kanyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins. Ayon sa report ng District-Warrant and Subpoena Section ng MPD, alas-11:30 ng tanghali nitong Biyernes (Hulyo 31) nang arestuhin si Evans o Matthew Evans Nicolas sa tunay na buhay sa kanyang bahay sa A.H. Lacson Avenue, Sampaloc, Manila ng grupo nina P/Executive Master…

Read More

DOCTORS SA OSMA HAWA-HAWA NA

INIHAYAG ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi lamang pasyente sa pasyente ang naging transmisyon ng COVID-19 sa Ospital ng Maynila (OSMA) kundi doktor sa doktor na. Ayon sa alkalde, 11 medical frontliners na pawang mga doktor at nurses ang naka-confine dahil nagpositibo sa COVID-19, apat na confirmed cases ang naka-home quarantine habang 32 namang ‘suspects’ ang nasa home quarantine pero asymptomatic. Habang ang confirmed cases base sa contact tracing na ginawa ay nagkaroon ng close contact sa 58 katao. Nabatid na upang maawat ang paglala ng pagkakahawaan ay ipinasya ng…

Read More

ENVIRONMENTALLY SUSTAINABLE TECHNOLOGY, GAGAMITIN SA BUSTOS DAM REHAB

INENDORSO ni Gobernador Daniel Fernando ng Bulacan sa National Irrigation Authority (NIA) ang potensyal na paggamit ng green environmentally sustainable technologies na magpapataas sa kapasidad ng Bustos Dam katulad ng ginagamit sa mauunlad na bansa kung saan ang mga dam ay tumatagal ng daang taon at higit pa. Nagpaabot ng pasasalamat ang Design and Specifications Division sa inisyatibo ng gobernador at kinukonsidera ang makabagong teknolohiya upang masiguro na nasusunod ang mahigpit na pangangailangan para sa seguridad sa paggawa at pagsasaayos ng dam. Inanunsyo ito ng gobernador matapos ang monitoring at…

Read More

EKONOMIYA BUMABANGON NA

NAGSIMULA nang pumalo at makarekober ang ekonomiya ng bansa. Sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa public address nito na sinabi nitong nalampasan na ng bansa ang pinakalugmok na sitwasyon nito sa gitna ng pandemya. Buwan ng Abril at Mayo, ani Dominguez ang itinuturing na lowest peak sa ekonomiya ng Pilipinas dahil na rin sa epekto ng COVID-19. Aniya, wala ring problema sa usapin ng liquidity na kasing kahulugan na may perang gagastusin at hindi kinukulang ng pera ang ekonomiya. Maliban pa aniya…

Read More

DEATH PENALTY, MAGLILIGTAS SA KABATAAN SA DROGA

MALAKI ang paniniwala ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na maililigtas ng death penalty ang kabataan sa paggamit ng illegal drugs kaya’t sinusuportahan niya ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito. Sa pahayag, sinabi ni Go na maililigtas sa panganib ng ilegal na droga ang ating kabataan kung maibabalik ang parusang bitay laban sa karumal-dumal na krimen na may kinalaman sa ilegal na droga. “Buo ang aking suporta sa muling pagbanggit ni Pangulong Duterte na talakayin ang pagbalik ng death penalty para sa heinous crimes involving illegal drugs,” ayon…

Read More