Lalantad na pasyente tatawaging “BayaniYan” ‘SHAME AND FAME CAMPAIGN’ VS COVID-19

0

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious  Diseases (IATF-EID) at National Task Force (NTF) on COVID-19 na ikonsidera ang paglulunsad ng  ‘shame and fame campaign” upang mabilis ang pagtukoy ng mga taong nakasalamuha ng mga positibo sa nasabing virus.

“It’s high time we start a ‘shame and fame campaign’ as a weapon in this difficult fight against  COVID-19. I appeal to government and the public to join hands in pursuing this drive,” ani Laguna
Rep. Dan Fernandez.

Ayon sa mambabatas, lahat ng COVID-19 patients na lalantad at aamin sa publiko ay dapat  tawaging “BayaniYan” dahil malalaman agad kung sino ang nakasalamuha ng mga ito.

Sa pamamagitan aniya nito, hindi na mahihirapan ang mga contact tracer.

Wala aniyang dapat ikahiya ang mga COVID-19 positive na lumantad dahil marami nang gumawa  nito na kinabibilangan ng celebrities, mambabatas, cabinet secretaries.

Una nang sinabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na dapat isapubliko ang pangalan ng  mga COVID-19 positive para mapadali ang pagkontak sa mga taong nakasalamuha at nakausap ng  mga ito. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Sa 2-week MECQ COVID-19 RESPONSE ITOTONO NG GOBYERNO

0

GAGAMITIN ng gobyerno ang 2 linggong “timeout” na hiniling ng mga medical frontliners para  mag-fine tune o magrecalibrate ng mga hakbang sa pagtugon ng bansa sa covid 19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas paiigtingin ng gobyerno ngayon ang T3 o  testing tracing at treatment sa mga covid 19 positivi individuals.

Sa kabikang dako, ipatutupad din ang hardlockdown sa mga lugar o brgy o komunidad na sadyang  mataas ang kaso ng virus.

Susunduin sa pamamagitan ng oplan kalinga ang mayruong mild symptoms at mga asymptomatic  at dadalhin sila sa mga isolation areas. (CHRISTIAN DALE)

Read More

P15-B ibinulsa ng mafia PHILHEALTH, BANGKAROTE SA 2022

0

(DANG SAMSON-GARCIA)

 

INAMIN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na posibleng hindi na sila  makapagbigay ng benepisyo sa mga miyembro ng ahensya sa 2022.

Sa pag-arangkada ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole, inamin ni PhilHealth Senior Vice  President for Data Protection Office Nerissa Santiago na ang actual life ng ahensya ay isang taon na  lamang.

Sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi ni Santiago na sa kanilang pagtaya  sa pagtatapos ng taon ay aabot na sa P90 bilyon ang kanilang losses at sa pagtatapos ng 2021 ay  aabot na sa P147 bilyon.

Iginiit ni Santiago na kung hindi sila mabibigyan ng karagdagang subsidiya ng gobyerno ay  posibleng hindi na kayanin pa ng PhilHealth na magbigay ng mga benepisyo.

ANOMALYA

Dinikdik din ng mga senador ang mga opisyal ng PhilHealth kaugnay sa sinasabing katiwalian at  iregularidad sa kanilang tanggapan.

Kabilang na rito ang pagkwestyon ni Senador Panfilo Lacson sa sinasabing maanomalyang  pagpapalabas ng advance na pondo para sa ilang medical facilities kabilang ang dialysis centers at
mga maternity package sa ilalim ng Internal Reimbursement Mechanism na para sana sa COVID-19  treatment.

Ilan sa tinukoy ni Lacson ang pagpapalabas ng kabuuang P45.176 milyon sa B. Braun Avitum  Philippines Free Standing Dialysis Center gayundin ang P226.38 milyon na maternity package.

Nilinaw naman ng mga opisyal ng PhilHealth na binigyan ng pondo kahit ang non-COVID-19  patients dahil nakasaad sa kanilang programa na lahat ng ospital na may pending claim ay dapat
mabigyan.

Kinuwestyon naman ito ni Lacson kasabay ng pagsasabing ang Ospital ng Maynila ay mayroong  reimbursement claim na P19.3 milyon noon pang Mayo subalit hindi pa rin nare-release.

IT SYSTEM 

Kinuwestyon din ni Lacson ang mga opisyal ng PhilHealth sa procurement ng overpriced na  network switch layer.

Sa datos na iprinisinta ni Lacson, noong 2019 bumili ang PhilHealth ng switches sa halagang P4.81  milyon gayung ang market price nito ay P939,360 lamang o overpriced na P3.87 milyon.

Kahit nakaimbak pa sa bodega ang mga equipment na ito ay muling binalak ng ahensya na bumili  ng karagdagang switch.

Bukod pa ito sa kinukwestyong P2.1 bilyon na IT project ng PhilHealth.

‘DI SINIBAK

Naging mainit din ang pagtatanong ni Senador Francisco Tolentino hinggil naman sa mga opisyal ng  PhilHealth na una nang pinagsumite ng resignation letter ni Pangulong Duterte.

Inamin ni PhilHealth President Ricardo Morales na hindi niya ipinatupad ang mga resolution  kaugnay sa pagpapa-resign sa mga executives ng ahensya dahil posibleng maparalisa ang kanilang
operasyon.

Ipinaalala ni Tolentino na pinagbibitiw ang ilang opisyal ng PhilHealth dahil sa isyu ng katiwalian  subalit sa halip na ipatupad ang kautusan ay nabigyan pa ng promosyon ang mga ito.

Itinanggi naman ito ni Morales at iginiit na wala rin namang naihaing kaso laban sa mga opisyal  kaya’t nanatili ang mga ito sa kanilang pwesto.

NABAHALA

Nagpahayag naman ng pagkabahala at pagkabigla ang isang mambabatas sa Kamara matapos  aminin ng PhilHealth na hanggang sa susunod na taon na lamang ang kanilang pondo.

Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante, bukod sa katiwalian sa PhilHealth dapat  umanong pagpaliwanagin ito dahil itinago nila sa Kongreso ang kalagayan ng kanilang pondo.

“We are shocked, however, by admissions that its funds will dry up by next year. This information  should have been relayed to Congress so that funds meant for COVID-19 response could have been  allocated to augment the resources of PhilHealth,” ani Abante.

Mula noong nakaraang taon ay nagpatawag na ng imbestigasyon ang grupo ni Abante nang  pumutok ang dialysis scam sa PhilHealth na isa sa mga tinitingnan nilang dahilan kung bakit
nauubusan ng pondo ang mga ito.

P15-B PONDO

Ibinunyag din sa pagdinig ng Senado ni resigned PhilHealth anti-fraud legal officer Atty. Thorrsson  Keith na umaabot sa 15 billion pesos na pondo ng state insurance ang napunta umano sa
korapsyon.

Aniya, mayroong sindikato sa loob ng ahensya na siya rin umanong nasa likod ng pagtataas sa  premium ng mga overseas Filipino worker (OFW) para may maitapal sa naibubulsang salapi.

SILA-SILA PA RIN

“If we look closely enough, the story only revolves around the same cast of characters – a circle of  high-ranking officials who manage to hog their seats despite the change of leadership and detailed  anomalies that we already unearthed in the past,” dagdag ni Lacson.

Sa kanyang opening statement, inihalintulad ni Lacson sa mabahong kanal ang PhilHealth na  monopolisado ng matataas na opisyal na hindi nawawalan ng pamamaraan kung paano
kukurakutin ang pondo ng ahensiya.

“And for good reason. PhilHealth is a murky, stinking swamp that many of its good and well- meaning people from the officials to their rank-and-file employees want drained, not just of some
corrupt but well-entrenched officials who do not seem to run out of malevolent schemes to enrich  themselves, but of a deeply rooted, mafia-like syndicate that controls the resources of the
corporation, and habitually manipulate its financial records, that even the COA seems helpless in  the conduct of their regular audit,” paliwanag ni Lacson. (BERNARD TAGUINOD/ESTONG REYES)

Read More

Energy security kritikal sa national security SOLONS NANAWAGAN NG MALAMPAYA EXTENSION

0

HINILING ng mga kongresista, na nabibilang sa ‘power block’ ng House of Representatives, ang  Malampaya gas-to-power project extension upang mapigilan ang napipintong energy crisis na dulot  ng tumataas na demand at bumababang resources.

Sa virtual Kapihan ng Samahang Plaridel na may titulong ‘Energy Independence Crucial to National  Security’, nagsama-sama ang ilang industry leaders at opisyal ng Kongreso upang talakayin ang  namumuong energy crisis at ang mga posibleng solusyon para rito.

“We need to fast-track the development of our energy supply,” wika ni  Lt. Gen. (Ret.) Rozzano  Briguez, President and CEO ng The Philippine National Oil Company-Exploration Corporation
(PNOC-EC). “We envision exploring new oil and gas sources to augment our Malampaya reserves.”

Naghain ang mga kongresista ng House Resolution No. 1063, na nananawagan para sa  pagpapatupad ng national defense at security policies upang matamo ang independent at
sustainable energy supply, habang nakatuon din sa pagpapalawig ng buhay ng Malampaya plant.

“Malampaya plays a vital role in energy security,” pahayag ni PHILRECA party-list Rep. Presley C. De  Jesus.

Kasabay nito ay sinabi niya na: “Is it enough? That’s the question. Natural gas is very affordable and  dependable. Energy independence would help us sustain our rapid development.”

Sa katunayan, ang isyu ng energy security ay may pangmatagalang epekto na hindi naaabot ng  power industry.

“Energy security is a crucial factor in protecting and upholding our national sovereignty, so we can  keep domestic economies running at full power,” sabi ni APEC party-list Rep. Sergio C. Dagooc.

Ipinaliwanag niya na sa masamang epekto na dulot ng COVID-19 sa global supply chain, hindi na  tuloy-tuloy na makaaasa sa foreign fuel source.

Nagbabala rin si Ako Padayon party-list Rep. Adriano A. Ebcas na: “Unless the government quickly  addresses all these energy issues and rising demands, the Philippines may face an acute power
shortage. These power shortages can have far-reaching effects—from access to energy and high  energy cost, to livelihood, education, and of course, national security.”

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Philippine Energy Independence Council Director Don Paulino kung  bakit ang mabilis na paglinang ng mas maraming energy resources ay maaaring maging isang
investment sa bansa sa hinaharap.

“This country will have further growth, social mobility, and deeper impact on society if we have  energy security and independence. Energy demand will increase as the Philippines continues to
grow. We need two to three times the supply we have right now,” aniya.

Binigyang-diin ni Rep. Godofredo N. Guya ng Recoboda party-list na mahalaga ang pagtutulungan  ng public at private sector, lalo na pagdating sa epektibong energy exploration at development.

Sa ngalan ng 121 electric cooperatives sa buong bansa, iginiit naman Atty. Janene Depay Colingan,  General Manager ng PhilReca, ang pangangailangan ng energy exploration efforts.

Read More

SOCIAL MEDIA ‘DI PWEDENG KONTROLIN NG ANTI-TERROR LAW

0

WALANG probisyon sa Anti-Terrorism Act of 2020 na papayagan ang mga awtoridad na kontrolin ang social media.

Nauna rito, ipinanukala ni Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Gilbert Gapay na magsama ng probisyon na kontrolin ang social media sa pagpapatupad ng ‘rules and regulations’ ng bagong batas.

May ulat na ginagamit ng mga terorista bilang platform ang social media para hikayatin ang mga tao at maging ang magplano ng terrorist acts.

“Opinyon po ‘yan ni General Gapay,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

“Binasa ko naman po ang anti-terror law, wala pong probisyon doon na magagamit laban sa social media. Ang meron po diyan ‘yung ating cybercrimes law. May probisyon po diyan pero subject po ‘yan sa authority na ibibigay ng ating hukuman,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

May ilang mambabatas ang nagsabi na walang basehan sa ilalim ng ng Republic Act 11479 ang panukala ni Gapay.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, na ginagarantiya ng Saligang Batas ang freedom of speech at ang suhestiyon ni Gapay ay malayo na sa tunay na intensyon ng batas.

Hindi naman naitago ng mga militanteng mambabatas ang kanilang matinding pagkabahala sa plano ni Gapay na i-regulate ang paggamit ng social media.

Ayon kina Bayan Muna party-list Reps. Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite, luhbang nakababahala ang plano ni Gapay na isama sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terror Law ang pag-regulate sa social media dahil pagpapatahimik umano ito sa kritiko ng gobyerno.

Ang plano ni Gapay ay patunay rin umano kung bakit kailangang ibasura ang anti-terror law dahil gagamitin lamang ito sa mga kritiko ng administrasyon at hindi sa mga tunay na terorista.
(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

Read More

NAWALAN NG TRABAHO PINASASALBA SA LGUs

0

KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang mga local government unit (LGU) at iba pang ahensya ng pamahalaan na maghanda para tulungan ang maliliit na manggagawa ngayong ibinalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Laguna, Cavite at Rizal.

Giit ni Poe, dapat siguruhin ng mga ahensya ng pamahalaan na handa ang mga itong asistehan ang mga manggagawang mawawalan muli ng hanapbuhay.

“With the MECQ back, we call on LGUs and national agencies to put in place necessary services to help our people, especially our workers, transition anew to quarantine protocols,” sabi ni Poe.

Dagdag pa ng senador na kailangan ding siguruhin ng mga kumpanya na may shuttle services para magamit ng kanilang empleyado lalo na at ipagbabawal sa ilalim ng MECQ ang pagbiyahe ng mga pampasaherong sasakyan.

“We hope private firms can also consider hiring jeepneys as service contractors so they can have a source of income,” aniya pa.

Umapela rin ito sa mga employer na gumastos nang kaunti upang magbigay ng allowance sa kanilang mga manggagawa na hindi tatanggap ng suweldo kahit walang trabaho. Gayundin sa mga
mall owner na makinig muli sa panawagan ng mga umuupa na huwag munang maningil sa panahon ng MECQ. (NOEL ABUEL)

Read More

GOBYERNO AANGKAT NG COVID-19 MEDICINES

0

NAGSIMULA nang umangkat ang pamahalaan ng gamot na nasubukan nang nakapagliligtas ng buhay ng mga tinamaan ng COVID-19 at nasa kategoryang critical at severe.

Sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, ang nasabing gamot ay ang Remdesivir na ginagamit umano sa major therapies at nakita nilang nakapagsalba na ng buhay ng COVID patient.

Bukod aniya sa Remdesivir ay nag-iipon na rin ang pamahalaan ng high flow nasal cannula.

Sa kabilang dako, sinabi ng Kalihim na maganda ang management treatment na naibibigay sa mga natamaan ng COVID kabilang na ang mga nasa critical at severe cases na aniya ay nasa isangporsiyento lamang.

Mababa aniya ang bilang ng mga namamatay at malaking bagay dito ang magandang management treatment ng health workers. (CHRISTIAN DALE)

Read More

OBRERO SA METRO BALIK-PADYAK, LAKAD

0

NAIPON na naman sa mga lansangan ang mga manggagawa na nagbaka-sakaling makasakay papasok sa trabaho sa unang araw ng implementasyon ng modefied enhanced community
quarantine (MECQ) kahapon ng umaga.

Karamihan sa mga ito ay napilitang maglakad upang hindi masayang ang isang araw na pasok sa trabaho habang may ilan na umuwi na lamang laluna ang malalayo ang pinapasukan.

Muli namang gumamit ng bisikleta ang ibang manggagawa.

Kapansin-pansin din ang volume ng mga motorsiklo sa mga checkpoint na ang iba ay ginawang service ng ilang frontliners.

Muli namang hinigpitan ang checkpoint sa mga boundary ng bawat bayan at siyudad sa National Capital Region (NCR) alinsunod sa kautusan ng Joint Task Force COVID  Shield.

Dinagdagan din ng task force ang pwersang magbabantay sa mga checkpoint upang matiyak na masusunod ang mga protocol na iiral sa ilalim ng MECQ.

Paalala ni JTF COVID Shield Commander P/Ltgen Eleazar, mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang pinapayagan lang makalabas ngayon. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

Read More

Birada ng Office of the Mayor TF Disiplina sa MECQ SHOOT TO KILL SA QC VIOLATORS

0

(SAKSI NEWS TEAM)

BATIKOS ang inabot ng pinuno ng Quezon City local government’s Task Force Disiplina matapos mag-post sa social media na dapat ‘i-shoot to kill’ ang mga pasaway na lalabag sa modified
enhanced community quarantine (MECQ) protocols.

Bago ang pag-iral ng MECQ sa kalakhang Maynila, nag-post ng babala sa Facebook si TF Disiplina Head Rannie Ludovica, dating Quezon City councilor, na “Mula bukas shoot to kill na ang mga
lalabag sa MECQ.”

Dahil dito, kinuyog ng netizens partikular ang mga residente ng QC ang opisyal dahilan para burahin nito ang kanyang post. Gayunman, kumalat pa rin ito sa social media dahil na-screenshot na ng maraming Facebook users.

Bukod sa ‘shoot to kill’, nag-post din si Ludovica ng: “PAANO DI DADAMI COVID, TINGNAN MO MGA IREEPONSABLENG TAGA EVERLASTING BGRY HOLY SPIIRT BOUNDARY COMMONWEALTH..DAPAT SA INYO PA…….T    YIN”.

PASISTANG IDIOT

Tinawag naman ng isang mambabatas sa Kamara na “pasistang idiot” si Ludovica kaugnay ng ‘shoot to kill’ post nito.

“Isa pa itong pasistang idiot. Don’t “shoot to kill the messenger,” reaksyon ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa kanyang Facebook account.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos kumalat ang FB post ni Ludovica bandang alas-3 ng hapon noong Lunes, Agosto 3 at binura bago mag-alas sais ng gabi o anim na oras bago ibinalik sa MECQ ang Metro Manila, Region IV-A at Bulacan dahil sa kahilingan ng mga medical frontliner upang makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Inupakan din ng netizens si Ludovica sa paninisi sa media kaya kumalat ang post niya.

“Mabuti nga nahuli ka ng media. Hindi sila ang malisyoso kung hindi ikaw. Ni hindi mo nakikita ano mali sa pagpost at ni-post mo. Tapos sinisisi pa sa tao ang covid. E kaya tayo nandito dahil sa
kapalpakan ng IATF at national leadership. Sana masisante ka,” komento ni @junhuiSonata.

KINONDENA PERO
WALANG PARUSA

Wala namang balak parusahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Ludovica.

Sa halip, kinondena ng DILG ang hepe ng QC Task Force Disiplina.

Sabi ng tagapagsalita ng DILG ni Usec. Jonathan Malaya: “improper and illegal” ang pahayag ni Ludovica na shoot to kill ang dapat gawin sa mga lalabag sa mga alinuntunin sa MECQ sa Quezon
City.

Ilang buwan na ang nakalipas, nasangkot sa kontroberya ang tanggapan ng pinamumunuan ni Ludovica noong Mayo 1, 2020 nang gulpihin ng kanyang mga tauhan ang isang fish vendor na
lumabag umano sa quarantine protocol sa Brgy. South Triangle, Quezon City.

Binatikos din ang opisyal sa marahas na operasyon ng Task Force Disiplina laban sa mga motoristang ipinaparada ang kanilang sasakyan sa bangketa.

Kaugnay nito, binalaan ni Malaya si Ludovica na huwag ulitin ang marahas na pahayag.

Pinaalalahan din niya si Ludovica na, “The penalties to be imposed by local government units against quarantine violators must be within the bounds of their respective ordinances.”

Ngunit, si Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros ay nanindigang hindi niya palalampasasin ang ginawa ni Ludovica.

Ani Hontiveros: “As a QC resident for the last 35 yrs, I will personally work to hold this public official accountable for inciting violence vs civilians” sa kanyang twitter kung saan itinag pa si Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang Commission on Human Rights (CHR). (JOEL O. AMONGO/BERNARD TAGUINOD/NELSON BADILLA)

Read More