Las Pinas City Government, naglabas ng Executive Order sa ilalim ng MECQ

0

Ni Jhay Jalbuna

Nagpalabas ng Executive Order ang Las Pinas City Government na istriktong ipatutupad sa kanyang mga nasasakupan upang tugunan ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Inihayag ni Las Pinas City Vice Mayor April Aguilar-Nery, na isang quarantine pass lamang ang ibibigay ng nakakasakop na barangay sa bawat pamilya na layung limitahan ang kanilang kilos o galaw.

Ayon sa bise-alkalde,istrikto o mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng face mask, physical distancing malimit na paghuhugas o pagsasanitize ng mga kamay at iba pang public healths at safety measures.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga residente na sundin ang mga umiiral na ordinansang panlungsod na may kaugnayan sa COVID-19 safety measures gaya ng curfew na mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw, pagsusuot ng face mask, Anti-Loitering Ordinance at iba pang katulad na ordinansa na nagpapataw ng karampatang parusa at multa sa mga lalabag nito.

Ang mga pamilihang bayan at iba pang establisimiyento na pinayagang mag-operate sa loob ng kanilang barangay ay dapat na may wastong markers upang mabawasan ang close contact o pagdidikit-dikit.

Inatasan na ang Las Pinas City Police na mas paigitngin ang kanyang pagpapatrulya at information and educational campaign,gayundin ang mahigpit na implementasyon ng major at inner checkpoints,pagbabantay sa anim na public markets,20 barangays at mga payout centers para sa ikalawang yugto ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) national.

Dahil suspendido naman ang mass transportation sa ilalim ng MECQ,patuloy ang pagbibigay ng free rides o libreng sakay ng lokal na pamahalaan bilang tulong sa mga frontliners at mga residente ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni VM Aguilar-Nery na magdaragdag pa ng mas maraming free shuttle bus service upang tulungan at bigyan ng alternatibong masasakyan ang mga apektadong Las Pineros.

Pinayagan naman ang tricycle na pumasada basta sa kani-kanilang awtorisadong ruta o boundaries lamang ibig sabhin bawal bumiyahe sa kahabaan ng Alabang Zapote Road,at tanging isang pasahero lamang ang sakay nito at dapat nasusunod ang itinakdang health protocols sa kanilang terminal.

Nilinaw din ni VM Nery na pinapayagan ang motorsiklo at backriding kung ang ankas nito ay essential workers/APOR o Authorized Persons Outside Residence batay sa pagpapahintulot ng Joint Task Force Covid Shield.

Samantala,pinapayagan naman ng Las Pinas Government ang pagbili at pagbebenta ng mga produktong alak subalit istriktong ipinagbabawal ang inuman sa mga pampublikong lugar at tanging sa bahay lamang ito pinahihintulutan.

Batay naman sa IAFT guidelines, ang mga establisimiyentong pinayagang magbukas lamang ay ang hospital,pharmacy/drugstore, BPO (50% capacity), supermarket, convenience store, gasoline station, hardware, banks,restaurant (delivery lamang at walang dine-in) at malls (hardware, grocery, bookstore, baby care, pet store, department store, clothing, toy store).

Samantala sarado naman ang mga establisimiyento gaya ng parlor/ barbershop/ Sauna/ Massage at ibang katulad nito, gym, computer shop at amusement.

Kaugnay nito,muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga Las Pineros na mag-ingat, panatilihin ang disiplina sa sarili at sumunod sa health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Read More

INTERNET NG PINAS KULELAT DAHIL SA KORAPSYON AT RED TAPE SA LGUs

0
BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA

 

ALAM NA ALAM NG HALOS lahat ng mga Filipino na napakabagal ng operasyon ng internet sa Pilipinas.

Kahit nga mga batang nag-aaral pa lamang sa elementarya ay nakararanas ng kabagalang ito dahil gumagamit na rin sila ng internet habang nakaharap sa computer, o cellular phone.

Kaya, hindi nakagugulat ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) hinggil sa pagpapa-ayos ng serbisyo ng mga kumpanya sa industriya ng impormasyon at telekomunikasyon.

Mismong datos ng mga bansa sa Southeast Asia ang nagpapatunay na kulelat ang bansa sa operasyon ng internet ng mga kumpanyang ­telekomunikasyon.

Ayon sa datos, ang bansa natin ay napag-iiwanan ng mga bansa sa Southeast Asia pagdating sa dami ng bilang ng cellular towers.

Inabot natin ang kala­gayang ito, samantalang ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa rehiyon na unang nagkaroon ng mobile network noong 1991.

Nauna tayo sa Vietnam ng ilang taon, pero halos 70,000 towers na ang nakatayong tore sa kanila.

Sa atin sa Pilipinas ay nasa 22,000 towers pa lang.

Uulitin ko po, kahit ilang taon tayong nauna kumpara sa kanila sa pagpasok sa industriya ng impormasyon at telekomuniskasyon ay na­ungusan tayo.

Kaya, mahina ang phone signal dahil sa kulang ang cellular towers sa bansa.

Kahit sa Metro Manila ay nakararanas ang mga kus­tomer/kliyente ng telecommunication firms ng problema sa voice calls at data connection.

Mayroon mga pagkakataon na hindi natatanggap ang text messages na ipinadala ko sa isang tao, o kaya hindi ko maipadala kaagad, dahil napakahinang signal.

Kahit ako, nakararanas din ng nasabing suliranin.

Kaya, hindi masamang akusahang palpak ang network service sa Pilipinas!

Maraming netizens ang nagwawala sa social media kapag bumabagsak, o nawawala ang kanilang phone signal, ngunit kasalanan ba talaga ng Globe Telecom at Smart Communications ang nasabing suliranin?

“Hindi” ang sagot ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio, Jr. na naging komisyoner din ng National Telecommunications Commission (NTC) noong 2001.

Ayon sa pahayag ni Rio sa kanyang Facebook account, mayroong paniniwalang sobrang laki ng kinikita ng ­telecommunications companies o telcos.

Ang paniniwala, o reputasyong ito, ang naging batayan kung bakit naging “gatasan” (legal man o ilegal) ng local government unit (LGUs) ang telcos sa mahabang panahon.

Kahit ang New People’s Army (NPA) ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay nangingikil ng “tax” sa telcos na pumapasok sa mga hawak nilang teritoryo, o ‘inaangking’ mga lalawigan at bayan nila.

Inihayag ni Rio na gumawa ang LGUs ng mga patakaran na nagpapataw sa telcos ng mga one-time at recurring fees at sangkatutak na requirements upang lumaki ang kanilang kita, o rebenyu.

Ayon sa sumbong ni Globe Telecom President and CEO Ernest Cu kay Pangulong Duterte nitong nakaraang linggo, kailangan ng 25-29 permits upang maitayo ang isang tower.

Ang masama, kumakain nang lampas walong buwan ang buong preso nito, kabilang na ang pagkuha sa mga permit na ito.

Pokaragat na ‘yan!

“Ang 25 to 29 permit, umaabot nang walong buwan. Tapos marami pa ho kaming miscellaneous fees. Iba’t ibang klaseng tower fees. Meron kaming special use permit. Hindi ho namin ma-stan­dardize,” ani Mr. Cu sa kanyang ­televised sumbong kay Duterte.

Pinatotohanan ni Rio sa kanyang Facebook post ang isiniwalat ni Cu.

Dahil sa “dinisenyong” red tape, nagkaroon ng dagdag na kita ang LGUs.

Maliban sa binabayaran sa LGUs, hindi nagpahuli ang maraming local executives na manghingi ng lagay sa mga telcos, bilang ‘sarili’ at ‘hiwalay’ na bayad sa mga alkalde.

Pokaragat na ‘yan!

Kung nangyayari na ito noong 1G/2G pa lang ang produkto ng telcos, higit na tumindi ito nang maging 4G/5G na ang inalok nila sa publiko.

Idiniin ni Rio na korapsyon at red tape sa mga pamahalaang lokal ang pangunahing dahilan at sagabal sa mabagal na pagtatayo ng telecommunications infrastructure sa bansa tulad ng mga cellular tower.

Kaya, korapsyon at red tape sa LGUs din ang rason kung bakit nalampasan at naunahan tayo ng ibang bansa sa Southeast Asia.

Maganda ang resulta sa isiniwalat ng opisyal ng Globe dahil mismong si Duterte ang nag-utos at nagbabala sa mga alkalde na ayusin sa loob ng 72 oras ang mga permit ng mga kumpanyang telekomu­niskasyon.

Kung hindi nila ito gagawin, tanggal sila sa puwesto!

Payo ko sa netizens na walang tigil ang reklamo sa Globe at Smart, ireklamo ninyo ang inyong mga alkalde na maraming hinihinging permit na binayaran ng telcos at sikretong nangingikil pa sa Globe at Smart.

Read More

NAGSASAYANG TAYO NG PONDO SA RAPID TEST

0
DPA Ni BERNARD TAGUINOD

 

NANGHIHINAYANG ako sa ginagastos ng gobyerno sa rapid test kits dahil bukod sa mababa ang accuracy nito ay kailangang isasalalim pa rin sa confirmatory test kapag may nagpositibo.

Wala akong ideya kung magkano na ang nagagastos ng national at local government units (LGUs) sa rapid test pero parang nagsasa­yang lang tayo ng pera ng bayan. Kahit marami dyan ay donasyon lang, nakakapanghinayang pa rin.

Hindi ko masisisi ang ilang mambabatas na magduda na mayroong nakikinabang sa rapid test na ito dahil ipinipilit pa rin itong gamitin kahit napatunayan na hindi accurate ang resulta ng test na ito.

May taga-Kongreso ang nagpositibo sa rapid test pero nang sumailalim sa confirmatory test ay nagnegatibo sila. Marami na rin tayong narinig na ganito ang naging karanasan sa rapid test.

May mga kaso ng Local Instranded Individuals (LSIs) na nakabalik sa kanilang mga probinsya matapos isailalim lang sa rapid test at dahil nagnegatibo pinayagan silang umuwi pero pagdating sa

kanilang probinsya, sumailalim sila sa CPR test at doon ay nagpositibo.

Ang resulta, nagkaroon ng mga kaso ng COVID-19 sa mga probinsya dahil pinauwi ang mga LSI dahil nagne­gatibo naman sa rapid test. Hindi ba pahamak ang rapid test na ito na ginagastusan natin ng bilyon-bilyong piso?

Mantakin nyo gagastos tayo ng P400 hanggang P700 para sa isang rapid test kit (ang presyong iyan supplier price pa lamang at mayroon pang dagdag na gastos dyan) tapos hindi accurate?.

Dahil hindi accurate ang resulta, kapag nagpositibo ang isang isinailalim sa rapid test ay isasailalim uli sa confirmatory test at sa pagkakataong ito ay gagamitin na sa kanya ang polymerase chain reaction (PCR) test.

May kamahalan ang PRC test dahil aabot ito sa P2,500 pataas ang presyo nito. May mga report tayong nakukuha na may mga hospital ang naniningil ng hanggang P8,000 hanggang P10,000.

Ipagpalagay na lang natin na P3,000 ang PRC test kung ang gobyerno na mismo ang bibili nito o gagastos nito pero kung ideretso na sa ganitong uri ng pagsusuri ang mga tao, nakatipid tayo ng

P400 hanggang P700 kada tao kung hindi na gagamitan ng rapid test.

Pagsasayang ito ng pondo ng gobyerno na napilitang mangutang upang may magagastos sa pagtugon sa problema ng COVID-19 pandemic na ito na dinala ng mga Chinese national mula sa Wuhan City sa ating bansa noong Enero.

Pero dahil siguradong may kumikita sa rapid test ay talagang ipinipilit ito dahil may pambili naman ang gobyerno pero pera ito ng taumbayan, inutang man yan pera pa rin natin yan dahil tayo rin ang magbabayad dyan.

Pinapayaman lang din natin ang ibang bansa na nagsu-supply ng rapid test kits lalo na ang China na pinanggalingan ng karamihan sa test kits na ito na ibinasura na sa ibang bansa tulad ng

Amerika at European countries.

Pinapayaman din natin ang mga corrupt officials at mga corrupt individuals sa pribadong sektor na nagsasamantala sa ating kalagayan para magkamal pa ng salapi sa panahon ng krisis na ganito.

Read More

BFAR NAGBABALA VS RED TIDE TOXIN

0

NAGBABALA kahapon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na iwasan muna ang pagkain ng shellfish mula sa ilang siyudad sa Bohol, Leyte, Davao Oriental, Surigao Del Sur at Negros
Oriental dahil sa red tide.

Ayon sa pagsusuri ng BFAR, lumalabas na positibo pa rin sa red tide toxin ang mga shellfish na kinolekta sa mga sumusunod na lugar: Dauis at Tagbilaran sa lalawigan ng Bohol; Cancabato Bay at

Tacloban City sa Leyte; Balite Bay at Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Sa pagsisiyasat pa ng BFAR, nagpositibo na rin umano sa red tide toxin ang mga shellfish na nakuha nila sa Tambobo Bay, Siaton, at Bais Bay sa Bais City sa Negros Oriental.

Paalala ng tanggapan na ang kahit anong uri ng shellfish o alamang na makukuha sa lugar ay hindi ligtas kainin.

Ligtas naman daw kainin ang mga isda, hipon, squid, at mga crab na makukuha sa mga nabanggit na lugar basta’t mahugasan ang mga ito nang maayos bago lutuin. (JESSE KABEL)

Read More

EXEMPTION NG LSIs SA TRAVEL RESTRICTIONS, TATALAKAYIN NG IATF

0

PAG-UUSAPAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang panukalang i-exempt ang locally stranded individuals (LSIs) mula sa travel restrictions kaugnay ng pinahigpit na coronavirus lockdown sa Metro Manila at sa mga karatig-lalawigan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na tatalakayin ng IATF ang request ni Hatid Tulong Program lead convenor and Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo.

Sinabi ni Encabo na intensyon ng kanyang kahilingan na bilisan ang pagproseso ng LSIs na naghihintay ng kanilang byahe pabalik ng lalawigan.

“Kapag hindi natin aasikasuhin sa loob ng dalawang linggo ay talagang magkakaroon ng matagal na pag-aantay at mas magiging vulnerable at magiging psychologically disturbed ang ating mga LSI,” ayon kay Encabo.

“Assuming na mai-grant kami, we are expected na mayroon kaming nakasalang na 500 plus LSIs na pauuwiin namin. Pero pag hindi kami maaprubahan, eh, talagang mag-aantay po ‘yung LSIs doon sa mga staging areas o temporary shelter areas natin,” aniya pa rin.

Tiniyak ni Encabo na ang “future send-offs” ay mas organisado matapos na ang programa ay dagsain ng balita na overcrowding sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, na naging
pansamantalang tuluyan ng libong LSIs noong nakaraang linggo.

Ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite ay isinailalim sa modified enhanced community quarantine hanggang Agosto 18. (CHRISTIAN DALE)

Read More

3-DAY ULTIMATUM NI DIGONG: SIBAK O SUSPENSION SA LGUs NA MAG-IIPIT NG CELL TOWER WORK PERMITS NG TELCOS

0

HANGGANG sa tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units upang aksiyunan ang construction permit applications ng telecom companiespara sa pagpapatayo ng cellular towers sa buong bansa.

Nagbanta ang Pangulo na ang sinomang hindi makasunod sa ‘3-day ultimatum’ ay kanyang pakakasuhan at posibleng masuspinde o masibak.

Kasamang binalaan ni Duterte ang mga punong barangay na tumigil sila sa pag-aastang parang panginoon sa kani-kanilang lugar, na ang mga tiwali sa kanilang hanay ay kanya ring pakakasuhan.

“The clock is ticking except on the days that we do not hold office. I will count 72 hours during weekdays. For example if the application has been there on Monday, then two to three days shouldbe Thursday,” paliwanag ng Duterte.

Iniutos din ng Pangulo sa lahat ng local councils sa bansa na ipaalam nila sa DILG ang kanilang compliance sa “three-day ultimatum’ matapos maipabatid sa kanila ang nasabing  palugit.

Ipinaliwanag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang 3-day ultimatum ng Pangulo ay pakiusap lamang, partikular sa miyembro ng mga lokal na konsehong hindi saklaw ng Modified Enhanced Community Qurantine na madaliin ang aksiyon sa work permits and licenses applications ng lahat na digital infrastructure projects, lalo na ang cell sites sa mga kanayunan.

Sinabi ni Roque na kaugnay ang pakiusap ng Pangulo sa lumutang na problema sa internet connectivity ngayong nahaharap ang sistema ng ating edukasyon sa tinawag na flexible learning, kasama ang online classes.

Ang kakulangan ng cellular towers, lalo na sa malalayong probinsiya, ay tinukoy ng mga mag-aaral, magulang at pati mga guro na pangunahing balakid sa epektibong pagpapatupad sa tinawag na distance learning.

Nauna nang naipabatid sa Pangulo ng isang telecom company executive na inaabot umano ng hanggang walong buwan bago aksiyunan ng ilang LGUs ang lahat ng permitting requirements dahil sa umaabot sa 25-29 permiso ang kakailanganin para lang maipatayo ang isang cellular tower.

Sa panig naman ni DILG Sec. Eduardo Año ay inabisuhan nito ang lahat ng LGUs na may mga nakabimbin pang applications para sa work permits ng cell site construction na agad nilang aksiyunan ang mga ito.

“As the President has ordered those LGUs with pending applications from telcos should be released (approval or rejection) in three days. If their requirements are lacking, you have the reason to disapprove. You do not withhold  and delay,” paliwanag ni Año.

Read More

CYBER LIBEL ISINAMPA VS NUEVA ECIJA PROV’L ADMINISTRATOR

0

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2012, ang administrator ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija dahil umano sa malisyosong mga
komento sa social media, partikular sa Facebook, hinggil sa usapin ng pagpapatupad ng quarantine protocol sa bayan ng Peñaranda ng naturang lalawigan.

Sa kanyang 29-pahinang reklamo, binigyan-diin ni Peñaranda municipal Mayor Joselito Ramos ang tahasang pang-aalipusta, paninirang puri at iba pa sa kanya, gamit ang nasabing social media
platform, ni Atty. Alejandro Abesamis, provincial administrator ng Nueva Ecija, na malinaw umano na isang uri ng cyber libel.

Nag-ugat ang usapin nang dumating sa nasasakupang bayan ni Ramos ang tinaguriang “Pablo sisters” na mula sa bansang Japan at diretsong umuwi sa kanilang bahay sa halip na dumaan sa
kaukulang health, safety and security protocols ng municipal government bunsod ng umiiral na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Diumano, mistulang nagsilbing personal escort ng magkakapatid na ‘balikbayan’ si Abesamis sa pagpasok ng mga ito sa bayan ng Peñaranda at binalewala ang nakalatag na checkpoint maging
ang patakarang sumailalim muna sa interview ng local health personnel at posibilidad na pansamantalang dalhin sa ‘quarantine facility’ ang mga indibidwal na mula sa ibang lugar.

Dahil sa matinding pagkadismaya, noong nakaraang Abril 23 ay nag-post sa FB si Mayor Ramos ng mga katagang “Mga kababayan ko, san ka nakakita ng ganyan, sa gobyerno din naman siya…hirap na hirap na tayong lahat sa coronavirus tapos magpapasok ka dito ng mga galing sa ibang bansa… pinalusot mo sa checkpoint at kasama ka pa.”

Isa naman si Abesamis sa mga nagkomento sa FB post na ito ng alkalde at naglitanya ang una ng “Bastos talaga ang pagkatao mo. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.

Kung kayamanan ba kaya feeling mo hari ka o kawalan ng pinag-aralan at kung nakapag-aral ka man lang walang natutunan dahil sa simpleng Good Manners and Right Conduct…baka may
kinalaman na ‘yan sa pagpapalaki sa yo…”

Ayon kay Ramos, mayroon ding komento ang provincial administrator na maging ang mga anak niya ay idinadawit sa isyu sa pagsasabi ng huli na “bata ka pa naman para maiwasan mong gayahin

ang pagkakamali nila sa pagpapalaki mo naman sa mga anak mo. Sa gayon makatitiyak ka at least na MAGIGING DISENTE AT EDUKADONG MGA TAO sila paglaki…”

Mabigat din aniya ang pahayag sa social media ni Abesamis, nakasaad ang: “MANANAGOT KA

MAYOR NAPAKASIMPLENG SITWASYON ‘YAN. TINITIYAK KO SA IYO NA MASUSUSPINDI KA KAYA

‘WAG NA LANG PO ‘WAG MONG ISUGAL ANG MGA BOTONG GINASTUSAN MO PARA DIYAN.”

Matatandaang nagwagi si Mayor Ramos noong 2019 mayoralty polls makaraang lumamang ng mahigit sa dalawang libong boto kontra sa kapatid ni Atty. Abesamis.

Para kay Atty. Abesamis, naniniwala itong “politically motivated’ ang kaso ni Mayor Ramos at nagsampa rin umano siya ng kahalintulad na ‘violation of Cyber Crime Prevention Act case’ kontra
sa alkalde, sa piskalya ng Quezon City. (CESAR BARQUILLA)

Read More

TESTIGO SA PHILHEALTH ANOMALIES, TINAKOT?

0

UMATRAS ang pangunahing testigo sa malawakang korapsiyon at mismanagement sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) dahil tinakot, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nakapanghihinayang ang pagback-out ni Etrobel Laborte, dating   top aide ni PhilHealth president at CEO Ricardo Morales na tumestigo sa mga anomalya sa ahensiya sa ‘last minute’ na posibleng dahil tinatakot ito.

Sinabi ni Lacson na nag-log in si Etrobel Laborte, dating head executive assistant ni Morales na nagbitiw noong Hulyo, sa video conferencing platform ng Senado ngunit bigla itong umalis at hindi
na sasali sa hearing.

“Nag-log in siya sa hearing, biglang nag-logout. ‘Wag na lang daw. Kung puwede ‘wag na daw siyang makisali,” ani Lacson sa interview sa Teleradyo.

Sinabi ni Lacson na hindi ito unang pagkakataon na biglang nagbago ng isip si Laborte hinggil sa impormasyon na kanyang nalalaman sa scam at corruption sa PhilHealth.

“Nakiusap sa ‘kin na baka puwedeng mag-audience siya sa ‘kin,”  ayon sa senador.

“Ang unang attempt, siya ang excited… Siya ang enthusiastic. Hindi ko nga siya kilala. Siya nag- contact sa amin,”  ayon kay Lacson sa online press conference.

“Last minute, nagpasabi siya na under threat siya kaya hindi na natuloy ‘yung aming meeting,” aniya.

Naniniwala si Lacson na may nagbabantay kay Laborte kaya umayaw sa pagtestigo.

“May event na nag-intervene ibig sabihin… baka yesterday [kaya siya nag logout sa hearing], ganun din,” aniya.

Matatandaan na kasali si Laborte sa shouting match sa executive Zoom meeting ng ahensiya noong nakaraang linggo.

Si Laborte ang tumukoy sa ilang discrepancies sa IT budget ng ahensiya.

Sinabi ni Lacson na malaki ang nawala sa pagdinig sa pag-ayaw ni Laborte sa pagtestigo dahil marami itong alam.

“Unang-una, nagre-research siya. Wala siyang affidavit na sinubmit pero nagbigay lang siya ng dokumento,” giit pa ng mambabatas.

Ayon kay Lacson na base sa dokumentong ibinigay ni Laborte sa Senado na inaprubahan ni Morales ang panukalang bumili ng switches na overpriced ng P3 milyon.

Hindi rin personal na dumalo si nagbitiw na PhilHealth anti-fraud official Thorrson Keith bagkus lumahok sa pamamagitan ng videoconferencing.

Natatakot daw sila kaya kung puwede hindi na pumunta,” ayon kay Lacson.

“Ramdam natin na mayroong harassment… Kaya sila i-harass,” giit pa ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na kanyang kukumbinsihin si Laborte, kasamang nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) na ikonsidera ang kanyang pag-ayaw at dumalo sa Senado.

“May kultura kami sa PMA… may dividing line ang pagiging squealer sa pagtulong sa isang investigation,” paliwanag ng senador.

“Sabi ko sa kanya (Laborte), kung tama ‘yung pinaglalaban mo, hindi squealing ang tawag diyan. Advocacy ‘yan, tumutulong ka,” giit pa niya.

Ayon kay Lacson, kahit puwede nilang i-subpoena si Laborte at ilan pang mga insider na maraming nalalaman sa mafia, hahayaan na lamang nila upang mapanatili ang “goodwill.”

“Ayaw naman namin sila ilagay on the spot. Marami sa kanila takot sa sinasabi nilang mafia dahil easily puwede silang ipatapon, ipasuspinde o kasuhan,” aniya. (ESTONG REYES)

Read More

PILOT POOLED TESTING, SISIMULAN BUKAS

0

MAGSISIMULA na bukas ang  pilot pooled testing sa bansa na gagawin sa Makati City.

Dumaan na kasi sa mga kailangang requirements at pag-apruba ng Philippine Society of Pathologist ang bagay na ito.

Ang paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito sa lima hanggang sampung tao sa kada isang testing kit.

Sa ilalim ng pooled testing, gagamit lamang ng isang test kit sa kada lima hanggang 10 taong kukuhanan ng specimen o samples.

At kapag lumabas na negatibo ang resulta nito, ibig sabihin, negatibo sa infection ang lahat ng lima o sampung tao na kinuhanan ng specimen.

Subalit kapag nagpositibo ang resulta, hahatiin ang bilang ng mga indibidwal na kinuhanan ng samples para muli itong isalang sa test, hanggang matukoy kung sino sa kanila ang talagang
positive.

Sinasabing ang paggamit ng pooled testing ay naglalayong mapataas pa ang testing capacity ng bansa o mas maraming mai-test sa kaunting test kit lang na magagamit. (CHRISTIAN DALE)

Read More